Saturday, May 18, 2013

Love at Second Sight : Chapter 67


CHAPTER 67
( Princess’ POV )


Three days after.


Nakatanggap siya ng tawag mula kay James ng hapong ‘yon. Gusto nitong makipagkita  sa kaniya. Pumayag siya.


Matapos magbihis ay bumaba siya. Nilapitan niya si Aeroll na mahimbing na natutulog sa sofa. Naglinis sila ng bahay niya kanina kaya nakatulog ito sa pagod. Ito kasi ang taga-buhat niya.


Halos dito na nga ito mag-stay sa bahay niya. Dumadating ito ng tanghali, umuuwi ito kapag nakatulog na siya sa gabi. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang nag-aalala ito tungkol sa undercover agent na si Ash.


Hindi na niya ito ginising. Nag-iwan na lang siya ng note na sumaglit siya sa mall at nakipagkita kay James. Na kailangan nilang mag-usap nito.


Kinuha niya ang susi ng kotse nito sa center table. “Pahiram saglit ng kotse mo, ah.” Pinaayos pa kasi niya ang kotse niya. Hinalikan niya ito sa pisngi nito. “Bayad ko sa panghihiram.”


Lumabas na siya ng bahay at sumakay ng kotse nito. Para madali siyang makarating ng mall at makauwi. Baka mamaya, sundan pa siya ni Aeroll sa mall.


* * * * * * * *


“Tito Eric.” Hindi niya alam na kasama ito ni James. Magkatabi ang dalawa. Umupo siya sa harap ng mga ito.


Tumayo si James. “Kayo na muna ni dad ang mag-usap.”


Nang makalayo si James ay saka lang siya nagsalita. “Tito, I’m sorry.” Hindi na kasi siya bumalik sa loob ng mansiyon matapos ng nangyari sa kanila ni Aeroll ng gabing ‘yon.


“You don’t have to, Princess. I’m the one who should say sorry.”


Napatingin siya dito. “Pero...”


“Sinabi na sakin ni James ang lahat. Na hiwalay na kayo bago pa man ako ma-confine sa ospital.”


“Wala pong kasalanan si James. It’s my fault. Ako po ang nakipag-break sa kaniya.”


“Dahil na-inlove ka sa iba.”


Napayuko siya. “I’m sorry.”


“Alam mo bang bago ko pa man makilala si Angela, my girlfriend na ko ng mga panahong ‘yon.”


Napatingin siya dito. “Tito...”


“Kaya wag kang mag-sorry dahil na-inlove ka sa iba while you’re still in a relationship with my son. Hindi kasalanan ang magmahal. Magiging mali lang kung magpapanggap kang mahal mo pa rin ang anak ko kahit iba na ang laman ng puso mo. Naiintindihan kita, iha. Sadyang hindi lang ang anak ko ang nakatakda para sa’yo.”


“Tito...” Naramdaman niyang nangingilid ang luha niya.


“Minsan hindi talaga natin maiiwasang makasakit ng iba para sa sarili nating kasiyahan.” Hinawakan nito ang kamay niyang nasa mesa. “At alam kong hindi ikaw ang taong sasadyaing makapanakit ng damdamain ng iba para lang sumaya ka.”


Pumatak ang luha niya.


“At sana, kahit hiwalay na kayo ng anak ko. Hindi lalayo ang loob mo sakin. Ikaw pa rin ang prinsesa ko.”


Pinunasan niya ang luha niya. “Opo, Tito. Salamat po sa lahat. Thanks for being like a father to me. Thanks for understanding me. Salamat po talaga.”


Tinapik nito ang kamay niya. “Salamat din dahil hinayaan mo kong maranasan kung paano magkaro’n ng anak na babae. Masakit pala sa ulo.”


“Tito.” natatawang sabi niya.


Tumawa ito ng mahina. “I’m just kidding, iha. So paano, maiwan na muna kita dito. Kailangan ninyo pang mag-usap ng anak ko.”


“Opo.” Tumayo na ito at lumabas ng restaurant. Maya-maya ay lumapit na sa kaniya si James.


“Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung sa’n ako mag-uumpisa.”


“James.”


“Are you mad at me?”


Umiling siya. “Wala kang kasalanan.”


Mukhang nakahinga ito ng maluwag. “Nang gabing ‘yon sa party. Nang tanungin kita kung siya ang dahilan ng mga pagbabago mo. When you smiled when you said yes. When you followed him after he hitted me. Do’n ko na-realize na hindi na kita mababawi sa kaniya.” Hinawakan nito ang kamay niya.  “Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na kita mahal. I still love you. I love you that I’m willing to set you free. Pero makita ko lang na hindi ka masaya at saktan ka niya, babawiin kita.”


“James.”


Ngumiti ito. “Na mukha namang hindi mangyayari. Ang lakas ng suntok niya sakin, eh.”


“I’m sorry about that.”


“It’s okay. Pero sana nakaganti man lang ako.”


“James.”


“I’m just kidding.” Sumandal ito sa upuan nito. “So, friends?” Inabot nito ang kamay nito. “Pagbibigyan mo naman siguro ako. Tutal naman, naging magkaibigan tayo bago maging tayo.”


“James.” She sighed.


“Please.”


Inabot niya ang kamay nito. “Friends. And I hope na mahanap mo ang babae para sa’yo.”


Ngumiti ito. “Thank you. At matagal pa siguro bago ko mahanap ang babaeng ‘yon.”


May isang babae siyang naalala. “Si Paige.”


Umayos ito ng upo. “What about her?”


“She’s your first love, right?”


Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Matagal bago ito nagsalita. “Si mommy ba ang nagsabi?”


“Yes. Kasasagot ko lang sa’yo no’n.”


Mas lalo itong nagulat. “Gano’n katagal? Hindi mo man lang ako tinanong?”


“I tried to. I asked you kung bakit parang iwas ka sa kaniya. You told me na ayaw mo ng pag-usapan.”


Mukhang naalala nito ang sinabi niya. Napailing ito. “Ang weird kung bakit ngayon pa natin kailangang pag-usapan ‘yan kung kailan wala na tayo.”


“Hindi mo naman kailangang sagutin.”


“Ito siguro ang kulang sa relasyon natin dati. Hindi tayo open sa ‘isa’t isa.”


“James...”


“Kababata ko siya. And yes, she’s my first love. Three years before I met you. I already confessed to her. She said maghintay ako ng isang taon. May aasikasuhin lang daw siya sa France. One year. Tumagal ng one year na wala kaming contact sa isa’t isa. Two years. Three years. Until I met you.”


“You still love her when you met me?”


“I don’t know. Basta ang alam ko, minahal kita. Hanggang ngayon, mahal pa rin kita.”


“She’s your first love. Hindi gano’n kadali na mawala ‘yon.”


“Madali lang ‘yon para sa taong nasaktan.”


“James...”


“Lalo na ng malaman kong hindi siya sa France nanggaling nang magbalik siya. All along, nasa US lang siya.”


“Sa US? Anong ginawa niya do’n?”


“No one knows. Just like you, patay na rin ang parents niya kaya walang nakakaaalam kung anong ginawa niya sa US. Kung bakit siya nagsinungaling sakin na sa France siya pupunta.” Huminto ito. “Wag na nga nating pag-usapan ‘yon.”


Hindi na siya nagtanong pa. Iyon siguro ang dahilan nito kung bakit iwas ito kay Paige. Dahil nasaktan ito. At hindi rin niya alam kung nakita lang ba nito si Paige sa kaniya dahil parehas silang wala ng magulang. Kung binaling lang nito sa kaniya ang nararamdaman nito para kay Paige. Just like what he said, no one knows. Dahil maski ito, ayaw nitong pag-usapan pa ‘yon.


Isa lang ang hiling niya, na sana mahanap ni James ang babae para dito.


“Princess.”


“Huh?”


“Pwede bang kumain na muna na tayo bago ka umuwi? Tawagan ko lang si dad. Kasama niya si Justine.” Kinuha nito ang phone nito at tinawagan ang daddy nito.


“Si Justine?”


“Yes. Ewan ko ba do’n. Parang bumait na ewan. Three days na siyang sa bahay umuuwi.”


Maya-maya ay dumating na si Tito Eric at si Justine. Pero nagulat siya ng may isa pang kasama ang mga ito. Si Paige.


“Sinama ko na si Paige dito. Wala namang masama diba? Tutal naman ang tagal na ng huling tayong mag-bonding.” paliwanag ni Justine habang nakatingin kay James. Hindi ito umimik. Halos pinag-uusapan lang kasi nila si Paige kanina, tapos ngayon. Nandito na ito.


“Hi, Princess.” nakangiting bati sa kaniya ni Paige.


Nginitian niya ito. “Hello.” Umupo ito sa tabi ni James.


“Hi, miss ganda.” bati ni Justine sa kaniya. Umupo ito sa tabi niya.


“Hello.”


“Kamusta na after that?” bulong nito.


“Hah?”


“Don’t worry. Wala akong sinabi sa kanila tungkol sa nangyari satin sa parking lot.” bulong uli nito.


“Okay lang.”


“Kamusta kayo nung Aeroll ba ‘yon?” bulong ulit nito.


“Okay na kami.”


“Mukhang close kayo ni Justine, ah. Sa pagkakaalala ko, once lang kayo nagkita. Sa office.”


Napatingin siya kay James dahil sa sinabi nito. Wala nga pala itong alam na ilang beses na rin silang nagkita ni Justine.


“Nagkita kami accidentally dito sa mall twice.” sagot ni Justine. “Don’t worry, James, hindi siya ang ipinunta ko. Yung girlfriend ko. Ex girlfriend na pala.”


”He saved me.” dagdag niya.


“Saved you from what?” tanong ni James.


“Muntik na kong mabangga ng kotse. Niligtas niya ko.”


“Hindi mo naman kailangang ipagkalat ‘yon.” sabi Justine.


Nilingon niya ito. “Pero totoo naman diba?”


“Talaga, Justine? Ginawa mo ‘yon?” nakangiting tanong ng daddy nito.


Ngumiti si Justine. “Hindi naman po ako masama katulad ng iniisip ninyo. Mabait din ako. Minsan. Kapag sinumpong. Hindi ko naman hahayaang masagasaan ang prinsesa ninyo, Dad. Parang ang pangit namang makita ng mga mata kong maluray-luray siya sa harap ko na wala akong ginagawa. Kaya ‘yon, nag-ala superman ako ng araw na ‘yon.”


Nagkatinginan sina James at Tito Eric. Na parang hindi makapaniwala sa ginawa ni Justine.


Pasimple naman niyang inapakan ang paa nito. Hindi talaga ito nag-iingat kapag nagbibitiw ito ng salita. Yung mga words na ginagamit nito. Hindi mo alam kung pa-sarcastic o sadyang ganyan lang talaga ang choice of words na nakasanayan nitong gamitin.


“Parang may kumagat na langgam sa paa ko.” Na ang tinutukoy ay ang pag-apak niya sa paa nito. “Umorder na tayo, Dad. Bago pa ako papakin dito.” Binalingan nito si James. “Ba’t hindi sumama si mommy?”


“Justine.” saway dito ni James. Bago ito mapalingon sa kaniya. Alam naman niyang hindi sasama ang mommy nito dito. Never siyang nagustuhan ni Tita Angela. May bago pa ba do’n?


“Oops! Andyan na yung waiter. Let’s order guys.” balewalang sabi ni Justine.


Maya-maya ay dumating na ang order nila. Nagsimula na silang kumain.


“Paige, kamusta na ang therapy mo?” tanong ni Justine dito.


Napatingin siya kay Paige. Maging si James napatingin dito. Hindi ito sumagot.


“Therapy para sa’n, iha?” tanong ni Tito Eric kay Paige.


Nakatingin lang si Paige kay Justine. “Ahm...” Mukhang na-tense ito.


“Ay, oo nga pala. Sinamahan mo lang yung kaibigan mo do’n.” biglang bawi ni Justine.


Mukhang nakahinga ng maluwag si Paige. Kumunot ang noo niya sa paraan ng tinginan nito at ni Justine. Mukhang may tinatago ang mga ito.


Therapy para sa’n?


* * * * * * * *


She was driving home. After nilang kumain nila James kanina ay nagpaalam na siyang uuwi na siya. Baka nag-hihisterya na si Aeroll sa bahay niya dahil wala siya kahit nag-iwan naman siya ng note kanina. Napangiti siya ng maisip ito.


First day of school ngayon kaya kahit hindi pa siya nakakalayo sa mall ay na-trapik agad siya. Uwian na ng mga estudyante. May dadaanan pa siyang elementary school, kaya ang ginawa niya ay nag-shortcut siya. O mas tamang sabihing long cut. At least, makakaiwas siya sa trapik. Lumiko siya sa isang eskinita. Maya-maya ay nasa isang maluwag na kalsada na siya. Sa tabi ng bukid ‘yon. Bihira lang ang dumaan do’n dahil mapapalayo pa ang dadaan do’n kaya wala siyang kasabayan.


Nag-hu-hum pa siya ng mapansin niya ang isang kotseng nasa likuran niya mula sa sideview mirror niya. May kasunod din ‘yong kotseng itim na pilit na nag-oovertake sa kotseng nasa likuran niya. Kumunot ang noo niya. Pamilyar ang kotseng nasa likuran niya. Oo nga! Ito ang kotse na muntik ng sumagasa sa kanila ng bata! The same car na muntik nang humagip sa kaniya malapit sa subdivision nila!


Mas lalo siyang kinutuban ng tuluyang sumabay sa kaniya ang kotse. Nasa kaliwa na niya ito. Tinted ang bintana ng saglit niyang lingunin ‘yon kaya hindi niya makita ang driver. Itinutok niya ang mga mata niya sa kalsada.


“Princess!”


Napalingon siya sa kaliwa niya. Nakababa na ang bintana ng kotse. Si Chariz ang nakita niya! Ito ang nag-da-drive. Nakangisi ito. Syete! Ito ang gustong sumagasa sa kaniya?!


“Let’s race! Kung sino ang manalo, sa kaniya si Aeroll!” sigaw nito.


“You’re insane!” ganting sigaw niya.


Hindi sana niya ito papatulan kaya lang ginigitgit siya nito. Binilisan niya ang pagpapatakbo niya. Mula sa side mirror ay nakita niyang naiwan ito. Nababaliw na siya! Balak niya ba kong patayin?


Napatingin siya sa dashboard ng mag ring ang phone niya. Binagalan niya ang pagpapatakbo. Isinuot niya ang head set na naka-connect sa phone niya. Bago sagutin ang tawag.


“Where are you?” Si Aeroll.


“P-pauwi na ko.”


“Where are you exactly?”


“N-nandito ako sa long cut. Y-yung minsang dinaanan natin.”


“Bakit ganyan ang boses mo?”


Hindi na niya nasagot ang tanong nito dahil may malakas na bumangga sa likuran ng kotse. Napatili siya. Nagpagewang-gewang ang kotse niya. “Aeroll!” Wala siyang narinig na sagot dito. Natanggal ang headset na nasa tenga niya. Isa pang malakas na bangga sa likuran ng kotse niya ang tuluyang nakapag-pawala ng control niya sa manibela. Nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang babangga siya sa isang puno. Sinubukan pa niyang mag-preno pero huli na. Babangga pa rin siya. Tinakpan niya mukha niya. Nakaramdam siya ng sakit. Ng sobrang sakit. Ang ulo niya. Ang buong katawan niya.


Aeroll...


Tuluyan na siyang nawalan ng malay.

* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^