Sunday, June 23, 2013

Love at Second Sight : Chapter 72



CHAPTER 72

( Princess’ POV )


“Maabot na kita...” Nakatuntong siya sa dulo sa ibabaw ng table at inaabot ang bag niyang nasa taas ng cabinet. “Bakit ba kasi dyan ka nilagay ni Aeroll?” Mukhang ayaw talaga siya nitong pauwiin sa bahay niya.


One week na simula ng mag-propose sa kaniya si Aeroll. Hindi na niya ito kinulit na uuwi siya sa bahay niya pagkatapos ng araw na ‘yon na bumisita sila sa puntod ng parents niya. Pero ngayon, mangungulit na uli siya. Nagpaalam na siya sa parents nito, si Aeroll lang talaga ang matigas. Ewan ba niya sa lalaking ‘yon. Gusto ata siyang ikulong dito sa bahay.


“Anong ginagawa mo?”


“Ay, kabayo!” Sa gulat niya sa biglang nagsalitang ‘yon ay nadulas ang paa niya sa dulo ng table. Sinubukan pa niyang kumapit sa cabinet pero nadulas lang ang kamay niya. Napapikit na lang siya.


Pero sa halip na matigas na sahig ang kabagsakan niya, sa iba siya bumagsak. Pagdilat niya ng mata niya, si Aeroll ang nakita niya. Nasalo siya nito.


“Aeroll naman.” reklamo niya. “Muntik na ko do’n, ah.”


Ibinaba siya nito. “Ano bang ginagawa mo?”


“Kinukuha ko yung bag kong inilagay mo sa taas ng cabinet.”


Tiningnan nito ang bag niya. “Bakit mo ‘yan kinukuha?”


“Uuwi na ko sa bahay. Nagpaalam na ko kina Tito.”


“Princess.”


“Aeroll.”


“Wag muna ngayon.”


Nagpameywang siya. “At bakit nga?”


Umiwas ito ng tingin. “Basta.”


“May tinatago ka sakin noh?”


“Wala.”


“Ba’t ayaw mong tumingin?”


“Wala kong tinatago.” hindi tumitinging sagot nito. Umupo ito sa kama at tuluyang humiga. Ginawa nitong unan ang mga braso nito at tumitig sa kisame.


Anong problema nito? Lumapit siya dito at kinalabit ito. “Anong problema mo?”


Sa halip na sumagot ay hinila siya nito bigla pahiga sa kama. Napasubsob tuloy ang mukha niya sa dibdib nito.


“Aray, ah.” Hinimas niya ang ilong niya.


“Sorry.” Babangon na sana siya ng yakapin siya nito. Ng mahigpit. “Dito ka muna.”


Humarap siya ng higa dito. “Ano ba kasing problema mo?”


“Wala kong problema. Ano bang—aray!” Pinalo niya kasi ang dibdib nito. “Prinsesa naman.”


“Alam kong may problema ka kaya sabihan mo na. You promised me, right? We promised each other na sasabihin natin sa isa’t isa kung anong nararamdaman natin. Now. Anong problema mo?”


He sighed. “Nakausap ko si Chariz.”


Napabangon siya bigla at napaupo. “Anong sabi mo?”


“We talked over the phone. Siya ang tumawag.”


Nasabi nitong nag-resign daw si Chariz after that car incident. Hindi nito mahagilap ang babae. Hindi nila pinarating sa police ang nangyari. Ang tunay na nangyari sa aksidenteng ‘yon.


“I told her na kung hindi siya makikipag-kita satin, ang mga pulis na ang bahala sa kaniya.” dugtong nito.


“Anong sabi niya?”


Hindi pa ito nakakasagot ng makarinig siya ng katok mula sa labas ng kwarto. “Princess?”


Si Manang. Umalis siya sa kama at bahagyang binuksan ang pintuan. “Bakit po?”


“May bisita ka, Princess.”


Kumunot ang noo niya. “Sino po?” Baka naman sina Cath at Harold dahil sabi nila, pupunta daw sila ngayon. Pero hindi din. Kilala ni Manang ang dalawa.


“Chariz daw ang pangalan.” sagot ni Manang.


Napalingon siya kay Aeroll. Hindi man lang ito nagulat sa narinig nito. Mukha alam nitong darating ngayon si Chariz.


“Pinapunta ko siya dito.” sabi ni Aeroll bilang sagot sa iniisip niya.


* * * * * * * *


Pumasok siya sa study room kasunod si Aeroll. Dito pinaderetso ni Manang si Chariz ayon na rin sa bilin ni Aeroll kanina. Nakita niyang nakaupo si Chariz sa isang upuan. Napalingon ito sa kaniya. Kinuyom niya ang kamao niya.


Hindi na siya umupo. She just stood a few feet away from her. Umupo naman si Aeroll sa upuan sa likod ng table sa kanan niya.


Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman ngayong nasa harap niya si Chariz. Dapat ba siyang magalit? Pagsasampalin ito? Pagmumurahin ito? Dahil ito lang naman ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay!


Pero naisip niyang kung makukulong ba ito, sasaya siya? Hindi niya naisip na sasaya siya. Dahil hindi naman mawawala ang iringan sa pagitan nilang dalawa. Na ito ang nag-umpisa. At sisiguraduhin niyang matatapos ngayon.


Tumikhim siya. “Bakit ngayon ka lang nagpakita?”


“I was afraid. Until now, natatakot ako.”


“Dapat lang naman diba? You tried to kill me!” pigil niya ang pagtaas ng boses niya. Kahit pa sabihing wala dito ang parents ni Aeroll, umalis si Manang at silang tatlo lang ang nandito sa bahay, ayaw pa rin niyang sumigaw. Baka hindi niya mapigilan ang sarili niya.


Saka lang ito napatingin sa kaniya. “I didn’t!”


Gigil niyang kinuyom ang kamao niya. “I saw you with my two eyes, Chariz. You even asked me for a race. At kung sinong mananalo, sa kaniya si Aeroll. Nakalimutan mo ba ‘yon?”


“Yes, I said that but I’m not the one who bumped your car. Hindi ako ‘yon.”


“At sino? Multo?”


“Hindi talaga ako ‘yon.” madiing sabi nito.


“You’re a liar. Why, Chariz? Why did you do that to me? I’ve been good to you when we were in college. Tinuring kitang kaibigan no’n. Pero anong ginawa mo? Pinagkatiwalaan kita no’n. Pero sinira mo. Nakapag-move on na ko sa mga nangyari. And after all these years, you did it again. This time with Aeroll.” Nangilid ang luha niya. “You even tried to kill me. Bakit ba gustong-gusto mo akong saktan?”


“Dahil inaagaw mo ang mga taong gusto ko!”


“What?”


“I tried to be friends with you when we were in college. Alam kong maldita ako, pero tinuring kitang kaibigan no’n. Ikaw lang ang tumanggap sakin bilang ako. Kahit pa aware akong ayaw sakin ng bestfriend mo.” Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang pagpatak ng luha niya. Huminto ito saglit.


“Pero ang magustuhan ka ng taong matagal ko ng gusto ko. I couldn’t believe it! It’s really unfair! Nasanay akong makuha ang gusto ko, pero bakit ang taong gusto ko, hindi pwede? And then after all these years, naulit na naman ‘yon. Kay Aeroll. Ano bang mero’n ka na wala ako? Ako ang unang nakilala nila, pero bakit ikaw ang nagustuhan nila? Kaya naiinis ako sa’yo!”


“To the point na gusto mo kong patayin ng araw na ‘yon?” Tuluyan ng pumatak ang luha niya.


Hindi na ito nakasagot dahil biglang bumukas ang pintuan ng study room. Nagulat siya ng makita ang bestfriend niya. “Cath!” Dere-deretso lang ito palapit kay Chariz. At mabilis na...


Pak!


Sinampal nito si Chariz. “Dapat lang sa’yo ‘yan, hayop ka! You tried to kill my bestfriend!”


“Cath, tama na ‘yan.” mahinahong sabi dito ni Harold na kasunod nito.


“No! Ang dapat dito mabulok sa kulungan!” Isa pang sampal ang natanggap ni Chariz.


“Bitch!” gigil na sabi ni Chariz. Gaganti sana ito ng mapigilan ito ni Harold.


“Wag na wag mo siyang sasaktan.” madiing sabi ni Harold dito.


“Bakit mo siya pinigilan? Kung gusto niya ng away, pagbibigyan ko siya!” sigaw ni Cath. “Ano, hah? Hanggang dyan ka na lang ba, hayop ka?”


“Anong bang pinagpupu-putok ng butsi mo?” ganti ni Chariz.


“Mamamatay tao ka!”


“Cath, ano ba?” awat ni Harold.


“I didn’t killed anyone!”


“You tried to kill my bestfriend!”


“I didn’t!”


“Sinungaling!”


Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. “Shut up, will you?” sigaw niya.


Natigilan ang mga ito at napalingon sa kaniya. Maging si Aeroll na tahimik lang simula kanina ay napalapit sa kaniya. Hinawakan nito ang braso niya. “Princess.”


Huminga siya ng malalim. “Tama na, pwede?” Tiningnan niya si Cath. “Lumabas ka muna, Cath.”


“All along alam mong si Chariz ang nagtangka sa buhay mo, but you didn’t do anything? Ni hindi mo sinabi sakin? I’m your bestfriend, Princess. Buhay mo ang pinag-uusapan natin dito. Pero wala ka man lang sinabi sakin.”


“Cath, I’m sorry.” Alam niyang nagtatampo ito. Hindi lang tampo. Sanay na silang simula pagkabata, nagsasabihan na sila ng mga problema nila. Pero ngayon...


“Wala kang kadala-dala, Princess. Bakit ba lagi mong pinagbibigyan ang babaeng ‘to?”


Umiwas siya ng tingin. “Cath, please. Lumabas ka muna.”


“It looks like hindi na ko kailangan dito. At mukhang hindi mo na rin ako kailangan sa buhay mo.” Napatingin siya dito dahil sa sinabi nito. Kinuha nito ang bag nitong nahulog at mabilis na lumabas ng study room.


“Galit lang siya kaya niya nasabi ‘yon.” paliwanag ni Harold. “Susundan ko lang siya.”


Tumango lang siya. Saktong pagsara ng pintuan ay hinarap niya agad si Chariz. Naramdaman naman niya ang pagbitaw ni Aeroll sa braso niya. Pero nanatili lang itong nakatayo sa likuran niya.


“I couldn’t believe it. She slapped me.” inis na sabi nito.


“You deserved it.” madiing sabi niya. “Hindi ko na kailangang ilapat ang kamay ko sa mukha mo. I’m glad my bestfriend did it. Kulang pa ‘yan sa lahat ng ginawa mo sakin.”


Hindi ito nagsalita. Guilty as charged.


“Hindi ko kasalanan kung nagustuhan ako ng mga taong gusto mo. That only proved na hindi lahat ng bagay sa mundo, makukuha mo. Hindi umiikot ang mundo sa’yo, Chariz. Tandaan mo ‘yan.”


“But still I didn’t tried to kill you.”


“Talagang pinagpipilitan mo pa ‘yan?”


“Because that’s the truth!”


“Kailan ka ba naging totoo sa sarili mo? You betrayed me before. At hindi mo na ko mapapaniwala sa mga sinasabi mo. I’ve learned my lesson.”


Sunod-sunod itong napailing. “Hindi talaga ako ang bumangga sa kotse mo.”


“Paulit-ulit na lang ba tayo dito?” naiinis na tanong niya.


Hinawakan ni Aeroll ang braso niya. Napalingon siya dito. “Ako na.” sabi nito. Tiningnan nito si Chariz. “Kung hindi ikaw, sino? At bakit ngayon ka lang nagpakita samin?”


“There’s another car. Kasunod ko siya. When I asked Princess for a race, naunahan niya ko. Nag-menor muna ko. And when I was about to catch her, nag-overtake yung kotse sa likuran ko. And I saw it with my two eyes. He bumped into her car. Paulit-ulit niyang ginawa ‘yon. Napa-preno ako ng makita kong sumalpok ang kotse niya sa isang puno. Huminto pa ang yung kotseng bumangga sa kaniya sa tapat ng kotse niya.”


“May bumabang lalaking nakaitim. Naka-bonnet siya. Lumingon siya sakin. Nakita kong may baril siyang inilabas. Natakot ako no’n. Lalo na ng makita kong palapit siya sakin. Inatras ko ang kotse ko ng makita kong umatras din siya ng hakbang. Mabilis siyang sumakay ng kotse at umalis. Pag-lingon ko sa likuran ko, nakita kong may dalawang pick-up di-kalayuan na palapit.”


“Saka lang ako kumilos. Pinaandar ko ang kotse ko palagpas sa kotse mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. I was afraid that day. Paano kung ako ang pagbintangan nila? Paano ang lisensya ko? Pero huminto din ako no’n ng makita kong huminto ang dalawang pick-up sa tapat ng kotse mo. Kahit magulo ang utak ko no’n, I called an ambulance.”


“Pagkatapos no’n, umalis na agad ako. Sa tuwing naiisip ko yung lalaki. Takot na takot ako. That’s why I resigned. At kaya ngayon lang ako nakipagkita sa inyo—”


“Dahil nakonsensya ka na?” madiing tanong ni Aeroll.


Tumango ito. “I always having nightmares. Paano kung magising na lang akong nasa harap ko na yung lalaking ‘yon? Paano kung nakilala niya ko? Paano kung patayin niya din ako? That’s why I’ve decided na aalis na ko dito. I’m going to States for good.” Tiningnan siya nito. “That person tried to kill you. It was not me.”


Sunod-sunod siyang umiling. “No...”


Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi ito ang bumangga sa kaniya. At may ibang nagtangka sa buhay niya. Ilang beses nang nangyari ‘yon sa kaniya. At ayaw niyang isiping talagang may gustong pumatay sa kaniya. At wala siyang tiwala kay Chariz. Sa kahit anong sabihin nito. Magaling itong magpa-ikot ng tao dahil nabiktima na siya nito.


“I’m sorry, Princess. Pero hindi talaga ako ‘yon.”


“No. It’s you, Chariz. Don’t make me believe those things you’ve said. It’s all lies!”


“Pero hindi ako ‘yon!” giit nito.


“It’s you! Kung ginagawa mo lang ‘yan para takutin ako, pwes nagkakamali ka! Anong klaseng tao ka, Chariz?”


“Princess, totoo ang sinasabi ko.”


“Enough with your lies!” sigaw niya. “Hindi ‘to makakarating sa mga pulis, Chariz. Only if you take back all the words you’ve said. Hahayaan kitang makaalis ng bansang ‘to, sabihin mo lang na ikaw ang nagtangka sa buhay ko no’n.” Mas kakayanin ‘yon ng utak niya, kesa ang isipin na nasa tabi-tabi lang ang taong gustong pumatay sa kaniya. Sa hindi niya malamang dahilan.


“Mas gusto mo bang isipin na ako ang may gawa no’n?”


“Yes. Dahil ikaw ang may gawa no’n.”


“Princess!”


Nilingon niya si Aeroll. “Don’t tell me, naniniwala ka sa kaniya?”


“It’s all lies!”


Napalingon uli siya kay Chariz ng magsalita ito.


“Tama ka. It’s all lies. Lahat ng sinabi ko hindi totoo.”


Ngumiti siya ng mapait. “Then thank you for telling the truth.” Humakbang na siya palapit ng pintuan. “I don’t want to see your face ever again. Dahil sa susunod na makita uli kita. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yo.” Iyon lang at humakbang na siya palabas ng study room.


As a tear fell down on her cheek.


Masakit isiping ang taong minsang naging parte ng buhay mo, lalo na ng mga panahong nawalan ka ng isang magulang, ay siya pang taong gustong mapahamak ka.


Isa lang ang ibig sabihin no’n.


Finding true and real friends are rare.


Very rare.

 * * *

1 comment:

  1. AQ mAn guStO kOng buGbugiN yAng chAriz n yAn,,, aKaLa niA,,, pEo foR tHe saKe n mAayos na anG LAHat,,, behAve na aq dtO,,,

    aNg dApat ay mHuLi aNg tOtoOng sALarin,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^