Sunday, June 23, 2013

Love at Second Sight : Chapter 70



CHAPTER 70

( Princess’ POV )


“Hayyy...” Nandito siya sa veranda. At walang magawa. Sa totoo lang, may ginagawa naman siya kanina. Sa kusina. Yun lang, pinatigil siya ng mama ni Aeroll. Magpahinga na lang daw siya.


Wala si Aeroll. May pinuntahan ito. Parang kahapon din, wala din ito sa bahay. Mukhang may pinagkakaabalahan ito na hindi niya alam.


“Princess.”


Napalingon siya sa likuran niya. “Tita Amanda.”


Lumapit ito sa kaniya. “Naiinip ka ba?”


“Medyo po. Ahm... Tita, hindi naman po sa ayaw ko na dito. Pero nakakahiya na po kasi. Magaling naman po ako. Natanggal na rin yung cast ko nung isang araw. Pwede na po siguro akong umuwi sa bahay.”


Hinaplos nito ang ulo niya. “Hindi ka naman istorbo dito, Princess.”


“Pero, Tita...”


Lumungkot ang mukha nito. “Ayaw mo na ba dito?”


“Naku, Tita! Hindi naman po sa gano’n. Masaya nga po ako dito. Promise! Kaya lang kasi...”


Ngumiti na ito. “Wag ka ng mahiya samin. Tutal naman, magiging future daughter-in-law na din naman kita soon.”


“Tita!”


“Oops!” Napahawak ito sa bibig nito. “Me and my big mouth. Pero totoo naman diba?”


Umiwas siya ng tingin. “Wala pa po sa isip namin ‘yan.”


“Pero do’n din naman ang punta ninyo.” Huminto ito saglit. “Sa isang relasyon, hindi naman kailangang paabutin ninyo pa ng ilang taon bago ninyo ma-realize na gusto ninyong makasama ang isa’t isa habang buhay. Mararamdaman ninyo na lang bigla ‘yon. Ang mahalaga, yung mga taong pagsasamahan ninyo pa. At yung mga pagsubok na darating sa buhay ninyong dalawa. And how the two of you will face them together na walang bibitaw sa inyong dalawa.”


“Tita...”


“Maybe you can start calling me ‘Mama’. What do you think?” Tinapik pa nito ang balikat niya. Hindi siya makasagot.


“Naku, mamita! Wag ninyo pong i-pressure si Ate Princess. Kayo din, baka mag-alsa-balutan ‘yan.”


Napalingon siya sa likuran nila. Si Shanea. Kasama nito si Jed.


“Magandang tanghali, Tita.” bati ni Jed.


“Magandang tanghali din, Jed.” ganti ni Tita Amanda dito. “And Shanea.” baling nito dito.


“Oops! I’m sorry po sa pakiki-epal ko. Sige po, ituloy ninyo lang ‘yan. Dito lang po kami ni Jed.”


“May pupuntahan pa tayo, Shanea.” Jed said.


“Ooops! Oo nga pala! I almost forgot. Magbibihis lang ako.” Nilingon siya nito. “You want to go with us, Ate Princess?”


“Hindi siya pwedeng sumama.” kontra ni Jed.


Kumunot ang noo niya. Edi wag! Sinabi ko bang sasama ako?


“Ay! Oo nga pala. Date lang pala namin ni Jed ‘to. Don’t worry, may date din naman kayo ni Aeroll sa—“ Tinakpan ni Jed ang bibig nito.


“Stop talking. Go upstairs and change.” utos ni Jed dito. “After ten minutes, babalikan kita. May kukunin lang ako sa bahay.”


Sunod-sunod na tumango si Shanea bago nagpaalam sa kanila. Nag-excuse din si Jed sa kanila.


“Tingnan mo nga naman.” Napalingon siya kay Tita Amanda. “Si Jed lang talaga ang tanging nakakapag-patahimik sa kadaldalan ni Shanea. Hindi ko akalain.”


Napangiti siya sa sinabi nito. Parang kailan lang din. Ang dalawang ‘yon...


“Princess, gusto mong lumabas?”


“Po?”


“Lumabas tayo. Pumunta tayo ng mall. Nang hindi ka naman mainip dito.”


Napangiti siya. “Sige po, Tita.”


* * * * * * * *


“Tita, ito po. Bagay po sa inyo ‘to.” Napalingon siya sa mama ni Aeroll ng hindi ito sumagot. Hawak nito ang phone nito. Mukhang may ka-text ito kaya pinabayaan na muna niya ito.


Nandito sila sa department store ng mall. Mga thirty minutes na siguro silang nag-iikot dito. Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Tita Amanda. Nakangiti kasi ito habang nag-tetext. Napalingon ito sa kaniya. “Ang papa Daniel mo, este, ang asawa ko.” nakangiting sabi nito. “Just a minute, iha. Ito naman kasing si Daniel, pwede namang tumawag.” Biglang nag-ring ang phone nito. “Speaking of. I’ll just answer this.”


“Sige po, Tita.”


Lumayo ito sa kaniya. Nagtingin-tingin naman siya sa mga naka-display na damit. Kalog din ang magulang ni Aeroll. Just like him. Mas nagmana nga lang si Aeroll sa papa nito. And with them, nakatagpo siya ng isang pamilya.


“Let’s go, Princess.”


Napalingon siya sa gilid niya. “Saan po tayo, Tita?”


“Kumain na muna tayo.”


“Sige po.”


Nakahawak ito sa braso niya habang palabas na sila department store.


“Sa food court na lang tayo, iha.”


“Okay po.” Napangiti siya. Mayaman ang pamilya ni Aeroll. Pero kung mamuhay ang mga ito, simple lang.


Nang makarating sila sa food court ay hindi muna sila naghanap ng mauupuan. Katapat lang kasi ng food court ang entertainment center. Inakay pa kasi siya nito palapit do’n.


“Mukhang may artista ngayon, ah.” sabi ni Tita Amanda. “Sino kaya?”


May mga taong nakatayo sa harang na nakapalibot sa stage. May malaking space kasi sa harap ng stage. “Pumasok tayo sa loob.”


“Pero Tita, wala naman pong upuan. Baka dyan po magpe-perfrom yung artistang pupunta ngayon.”


“Sa stage na lang siya mag-perform.”


“Pero Tita...” Bahagya siya nitong tinulak papasok ng harang. Hanggang sa gitna malapit sa stage. “Tita!” Nilingon niya ito. Wala na ito sa likuran niya. Lumabas ito ng harang.


“I’ll just go to the restroom, Princess!” sabi pa nito bago ito nawala sa paningin niya.


Napalingon siya sa paligid niya. Pinagtitinginan na siya ng mga tao. Ano ba ‘yan... Akmang hahakbang na siya paalis ng...


“Dyan ka lang.” Mula ‘yon sa speaker ng mall.


Lumingon siya sa paligid niya. “Ako ba ‘yon?” tanong pa niya na parang may sasagot naman.


“Yes.” sagot naman ng taong nasa speaker. Teka! Ang boses na ‘yon!


“Aeroll?” malakas na tanong niya.


“No.”


“I know it’s you!” Lumingon siya sa paligid niya. Hindi niya alam kung paano siya nito naririnig o kung saang lupalop ito ng mall nando’n.


He heard him chuckled over the speaker. “Fine.” Tumikhim ito.


“Ano naman ‘tong pakulo mo? Pinagtitinginan na ko ng mga tao dito!”


“I just wanted to ask you for a date.”


“Yun lang? Edi sana, sinabi mo na lang ng harapan!”


“I want it to be special.”


“Pero bakit ganito pa? Agaw pansin ka talaga kahit kailan!”


“I know. I know.” Tumikhim ito. “Pwede bang ako muna ang magsalita? Wag mo muna akong singitan. Hindi ako maka-da-moves nito, eh.”


Napailing siya. “Fine! Pero pwedeng pakibilisan?”


Tumikhim uli ito. Ilang beses pa nga itong tumikhim.


“Aeroll? Titikhim ka na lang ba dyan? Aalis na talaga ko dito!”


“Eto na nga.” Tumikhim uli ito. “Did you know guys how special this mall is to me?” tanong nito na parang ang kausap ay ang mga tao sa paligid niya.


Walang sumagot. Maliban sa isang bata. “No!” malakas na sagot ng bata. Nagtawanan tuloy ang mga tao.


“Yes, kiddo! You didn’t know.” natatawang sabi ni Aeroll. “Espesyal ang mall na ‘to dahil dito ko nakilala ang babaeng nasa harapan ninyo ngayon.”


Ramdam na ramdam niya ang tingin ng mga tao sa kaniya. Ramdam din niyang dumadami ang mga uzi sa paligid niya. Aeroll, ano ba ‘tong ginagawa mo?


“At nainlove ka sa kaniya, kuya?” narinig niyang tanong ng isang lalaki. Hindi na niya pinag-abalahang hanapin kung sino mang Poncho Pilato ‘yon.


“No.” sagot ni Aeroll dito.


“Aaayyy...” sabay-sabay na sagot ng mga tao sa paligid niya.


Napayuko siya. Humanda ka sakin, Aeroll!


“Because I fell in love with her the second time I saw her.”


“Ayiii!” chorus na sabi ng mga tao.


“Ayun naman pala, ate!”


“Wag ka ng malungkot, ate!”


Mas lalo siyang napayuko. Parang gusto na niyang kumaripas ng takbo paalis sa lugar na ‘yon. Mag-aaya lang date, ganito pa?


“Naranasan ninyo na ba yung feeling na akala ninyo mawawala na sa inyo ang taong mahal ninyo? Na akala ninyo kukunin na siya sa inyo ng tuluyan ng nasa Itaas.” Tumahimik ang mga tao. Napaderetso ang tingin niya sa stage. “I did. Just a few weeks ago.”


Kinagat niya ang labi niya. Alam niya ang tinutukoy nito. That days na comatose siya. Na akala ng mga ito, mawawala na siya. Dahil tinanginan na siya ng doctor. Walang sinabi si Aeroll tungkol do’n. Si Cath ang nagsabi sa kaniya. Maging ang pagbabantay na ginawa ni Aeroll sa kaniya ng mga panahong comatose siya.


“She was in coma for one week. The whole time that I’m waiting for her to wake up, it was like I’m having a cardiac arrest. Na anumang oras, matutuluyan na din ako habang hinihintay ko siyang magising. Kung magigising ba siya o hindi. Kung babalik ba siya o hindi. Kung maririnig ko ba uli ang boses niya o hindi. Araw-araw kong iniisip ‘yon. Para na nga kong mababaliw, eh.”


“Aeroll...” Naramdaman niyang nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya.


“I didn’t told you guys this stuff just for myself. But for you all guys out there. Just what like our old motto said, time is gold. Tama naman talaga. If you love a person, go and tell them what you really feels. Wag mo ng hintaying mawala pa siya sa’yo bago ka kumilos.”


“And in my case, I know she already knew. From the moment I had realized that I love her, lagi kong sinasabi sa kaniya ang three magic words na ‘yon. But there are words na hindi ko pa nasasabi sa kaniya. Na alam kong pagsisisihan ko kung hindi ko pa masasabi ngayon.”


“Ano, kuya?” tanong ng mga tao.


“Here.” Kasabay ng pagkahulog ng isang malaking tarpaulin sa harap ng stage. Tumambad sa kaniya ang isang picture. Ang picture niya na tinitingnan nila kahapon ni Aeroll. Ang picture nilang dalawa with Russel, Shawi and Rhiane.


“Palalakihan ko ‘to bukas.”


Naalala niyang sinabi nito ‘yon kahapon. “Pinalakihan nga niya...”


“Anak ninyo, kuya?” tanong ng isang babae.


“As much as I wanted to. But no.” natatawang sagot nito. “They are my nephews and niece.” Tumikhim ito. Maya-maya ay may nakita siyang lumabas sa backstage. Si Aeroll! May hawak itong mike. So, nasa likod lang pala ito ng stage all along. Kasabay ng paglabas nito ay nagtilian ang mga tao sa paligid niya. Na parang may artistang lumabas. Kinawayan pa ni Aeroll ang mga ito. Bago siya tingnan.


“The moment you opened your eyes for the second time and smiled at me. Hearing my name from you again. Nawalang lahat ng pagod at pag-aalala ko sa paghihintay na magising ka. And I realized something,” Tiningnan nito ang picture nila na nasa likuran nito. “That I wanted to see you holding our own little angels standing right next to me.”


Mas lalong lumakas ang tilian ang mga tao. At siya, napahawak na lang sa bibig niya. He was just asking for a date, right? Ano ba ‘tong sinasabi niya?


“Yes, Princess. I’m asking you for a date. A date for a lifetime.” Kasabay no’n ay may nagbagsakan mula sa taas na mga petals. Red and white ones. Hindi lang petals, pati lobong hugis puso!


“Oh, my God!” nasabi na lang niya. Ni wala na siyang marinig na ingay sa paligid niya. Tanging ang pagtibok lang ng puso niya ang naririnig niya. Ni hindi niya magawang alisin ang mga mata kay Aeroll. Slow motion sa paningin niya ang pagbagsak ng mga petals at balloons sa paligid niya, kasabay ng slow motion ring pagbaba ni Aeroll sa stage at ang paglapit nito sa kaniya. The next thing she knew, he was kneeling on the ground in front of her.


Tinitigan siya nito.


“Sungitan mo man ako araw-araw, kausapin mo man ako o gawing unan tuwing natutulog ka, walang kaso ‘yon sakin. Basta ang gusto ko, ikaw ang unang makikita ko paggising ko sa umaga. At ang huling makikita ko bago ako matulog.” Ngumiti ito. “Alam kong may pagka-pilyo ako minsan, pero mas mabait naman ako ng madalas diba? Besides, you’re the only one who could tame me. Kaya nga ako nahulog sa’yo.”


“Aeroll naman, eh...” Tuluyan ng bumagsak ang luha niya ng buksan nito ang kamay nito at makita niya ang isang kahita. At ng buksan nito ‘yon, para ng gripong nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Hindi niya expected na ganito ang mangyayari. Na... na...


“Prinsesa.”


“Aeroll... Nakakainis ka talaga...”


Ngumiti ito. “Will you marry me, Princess Lardizabal and be my princess for the rest of our life?”


“Yes!”


Napalingon siya sa gilid ng stage. Nagulat siya ng makita niya do’n sina Shanea at Jed. Pati sina King at Tita Amanda. Pati ang bestfriend niyang si Cath na may hawak na camera at si Harold. Si Shanea ang sumigaw kanina dahil takip ni Jed ang bibig nito. All along alam nila na mangyayari ito?


“Wag kang epal, pandak!” balik-sigaw ni Aeroll dito. Binalingan siya nito. “Prinsesa...” Unti-unting nawala ang ngiti nito habang hinihintay ang sagot niya.


Bigla niyang naalala ang sinabi ni Tita Amanda kanina.


“Sa isang relasyon, hindi naman kailangang paabutin ninyo pa ng ilang taon bago ninyo ma-realize na gusto ninyong makasama ang isa’t isa habang buhay. Mararamdaman ninyo na lang bigla ‘yon. Ang mahalaga, yung mga taong pagsasamahan ninyo pa. At yung mga pagsubok na darating sa buhay ninyong dalawa. And how the two of you will face them together na walang bibitaw sa inyong dalawa.”


Napangiti siya. Inabot niya ang kamay dito. “Yes, Prince Aeroll Montelagro... I’m more than willing... to be your princess for the rest of our life...” sagot niya habang umiiyak.


“Yes!” Napatayo pa ito na sinabayan ng talon. Pagkatapos ay isinuot sa daliri niya ang singsing. He gave her a quick kiss on her lips after. Pinunasan nito ang pisngi niya and looked deeply into her eyes. “I love you so much.” Then he hugged her tightly.


She hugged him back. “I love you, too, Aeroll.”


Kasabay ng hiyawan at palakpakan ng mga tao ay ang patuloy na pagbagsak ng mga petals at balloons sa paligid niya na tila walang katapusan. Just like their feelings. It will surely be forever. Not just in first either second sight. But everytime they will look in each other’s eyes.
 

* * *


2 comments:

  1. EVry sAturdY n LNg tLga aw nkkpAgchEck nitOng siTe dHiL buSy s scHooL,,, peRo oK LnG mdMi aqNg nbbSaNg updAtes niO,,,

    ReplyDelete
  2. at wLa aqNg msAbi s chPtr n 2 kUndi waGasaN s kiLig,,, sNa pLagiNg ganiTo,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^