Aielle's P.O.V
“Morning Aielle” bati ko ulit sa sarili ko. Ritwal ko yun ee. Teka
anong oras na ba? 6:30?!! Shocks hindi pa ako nakakapag ayos.. kelangan
magmadali ayokong malate !
Pag dating ko sa school. Whooo tama lang may 5 minutes pa nga ee.
Tapos pagpasok ko sa classroom nakasalubong ko si Demi palabas.
“Morning Aielle” bati nya sakin. Sabi ko sa inyo friendly mga
classmate ko ee.
“Morning din, oh san ka punta magstart na klase diba?” tanong ko.
Nasa may pintuan pa rin kami ng classroom.
“wala daw si Ma’am Policarpio, may sakit kaya walang klase, kaya
mamaya pang 8:15 next class”
Asdfghjkl ! nagmadali ako kasi akala ko late ako tapos wala palang
klase? Hindi na nga ako nakakain ee, badtrip naman.
“oh anyare sayo? Parang nanlambot ka? Ayaw mo ba na walang klase?”
tanong ulit ni Demi.
“ah, hindi nagmadali kasi ako kasi akala ko late na ko. Pala walang
klase.” Sagot ko tas natawa lang siya.
“sige, pumasok ka na. punta lang ako sa canteen” sagot nya.
“sige”
Pagpasok ko..
“Aielle !!!!” si Mae at Ixsha. Duet pa sila.
“hoy Mae at Ixsha ang ingay aa” sita ni Aiesha.
“ay sorry” sabay ulit nilang sabi.
“ay kelangan duet? Kanatahan to mga te?” pambabara ni Aiesha.
kulit talaga ng mga to.
“tara canteen tayo?” yaya ni Ixsha.
“kapapasok palang ni Aielle, yaya agad sa canteen? Di mo man lang
hinyaang makaupo?”
“mas hassle naman yun kung pakaupo nya tatayo ulit siya dahil
niyaya ko diba?” -Ixsha
“hindi okay lang Mae, sige tara hindi pa din kasi ako
nagbbreakfast ee”
So ayun nga pumunta kaming tatlo sa canteen. Niyaya naming sina
Hikari At Bea kaso ayun busy ee. Si Hikari busy sa pang aaway kay Renji.
Kinukulit kasi siya ni Renji. Tapos si Bea naman, ayun kasama si Kenji,
nagpapatulong ata tong si Kenji kay Bea tungkol sa isang subject na di nya
magets.
Sa Canteen ..
Bumili na kami ng pagkain naming tapos umupo na kami sa table. Si
Mae, bumili ng sandwich, si Ixsha, bumili ng cup noodles, tapos ako bumili na
lang ako ng spaghetti.
“hoy ixsha, sumosobra ka na ah” -Mae
“Ha? Ginawa ko sayo?” -Ixsha
“Noodles ka na naman.” -Mae
“Masarap ee” -Ixsha
“ui, Ixsha masama daw yung pagkain ng Noodles” sabat ko naman
“naku, Aielle, ilang milyong beses ko na pinagsabihan yan ayaw
makinig.” -Mae
“oo na sige na.” - Ixsha.
“Nga pala kamusta na kayo ni Justin?” tanong ko.
“teka alam mo din yung kay
Justin?” tanong ni Mae.
“ou, hehe” sagot ko naman.
“ang bilis naman naidaldal sayo yan ng lokaret na to, pero sabagay
di na ko nagtataka, alam naman ng lahat,” sagot nya sabay kagat sa sandwich
nya.
“alam ng lahat ??” tanong ko ulit.
“oo, alam naman ng lahat si Justin lang hindi ang manhid ee. Haii”
sagot ni Ixsha kahit panay subo parin ng noodles.
“Magkwento ka naman tungkol sayo Ixsha” yaya ko, parang ang
interesting kasi ng story nitong babaeng to. Katatapos lang din nyang kumain ng
noodles.
“Ano naman ikekwento ko?” tanong naman nito habang nakapout.
“Ay bingi? Bingi lang Ixsha?? Tungkol nga sayo ee.. shunga lang?
kwento mo yung pusa nyo, yung aso nyo… hahaha” sabay tawa bigla ni Mae. Praning
din to ee. Parehos sila ni Ixsha. Ako lang yata medyo matino haha.
“ano nga bang magandang ikwento?” bulong ni Ixsha pero dahil naka
high volume tong babaeng to parang hindi bulong, parang normal na pagsasalita
lang nya.
“edi yung tungkol kay Justin at sayo. Diba yun naman favourite
topic mo ?” suggest ni Mae.
[N/A]: next chapter po ay P.O.V naman ni Ixsha. yung ixsha po na nasa story ay ako talaga. hahah .. ee gusto kong umepal sa story ko. di naman bawal diba ? hahahah ..
Akin si Kenji! XD HAHAHA Walang aagaw sa kanya ha! Akin lang siya!
ReplyDeletehahahaha XD yung totoo bhe.bhe?? hahahahaha XD laks tama mo aa hahahaha
ReplyDeletehahaha .. :))) wag na kokontra sumbong kita sa tutubi..
ReplyDelete