Saturday, May 11, 2013

Love at Second Sight : Chapter 66


CHAPTER 66
( Princess’ POV )


Katatapos lang nilang kumain ng breakfast ng mag-suggest si Harold na maglaro sila. PANTS ang lalaruin nila.


Ipinaliwanag nito ang mechanics ng game. Although, alam na niya talaga ‘yon dahil nalaro na niya ‘yon nung highschool siya. Maging si Cath, alam din ‘yon. Si Aeroll lang ang hindi alam.


PANTS. P stands for Places, A stands for Animals, N stands for Names, T stands for things, S stands for their sum up Score in every letter category. Ang mechanics ng game, each player will think of P.A.N.T that will start with letter A. And so on and so forth until they reach letter Z. Sa bawat letter ang scoring. If ever na may kaparehas kang nasulat sa papel mo sa mga category which are the P.A.N.T, 5 lang nag score mo. Kung wala kang kaparehas, 10 ang score mo. Kung wala kang nasagot, 0 ang score mo. With letter A category, i-aad ang score sa bawat P.A.N.T category. Yun ang magiging score mo sa letter A category. Isusunod ang letter B. Gano’n din ang gagawin ninyo hanggang sa makarating kayo sa letter Z. I-aad ninyo ang lahat ng scores sa bawat letter category. The one who will have highest score is the winner.


At dahil si Harold ang nakaisip. May pustahan sila.


Pag larong pambata talaga, hindi pahuhuli si Harold.


“Kailangan natin ng ballpen at papel.” sabi ni Harold.


“Kukuha ako sa kwarto.”


“Ako na, Prinsesa.”


“Nasa drawer ko, ah.”


Tumayo si Aeroll at umakyat ng kwarto niya.


“Kapag nanalo ako dito, dalawa lang ang gusto kong baby.” sabi ni Cath.


“At kapag ako ang nanalo, hindi na lima, anim na ang magiging baby natin.”


“Dalawa lang dahil ako ang mananalo.”


 “Anim na sila dahil ako ang mananalo.”


Napangiti na lang siya sa seryosong pag-uusap ng dalawa. Seryoso talaga dahil seryoso ang mga mukha nito.


Parang ang sarap sa pakiramdam na sigurado na talaga ang dalawa na ang mga ito ang magkakatuluyan. The two were planning for their future.


At masaya siya para sa bestfriend niya dahil matutupad ang gusto nito. Na ang first boyfriend nito ang magiging asawa din nito. The first and will be the last man of her’s bestfriend life.


Sila kaya ni Aeroll? Gano’n din kaya?


Teka, kailan ba niya inisip ang magiging future niya? Kay Aeroll lang.


Napangiti siya. Hindi man siya ang first boyfriend ko o ang second boyfriend ko. He will be my last. The guy I want to spend the rest of my life with.


“Ang tagal naman ni insan.” reklamo ni Harold.


Napatingin siya sa hagdan. Ang tagal nga. Ano bang ginawa no’n?  Hindi ba nito nahanap ang drawer niya? Teka! Ang drawer niya! Patay!


Mabilis siyang tumayo. “Sunduin ko lang siya.” Patakbo siyang umakyat ng kwarto niya.


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )


Binuksan niya ang drawer ni Princess. “Ang dami naman niyang ballpen dito.” Kumuha siya ng apat. Kumuha din siya ng papel. Isasarado na sana niya ang drawer ng may mapansin siya. Isang maliit na notebook na itim. Kinuha niya ang notebook. Invasion of privacy ang gagawin niya pero mukha namang hindi diary ang notebook na hawak niya kaya binuklat niya ‘yon.


Isang pangalan agad ang nakita niyang naksaulat do’n. In all capital letters.


ROD FERRER’S CASE


Kumunot ang noo niya. Sinimulan niyang basahin ang nakasulat sa mga next pages. Nakasulat do’n ang araw na naaksidente si Rod. Hanggang sa araw na mamatay ito. May mga name ng tao siyang nabasa. Pati ang connection ni Rod sa mga ito. Pati ang mga napansin ni Princess sa mga ito. Pati ang mga nakikita nito. Ang plate number. Ang tattoo. Ang mga tanong ni Princess. Ang lahat-lahat ng observations nito. May mga dates pa nga.


Pero ang mas ikinagulat niya ay ang nabasa niyang pinasok nito ang bahay nila Aiza. Kumunot ang noo niya ng makita niya ang date. Ilang araw ‘yon matapos niyang sabihan si Princess na tigilan na nito ang kaso ni Rod. Hindi nito sinunod ang sinabi niya. At ang mas ikinagulat pa niya ay ang mabasa niyang pinasok nito ang Toyie-Toyie. Iyon ang factory kung sa’n nagta-trabaho si Rod. Ayon sa nabasa niya sa notebook.


Paano niyang napasok ang factory na ‘yon? Hindi ba niya inisip na baka mapahamak siya? Bakit niya ginawa ‘yon?


Kahit nangyari na ang bagay na ‘yon, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Princess, hanggang saan ang gagawin mo para malaman mo ang sagot sa mga tanong mo?


Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Napalingon siya sa taong pumasok. Si Princess.


“Aeroll.” Napatingin ito sa notebook  na hawak niya. “Ano kasi...”


Nilapag niya sa kama ang notebook. Nilapitan niya ito. “Ibibigay ko lang ‘tong papel at ballpen kina Cath. Dito ka lang. Mag-uusap pa tayo.”


* * * * * * * *


( Princess’ POV )


Hindi siya mapakali habang hinihintay si Aeroll. Siguradong nabasa na nito ang lahat-lahat ng nakasulat sa notebook niya. Nando’n ang lahat-lahat ng observations niya. Pati ang mga ginawa niya.


Bumukas ang pintuan. Napalingon siya do’n. Si Aeroll. Lumapit ito at umupo sa tabi niya. Kinuha nito ang notebook na hawak niya.


“Nabasa kong lahat.” sabi nito habang nakatingin sa notebook.


“You’re mad, right?” hindi lumilingong tanong niya.


“Pinasok mo ang bahay nila Aiza, hindi lang ang bahay nila. Pati ang factory.”


Napalunok siya. Hindi siya makatingin dito.


“How did you do that?”


“I’m a writer, right? Nagsusulat ako ng tungkol sa mga spies at agents, mga gano’ng genre. Kaya parang alam ko ang gagawin ko. And I know how to open a locked door. Gamit ang hairpin at ID.” She sighed. “Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Napanaginipan ko si papa. Yung aksidente namin twelve years ago. He wanted me to help him. Help him by helping Kuya Rod. Hanggang ngayon naalala ko pa ang itsura ni papa sa panaginip ko. Pati ang batang ako. Wala daw akong ginawa. Hindi ko daw sila tinulungan.”


“Princess...”


“Alam kong may ibig sabihin ang panaginip na ‘yon. May connection ‘yon kay Kuya Rod.” Tiningnan niya ito. “I’m sorry kung pinag-alala na naman kita. Siguro iniisip mong napakatigas ng ulo ko. Alam ko naman, eh.”


Hinaplos nito ang pisngi niya. “Hindi ako pwedeng magalit. Ayokong magalit sa’yo. Yes, I feel worried habang binabasa ko ang nakalagay sa notebook mo. At alam kong matigas ang ulo mo.” He paused. “Pero ayoko ng gawin mo uli ang mga ginawa mo. Babae ka, Princess. Hindi ka agent. Hindi ka spy. Oo. Matapang ka. Pero hindi mo trabaho ang mga ginawa mo.”


“Anong gagawin ko?” parang batang tanong niya. “Hindi ako matatahimik kung ititigil ko ‘to.”


He sighed. Hinila siya nito at niyakap siya. “Let me handle this.”


“Anong gagawin mo?”


“Do you trust me?”


“Yes.”


“Then let me handle this.”


Lumayo siya dito. “Ikaw ang gagawa?”


Umiling ito. “I will ask for someone’s help. Someone na gamay ang ganitong trabaho.”


“Sino?”


“Ang Tito ko.”


“Sino siya?”


He pinched her nose. “Just let me handle this, okay?”


“Pero...”


“Princess. Gusto mo ba talagang pinag-aalala ako?”


“No.”


“Kaya simula ngayon, hindi mo na ii-involve ang sarili mo dito. Nagkakaintindihan ba tayo?”


“Pero hindi ka mapapahamak sa gagawin mo?”


“Hindi naman ako ang gagawa. Ipapagawa ko sa iba. Kaya hindi ako mapapahamak.”


“Promise?”


Itinaas nito ang kanang kamay nito. “Promise. At ikaw?”


Itinaas niya ang kanang kamay niya. “Promise. Basta balitaan mo ko, ah.”


Pinisil nito ang pisngi niya. “Kasasabi ko lang.”


“Fine.” Kinuha niya ang notebook dito.


“Anong gagawin mo dyan? Kailangan ko ‘yan.”


“Ipapa-photo copy ko.”


“Princess.”


“Hindi naman para sakin. Para kay Ash.”


“Ash?” kunot-noong tanong nito.


“Si Ash. Yung undercover agent.” Ibibigay na lang niya dito ang mga mga nakalap niyang info.


Nagsalubong ang mga kilay nito. “Nakikipagkita ka pa rin sa kaniya?” Inagaw nito ang notebook sa kaniya pero inilayo niya ‘yon. “Akin na ‘yan!” Pilit na kinukuha nito ang notebook na tinago niya sa likuran niya.


“Ipapa-photo copy ko nga lang!” Itinaas niya ang notebook at inilayo dito. Sa sobrang pag-iwas niya at pagpilit na pagkuha nito ay napahiga siya sa kama. Pati ito. Ang lapit ng mga mukha nila.


Ngumisi ito. “Ibibigay mo o hahalikan kita?”


“Ipapa-photo copy ko lang. Tapos ibibigay ko na—” He gave her a quick kiss. “Aeroll!” Tinakpan niya ang bibig niya. Nakuha tuloy nito ang notebook niya. “Ayan! Nakuha mo na. Bumangon ka na nga at ang bigat mo.”


“Hindi naman ako nakadagan sa’yo, ah.” Hindi nga dahil nakatukod ang mga braso nito sa magkabilang gilid ng mukha niya. Pero kasi, ang lapad ng ngisi nito na parang tuwang-tuwa sa pwesto nila.


“Kanina ka pa, hah!”


Sumeryoso ang mukha nito. “Nagkikita pa rin kayo ng feeling model ng toothpaste na ‘yon?” sa halip ay tanong nito.


“Hindi nga.”


“Princess.”


“Accidentally.”


“Accidentally?”


“Nung pinasok ko ang bahay nila Ate Aiza at ang factory.”


Kumunot ang noo nito. “Nando’n din siya?”


“Oo. NBI agent siya diba?”


“Pero bakit sa mismong gabi pa na pinasok mo ang bahay at factory?” Dahan-dahan itong bumangon. Bumangon din siya.


“Aeroll, may problema ba?” Parang ang lalim kasi ng iniisip nito, eh.


Tiningnan siya nito. “Hindi maganda ang kutob ko sa feeling model ng toothpaste na ‘yan. Wag mo siyang bigyan ng copy ng notebook na ‘yan. Wag ka na ding makipagkita sa kaniya.”


“Pero bakit?”


“You don’t know him that well. Malay ba natin.”


“Na ano?”


“Malay ba natin na hindi talaga siya NBI agent. Malay ba natin na minamanmanan ka lang niya kaya lumapit siya sa’yo. Kaya alam niya kung kailan mo papasukin ang bahay at factory.”


Napalunok siya. “Bakit niya gagawin ‘yon?”


“I don’t know.”


“Mukha naman siyang mabait.”


“Princess. Please. Makinig ka na lang sakin.”


“Pero Aeroll.”


He sighed. Tumayo at lumapit ito sa nakabukas na bintana ng kwarto niya. Nakatalikod ito sa kaniya. “Ayoko lang na mapahamak ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may masamamg mangyari sa’yo. Buong buhay ko, ngayon ko lang ginawa ‘to. Na kulang na sabihin ko sa’yo ang dapat mong gawin. Na kulang na bantayan kita sa araw-araw. Na kulang na lang hindi ko ialis ang tingin ko sa’yo. Just to make sure na walang masamang mangyayari sa’yo kapag kasama mo ko.” He stopped. For a while. Humarap ito sa kaniya. “Alam kong mali. Pero ngayon lang ako nagmahal, eh. Ngayon ko lang naramdaman ‘to. Sa’yo lang.”


“Aeroll...” Tagos na tagos sa puso niya ang bawat salitang sinabi nito. Tumayo siya at lumapit dito. Gusto niyang gawin ang nasa isip niya. Kaya ginawa niya. “Ngayon ko lang din gagawin ‘to.” Tumingkayad siya at hinalikan ito sa labi nito. Ngayon lang niya ginawa ang mag-initiate ng halik sa isang lalaki. Kay James o sa first boyfriend niya, hindi niya nagawa ‘yon. Ngayon lang. Kay Aeroll lang.


He responded to her. Hinapit siya nito palapit. Pinulupot naman niya ang mga kamay niya sa leeg nito.


“Princess...” he uttered against her lips.


“Aeroll...”


Tinitigan siya nito. Gano’n din ang ginawa niya. He caressed her cheeks. He smiled. “Thank you.”


“For?”


“For the kiss.”


She smiled. “Your welcome.”


Nakarinig sila ng katok. Bago pa magbukas ang pintuan ay humiwalay na siya kay Aeroll.


“Ang tagal ninyo naman. Ano bang ginagawa ninyo?”


Nagkatinginan sila ni Aeroll. “Nag-uusap.” sabay nilang sagot. Napangiti silang dalawa.


“Kung tapos na kayo dyan sa pag-uusap ninyo kuno, bumaba na kayo. Maglalaro pa tayo. Nakatulog na naman si Cath sa paghihintay sa inyo.”


“Ang sabi ko kanina, kayo muna ang maglaro dahil may pag-uusapan pa  kami ni Princess.”


“Ayaw ng honey ko. Baka daw dayain ko siya at ako na naman ang mananalo.”


“Maduga ka naman kasi.”


 “Magaling lang talaga ako. Bumaba na kayo, ah.” Sinarado na nito ang pinto.


Nagkatinginan sila ni Aeroll. “Saan na nga uli tayo natapos kanina mahal na prinsesa?” May pilyong ngiti sa labi nito.


“Palabas na dapat tayo ng kwarto ng dumating ang pinsan mo.” Hinila na niya ito.


Hindi ito nagpahila. “Hindi ‘yon, eh.”


Pinanlakihan niya ito ng mata. “Nakakarami ka, hah.”


“Ano bang sabi ko? Bababa na kako tayo.” Pero bago ‘yon, kinuha nito ang notebook na sa kama. “Akin na ‘to.”


“Oo na.”


Lumabas na sila ng kwarto. Hawak nito ang kamay niya. “Parang mas mahirap intindihin ang love at second sight.” biglang sabi nito.


“What?”


“Tingnan mo sina Cath at Harold. Love at first sight ang nangyari sa kanila. At ang bilis nang nangyari. Naging sila agad. Umamin agad sila. Gano’n ba kadali ‘yon? Tapos tayo...”


“Hindi naman ako naniniwala sa love at first sight.”


“Me too.”


“Eh, sa love at second sight?”


“Mas lalong hindi. Hindi na nga nainlove sa first sight, sa second sight pa kaya.” Huminto ito sa pagbaba ng hagdan. “Pero in our case,” Napalingon siya kay Aeroll. Nakangiti ito sa kaniya. “I do believe now in love at second sight.”


She smiled. “Me too.”


Ang weird mang isipin na hindi sila na-inlove sa una nilang pagkikita. Pero gano’n talaga siguro ‘yon. Lalo na kung hindi maganda ang una ninyong pagkikita. Lalo na kung katulad ng nangyari sa kanila ni Aeroll na parang aso’t pusang nagbangayan at their first sight.


At least bumawi sa second sight. Hindi man sila aware sa kung anong naramdaman nila ng magtama ang mga mata nila. Do’n nila naramdaman ang tinatawag na love. Love at second sight.

 * * *

3 comments:

  1. DAhiL mAsaMa aNg kutOb ni aErOLL duN kAy moDeL ng tooThpaste, dApat n Lng n mNiwaLa c pRincess,,, at nkikigAya LNg diN aq ng nickName n gMit niA,,, kkhAwa eH,,, hwaHehE,,,

    ReplyDelete
  2. i cAn fEeL d eNd is coMing neaR n tLgA,,, nbAnggit n uNg LoVe at SecOnd siGht,,, hwAhhh,,, naEexcitE n aq,,,

    ReplyDelete
  3. even myself, i dnt know how to play that game!! haha.. ngayon ko lang ata narinig yun eh...

    awhh.. how sweeeeeeeeeeeet!!! nakakainggit talaga sila ate leeesssh!!! mabuti na lang kami ni Zyruz mylabs ko, love at first sight kagad.. hahahaha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^