Aielle’s P.O.V
Hay anong oras na ba? Teka baka late na ko? Unti unti kong minulat
ang mga mata ko. Teka bakit blue na yung kulay ng kwarto ko? Asan ba yung
salamin ko. Kinapakapa ko sa side table.. ayun eto pala. Sinuot ko at .. at
teka hindi ko kwarto to ?!! asan ako? Ano bang .. teka biglang nagflashback sa
utak ko yung tatlong lalaki na humarang sa akin. Hindi kaya ? kelangan kong
makatakas. Pero pano pag nahuli ako? Tapos may nakita kong plastic na baseball
bat sa loob ng kwarto. Pwede na to.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Lalabas
na dapat ako. Kaso naisip ko diba kung halimbawa kinidnap ako edi may mga
bantay panigurado sa pintuan tapos baka pagnahuli ako pahirapan ako lalo. Tama
dapat dun ako sa likod ng bahay dadaan. Yun yung nakikita ko sa mga movies na
pinapanuod ko ee. Pero teka hindi naman to movie ee. Totoong buhay to Aielle.
Hay bahala na nga. Dahan dahan akong pumunta sa may kusina. Baka may daan dun
palabas. Malay mo lang naman. Kaso may lalaking nakatalikod tama pagkakataon ko
na hahampasin ko siya ..
“YAAAAAAA!!”
<tok>
“aray !!! ano bang problema mo?” tapos bigla siyang humarap..
O.O
OoO
“i-ikaw? A-anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Bakit andito
ako?” tama ba tong nakikita ko? Si Adrian andito? Paano.
“andito ako kasi bahay ko to okay ! at nandito ka kasi dinala kita
dito dahil nawalan ka ng malay nung sikmuraan ka nung mga lalaki dyan sa labas. Tabi nga.” Paliwanag
nya tapos kumuha siya ng mainit na tubig at nilagay nya sa cup noodles nya.
“ah.. ganun ba? Sorry hindi ko kasi alam. Hmm salamat nga pa--”
“kung nagugutom ka magluto ka. May pagkain dyan sa cabinet kaw na
bahala.”Tapos bigla siyang lumabas sa kusina at nagpunta sa living room. Dun
siya kumain habang nanunod.
Binuksan ko yung cabinet. Puro instant food. tapos binuksan ko
yung ref. magluluto na lang ako ng adobo. Dadamihan ko na mukhang puro instant
ang niluluto nitong lalaking to ee.
Buti na lang marunong akong magluto. Bata palang kasi ako tinuruan
na ako ni mama at ni papa magluto.
“hoy anu yang niluluto mo?”
“ay kabayong palaka !” grabe nakakagulat naman to. “ah adobo. Eto
oh tamang tama luto na. tikman mo”
Tapos biglang kumunot yung noo nya. “bakit ka nagluto nyan?”
“di ba sabi mo magluto ako kung nagugutom ako.”
“pero may mga instant jan, hay bahala na nga naluto mo na ee.”
“masarap naman yan ee, tikman mo na.” tapos tinikman nya.
“ano? Okay lang ba?” di ko kasi mabasa sa mukha nya kung nasarapan
ba siya o hindi.
Tapos bigla siyang kumuha ng dalawang plato, nilagyan nya na
kanin. “oh kumain ka na din kaw nagluto nyan ee.”
Kakain ulit siya ? ibig sabihin nasarapan siya !
Habang kumakain kami sobrang tahimik kaya nagsalita na ako.
“Adrian?”
“oh” sagot nya pero kumakain pa din siya at hindi siya tumingin
man lang sa akin.
“suplado ka ba talaga?” bigla na lang lumabas yun sa bibig ko.
Teka bakit ko ba natanung yun, di kaya siya magalit?
Bigla siyang natigilan. Tapos diretsong tumingin sa akin. “ah..
wag mo na lang sagutin yung ta--“
“ako?
Suplado? Hindi ako suplado.” Sagot nya.
“kasi sabi sa school suplado ka daw ee, pero parang hindi naman
nga.”
“hindi ako suplado di lang talaga nila ako kilala, at wala akong
balak kilalanin nila. Puro ka naman tanong kumain ka na lang”
Hmm. Sabagay di naman siya suplado sa akin, medyo parang
misteryoso lang siya. Parang ayaw lang nyang makipagkaibigan. Basta hirap
iexplain.
Pagkatapos naming kumain tinanong nya kung saan ako nakatira.
“ Dreamvillage Blk. 6 Lt. 6” sagot ko sa kanya.
“ah. Okay. Umuwi ka na” teka hindi man lang nya ba ako sasamahan?
“hindi mob a ako.. di mo ba ko pwedeng samahan?”
Bigla siyang naggrin. “hindi.”
Edi hindi. Tumalikod na ako at palabas n asana kaso bigla siyang
nagsalita. “ hindi kasi paglabas mo. Lakad ka lang konti. Bahay nyo na.”
i-ibig sabihin kapitbahay ko lang siya. Lumabas na nga agad ako
para tingnan. Oo nga magkapit bahay lang kami. Nice naman. Teka anong nice dun?
Hay Aielle pagod at antok ka lang siguro kaya ka nagkakaganyan, matulog ka na
nga.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^