Saturday, May 18, 2013

Love at Second Sight : Chapter 68



CHAPTER 68
( Aeroll’s POV )


“Aeroll.”


Lumingon siya sa likuran niya. Si Cath, kasama nito si Harold. Lumabas lang ang mga ito kanina.


“Kumain ka muna, insan.” May dala itong pagkain.


“Pakilapag na lang diyan.” Nilingon niya si Princess.


“Hindi ka pa nanananghalian. It’s almost dinner.”


“Mamaya ko na kakainin. Busog pa ko.”


“Sa tingin mo matutuwa si Princess sa ginagawa mo? Hindi, Aeroll. Malamang makatikim ka ng sermon sa kaniya.” sabi ni Cath.


Hindi siya sumagot.


“Akala mo ba ikaw lang ang nag-aalala sa kaniya?” Napalingon siya kay Cath ng tumaas ang boses nito.


Inakbayan ito ni Harold. “Honey.”


“Nag-alala din naman kami. Ako. Pero kung pababayaan ko ang sarili ko katulad ng ginagawa mo, magagalit sakin ang bestfriend ko.”


“Hindi ba dapat ako mag-alala?” Tiningnan niya si Princess.


“Sumusuko ka na ba na magigising siya? Tinanginan lang tayo ng doctor ng isang linggo. Pero hindi niya hawak ang buhay ng kaibigan ko...”


Hindi siya sumagot.


“Answer me, Aeroll. Sumusuko ka na ba na magigising siya? Sumusuko ka na ba na babalik siya satin?”


Hindi pa rin siya sumagot.


“Aeroll!” Nagsimula na itong umiyak.


“Honey. Tama na ‘yan. Ang mabuti pa umuwi na muna tayo.”


“Bakit ba kasi ganyan ang pinsan mo? Ang dali niyang sumuko!”


“Umuwi na muna tayo, Cathrine.” Tinawag na ito sa pangalan ni Harold. In short, seryoso talaga si Harold. “Nasa ospital tayo.”


“Pero, Harold... Si Princess... baka gumising siya... One week na ngayon... ”


“I know. Bumalik na lang tayo, okay?” masuyong sabi ni Harold dito. Hindi na niya narinig na sumagot si Cath. Ang narinig na lang niya ay ang pagbukas ng pintuan.


“Cath.” Hindi lumilingong tawag niya dito. “Hindi pa rin ako sumusuko.” sabi niya habang pinagmamasdan si Princess. “Never akong susuko sa kaniya.” Hinaplos niya ang mukha ni Princess.


Hindi ito sumagot.


“Kumain ka na, insan.” Si Harold ang sumagot. “Dahil pag nagising ang prinsesa mo at nalamang nagpapakagutom ka, lagot ka sa kaniya.”


Narinig niyang nagsara ang pintuan. Saka lang siya kumilos. Hinalikan niya ang pisngi ni Princess. “Kakain lang ako, Prinsesa.” Lumapit siya sa table at nagsimulang kumain.


One week na siyang ganito. One week na siyang halos dito mag-stay sa hospital kung sa’n naka-confine si Princess. Nasa isang private room sila. Dito siya natutulog. Dito siya kumakain. Dito siya nagbibihis.


Binilisan niya ang pagkain niya at lumapit agad kay Princess. Pinagmasdan niya ito. Ang ulo nitong may benda. Pati ang braso nitong naka-cast. Pati ang binti nitong hindi nakaligtas sa aksidente.


Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang nakita niya ng araw na ‘yon. Ang pagtawag ni Princess sa pangalan niya habang kausap niya ito sa phone. Ang narinig niyang malakas na pagbangga ng kung ano. Halos liparin niya ng araw na ‘yon ang papunta sa long cut na sinasabi nito.


Mas lalong hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Namanhid ang buong katawan niya. Ang kotse niyang tumama sa isang puno. Na halos mapipi ang unahan. Wala ng tao sa loob. Wala na si Princess. Isinakay na ito sa stretcher at ipapasok sa ambulance na nando’n. Mabilis siyang lumapit dito. Duguan ang mukha nito. Ang ulo nito. Ang braso nitong may mga sugat. For the first time in her life, noon lang siya nakaramdam ng sandaling hindi niya alam kung anong gagawin niya. Gustong-gusto niyang hawakan ang mukha nito pero ayaw namang kumilos ng kamay niya. Nagkahalo-halo na ang emosyon niya ng araw na ‘yon. Sobrang takot. Sobrang kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na parang lalabas na ‘yon sa dibdib niya.


One week na simula ng mangyari ang aksidenteng ‘yon. One week nang in coma si Princess. Masama ang pagkakatama ang ulo nito. At one week lang ang itinaning ng doctor sa kanila na magising ito.


Pero katulad ng sinabi ni Cath, hindi hawak ng doctor ang buhay ng kabigan nito. Only God knows. And miracles do happen. At ‘yon ang gusto niyang paniwalaan ngayon. Na magigising si Princess. Na babalik ito sa kanila.


Hinaplos niya ang mukha nito. Inilapit niya ang bibig sa tenga nito. “Gumising ka na, Prinsesa. Ang daming naghihintay sa pagbabalik mo.” Halos araw-araw niyang sinasabi ‘yon dito. Alam niya, naririnig siya nito. Gano’n naman daw ang mga taong nasa coma. Tulog ang conscious mind nila. Pero nananatiling gising ang unconscious mind nila. Ang sabi daw, naglalakbay lang ang kaluluwa ng mga taong nasa coma. Ayon sa nabasa niya. May mga hindi na nakakabalik sa katawan nila at mero’n ding oo. And he chose the latter, na ‘yon ang mangyayari kay Princess.


He sighed while looking at her. Yun naman ang lagi niyang ginagawa. Ang pagmasdan at kausapin ito araw-araw. Hinaplos niya ang labi nito. “Namimiss ko na ang boses mo. Ang pagsusungit mo. Ang ngiti mo. Ang tawa mo. Ang katigasan ng ulo mo. Ang panlalaki ng mata mo kapag sinasaway mo ko.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Pero alam mo ba kung anong pinaka-namimiss ko?” Ngumiti siya ng tipid. Kasabay ng pagpatak ng luha niya. “Ikaw mismo. Kaya, Prinsesa. Gumising ka na. Please... Bumalik ka na...”


Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. Ayaw niyang umiyak. Pero hindi niya mapigilan. Mali bang umiyak ang isang lalaki? Mahina na ba siya kapag umiyak siya? Dati ‘yon ang pananaw niya. Nagbago lang ‘yon ng makilala niya si Princess.


Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Nang may tumapik sa balikat niya. Lumingon siya. “Ate Angel.” Ni hindi niya narinig ang pagpasok nito. Tumayo siya.


“Umiiyak ka?” tanong nito.


Mabilis siyang tumalikod at pinunasan ang pisngi niya. “Napuwing lang ako, ate.” Hindi niya narinig na sumagot ito. Pagharap niya dito ay nakaupo na ito sa upuang inupuan niya kanina sa tabi ng kama ni Princess. “Lalabas lang ako, ate.”


Hindi ito lumingon sa kaniya. Tumango lang ito.  Lumapit siya kay Princess at hinalikan ito sa pisngi nito. “Lalabas lang ako, Prinsesa.” bulong niya dito. “Babalik din ako.”


Tumalikod na siya ng magsalita ang ate nito. “Thank you, Aeroll.”


“I love her so much.” Iyon lang at humakbang na siya palabas.


“Narinig mo ‘yon, sis? Kaya gumising ka na, hah?” Narinig pa niyang sabi ng ate nito bago siya tuluyang makalabas ng kwarto.


Two days after the incident ay napagpasyan nila ni Cath na tawagan na ang ate ni Princess na nasa Canada tungkol sa nangyari. They didn’t told the whole story, sinabi lang nila na emergency para umuwi ito ng Pilipinas. Nag-iisang kapatid ito ni Princess kaya may karapatan itong malaman ang nangyari.


Dumeretso siya ng chapel sa loob ng ospital. Umupo siya sa bandang unahan. Pinikit niya ang mga mata niya. Huminga siya ng malalim.


Minsan lang po akong humiling. Wag Ninyo naman pong kunin samin si Princess. Sakin. You know how much I love her to the point na kaya kong ibigay ang buhay ko para sa kaniya. Kung pwede lang. Kung magagawa ko lang.


Pero alam ko namang magagalit lang siya kapag ginawa ko ‘yon. Kaya ang hiling ko lang po, magising lang siya. Makita ko lang uli ang ngiti niya. Kahit sungitan pa niya ko araw-araw. Okay lang sakin. All I want is for her to wake up. Kaya please po, pagbigyan Ninyo na po ko sa hiling ko. Please...


* * * * * * * *


Tiningnan niya ang relo niya. It’s almost eleven in the evening. Nilingon niya ang mga kasama niyang nagbabantay kay Princess. Nakatulog na sa sofa habang nakaupo sina Cath at Harold kasama ang ate ni Princess. Pati sina Shanea at Jed na nakaupo sa single sitter at nagsisiksikan, nakatulog na din.


Maging siya, inaantok na din. Wala pa siyang matinong tulog. At ayaw niyang matulog ngayon. Hindi pwede. This is the last night. Kaya pilit niyang nilalabanan ang antok niya.


Hinaplos niya ang mukha ni Princess habang hawak ang isang kamay nito. Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. Gumising ka na, please... Idinilat niya ang mata niya. Tinitigan niya ito. “Wake up my princess...”


At kahit ayaw niyang makatulog, hindi na niya napigilan ang antok niya habang pinagmamasdan ito. Tuluyang na siyang pumikit.


* * * * * * * *


( Princess’ POV )


Nasa’n ba ko? Iyon ang paulit-ulit niyang tanong sa sarili niya simula ng imulat niya ang mga mata niya. Ang huling natatandaan niya ay ang maaksidente siya.
Puti ang paligid na nakikita niya. Walang katapusang puti. Patuloy lang siya sa paglalakad. Ni hindi nga siya nakaramdam ng pagod. Ni hindi nga niya alam kung ilang oras na siyang naglalakad. Oras nga ba o araw? Hindi niya alam.


“Wake up my princess...”


Huminto siya sa paghakbang. Ang boses na ‘yon.


Lagi siyang nakakarinig nang mga boses. Iba-iba. Pero ang boses na narinig niya ngayon ang halos lagi niyang naririnig. At kilala niya ang boses na ‘yon.


Aeroll...


Tumingala siya. Puti pa rin ang nakikita niya. Walang pinagbago. Hanggang sa unti-unting lumiwanag. Nakakasilaw na liwanag. Itinaas niya ang kamay niya kasabay ng pagpikit niya. At sa pagdilat niya, isang malaking puting gate ang nakita niya. Isa lang ang nasa isip niya. Patay na ba talaga ko?


“Princess...”


Paglingon niya sa pinanggalingan ng boses na ‘yon, nagulat siya sa nakita niya. Ang magulang niya! Nakangiti ang mga ito sa kaniya. Humakbang siya palapit sa mga ito ng pigilan siya ng mga ito. Umiling ang mga ito. Gusto niyang magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. Bigla siyang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan.


Mama... Papa... Gusto ko kayong yakapin. Miss na miss ko na po kayo...


Naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.


“Miss ka na din namin, anak.”


“Pero hindi pa ito ang oras mo.”


“Hindi pa ito ang oras para magkasama uli tayo.”


Hindi niya alam kung paano sila nagkakausap sa isip ng mga ito. Kung paano sila nagkakarinigan.


Pero po...


“Madaming naghihintay sa pagbabalik mo, Princess. Hinihintay ka na nila.”


“Just always remember that we love you.”


“Lagi lang kaming nakabantay sa’yo.”


I love you, Ma, Pa. Mahal na mahal ko po kayo.


Ngumiti ang mga ito. Kasabay ng isang nakakasilaw na liwanag. Pinikit na lang niya ng mariin ang mga mata niya. Kasabay ng pakiramdam na parang nahuhulog siya sa isang mataas na building. Gusto niyang idilat ang mga mata niya. Pero hindi niya magawa. May nararamdaman siyang init. Init na nagmumula sa kamay niya. Na parang may nakahawak do’n. Hindi niya alam. Hindi siya sigurado. Kung ano man ‘yon, yun ang naging dahilan para pilitin niyang idilat ang mga mata niya.


“Princess...”


Ang boses na ‘yon.


“Princess, wake up... Kaya mo ‘yan... please...”


* * * * * * * *


( Aeroll’s POV )


Naalimpungatan siya ng maramdaman niya ang pag-galaw ng kung ano sa kamay niya. Idinilat niya ang mata niya. Napaderetso agad siya ng upo nang malamang nakatulog pala siya.


Agad siyang napatingin sa kamay ni Princess na hawak niya ng maramdaman niyang gumalaw ‘yon. Gumagalaw ang daliri nito! “Princess...” Tiningnan niya ito. Inilapit pa niya ang mukha dito. Gumagalaw-galaw din ang pilik-mata nito. “Princess, wake up... Kaya mo ‘yan… Please...” Hinaplos niya ang mukha nito. “Wake up...”


Pigil niya ang paghinga niya ng dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata nito. Nagtama ang mga mata nila. Unti-unti siyang napangiti. “Gising ka na...” Walang reaksyon ang mukha nito. Hanggang sa dahan-dahan itong pumikit. “Princess!” No! Hindi na ito dumilat. “Princess!”


“Aeroll, anong nangyari sa kapatid ko?”


“Gising na ba siya?”


Mukhang nagising ang mga kasama niya sa lakas ng boses niya kanina. “Call the doctor now!” utos niya ng hindi lumilingon.


“Ano ba talagang nangyayari, Aeroll?” Narinig niyang tanong ni Cath.


“She opened her eyes for a few seconds... but...” Kagat niya ang labi niya habang nakatingin kay Princess. He kissed her forehead. “Gising ka na diba? Gising ka na, eh... I saw it with my own eyes...” Ni walang pumapasok sa tenga niya sa sinasabi ng mga kasama niya sa kwarto.


“A..er...”


Mabilis niya itong tiningnan. Hindi siya nabingi. Totoong narinig niya ang boses nito. Para siyang magkaka-heart attack sa paghihintay niya. Nang dahan-dahang imulat uli nito ang mga mata nito. Again, their eyes met. For the second time. Ni hindi na siya makapagsalita. Ni ayaw niyang magsalita. Hanggang sa unti-unti itong ngumiti. Isang matipid na ngumiti.


“A...er...oll...”


Mahina ang pagkakasabi nito pero rinig na rinig niya ‘yon. Saka lang siya nagsalita at napangiti. “Prinsesa, nakabalik ka na...” Nakabalik ka na sakin.

* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^