CHAPTER
65
( Princess’ POV )
“Hmm...”
Niyakap niya ang unang nasa tabi niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata
niya. Napangiti agad siya ng maalala niya ang nangyari kagabi bago siya
tuluyang makatulog. Wala na si Aeroll sa tabi niya.
Tiningnan
niya ang wall clock. Eight am na. Nag-inat siya at dahan-dahang bumangon.
Dumeretso siya ng restroom na nasa loob ng kwarto niya. Matapos gawin ang
morning rituals niya ay lumabas na siya ng kwarto.
Pagbaba
niya sa sala, nagulat pa siya ng makita niya si Cath at Harold na mahimbing na
natutulog sa nakalatag na comforter. Dito pala natulog ang mga ito.
“Thank you, guys.”
Alam niyang malaki ang naitulong ng mga ito sa kanilang dalawa ni Aeroll. And
speaking of Aeroll, nasa’n kaya ‘to?
May
naamoy siyang amoy ng bawang na niluluto. Pumunta siya ng kusina. At nakita
niya ang hinahanap niya. Suot pa nito ang apron niya. Magulo din ang buhok
nito. Naka t-shirt ito. Teka! T-shirt niya ang suot nito, ah. Yung maluwag
niyang t-shirt na sinusuot niya kapag nandito siya sa bahay. Minsan na siyang
naabutan ni Aeroll na suot ‘yon, eh. Naghalungkat siguro ito sa closet niya.
Mukhang
naramdaman nitong may nakatingin dito. Napalingon ito sa kaniya. Ngumiti ito. “Good morning,
Prinsesa.”
“Bakit suot mo ‘yan?”
“Eto? Wala lang. Gusto
ko, eh.”
Lumapit
siya dito. Umupo siya sa upuan. “Sa’n ka natulog?” Iniwan nito ang niluluto
nito at umupo sa katapat niyang upuan.
“Sa tabi mo.” nakangiting sagot
nito.
“Saan?”
“Sa sala. Sa sofa.”
natatawang sagot nito. “Ang bilis mong makatulog, ah. Sabi ko naman sa’yo, mas
maganda ang human pillow, eh.” Tinitigan siya nito. “How’s your
sleep?”
“Okay lang.”
“Talaga? Okay lang?
Mahimbing ba? Hindi ka ba nangawit? O ano?”
Natatawang
inirapan niya ito. “Tigilan mo nga ko.“ Tinawanan lang siya nito.
Pagkatapos
ng sealed kiss nila, mahigpit lang siya nitong niyakap. Hanggang sa tuluyan
siyang makatulog. Talagang hinintay siya nitong makatulog bago siya nito iwan
sa kwarto niya.
Dinutdot
niya ang noo nito. “Tawa ka ng tawa dyan. Yung niluluto mo.”
“Oops!”
Binalikan nito ang niluluto nito. Tumayo siya at lumapit dito. Fried rice ang
niluluto nito. “Gutom
ka na ba?” tanong nito.
Biglang
kumalam ang sikmura niya. “Medyo.”
“Saglit na lang ‘to.
Nakialam na ko sa mga stock mo sa ref kanina. I cooked hotdog, egg, and bacon.”
“Okay lang.” Sumandal
siya sa mesa. “Dito
rin pala natulog sina bhest.”
“Yap. Pagbaba ko kagabi,
naglalaro sila ng baraha.”
“Anong laro?”
“Ungguy-ungguyan.”
natatawang sagot nito.
“At ang pinsan mo ang
pasimuno.”
“Oo. Kahit kailan talaga
‘yon. Hindi ko alam kung anong oras na sila natulog dahil paghiga ko sa sofa,
nakatulog agad ako.”
“Kaya pala hanggang ngayon,
tulog pa din sila.” Nang may maalala siya. “Wala kang
pasok?”
Nilingon
siya nito. “I
resigned.”
“What? Kailan?”
Binalik
nito ang tingin nito sa niluluto nito. “Yesterday. Nang magkita tayo sa ospital.”
“Why?”
Sinabi
nito ang dahilan. Na gusto nitong tumulong sa business ng Montelagro. Nabanggit
na nito sa kaniya ang tungkol sa business ng pamilya nito. Pero hindi nito
nabanggit na may balak pala itong mag-resigned sa trabaho nito bilang nurse.
“Hindi ba’t gusto mo ang
trabaho mo?”
Nilingon
siya nito. “Yes.
But it doesn’t mean na dahil nagresign ako, hindi ko na pwedeng magamit ang
profession ko. Pwede akong maging company nurse and at the same time,
makakatulong ako sa business namin. It’s like hitting two birds in one stone.” He winked. “I’m done with the fried rice.”
“Hindi na kayo magkikita
ni Chariz.” Tumalikod agad siya ng sabihin niya ‘yon. Kumuha
siya ng bowl na malaki. Hindi ito
nag-react sa sinabi niya. Lumapit siya dito. Siya na ang nagsalin ang fried
rice mula sa kawali. “Hmm... ang bango naman.”
“Ang bango mo din.”
Sininghot ni Aeroll ang leeg niya. Muntik na niyang mabitiwan ang hawak niyang
bowl kung hindi lang nito nahawakan ‘yon. “Ako na nga diyan.”
“Ako na.”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Umayos ka kasi. Hindi pa nga ako naliligo, eh. Yang leeg
mo kaya ang singhutin mo.”
Sinunod
naman nito ang sinabi niya. “Hindi ko masinghot.” natatawang sabi nito. “Ang hirap.”
Natatawang
napapailing siya sa ginagawa nito.
Nilapag niya sa mesa ang bowl ng fried rice. “Gisingin na natin sila bhest.”
“Later.”
Niyakap siya ni Aeroll mula sa likuran niya.
“Aeroll...”
“I miss you. Kahit
parang nung isang gabi lang nangyari ang pag-aaway natin. Ang pang-aaway ko
sa’yo hanggang sa magkaayos tayo kagabi. Para sakin, napakatagal na no’n.”
Humigpit ang yakap nito sa kaniya. He buried his face between her neck and
shoulder. “I’m
sorry kung siya ang nilapitan ko kahapon. I’m sorry If I look at you yesterday
like your just somebody else. Ayoko lang na tingnan ka the way I always looked
at you. Ayokong tingnan ka dahil natatakot akong makita sa mga mata mo ang
totoo. Na totoong niloko mo lang ako.”
She
sighed. “Hindi
kita niloko.”
“I know now. First time
lang kasing mangyari sakin ang gano’n. I don’t know how to deal with it. First
time kong maramdamang masaktan ng gano’n. Ang sakit pala.”
She
sighed. “I’m
sorry. I’m really sorry.”
“I’m sorry, too.”
He chuckled. “Para
tayong sirang plakang paulit-ulit na nagso-sorry.” Iniharap siya nito. Seryoso ang mukha nito ng
titigan siya nito. “Simula ngayon, lahat ng nararamdaman mo at lahat ng
mararamdaman mo, lahat ng iniisip mo at lahat ng iisipin mo, gusto kong sabihin
mo sakin. Kahit ano pa ‘yan. Kahit simpleng bagay pa ‘yan. Sabihin mo sakin.”
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Ayoko ng mangyari na mag-away tayo. At kung mag-away man
tayo, we have to listen to each other explanations. Ayokong tapusin yung araw
na hindi tayo magiging okay.”
Iniharap
siya nito sa mesa. Pati ito tumabi sa kaniya at humarap din sa mesa. Hinawakan
nito ang kamay niya. “Saksi ang mga hotdog, bacon, fried egg at fried rice.
Starting today, I promise that I will tell my Princess everything. What I feel
and what I think.”
Hindi
niya alam kung matatawa siya o ano. Nang tingnan niya ito ay seryoso naman ito.
Nilingon siya nito. “It’s your turn.”
“Ako? Gagawin din ‘yon?”
“Oo. Bilis na. Baka
magising sina Harold. Isi-sealed pa natin yung pangako natin.”
Marami
din naman siyang ka-weirduhan sa buhay. Kaya hindi na siya nagprotesta.
Tumikhim siya. “Saksi
ang mga hotdog, bacon, fried egg at fried rice. Starting today, I promise that
I will tell Aeroll everything. What I feel and what I think.” She
smiled.
Iniharap
siya ni Aeroll. “And
now let’s—”
“And now, I pronounce
you as husband and wife!”
Sabay
pa silang napalingon ni Aeroll sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Si Harold at ang
humihikab na si Cath. Nagising na ang mga ito.
“Hindi na tuloy natin
na-sealed.” reklamo ni Aeroll sa kaniya.
“Sealed it with what?”
Ngumuso
ito. Natatawang tinampal niya ang bibig nito. “Umagang-umaga.”
“Oo nga. Umagang-umaga
ang cheesy ninyong dalawa.” singit ni Harold. Lumapit ito sa
mesa. “Wow!
Sinong nagluto?”
“Ako.”
sabi ni Aeroll.
“Weh? Di nga?”
“Bawal kumain ang ayaw
maniwala.”
“Sabi ko nga ikaw.”
Nilingon nito si Cath na hikab pa rin ng hikab. “Honey! Tara na dito. Kumain ka na ng
mawala ang antok mo.” Nang hindi ito kumilos ay hinila ito ni Harold
at pinaupo. Umupo na din siya. Tumabi sa kaniya si Aeroll.
“Anong oras ba kayo
natulog at mukhang puyat na puyat si Cath?” tanong niya.
“Alas tres ng madaling
araw.” sagot ni Harold.
“Alas tres?”
“Si Harold kasi...”
reklamo ng inaantok na si Cath. Nilagyan ni Harold ng fried rice ang plato
nito. Gano’n din si Aeroll sa kaniya.
“Bakit ang tagal ninyong
matulog?” Nang akmang kukuha siya ng bacon ay inunahan na siya
ni Aeroll. Nginitian niya ito. “Thank you.”
“Nagpustahan kami...”
sagot ni Cath.
Ngumisi
si Harold. “The
first one who will get one hundreds wins sa ungguy-ungguyan, siya ang masusunod
sa kahit anong gustuhin niya. Sa kahit na ano.” dugtong ni Harold.
“Kaya pala inabot kayo
ng madaling araw. Sinong nanalo?”
“Syempre ako.”
nakangiting sagot ni Harold.
“Anong consequence ni
bhest?” Sumubo siya ng fried rice.
“Gusto ni Harold ng
isang dosenang anak.” Si Aeroll ang sumagot.
Muntik
na niyang maibuga ang kinakain niya kung hindi niya lang natakpan ang bibig
niya.
“Tinawaran ko na nga,
eh. Lima na lang.” hirit pa ni Harold.
“Kawawa ang matris ko
sa’yo, ah.” reklamo ni Cath.
“Seryoso sila?”
pabulong na tanong niya kay Aeroll. Mukhang seryoso kasi ang usapan ng mga ito.
Tumango
si Aeroll. “Kagabi
pa lang. Seryoso na sila.” Pinunasan nito ang gilid ng labi niya. “May ketchup.”
“Thank you.”
“Ikaw, Prinsesa? Ilan
ang gusto mong anak?”
“Ha… hah?”
“May naisip ako!” malakas
na sabi ni Harold. Napatingin silang tatlo dito.
“Ano ‘yon?”
sabay-sabay nilang tanong.
Ang
lapad ng ngiti nito. “Paramihan na lang tayo ng anak in the future! Ang manalo
may premyo!”
“Oo nga noh!”
segunda naman dito ni Aeroll. “Ang galing mo talaga, insan!” Nag-high five pa ang dalawa.
Nagkatinginan
sila ni Cath. Sabay nilang nilingon ang dalawa. At isang tumataginting na, “No!” ang sinabi nila.
Tinawanan
lang sila ng dalawa.
*
* *
gULong aq s LaSt pAramihAn ng aNak,,, aNg gaNdaNg pustHan yAn mgA paRe,,, kwAwa nmAn cNa prinCess,,, hwAhehE,,,
ReplyDeleteeeehhhk!!! ang cheesyness!! palong palo!!! hahaha..
ReplyDeletelet the games begin! and may the odds be ever in their favor!! haha