CHAPTER
69
( Princess’ POV )
Hindi mawala-wala ang ngiti niya habang
pinagmamasdan ang mga taong nasa loob ng kwarto, kung sa’n siya naka-confine sa
loob ng ilang linggong pananatili niya sa ospital, na walang humpay sa
kwentuhan at asaran. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa
nangyari sa kaniya. She was in coma for one week after that incident.
That
incident. Wala pang nakakaalam sa mga ito sa tunay na nangyari ng araw na ‘yon.
All they know was nawalan siya ng control sa manibela. No. Mero’n pa lang isang
nakakaalam. Si Aeroll. At ang sabi nito sa kaniya, ito na ang bahala sa taong
may gawa no’n sa kaniya. Ang taong ‘yon ay walang iba kundi si Chariz.
“Pagalitan mo nga ‘yang
si Aeroll, Princess.”
Napalingon
siya kay Harold. “Bakit naman?”
“Nag-hunger strike ‘yan
nung natutulog ka.” Natutulog
as in comatose.
Binatukan
ito ni Aeroll. “Paulit-ulit
ka na lang, hah! Ilang beses mo na bang sinabi ‘yan?”
“Aray naman, insan!
Cath, oh!”
“Unli ka kasi, eh.”
“Kawawa ako, ah.
Pinagtutulungan ninyo ko.”
“Don’t worry, Harold.
Pag nakalabas na ko dito, isang araw kong sesermunan ang pinsan mo.”
“Yes!”
Tumalon pa ito na parang bata. “Mamaya na ‘yon kasi lalabas ka na ngayon. Goodluck,
Aeroll!” Tama ito. Lalabas na siya mamaya. Inaasikaso lang ni ate
ang bill niya. Ang Ate Angel. Nagulat pa siya ng malamang nandito ito sa
Pilipinas. Tinawagan daw ito nila Cath at Aeroll nung mga panahong comatose
siya.
“Prinsesa naman.”
reklamo ni Aeroll sa kaniya. Lumapit ito sa kama at umupo sa tabi niya. “Totoo ba?”
tanong pa nito.
“Oo.”
Ngumiti
ito. “Okay
lang.” Sabay haplos ng pisngi niya. “Ang importante, gising na ang prinsesa
ko.”
“Ang cheesy ninyo
naman!”
Napalingon
siya sa pintuang nakabukas. Si Shanea na hanggang tenga ang ngiti. Ito ang
nagsalita kanina. Kasama nito ang ate niya.
“Pwede ka nang lumabas,
Princess.” sabi ng ate niya.
Kinuha
nila Cath at Harold ang mga bulaklak na nasa table. Galing ang mga ‘yon kay
James at sa daddy nito. Pati ang tatlong basket ng prutas na galing sa
kasamahan niya sa trabaho na dumalaw din sa kaniya kaninang umaga ng malamang
lalabas na siya. Para nga silang mga isda sa loob ng sardinas sa dami nila
kanina sa kwarto.
Pati
si Tito Fred na nalaman ang nangyari sa kaniya ay kinamusta din siya. Sa
katanuyan nga, kakatawag lang nito kanina para kamustahin siya. Hindi lang ito
makadalaw dahil out of the country daw ito. Si James at ang daddy nito ay
dalawang beses nang nakadalaw sa kaniya, pagkatapos niyang magising sa
pagkaka-coma. At tuwing dadalaw ang mga ito, laging wala si Aeroll kaya hindi
napang-aabot ang mga ito.
“Let’s go, guys! Sawa na
ko dito sa ospital.” Kinuha niya ang saklay niya ng agawin ‘yon
sa kaniya ni Aeroll. “Aeroll.”
Ngumiti
ito. “Buhatin
na lang kita.” Binuhat nga siya nito para ilipat sa wheelchair.
Hindi pa kasi natatanggal ang benda niya sa paa hanggang tuhod niya. In a few
days, ay pwede na daw yung tanggalin sabi ng doctor.
Lihim
siyang napatingin sa ate niya na nakangiti sa kanila. “Kahit kailan ka talaga.” bulong
ko.
Hinaplos
lang ni Aeroll ang buhok niya bago ito pumwesto sa likuran ng wheelchair.
“Ako nang magtutulak sa
kaniya Aeroll.” sabi ng ate niya.
“Ako na lang ate.”
“Ako na lang. Buhatin mo
na lang yung gamit niya.”
Iyon
nga ang ginawa ni Aeroll. Nauna nang lumabas ang mga ito. Nahuli sila ng ate
niya. Tahimik lang silang dalawa.
Ni
hindi nga sila masyadong nakapag-usap nito ng magkamalay siya. Alam niyang
pinag-aalala niya ito. Hindi na niya napigilang hindi magsalita. Hinawakan niya
ang kamay nitong nasa likod ng wheelchair. “Sorry, ate, kung pinag-alala kita.”
Pinisil
nito ang kamay niya. “Kung alam mo lang, Princess.”
“I’m sorry.”
Hinaplos
nito ang buhok niya. “Ang importante, ligtas ka na. Ligtas na ang little
sister ko.”
Hindi
niya mapigilang mapangiti. “Thank you, ate.” Nang mag-ring ang phone
nito. Sinagot nito ang tawag.
“Hello.”
Pause.
“Yes. Paalis na kami ng
ospital.”
Pause.
Napalingon
siya sa ate niya. Tiningnan siya nito. Tumango-tango ito sa kausap nito sa
phone. “Bakit
ba kasi—” Huminto din ito sa sasabihin nito.
Pause.
“Okay.”
She ended the call.
“Sinong kausap mo, ate?”
tanong niya ng ibulsa nito ang phone nito.
“Someone close to us.”
Kumunot
ang noo niya. “Sino?”
“Makikilala mo rin siya
at the right time.”
Umayos
siya ng upo. Sino kaya ang taong ‘yon?
“At bakit wala kang
naku-kuwento sakin tungkol kay Aeroll? At ang nangyari sa inyo ni James?”
pag-iiba nito ng topic.
Napaderetso
siya ng upo. “Ano
kasi... Sorry...”
“Don’t worry. Nakwento
na sakin ni Cath. Ang lahat-lahat.”
Napakamot
siya ng noo. Buti na lang at nakatalikod siya dito. Hindi nito makikita ang
reaskyon ng mukha niya. “Madami lang kasing nangyari kaya hindi ko na-kwento.
Sasabihin ko naman talaga sa’yo kaya lang... ayun nga... Madami lang talagang
nangyari kaya...” Napakamot siya ng kilay ng ma-realize na
paulit-ulit lang ang sinasabi niya. Hindi niya narinig na sumagot ang ate niya.
“Ate?”
“I’m so happy for you,
sis. He loves you so much. Naramdaman ko ‘yon.”
Napangiti
siya. “I
know, ate. I know.”
“Ang yabang, ah!”
“Ate naman, eh.”
natatawang sabi niya.
Natawa
din ito. “By
the way. As much as I wanted to stay here, I need to go back to Canada. Marami
akong naiwang trabaho. Mamaya na flight ko.”
“I understand, ate.
Thanks for coming here.” Ilang linggo din itong nandito sa
Pilipinas.
“Ano ka ba? You’re my
sister. Harangin man ako ng sibat, pupuntahan pa rin kita.”
Napangiti
siya sa sinabi nito.
“Napag-usapan na namin
ito nila Aeroll at Cath.”
“Ang?”
“I’m sorry kung hindi na
namin nasabi sa’yo. We know na kokontra ka. Ikaw pa. Pero hindi ka na pwedeng
kumontra ngayon.”
“Ano ba kasi ‘yon, ate?”
“Do’n ka muna sa bahay
nila Aeroll mag-i-stay hanggang sa tuluyan kang gumaling.”
Napalingon siya dito. “Hah? Bakit? Pwede naman ako sa bahay, ah.”
“Wala kang kasama. Si
Cath, hindi ka niya matitingnang mabuti. May trabaho siya. Mas maaalagaan ka ni
Aeroll kung sa kanila ka muna. Nakausap ko na din ang parents niya. Pumayag na
din sila.”
“Nakausap mo?”
Ngumiti
ito. “Yes.”
Pinisil nito ang ilong niya. “Ang swerte mo, sis. Ang daming nagmamahal sa’yo. Kaya
wag ka ng kumontra, okay?”
“May magagawa pa ba ko?”
Ngumiti
ito ng pagkatamis-tamis. “Wala.”
* * * * * * * *
“Ako nang kukuha,
Prinsesa.”
“Buhatin na kita,
Prinsesa.”
“Gutom ka na ba,
Prinsesa?”
“Anong gusto mong
kainin, Prinsesa?”
“Nauuhaw ka na ba,
Prinsesa?”
“Pagod ka na ba,
Prinsesa?”
“Anong gusto mo,
Prinsesa?”
Sa
loob ng apat na araw niyang pagiging house border sa bahay nila Aeroll, ‘yan ang
paulit-ulit niyang naririnig mula rito. Na halos ito na ang gumawa ng mga bagay
na kaya naman niyang gawin para sa sarili niya. Nahihiya na nga siya kina Tita
Amanda at Tito Daniel, ang parents nito.
Katulad
ngayon, nandito silang dalawa sa guest room kung sa’n siya tumutuloy.
“Aeroll, kaya ko na,
okay.” Nasa labas sila ng restroom. Maliligo na siya. Yun
lang, hindi matuloy-tuloy dahil dito.
“Baka madulas ka. Tutulungan
na kita.”
Pinanlakihan
niya ito ng mata. “Kaya ko na nga.” Itinaas pa niya ang binti
niya na wala ng cast. Kahapon lang tinanggal ‘yon. “See this? Kaya ko na.”
“Tutulungan pa rin kita.
Nurse naman ako. Promise! Walang malisya!” Itinaas pa nito
ang kamay nito.
Pinitik
niya ang noo nito. “Neknek mo!” Mabilis siyang pumasok ng
restroom at pinagsarhan ito.
“Prinsesa!”
Nakarinig siya ng katok.
Binuksan
niya ang shower at hindi ito pinansin. Titigil rin naman ito pag nagsawa ito.
Wala na nga siyang narinig. Malamang lumabas na ito ng kwarto. Ipinikit niya
ang mga mata niya habang nakatapat sa shower.
She
sighed. Ang dami na talagang nangyari simula ng magkakilala sila at magkita ni
Aeroll. Dalawang buwan na din pala. Hindi niya tuloy mapigilang balikan ang mga
nangyari sa kanila. Lalo na ang una nilang pagkikita.
“Bakit ka ba nakaharang sa dadaanan ko?! Miss, binagyo ba ‘yang
buhok mo?”
“Hoy! Lalaki! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga itong
nakabangga sa akin, ikaw pa itong may ganang mainis! At wala kang pakialam kung
bagyuhin man itong buhok ko!”
“Miss, nakita mong daanan ito tapos nakaharang ka pa.”
“Bakit binili mo ba ‘tong daanan na ‘to? Pag-aari mo ba ang mall
na ‘to? Kaya naman pala. Kausap mo ang girlfriend mo kaya mo ako nabunggo. Ikaw
ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo.”
“Hindi ko girlfriend ang kausap ko. Ikaw ang nakaharang. May
salamin ka na nga, hindi mo pa nakitang nakaharang ka sa daan.”
“Bakit pati salamin ko sa mata pinapakialaman mo, hah?! Eh,
ikaw? Mataas ba ang araw at naka-sun glass ka? Mataas nga. O baka naman siguro,
may sore eyes ka.”
“Sinong may sore eyes,
hah? Miss, tomboy ka ba?”
“Kung mukha akong tomboy, mukha ka namang bakla!”
“Ako bakla? Sa gwapo kong ito.”
“Ikaw gwapo? Kapag wala akong salamin, pwede pa siguro dahil
blurred ang nakikita ko.”
“Alam mo kung lalaki ka lang, pinatulan na kita.”
“Alam mo kung lalaki lang ako, mata mo lang walang latay. Hep!
Huwag mong hawakan ‘yan!”
“Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang galit.”
“‘Di ba galing ka sa restroom? Baka mahawaan mo ng germs ‘yang
mga gamit ko.”
“Iba ka din, ‘no? Saang planeta ka ba nanggaling?”
“Sa Earth. Ikaw siguro sa Pluto.”
“Miss, may galit ka ba sa mundo?”
“Sa’yo.”
“Siguro wala ka pang boyfriend ‘no? Kaya ganyan ka kasungit.
Tatanda kang dalaga niyan, Miss. Sabagay, mukha naman ngayon.”
“Aba’t! FYI, may
boyfriend na ako. Puti nga ang suot mo, maitim naman ang ugali mo. Gagawin
kitang pagong sa nobela ko!”
Hindi
niya mapigilang matawa sa naalala niya. Lalo ng maalala niya ang pangalawa
nilang pagkikita.
“Sinong nagpaiyak sa’yo?
Bubugbugin ko. Okay lang ‘yan. No one will hurt you again. I promise.”
Mas
lalong lumapad ang ngiti niya. Halos isumpa nila ang araw na una silang
nagkita. Tapos gano’n ang sasabihin nito sa kaniya ng magkita uli sila.
Napailing siya. Sinong magsasabing magiging ganito sila ka-close nito? Hindi
lang close. They fell in love with each other. Si Aeroll naman kasi.
“Hawakan na lang kita.
Kapit ka lang at baka mawala ka.”
“Kung natatakot ka,
hawakan mo lang ang kamay ko.”
Ang
araw na ‘yon na sumakay sila ng barko papunta ng Romblon.
“Trust me, Princess.
Hindi tayo masesemplang. Basta ako ang kasama mo. Hindi ka masasaktan.”
“Paano mawawala ang
takot mo kung hindi mo tutulungan ang sarili mo? I’m just here, Princess. Gawin
mo lang ‘yong pinapagawa ko.”
Ang
araw na ‘yon na sumakay uli siya ng motor after so many years.
“Sa wakas, nahanap din
kita.”
“Sige lang, iiyak mo lang ‘yan. Kung nahihiya ka sakin. Isipin
mong wala ako dito. Iisipin ko namang wala akong nadidinig at nakikita. Isipin
mong poste itong kinasasandalan mo. Isipin mong ako ang papa mo. Itodo mo na
‘yan.”
“Shhh…everything will be gonna okay. I promise.”
Ang
araw na ‘yon na mawala siya sa gubat.
“Don’t worry, panlaban
ako sa swimming dati sa school namin. Hindi ka malulunod basta ako ang kasama
mo. Hindi ko hahayaang malunod ka. Mas mauuna akong malunod kesa sa’yo. Kaya
tara na.”
“Wala namang masamang matakot, eh. Okay lang na matakot ka. Kaya
lang, ayaw mo bang subukang harapin yung takot mo? Naharap mo yung takot mo sa
pagsakay sa motor ‘di ba? This time, can you do it again? Not for me, but for
youself. Para next time na may mahal ka sa buhay na…alam mo na…halimbawa lang
na malunod at ikaw lang ang pinakamalapit sa kaniya. You can help him or her.
Ayaw mo ba no’n?”
“Kaya lang natatakot ka. You just need someone to help you. And
this second time around, ako na naman siguro ‘yon. Okay lang sakin. Ikaw ang
gusto kong tanungin? Okay lang ba sa’yo na tulungan kita? Baka kasi mamaya,
nagsasawa ka na sa gwapong kong mukha.”
“Tara na sa tubig. Ang sarap kaya dito. Don’t worry, hindi kita
bibitawan. Basta kumapit ka lang. O kahit wag ka ng kumapit. Ako na lang ang
hahawak sa’yo. Hinding-hindi ako bibitaw sa’yo.”
“Promise, prinsesa. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari
sa’yo. Hindi ko hahayaang malunod ka. Trust me.”
Ang
araw na ‘yon na tinuruan siya nitong lumangoy.
Lahat
ng ‘yon. Those stuff he did for her. To face her fears. To conquer her fears.
Utang niya kay Aeroll ang lahat.
“I love you, Princess.”
“Sa’yo lang, Princess. Sa’yo lang ako nag-alala ng gano’n. Ikaw
lang ang pinayagan kong sigaw-sigawan ako at bara-barahin ako. Ikaw lang ang
pinayagan kong sungitan ako. At ikaw lang din ang babaeng minahal ko ng ganito.
Sa’yo lang gumulo ang mundo ko. Nahawa na ata ko sa magulo mong buhok.”
“Nakapagdesisyon na ko kung anong gagawin ko. Hiwalayan mo man
siya o hindi. Aagawin kita sa kaniya. Dahil ako lang ang nag-iisang gwapong
prinsipe na nababagay sa prinsesang tulad mo.”
Hanggang
sa araw na ‘yon na magtapat ito sa kaniya.
“Prinsesa!”
Naputol
ang pagbabalik-tanaw niya ng marinig ang pagtawag ni Aeroll. Hindi pa pala ito
lumabas ng kwarto niya.
“Nakatulog ka na ata
dyan!”
“Patapos na ko!”
Pero
ang totoo, magsasabon at shampoo pa lang siya. Thirty minutes pa ata ang
lumipas bago siya lumabas. Nakita niya itong naka-indian seat sa sahig, sa
gilid ng kama patalikod sa kaniya na parang may tinitingnan. “Anong ginagawa
mo?” tanong niya. Lumapit siya at umupo sa tabi nito habang
pinupunasan ang buhok niya. “Kaninong picture ‘yan?” May hawak itong photo
album na hindi niya na sinilip kung kaninong picture.
“Mga pictures natin.”
Saka
lang niya tiningnan ang photo album na hawak nito. Tama ito. Mga pictures nila
nung nasa Romblon pa sila. Pero ang tinitingnan nito ngayon ay ang kuha nila
habang buhat nito si Rhiane. At hawak naman niya sa magkabilang kamay sina
Russel at Shawi. Hawak din nito ang isang kamay ni Shawi. Kuha ‘yon bago sila
pumasok ng bahay ng lola nito, matapos niyang magising sa van na katabi niya si
Aeroll at nakatunghay naman sa kaniya ang tatlong bata. Napangiti siya.
“Ang cute ko dito.”
Tinabig niya ito. “Natin pala. Palalakihan ko ‘to.”
“At ilalagay mo sa
kwarto mo? Ano ‘yon, panakot sa daga?”
“I’m serious.
Palalakihan ko ‘to. Bukas.”
Nang
tingnan niya ito ay seryoso nga ito habang nakatingin sa picture nila. Parang
may malalim pa nga itong iniisip kaya hinayaan na muna niya ito.
Napangiti
siya habang pinagmamasdan ito. “Aeroll.”
“Hmm?”
“Nakapag-thank you na ba
ko sa lahat ng ginawa mo para sakin?”
Saka
lang ito lumingon sa kaniya. “Hmm...” Tumingin ito sa kisame na tila
nag-iisip. Tiningnan siya nito. Ngumiti ito. “Hindi ata. Ewan ko. Parang. Siguro. Hindi
ka naman marunong no’n diba?”
She
pouted. Pinisil nito ang ilong niya.
“Hindi na mahalaga ‘yon,
okay.” nakangiting sabi nito. Tiningnan uli nito ang photo
album.
Sumandal
naman siya sa balikat nito. “Thank you for everything, Prince Aeroll.”
Naramdaman
niya ang kamay nito sa balikat niya. Patungo sa ulo niya. “Your welcome, Princess.” He
kissed her head. “Ang bango mo naman ngayon.”
Pabirong
pinalo niya ang dibdib nito ng maramdaman niyang inaasar siya nito. Ilang araw
na kaya siyang hindi makaligo ng maayos. Lalo na nung naka-confine siya sa
hospital. Ngayon lang.
Tinawanan
lang siya nito.
* * *
ReplyDeletethe end is near na talaga... :(
akala q nd na talaga gigising ang mhal na prinsesa,mbuti nlng.. kawawa nman ksi c prince eh,nghunger strike pman din sya.. :D
npaka sweet n aeroll..heheh nkakainlove!
lagot ka ngaun chariz!!!!
LASS! d best tlaga mgpakilig,mgpatawa, at mgpaiyak.. kaya more UD pa po miss aiesha..LHM♥ ^_^