CHAPTER
63
( Princess’ POV )
Nandito na naman siya sa arcade. Hindi na siya
mag-isa. Kasama niya si Justine. O mas tamang nakasunod sa kaniya. Pagkatapos
nilang kumain kanina, na ito ang nagpilit na magbayad, ay hindi na sila
nag-usap. Para silang magkasama na hindi magkakilala.
Hawak
na naman niya ang shotgun at bumabaril ng mga terrorists na nasa loob ng video
game. Hindi niya naubos ang token niya kaya uubusin niya iyon ngayon. Gusto
niyang mapagod para pag-uwi niya ng bahay, makakatulog agad siya.
Ito
na naman siya. Bumabalik na naman siya sa dating siya. Sa dating siya na pilit
na iniiwasan ang katotohanan. Pinilit na iniiwasan ang sakit na mararamdaman
niya.
Ano
namang gagawin niya? Magpakalunod sa iyak?
“Princess.”
May
tumapik sa braso niya. Napakurap siya. Napahawak siya sa pisngi niya ng
maramdaman niyang parang basa ‘yon. Umiiyak siya. Umiiyak na naman siya.
Mabilis niyang pinahid ‘yon.
“May magandang comedy
movie ngayon. Parang ang sarap tumawa.” narinig niyang sabi ni
Justine.
Yun
ang kailangan niya. Tumawa. Walang salitang lumabas siya ng arcade. Nakasunod
pa rin sa kaniya si Justine. Inunahan pa nga siya nitong maglakad. Ng mabilis. Hindi
niya alam kung uuwi na ito o ano. Hindi na niya ito makita. Basta ang punta
niya, sa movie theater.
Pagdating
niya do’n, lumapit siya sa ticket booth. Pero may humarang na agad sa kaniya.
Si Justine. May hawak na itong ticket. Hindi lang ticket, may dalawang popcorn
na malaki at dalawang softdrinks.
“Pakitulungan naman
ako.” nakangiting sabi nito.
Napailing
siya. “Hindi
ko maintindihan kung bakit ginagawa mo ‘to.”
“Mahuhulog na ‘tong
popcorn. Bilis.”
Napilitan
siyang kunin ang dalawang popcorn na hawak nito.
“Let’s go.”
Nauna na ito sa kaniya. Napasunod na lang siya dito.
*
* * * * * * *
( Aeroll’s POV )
“Hapon na! Gising na!”
Naalimpungatan siya sa malakas boses na ‘yon. Kasunod no’n ay may naramdaman
siyang humihila sa paa niya. Nagtakip siya ng unan. “Hoy! Gising!”
“Harold, hintayin na
lang natin siyang magising.”
“Kung hihintayin nating
magising ‘yan, bukas pa ‘yon.”
“Nakakahiya naman kay
Tita Amanda. Nambubulabog tayo ng tulog.”
“Don’t worry, honey.
Lagi ko ‘tong ginagawa kay Aeroll. Sanay na sakin si Tita.” Kasunod no’n ay
humampas na unan sa hita niya. “Gising!”
Tuluyan
na siyang nagising. “Ano ba!” Binalibag niya ang unan pabalik
dito. Pero nagtago ito sa likod ni Cath. Si Cath ang tinamaan.
“Sorry...”
Biglang siyang napabangon para lang mapahiga uli ng kumirot ang ulo niya.
“Ayan ang napapala ng
mga matatakaw sa alak. Inom pa insan.”
“Shut up...”
Tinawanan
lang siya ni Harold.
“Harold, isa.”
saway dito ni Cath.
Dahan-dahan
siyang bumangon. “Ano bang ginagawa ninyong dalawa dito? Inaantok pa ko...”
“Tatlong oras ka na daw
tulog sabi ni Tita Helen.” sagot ni Harold.
“Hindi ‘yan ang
tinatanong ko.” Ipinatong niya ang ulo niya sa tuhod niya.
“Narinig ko ang mga
sinabi mo kay Princess bago ka umalis kagabi.”
Si Cath ang nagsalita.
Napaungol
siya. “Cath
please... ayokong pag-usapan ‘yan.”
“Pero, Aeroll—”
“Pwede na kayong
umalis.”
“Deretsuhin mo na kasi,
honey si insan ng hindi na makapag-react.”
“Same college kami ni
Princess, different course. First year. Naging classmate niya si Chariz sa
isang minor subject. They became friends. Binalaan ko na siya nung una na hindi
ko gusto si Chariz. Pero ng mga panahong ‘yon, emotionally, mahina si Princess.
Halos kamamatay lang ng mama niya. Second sem, nakilala niya si Peter, ang
first boyfriend niya. Naging magkabigan sila. Two months after, niligawan siya
ni Peter. Halos four months siyang niligawan ni Peter. Napansin ko na no’n, ang
mga tingin ni Chariz kay Peter. Pero sinarili ko muna ‘yon.”
“Second year, second
sem. Do’n na nagsimula ang lahat. Lantarang inakit ni Chariz si Peter in front
of Princess. To the point na may pinakita pa siyang video kay Princess, video
na kahalikan niya si Peter. Tinatakot niya si Princess. Kung anu-anong paninira
ang sinabi niya kay Peter laban sa kaibigan ko. She’s insane. Baliw lang ang
gagawa ng mga ginagawa niya. Alam mo bang muntik na niyang sagasaan ang
bestfriend ko no’n? Buti at nakaiwas si bhest, yun nga lang sa putikan siya
napaupo. Maalala ko lang talaga siya, nabibwisit na ko!”
“Kitang-kita ko no’n ng
sugudin niya si Princess. Kung anu-anong masasama ang sinabi niya sa bestfriend
ko. Edi nakatikim siya ng sampal kay bhest. At ‘yon ang naabutan ni Peter. Mas
pinaniwalaan niya si Chariz. End of story.”
“About James, medyo
mahabang kwento, eh. Alam mo naman yung ginawa niya sa kaibigan ko nung
makipaghiwalay siya diba? Kay Princess mo na lang itanong kung anong nangyari.
Ang masasabi ko lang, totoong naghiwalay na sila. Napilitan lang si Princess na
magpanggap na sila pa ni James because of Tito Eric, James’ father. May masakit
sa puso si Tito Eric. Close si Tito kay Princess na parang anak na niya ito.
Halos katatapos lang atakihn ni Tito, at yun ang iniiwasan ni Princess na
mangyari uli dahil parang ama na ang turing kay Tito. Kaya napilitan siyang
pumayag kay James na wag muna nilang sabihin na hiwalay sila. In short, in
front of James family, they should act like they were still together. Ang alam
ko, after Tito Eric’s birthday, balak na nilang sabihin. End of story.”
“Ewan ko kung anong
sinabi sa’yo ng Chariz na ‘yon. Bahala ka kung sino ang gusto mong paniwalaan.
Pero Aeroll, kilala mo si Princess. Hindi mahalaga dito kung matagal mo na
siyang kilala o hindi. Isipin mo na lang yung mga araw na magkasama kayo sa
Romblon. She’s not fake. Mas ako ang nakakaalam no’n dahil bata pa lang kami,
kilala ko na siya. Mahal ka ng kaibigan ko. Kung hindi man niya nasabi sa’yo
‘yon, may dahilan siya. Alam kong nasaktan ka sa nakita mo. Pero sana lang
hinayaan mo siyang magpaliwanag.”
“Nagselos nga kasi si
pinsan. Kung ako din ‘yon—”
“Anong gagawin mo?”
“Syempre, hahayaan
kitang magpaliwanag, honey. Paano kung ikaw naman si Aeroll?”
“Hahagisan kita ng
granada.”
“Ouch naman!”
“Ang arte mo naman!
Samahan mo na nga lang ako sa baba. Nauhaw ako bigla sa haba ng sinabi ko.”
“Honey, wala bang replay
‘yon?”
“Suntok? Gusto mo?”
“Kiss na lang.”
Hanggang
sa makalabas ang dalawa ay nakayuko lang siya. Ni wala siyang sinabi. Kahit
kumikirot ang ulo niya, pumasok sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Cath.
Bumalik
sa alaala niya ang mga araw na magkasama sila ni Princess nung nasa Romblon pa
sila. Lahat ng nangyari sa nakalipas na araw.
“Shit!”
Inis na sinabunutan niya ang buhok niya. “Napakatanga ko talaga!”
Naalala
niya ang mukha nito kanina ng magkita sila sa ospital ng maabutan niya ito at
si Chariz. Ang expression ng mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni
Chariz. Ngayon lang niya napansin, parang may isinuko ito na kung ano. Hindi
niya inintindi ‘yon kanina.
He
gritted his teeth. Naiinis siya sa sarili niya. Napahawak siya sa ulo niya. Mas
lalong sumasakit ‘yon. Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame nang biglang
bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Si Cath, kasunod nito si Harold. “Aeroll! Si
Princess!”
*
* * * * * * *
( Princess’ POV )
Tapos na siyang manood ng movie. Sila pala ni
Justine.
“Gusto ko ng umuwi.”
sabi niya.
Gusto
na niyang umuwi at matulog. Ilang oras din siyang nandito sa mall simula pa
kanina. Baka nagugutom na si Miming. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan.
Comedy nga yung pinanood niya, pero parang sinasadyang may eksena na katulad ng
nangyari sa kanila ni Chariz at Aeroll kanina. In a comedy way nga lang. Kaya
sa halip tawa lang ang gawin niya, tumatawa siya habang umiiyak.
“Ako din. Gusto ko ng
umuwi.” sabi ni Justine.
Napalingon
siya dito. “Saan?”
Ngumiti
lang ito. Pero hindi na sumagot.
Tahimik
na silang naglakad ni Justine. Hanggang sa makarating sila ng parking lot.
Huminto siya at nilingon ito. Para lang mapatingin sa bandang likuran nito.
Kumunot ang noo niya. “Hunter?”
May
kamay na yumagayway sa harap ng mukha niya. Napatingin siya kay Justine.
Lumingon uli siya sa likuran nito. Napalingon din ito sa tinitingnan niya. Wala
na si Hunter. Wala o talaga namang wala?
Ano ka ba naman, Princess! Kung
sino-sino ang nakikita mo na hindi na naman dapat. [other self]
“Sinong tinitingnan mo?”
Napalingon
siya kay Justine. Tumikhim siya. “Wala. Nga pala. Sorry kung nasungitan kita kanina. Ano lang
kasi...”
Itinaas
nito ang kamay nito para patigilin siya. “Umuwi ka na.”
Tumango
siya. “Okay.
Ingat ka.” Humakbang na siya palapit ng kotse niya. Nang tila may
nakalimutan siya.
Magpa-salamat ka kapag may ginawang
mabuti sa’yo ang ibang tao.
Natutunan
niya kay Aeroll ‘yon. Kinagat niya ang labi niya. Si Aeroll.. Huminga siya ng
malalim bago uli harapin si Justine. Pero bago pa siya makaharap ay may tumulak
na sa kaniya. Kasunod no’n ay may narinig siyang putok ng baril. Dalawang
magkasunod na putok ng baril. Napapikit siya at napatakip siya sa tenga niya.
“A-ano... ‘yon?”
Kasunod
no’n ay may narinig siyang tunog ng sasakyan hanggang sa mawala ‘yon sa
pandinig niya. Saka lang niya napansing may taong halos nakapatong sa kaniya.
Idinilat niya ang mata niya. Mukha ni Justine ang tumambad sa kaniya. Pero
hindi ito nakatingin sa kaniya. Kaya pala hindi niya naramdamang nauntog ang
ulo niya kanina at may mabigat na pumatong sa kaniya.
“J-justine...”
Nanginginig ang boses niya.
Nilingon
siya nito. At nanibago siya. Ang mga mata nito. Ang talim. Nawala na rin ang
ngiti nito. Sobrang seryoso ng mukha nito na parang hindi ito ang Justine na
nakasama niya kanina at ang Justine nang una niya itong makita.
Tinulungan
siya nitong tumayo. Napakapit siya sa braso nito dahil nanginginig ang tuhod
niya. “A-anong
nangyari? A-ano ‘yon?”
Lumingon
ito. Sa likuran niya. Napalingon din siya. At nakita niya ang kotse niyang basag
ang salamin sa gawi ng driver seat. Napalunok siya. Ang lakas ng kabog ng
dibdib niya.
Nilingon
niya si Justine. “May gusto bang...” Parang ayaw niyang sabihin ang nasa
isip niya. Na may gustong bumaril sa kaniya?
*
* * * * * * *
Nandito sila ni Justine sa police station para
magbigay ng statement. May dumating na mga security guard kanina sa parking
lot. Pagkatapos no’n ay may dumating na pulis. Pinatawag ng management ng mall.
Tahimik
lang siyang nakaupo. Habang si Justine, kausap ng pulis. Nabigay na niya ang
statement niya. Pero wala naman siyang masabi dahil wala siyang nakita.
“They were just
teenagers. I saw one of them.” Napalingon siya kay
Justine. “They
were in drugs, I think. Kaya nila nagawa ang bagay kanina. Nagkataon lang na
siguro na kami ng kasama ko ang nasa parking lot ng mall. At nagkataon pang
nakita ko ang gagawin nila. Kung hindi ko nakita, malamang imbis na dito sa
police station ang bagsak namin, sa ospital o sa morge.”
Pinagsiklop
niya ang mga kamay niya. Do’n siya tumingin. Teenagers lang ba talaga ‘yon?
Bakit parang iba ang kutob niya? Pero mas gugustuhin pa niyang paniwalaan ang
sinabi ni Justine kesa ang nasa isip niya na mero’ng gustong bumaril sa kaniya.
Nagtayuan ang balahibo niya.
Katatapos
lang ng nangyari sa kanila ni Aeroll kanina, tapos nangyari pa ‘to? Bakit ba
ang malas niya? Paano kung wala si Justine kanina? Paano na siya? Paano kung
hindi niya ito kasama? Kung hindi sa ospital, baka sa morge ang kahinatnatan
niya. Wala pa siyang balak mamatay. Hindi naman siya gustong mamatay para
makalimutan ang sakit na nararamdaman niya ngayon, eh.
Dapat
kasi umuwi na lang siya. Dapat kasi do’n na lang siya nagmukmok. Dapat kasi...
Pumatak ang luha niya sa kamay niya. Napapikit siya.
Aeroll...
“Princess!”
Pumatak
na naman ang luha niya. Bakit ba
naririnig ko ang boses mo, Aeroll? Bakit ba kasi si Chariz ang pinaniwalaan mo?
Paano naman ako? Bakit ba nangyayari sakin ‘to? Karma ko naman ba ‘to? Bakit ba—
“Princess!” Someone
held her hand that was on her lap. Tumingin siya sa taong ‘yon. Nakatingkayad
ito sa harap niya. He held her face. He looked in her eyes. “Okay ka lang
ba?” He looked so very worried. Mukha pa nga itong walang tulog.
“Aeroll...”
Naghahalucinate na naman ba siya? Niyakap niya ito to make sure na totoo itong
nasa harap niya. Na hindi siya naghahalucinate lang.
When
he hugged her back. Do’n niya napatunayan na totoo ngang nandito ito. Tuluyan
na siyang napaiyak.
“Shhh...”
Hinagod nito ang likod niya. “Nandito na ko.”
Hinigpitan
niya ang yakap dito. Nandito na nga ito. And she feels safe.
*
* *
nagtatampo ang author nito, bakit daw parang wala nang nagbabasa nito. MAG-COMMENT KAYO kung binabasa niyo 'to kung hindi ipa-private na namin itong blog. hehehe~ peace! ^^v
ReplyDeleteanyway, ito din yung 1st 10 chapters pa lang ang nababasa ko dito... siguro pag finish na saka ko ulit sisimulan basahin ito...
kelan nga ba ito matatapos beb?
hahaha, tampururot ako!
DeleteBago mag-June tapos na 'to sis. :)
tamang-tama! bday ko sa june ha!
DeleteWaah! Talaga? Advance sis! Muah!
DeleteBat tayong mga authors dito sa blog halos sunod-sunod lang ng bday? ^_________^
haLa bdAy mU n atEy aeGyo s juNe,,, adVance pO,,, at tsAka keLan ang exAct dAte,,,
DeletenaiiNis aq kEi aErOLL perO sNa matAuhaN n tLgA xAh,,, ay naKu,,, ayUsiN mo n yAng seNyo ni pRincEss dHiL kuNg hindi ipagSasAma q n tLga kaU ng chAriz n uN s hukAy,,,
Deletenagugustuhan ko na talaga si justine!! gosh!!! sya na ang peg ko rather than james! hahaha..
ReplyDeletepwede na talagan maging reporter si cath! mali ata ang propesyon na kinuha nya.. hihi
lokong mga bata yun ah! pero hmmmn.. there's more than meets the eye..