CHAPTER
64
( Princess’ POV )
Hindi niya alam kung paano nalaman ni Aeroll na
nandito siya at kung anong nangyari sa kaniya kanina. What matters was he’s
here. Nandito ito at yakap siya. Dahan-dahang humiwalay ito sa kaniya. Tinitigan
nito ang mga mata niya. “I’m sorry.” He wiped away her tears.
When
he said those two words, parang maiiyak na naman siya. Kung hindi lang may
tumikhim sa gilid niya. Sabay silang napalingon ni Aeroll.
Nagsalubong
ang kilay ni Aeroll. Tumayo ito. “James.” Tumayo na rin siya sa pagkakaupo.
“I’m not James.”
“He’s not James.”
Sabay
nilang sagot ni Justine.
“What?” nakakunot-noong
tanong ni Aeroll.
I
sighed. “Twin
brother siya ni James.” paliwanag niya.
Tinitigang
mabuti ni Aeroll si Justine. Tinampal nito ang noo nito. Nasabi na niya ditong
may kakambal si James. Pero mukhang nakalimutan nito. “Siya yung nakita kong kasama mo sa mall
kanina?”
“Nakita mo?”
Sinundan ba siya nito kanina?
Hindi
na ito nakasagot dahil may sumulpot sa gilid niya at niyakap siya. “Bhest! Okay ka
lang?” Si Cath. Kasama nito si Harold. Ngayon, alam na niya kung
bakit nalaman ni Aeroll na nandito siya. Tinawagan niya ito kanina para
sabihing nandito siya sa police station. Humiwalay ito sa kaniya. Napalingon
ito kay Justine. “Kasama mo siya?” gulat na tanong nito. Alam nitong may
kakambal si Justine. Mas nagulat ito na kasama niya ito ngayon. Hindi naman
niya nasabi kanina ang nangyari. Basta ang sabi niya puntahan siya dito sa
police station dahil may nangyari.
Napalingon
siya kay Justine. “Ano kasi...” Parang ang daming nangyari
ngayong araw kaya hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.
“Sa bahay na natin
pag-usapan ‘yan.” singit ni Aeroll. Lumapit ito sa pulis na
kausap nila at tinanong kung anong nangyari kanina. She saw how his face
tightened ng sabihin ng pulis na may bumaril sa kanila ni Justine. Maging sina
Cath at Harold din, nag-alala.
“Do everything you can
to catch them. They were teenagers. Right. Pero hindi ko pwedeng palagpasin ang
ginawa nila. Magsasampa kami ng kaso.” seryosong sabi Aeroll.
“Yes, sir.”
Lumapit
si Aeroll sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya. Kahit hindi ito magtanong,
alam niya ang nasa isip nito. “Okay lang ako.” Okay na siya dahil nandito na
ito. Mukhang
ito nga ang hindi okay sa itsura nito. Mukha itong puyat. At walang tulog.
“You’re not.”
Tiningnan nito si Justine. “Thanks for saving her.”
“Mas okay sana kung
titingnan mo ako ng deretso sa mata.” Hindi sumagot si Aeroll. “Oh! I get it.
Nakikita mo si James sakin. Lagi namang gano’n ang nangyayari, eh.” Nang
tingnan niya si Justine. Bumalik ang expression sa mukha nito ng una niya itong
makita. Ang happy go lucky na si Justine. “Mukhang tapos na rin ang misyon ko dito kaya mauuna na
ko sa inyo. See you around, guys.” Umalis na ito.
“Umuwi na rin tayo.”
sabi ni Harold. “Nagugutom
na ko.”
“Harold, alam mo
namang...”
Napakamot
ng ulo si Harold ng sawayin ito ni Cath. Hinila na ito palabas ng kaibigan
niya.
“Princess.”
Napalingon siya kay Aeroll. “Let’s go.”
“Aeroll, about what you
saw—”
Using
his othe free hand, he touched his face. “When we get home. Okay?”
Tumango
siya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya bago siya akayin nito
palabas.
“Where’s your car?”
tanong nito ng makalabas na sila ng police station.
“Nasa parking lot ng
mall.”
She
heard him sighed. “Kung nando’n lang sana ako. If only I allow you to
explain your side. If only...” Huminto ito. At tiningnan siya.
Hinaplos nito ang pisngi niya. “I will never forgive myself kung may masamang nangyari
sa’yo.”
Hinawakan
niya ang kamay nitong nasa pisngi niya. “Walang nangyari sakin.”
Hindi
ito sumagot. Pinagmasdan lang nito ang mukha niya. Slowly, he enveloped her
with his arms. “I’m
sorry.” They stayed that way until someone called them. Si Harold.
“Hey! Mamaya na ‘yan!
Nasa harap kayo ng police station!”
“Pakialemero ka talaga.”
kontra ni Cath dito.
Humiwalay
sa kaniya si Aeroll.
“Honey naman. May galit
ka sakin noh? Ikaw talaga. Love na love mo ko.”
“Ang dami mong alam.”
Hinila na ito ni Cath papasok ng kotse.
Inakay
na din siya ni Aeroll ng matanaw niya si Justine na pasakay na ng kotse nito.
“Wait lang, Aeroll.”
“Bakit?”
“May sasabihin lang ako
kay Justine.”
Napalingon
din ito kay Justine. “Okay. I’ll wait you here.”
“Hintayin mo na lang ako
sa kotse.”
“Dito ako maghihintay.”
“Okay. Saglit lang ‘to.”
Patakbong lumapit siya kay Justine bago pa ito tuluyang makaalis. ”Justine!”
Napalingon ito sa kaniya.
“Ano ‘yon, miss ganda?” tanong
nito ng makalapit siya.
“I know na hindi ka
masamang tao. You are what you are. And I want to thank you for saving me again.
Thank you, superman.”
Matagal
bago ito sumagot. At nakita niya, habang nakatingin siya dito. Bumalik ang
Justine na nakasama niya kanina pagkatapos nilang kumain sa restaurant. “Your welcome,
Princess. Mag-iingat ka sa susunod. Busy din si superman minsan. Busy sa mga
chicks niya.” Ngumiti ito bago pumasok ng kotse nito.
Nagtataka
man siya sa ugali nitong pabago-bago. Pero sa ilang oras na nakasama niya ito.
Nakilala niya ang totoong Justine. Ang Justine na nakasama niya kanina.
*
* * * * * * *
“Matulog ka na.”
Hinawakan ni Aeroll ang balikat niya at pilit siyang pinahiga sa kama niya.
“Mag-usap muna tayo.”
Bumangon ulit siya. Umupo siya sa kama.
“Tomorrow. Sa ngayon,
take a rest.” Pinahiga ulit siya nito.
“Ang sabi mo, when we
get home. Nasa bahay na tayo.” Bumangon uli siya. “Nakapagpahinga
na ko kanina.”
Napakamot
ito ng ulo. Kanina pa kasi sila paulit-ulit nito sa ginagawa nila. Pagdating
nila sa bahay niya. Matapos niyang makapagpahinga ng kaunti ay naligo siya.
Pagkatapos niyang maligo, may nakahanda nang pagkain. Pagkatapos nilang kumain,
ay pinaakyat na siya nito sa kwarto niya. Binuhat pa nga siya nito dahil
tumanggi siyang matutulog siya. Gusto na niyang makausap ito ng tungkol sa mga
nangyari kagabi sa party.
Nilingon
ni Aeroll sina Harold at Cath na nakatayo sa paanan ng kama niya. “Ano bang
gagawin ko dito?”
“Saksakan mo ng sleeping
pills, insan.” Harold suggested.
“Ikaw kaya ang saksakan
ko?”
“Ito naman, binibiro
lang.” Inakbayan nito si Cath. “Ano daw ang gagawin natin sa bestfriend mo,
honey?”
Tinitigan
siya ni Cath. Tinitigan din niya ito. “Fine.” Maya-maya ay sabi nito. “Pagkatapos ninyong
mag-usap. Matulog ka na. You need to rest, okay?”
Nakangiting
tumango siya.
“Ano kaya ‘yon? Nag-usap
ba kayo sa isip, honey?”
“Oo. Magaling kasi akong
magbasa ng isip. Katulad mo. Lagi kong nababasa ang mga kalokohang gagawin mo.”
Napakamot
ng ulo si Harold. “Kalahi ka pala ni Madam Auring.”
Tiningnan
ni Cath si Aeroll. “Pagbigyan mo na, Aeroll.”
“She needs to rest.”
kontra nito.
“Hayyy...Bahala na nga kayo
dyan. Malalaki na kayo.” Nilapitan siya ni Cath. “I’m glad
you’re okay, bhest.” She kissed her cheek. “Uuwi na ko.”
“Thank you, bhest.”
Tumango
ito. Nilapitan nito si Harold. “Ikaw, anong balak mo?”
“Uuwi na. Sa bahay mo.”
“Anong sa bahay ko
dyan?” Nilingon uli siya nito. “Goodnight, bhest. And Aeroll,” baling
nito dito.
“Oo, alam ko na.”
sagot ni Aeroll kahit wala pang sinasabi si Cath. “Goodboy ako. I’m not like my cousin.”
“O, ba’t ako nasama
dyan?” singit ni Harold. “Ang bait ko kaya.”
“Pag tulog.” dagdag
ni Cath. Lumapit na ito sa pintuan. Sumunod
naman agad si Harold dito.
“Kung dito na lang kaya
tayo matulog tayo, honey? Mukhang dito din matutulog si Aeroll, eh.”
Narinig pa niyang sabi ni Harold bago tuluyang makalabas ang dalawa sa kwarto
niya.
Tumikhim
si Aeroll kaya napalingon siya dito. “Go to sleep.”
Umiling
siya. “We
need to talk.”
“May bukas pa naman.
Besides, sinabi na sakin ni Cath ang lahat.”
“Sinabi niya lahat-lahat?”
Kaya pala sumama din ito kanina sa police station.
“Hindi naman lahat.”
“Kaya nga pag-usapan na
natin. Ayoko ng bukas. Gusto ko ngayon. I learned my lesson ng makita kong
nasaktan kita. Kung sana sinabi ko na sa’yo ang tungkol samin ni Chariz. Kung
sana sinabi ko sa’yo ang tungkol samin ni James. Kung sana sinabi kong…”
Her voice trailed off when she remembered Aeroll’s face last night. Nang makita
niya itong masaktan. Nang makita niya itong umiyak for the first time. “Kung sinabi ko
lang sa’yo, hindi sana kita nasaktan.” Naramdaman niyang tumulo ang
luha niya. “I’m
sorry. I’m really sorry.”
“Princess…”
Lumapit ito at umupo sa kama paharap sa kaniya. Pinunasan nito ang luha niya.
“Pero kung sinabi ko ba
sa’yo na matagal ko ng kilala si Chariz, will you believe me kahit anong
sabihin niya sa’yo?”
“I will.”
He sighed. “I
was blinded by jealous. It all started ng makita kitang kasama si James with
his family having a dinner.”
Nagulat
siya. “You
saw us? Ikaw yung nakita ko?” Hindi siya naghahalucinate lang no’n. “Pero ang sabi
mo may duty ka no’n.”
“I lied. Gusto kong
sabihin mo sakin kung bakit kayo magkasama ng hindi ako nagtatanong. Pero wala
kang sinabi. Days passed. Hinintay ko na sabihin mo. Until Chariz told me your
past with her. Plus the picture of you with that James. And that exact day, I
saw James in front of your house.”
Kaya
ba ang weird ng ikinikilos nito this past few days? Dahil may alam na ito?
“I told you I love you
that’s why I trust you. But what happened last night at the party, I can’t take
it anymore. Na makita mismo ng mga mata ko ang lahat. Na makita mismo ng mga
mata ko kung paano ka ngumiti sa kaniya. Yung ngiti mo na para sakin lang.”
Habang
tinitingnan niya ang mga mata nito. Nakikita niya pa rin ang sakit. “Aeroll...”
Hinaplos niya ang pisngi nito.
Lagi
na lang nitong prinoprotektahan ang nararamdaman niya. Para hindi siya
masaktan. Siguro naman, it’s about time na siya naman ang gumawa no’n para
dito. Ayaw niyang makitang nasasaktan din ito ng dahil sa kaniya.
“About Chariz. I didn’t
told you that because it was all in the past. I didn’t know na gagamitin niya ‘yon
laban sakin.”
“Alam ko na ang lahat.
Your bestfriend told me.”
“Do I need to repeat
it?”
“You don’t have to. Ang
sabi mo nga, it was all in the past. About James?”
“About him.”
Sinabi niya dito ang sinabi ni Amy sa kaniya ng araw na magkita sila sa mall.
Pati ang pagpunta niya ng hospital kung sa’n naka-confine ang daddy ni James.
Pati ang dahilan ng pagpapanggap nila ni James. “I’m sorry if I didn’t tell you. Napapansin
ko kasi na sa tuwing magkikita tayo, laging masakit ang ulo mo. Dadagdag pa ba
ko?”
He
pinched her nose. “Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit wala kang
sinasabi sakin.”
“What? Yun ang dahilan?
Hindi dahil sa mga pasyente mo?”
“Of course not. I love
my profession. I love what I’m doing.”
“Ako pala ang dahilan.”
Napayuko siya. “Sorry.”
He
held her chin. Napatingin siya dito. “Yung picture?”
“Yes. He kissed me. Pero
sa pisngi lang. Napadaan lang siya ng araw na ‘yon dahil may ka-meeting siya
malapit dito.”
“Bakit may dala pa
siyang flowers?”
“Ewan ko.”
“Princess...”
“Last night, he
admitted.”
“Na mahal ka pa niya.”
“How did you know?”
“He told me ng magkita
kami sa bahay mo. Hindi man niya literal na sinabi, pero lalaki din ako.
Between his words, alam kong mahal ka pa rin niya. May the best win pa nga
daw.”
“I’m sorry. I lied to
him ng sinabi kong alam mo ang set up namin. Kaya siguro ininvite ka niya sa
party.”
“Kahit hindi mo naman
sabihin sa kaniya ‘yon, I’m sure na ii-invite niya pa rin ako sa party ng daddy
niya.”
“Hindi ko alam na
gagawin niya ‘yon.”
“How about the smile?”
“Smile?”
“Yung ngiti mo sa kaniya
bago ka mapalingon sakin. Exclusively for me ang ngiti mong ‘yon.” nakakunot-noong
sabi nito.
“You’re the reason why I
smiled.”
“Hah?”
“Napansin niyang may
nagbago sakin. And he asked me kung ikaw ang dahilan. I smiled when I thought
of you and when I answered it was you.”
Napakamot ito ng kilay. “Ako pala ang dahilan. I thought it was because of him.” Ngumiti
na ito. Lumiwanag na din ang mukha nito.
“Aeroll, I’m sorry for
hurting you... I’m sorry for making you...” Sinenyasan niya
itong umiyak ito. “...last night.”
“At lagot ka kay mama.”
“Hah?”
“Matulog ka na kako.”
Pinahiga siya nito. Nang akmang babangon siya ay mabilis itong humiga sa tabi
niya. He pinned her in bed by hugging her. With his thigh and arms. “Tingnan natin
kung makabangon ka pa.”
Napalunok
siya sa pwesto nila. Sa sobrang lapit ng mga katawan nila. Tiningala niya ito. “Dito ka...”
He
pinched her nose. “Aalis ako kapag nakatulog ka na. Don’t worry. Good boy ‘to.” She
smiled. Lalo na ng hawakan nito ang ulo niya. He extended his other arm at do’n
nito pinaunan ang ulo niya. “Ayan. May libreng unan ka pa.”
“May unan naman ako.”
“Mas makakatulog ka sa
human pillow.”
“Sinong may sabi?”
“Ako.”
Humipit ang yakap nito sa kaniya. Humikab pa ito.
“Mukhang ikaw ang puyat,
eh.”
“Kaya bago pa ako
makatulog dito, matulog ka na.”
“Dito ka matutulog? Sa
tabi ko?”
“Ang kulit ng prinsesa.
Hindi nga po. Kaya matulog ka na.” Pinikit na niya ang mga
mata niya. Pero maya-maya ay nagsalita uli ito. “Bakit ka nga pala pumunta sa ospital
kanina?”
Matulog na daw, ah.
Idinilat
niya ang mata niya. “Hindi kita ma-contact sa phone mo kaya pinuntahan kita
sa ospital.”
“Ako ang pinunta mo do’n?
Hindi si Chariz?”
“Nagkita lang kami.
Kinausap ko siya. Sinabi niya sakin ang lahat ng sinabi niya sa’yo. Ayoko
siyang patulan. But there are times na hindi mo rin mapipigil ang sarili mo. I
wanted to slap her. I really want to. Siguro kung hindi ka lang dumating, baka
nagawa ko na ‘yon. I don’t understand her. Bakit niya sinabing natutuwa siyang
makitang nasasaktan ako? Lalo na ng makita kong lapitan mo siya. At ng tingnan
mo ko, the look on your face. Parang hindi ikaw si Aeroll. I was hurt. That’s why
I chose to go. Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa’yo kung siya na ang
pinaniwalaan mo?”
Naramdaman
niyang napabuntong-hininga si Aeroll. Hinawakan nito ang baba niya para
mapatingala siya dito. Wala itong sinabi. But, by the look on his face, it was
like telling her he was sorry. Hanggang sa unti-unting bumaba ang mukha nito sa
kaniya. She knew what will happen next. She just wait for it. Until his lips
descended to hers. He kissed her like it was the first time. Maingat. And she felt his love by the way he kissed her. It
was like heaven.
She
responded to him. Saying through her kiss how much she loves him. Pinaramdam
niya dito ang lahat ng nararamdaman niya ngayon.
For
her, their kiss, now, was the best kiss ever they shared.
And
it felt like eternity before they stopped. Slowly, he let go of her lips.
Idinilat
niya ang mata niya. “Aeroll...”
He
touched his lips. “The best and sweetest kiss ever.” Ipinatong
nito ang noo nito sa noo niya. “I love you so much, Princess.”
She
smiled. “I
love you, too, Aeroll.” Parang gumaan ang pakiramdam niya ng masabi
niya ‘yon.
Unti-unting
ngumiti ito. “The
best and sweetest kiss ever. Plus the first time you said you love me. Ang
swerte ko naman.” Lumapad pang lalo ang ngiti nito. “Can we sealed
it with another kiss, Prinsesa?”
Hindi
na siya nito hinintay na sumagot. Because once again, his lips came to hers.
And
again, it feels like heaven and eternity...
KyAAaHhh,,, pAmpkiLig aNd gOod viBes tLga itEy,,, wAah i'm so hAppY,,,
ReplyDeleteyyyyyiiiiiiiippp!!! lumelevel up!! goshness!!
ReplyDelete