Tuesday, April 30, 2013

That Girl Change Me : Chapter 4






Adrian's P.O.V


As usual cutting na naman ako. Katamad kaya sa school. Pero ayos lang naman kahit magcutting ako kasi nakakapasa parin naman ako, hindi dahil sa may malaking shares kami sa school, matalino rin naman ako no. hindi lang ako puro computer pag exam naman nagaaral ako.


Naalala ko tuloy kanina bago ako magcutting.




<Flashback>


“sorry? Anung magagawa ng sorry mo? Nabasa na ako at natapunan na ako ?” si Lizelle na naman panigurado yung nagtatatalak na yun. Sakit sa tenga. At tama nga ako, nakita ko siya sa may canteen may itinulak pa nga siyang babae ee.

Tapos nakita ko siyang napatid because of something . natawa tuloy ako bigla ang bilis talaga ng karma. 


“talagang sinusubukan mo ako ah. Ngayon pinatid mo pa ako?” sigaw nya dun sa babae.


“hindi kita pinatid talagang natalisod ka lang” sagot naman nung babae.

“ah ganun, then take this.” Sasampalin nya dapat yung babae, buti na lang nahawakan ko yung kamay nya. Sobra na din kasi tong babaeng to lahat na inaaway. Buti na lang kahit hindi ko masyadong gusto ang mga babae, marunong pa rin akong rumespeto at maawa.

Tumingin sakin yung babae. Kaya napatingin din ako. Pero saglit lang. binaling ko na agad yung atensyon ko kay Lizelle.  “stop it Lizelle, nambubully ka na naman? Tss.” Tapos binitawan ko na yung kamay nya.

“siya kasi ee. Im sorry hindi na.” sagot nya sa akin.

“whatever Lizelle, wag ka saking magsorry sa kanya. Tss.” Tapos umalis na ako.

Narinig ko pa yung sinabi nya. “fine im sorry, kainis naman mukhang nagalit na naman sakin si Adrian ko.” Adrian ko? Kelan pa ako naging sa kanya.

Kaya ayaw ko sa mga babae masyadong complicated ang buhay nila. Hindi naman sa ayaw ko talaga. Hindi ko lang gusto yung ugali ng karamihan ng mga babae, yung nagger, yung sobrang ang arte, meron naman painosente effect pero ang totoo over kung makaarte. Isa pa ayoko ng babaeng manggamit, manloloko at paasa. Basta.

<End of Flashback>

Hay nagugutom na ako. Mabuti pa makauwi na. kakain na muna ako.
Pauwi na ako. Kaso may narinig akong sigaw ng babae. Nakita ko yung tatlong lalaki na muhang pinagttripan yung babae ang masama pa nito sinuntok nung isang lalaki yung babae sa tyan kaya nawalang ng malay. Hindi na talaga maganda to, mukhang nanganganib yung babae.

“hoy bitawan nyo nga sya!” sigaw ko sa kanila.

“oh Adrian pare, andito ka pala.” Namumukhaan ko tong lalaking to minsan ko nang nakalaro ng dota ko ee.

“wag mo nga akong matawag tawag na pare. Close ba tayo?” maangas kong sabi sa kaniya.

“aba pare ang angas pala nito oh,.” Sabi nung medyo chubby.

“teka nga Adrian. Ano bang pakialam mo dito?”

“bitawan nyo yang babae.” Sagot ko.

“eh pano kung ayaw ko?” tanong nya.

“di wag, pero tanggapin mo to” tapos sinuntok ko siya ng malakas sa mukha kaya napaupo siya. Tumayo aman siya agad.

“anak ng! ang angas mo na pakialamero ka pa!” tapos sinugod nya ako. Susuntukin nya din ako dapat kaso nasuntok ko siya sa sikmura kaya napahiga ulit siya. Tapos sumugod na yung isa pang lalaki. Kaso nakailag ako kaya nasuntok ko pa siya ng ilang beses. Nung pagod na yung dalawa, binitawan na nung chubby na lalaki yung babae at siya naman yung sumugod sa akin, kaso tulad nung nauna wala din siyang binatbat. Hanggang sa nagtakbuhan na lang sila palayo. Pero narinig ko pang sumigaw sila “Adrian Cortes di pa tayo tapos ! babalikan ka namin!”  tss. Para naman matatakot ako sa banta nila.



Nilapitan ko agad yung babae. Hinawi ko yung buhok sa may mukha nya. Teka, eto yung transferee kanina, eto din yung nakaaway ni Lizelle. Habulin ba talaga ng gulo ang babaeng to? “miss, miss” gising ko sa kanya habang tinatapik yung mukha nya pero wala ee. Wala talagang malay. No choice hindi ko naman alam kung san siya nakatira kaya dinala ko na lang siya sa bahay, tutal wala naman dun sina mama at papa. Nasa business trip.

Hiniga ko siya sa kama ko. Tapos tinanggal ko yung salamin nya. Ang amo pala ng mukha nya pag walang salamin.  Tapos ang taba ng pisngi nya nakakatuwa. Teka nga ano ba tong pinagiisip ko. Tss gutom nga pala ako. Baka gutom lang to. Mabuti pa kumain na muna ako. May cup noodles pa sana sa cabinet. Di ako marunong magluto ee.

2 comments:

  1. wow! bakit ang lalaki ng font niyan? XD
    edit ko beb ha! ^___^

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay po. sori. natotopak kasi tong computer sa shop. di ko mapaliit ee.. thnaks po :)

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^