Sunday, June 23, 2013

Love at Second Sight : Chapter 71



CHAPTER 71

( Princess’ POV )


Nandito siya sa harap ng puntod ng magulang niya. May gusto siyang ipaalam sa mga ito. Itinaas niya ang kamay niya kung sa’n nakalagay ang singsing niya.


“Yes, Pa, Ma. Nagpropose po si Aeroll sakin kahapon.” Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala ang ngiti niya tuwing naaalala niya ang nangyari kahapon sa mall. Ang ginawang proposal ni Aeroll.


“I still can’t believe it. Talaga bang ikakasal na ko sa kaniya? Parang ang bilis, eh.” Pinikit niya ang mga mata niya. At parang naririnig niya ang magulang niyang nagtatanong ng... ‘Masaya ka ba?’


Idinilat niya ang mata niya. “Yes po. I’ve never been this happy simula ng mawala kayo.” Nang may maalala siya. Kinuha niya ang phone niya at nag-long distance call sa ate niya. Maya-maya lang.


“Ate!”


“Princess! Kailangang sumigaw?”


“Sorry.” natatawang sabi niya.


“Hmm... I smell something sweet huh. What happened?”


Itinaas niya ang kamay niya na parang makikita nito ang singsing niya. “Nag-propose si Aeroll sakin yesterday.”


“I’m so happy for you, sis!”


“Huh? Bakit parang hindi ka nagulat?”


“Sinabi na sakin ni Aeroll nung nasa ospital ka pa. After mong magising. Kaya alam ko na mangyayari ‘to na tatawagan mo ko.”


“Ate...”


“I’m so happy for you, sis. You really deserved it.”


“Thank you, ate!”


“Hulaan ko, nasa puntod ka nila papa noh?”


“Yes. You want to talk them?”


“Hah? Teka—”


“Ila-loud speaker ko ‘tong phone.” Iyon nga ang ginawa niya.


“Ang weird mo talaga.” Narinig pa niyang sabi ng ate niya. “Hi Ma! Hi Pa! Malapit na ring ikasal ang bunso ninyo! Ang malas ng lalaki noh!”


 “Ate!”


Tinawanan lang siya nito. “Ma! Pa! Kung nasa’n man kayo ngayon, wag na po kayong mag-alala kay Princess. I’m very sure na aalagaan siya ni Aeroll. I saw with my two eyes. That guy loves your daughter so much. Parang katulad ng pagmamahal ninyo sa isa’t isa nung nabubuhay pa po kayo.”


“Ate...” Pinunasan niya ang gilid ng mata niya ng maramdaman niyang nagingilid na ang luha niya.


“And Princess. Wag kang umiyak. You should celebrate! And I promise na nandyan ako sa araw ng kasal mo. May date na ba kayo?”


“Hindi pa namin napag-uusapan ‘yan. Kahapon lang kaya.”


“Bilisan ninyo na. Bago pa matauhan si Aeroll sa’yo. Sige ka.”


“Ate!”


“I’m just kidding!” natatawang sabi nito. “Pero, Ma, Pa! Tama naman ako diba?”


“Ate, ah!”


Ang lakas ng tawa nito. Ilang minuto pa silang gano’n na nakikipag-usap sa magulang nila ng magpaalam na ang ate niya. Halos kalalagay lang niya ng phone niya sa bag ng maramdaman niyang may pumatak sa braso niya. Napatingala siya sa langit. “Umaambon na.”


Nagpaalam na siya sa magulang niya at tumayo mula sa pagkakaupo. Nang mapalingon siya sa gilid niya. Si Aeroll at may hawak itong payong.


“Let’s go?” aya nito.


Tumango siya. Humakbang na sila palapit ng kotse nito. Nakaakbay ito sa kaniya habang naglalakad sila. “Babalik na ko sa bahay.” sabi niya.


“Oo nga. Uuwi na tayo sa bahay.”


“Sa bahay ko.”


Huminto ito. “Sa bahay ka muna.”


Tinapik niya ang pisngi nito. “Magaling na ko, Aeroll. Pwede na kong umuwi sa bahay.”


Sumeryoso ang mukha nito. “Sa bahay ka muna.”


“Bakit? May problema ba?” Yung mukha kasi nito...


“Wala.” Ngumiti na ito.


“Aeroll.” Bakit parang nararamdaman niyang may tinatago ito?


“Wala nga. In a few months time, magpapakasal na tayo. Ano pa bang magiging problema?” Inakay na siya nito palapit sa kotse nito. Kotse ‘yon ni King. Dahil ang kotse nito ay... Napangiwi siya.


“Yung kotse mo. Sorry about that. Nakakahiya talaga kina Tita Amanda.”


“Paulit-ulit ka na naman. Kotse lang ‘yon. Pwedeng palitan ‘yon. Pero ikaw hindi ka pwedeng palitan.”


Napangiti siya. “Pa-cute ka na naman.” Tumawa lang ito at pinagbuksan siya nito ng pintuan.


“What kind of wedding do you like, Prinsesa?” tanong nito ng makaupo ito sa driver seat. “Siguro mga three to four months maaayos na natin yung kasal natin. Sa tingin mo? Wala kasi akong idea tungkol dyan dahil never pumasok sa isip ko na ikakasal ako sa ganitong edad ko. I’m just twenty three, you know. At hindi ko naman aakalaing darating ka sa buhay ko.”


“Aeroll—”


“Hmm... Pwede bang mas maaga pa ang wedding natin? Pero syempre, I wanted it to be special for you. Mas gusto mo bang tayo ang mag-asikaso ng kasal natin o kukuha tayo ng wedding organizer? Anong motif ang gusto mo? Ang sabi kasi ni mama, may mga motif na gusto ang mga babae. Pero bago ‘yon, kailangan muna nating asikasuhin ang engagement party natin. Siguradong maraming magugulat sa mga kaibigan ko kapag nalaman nilang ikakasal na ko.”


“Aeroll—”


“Paano nga pala ang bahay mo pag kinasal na tayo? Ilang anak ang gusto mo? Gusto ko, lalaki ang panganay natin. Yun din diba ang gusto mo? Tapos babae. Tapos lalaki ulit. Kailangan na pala nating mag-isip ng pangalan ng mga magiging baby natin. Ano kayang—”


Tinakpan niya ang bibig nito. Napa-preno ito. Buti na lang at nasa viscinity pa rin sila ng cemetery. Baka kasi kapag hindi niya pinigilan ito, umabot na sa magiging apo nila ang lalabas sa bibig nito.


“Aeroll, chilax lang, okay? You talked too much. Nahahawa ka na kay Shanea.” Saka lang niya tinanggal ang kamay sa bibig nito.


“Do I?” Napakamot ito ng batok. “Hindi ko napansin.” Tinitigan siya nito. “Prinsesa, totoo ba talagang pakakasalan mo ko? Hindi ka ba gutom kahapon o pinilit ni mama?”


Ano bang pinagsasabi nito? “Aeroll, I—”


“Baka naman nahihiya ka lang tumanggi kahapon in front of those people?”


“Aeroll, pwede bang—”


“Pwede ka pa namang—” She hugged him to make him stopped from talking.


“I will marry you. And that’s final.”


Seconds after, he hugged her back. “You will marry me.” ulit nito. At kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, ramdam niyang nakangiti ito. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. “Alam kong mabilis. But every minute na alam kong hindi kita kasama. Natatakot ako. Sa katigasan ng ulo mo, baka maulit na naman ang nangyari sa’yo. And I will not allow that to happen again.”


Bakit parang may laman ang sinasabi nito?


”Kaya bakit ko pa patatagalin kung sa sarili ko, alam kong ikaw na ang babaeng gusto kong makasama.”


“Aeroll...” She closed her eyes. “Thank you.” she whispered.


And thank you Lord for giving him to me.

* * *

1 comment:

  1. iMbitAdo b kMi s weddiNg niO hA,,, gUsto q mAg-abAy hAh,,, hwahEhe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^