CHAPTER
73
( Aeroll’s POV )
Napasunod na lang siya ng tingin kay Princess
hanggang sa makalabas ito ng study room. He sighed. Lumapit siya sa table at
umupo sa gilid no’n. Tiningnan niya si Chariz. “Don’t try my patience, Chariz. We’re not
playing here. Ano ba talagang totoo?”
“That I’m not the one
who tried to kill her.”
Pinikit
niya ng mariin ang mga mata niya. “Thanks to my patience, Chariz. Dahil kung hindi,
nasaktan na kita kanina pa. You almost killed her!”
Napakislot
ito sa lakas ng boses niya. “Sinabi ko lang na hindi totoo ang mga sinabi ko dahil
natatakot akong magsumbong siya sa mga pulis. Mag-iimbestiga sila.”
“Dahil natatakot kang
malaman nila ang totoo na may kinalaman ka sa aksidenteng ‘yon?”
“Natatakot akong malaman
ng taong may gawa no’n sa kaniya na magsusumbong ako. Hindi ko sinabi kanina.
Pero bago pa ko mag-resign, may kotse ng umaaligid sa tapat ng bahay ko. Kaya
inabot ng buwan bago ko humarap sa inyo. Nag-lie-low muna ako. At nagdadalawang
isip din ako kung sasabihin ko ba sa inyo ang mga nakita ko ng araw na ‘yon.
Natatakot din ako.”
“Then why did you told
us now? Hindi ba’t galit ka kay Princess? Bakit hindi ka na lang umalis ng
bansa na walang paalam?”
“Dahil alam kong hindi
ako patatahimikin ng konsensya ko.”
“How about those rude
things you did to her in the past until now, hindi ka ba nakokonsensya sa mga
‘yon?”
“Buhay na ang
pinag-uusapan dito. Gusto ko lang siyang saktan at inisin no’n. Inaamin kong
maldita ako. But I swear to God na hindi ko kayang gawin ang bagay na ‘yon.
Hindi ko kayang pumatay ng tao. Nurse ako, Aeroll. Buhay ang hawak ko. I can’t
take away anybody’s life dahil lang sa naiinis ako sa taong ‘yon.”
Humalukipkip
siya. Pero hindi siya nagsalita. He was still analyzing those things she had
said.
“Aeroll, believe me.
Hindi ko kayang pumatay.”
“I believe na hindi mo
kayang pumatay. Pero mas gugustuhin ko pang maniwalang ikaw ang may gawa no’n.”
“Aeroll!”
“You know why? Because
just thinking that someone out there was trying to kill her, that something
might happened to her again, it really...” Hindi na niya
naituloy ang sasabihin niya. Mahigpit na kinuyom lang niya ang kamao niya. “Just make sure
na wala kang kinalaman sa nangyari. Because I will hunt you kahit sa’ng lupalop
ka pa ng mundo.”
“You really love her
that much, huh? Ngayon lang kita nakitang ganyan. I don’t know what is
happening. But Aeroll, ipapahamak ka lang niya. Kung sino man ang may gawa no’n
sa kaniya. At kung bakit niya ginawa ‘yon sa kaniya.”
“I know what I’m doing,
Chariz. And you don’t have the right to tell me what to do pagkatapos ng mga
ginawa mo.” Dahil
alam niya ang mga nangyayari. Alam na alam niya.
Napailing
ito. “What’s
with her? Bakit siya pa?”
“Dahil totoo siya sa
sarili niya. Siya lang ang babaeng walang pakialam na sagut-sagutin ako dahil
alam niyang nasa katwiran siya. She didn’t have to please me just for me to
become aware of her presence. Kahit wala siyang gawin, napapansin at napapansin
ko pa rin siya. Kahit nasa tabi lang siya—”
“Enough, Aeroll. Tama na
yung mga narinig ko. You love her. Period. I get it now.”
Napailing ito. ”I
never had any lucky when it comes to love. Lahat ng bagay, nakukuha ko pero
hindi ang bagay na ‘yon. At hindi totoo ang sinabi mong napunta ang atensyon ko
no’n sa’yo dahil ikaw lang ang lalaking nangdededma sakin. That’s a bit yes. But
still, the truth was, I’ve fallen in love wth you. Pero hindi sapat ‘yon para
ipahamak ko ang sarili ko. At ipagpilitan ko ang gusto ko. Tama si Princess,
hindi ko makukuha ang lahat ng gusto ko. At ikaw ‘yon.”
“Chariz.”
Ngayon lang niya itong narinig na magsalita ng ganito sa tagal nilang magkasama
sa trabaho.
“Hindi ko kayang
ipahamak ang profession ko para sa love na ‘yan. Pinaghirapan ko ‘to. And I
don’t want to lose it. That’s why...” May kung anong kinuha ito
sa bag nito. Lumapit ito sa kaniya at may inabot na papel. Kinuha niya ang
nakatuping papel. “Plate number ‘yan nang kotseng bumangga kay Princess.”
Tiningnan
niya ‘yon. Plate number nga ang nakasulat do’n. “Why are you doing this, Chariz? Bakit mo
tinutulungan si Princess? Never give me that reason na nakokonsensya ka. May
iba pang dahilan diba?”
“Nasabi ko na ang mga
dapat kong sabihin. I better get going.” sa halip ay sagot nito. “Deretso na ko
sa airport nito.” Tumalikod na ito.
“Chariz.”
Lumingon
ito. “Yes?”
”Ayaw mo bang alamin
kung bakit hindi nagsumbong si Princess sa mga pulis?”
“No need.”
Tumalikod na uli ito.
“Minsan na niyang nasabi
sakin na may isa siyang kaibigang naging parte ng buhay niya no’n. Isang
kaibigang tumulong sa kaniya para makalimutan niya ang nangyari sa namatay
niyang ina. Isang kaibigang nawala sa kaniya. And because of what you said
earlier na minsan noon, tinuring mo din siyang kaibigan. Now I know, ikaw pala
ang tinutukoy niya.”
“I don’t know what
you’re talking about.” hindi lumilingong sabi nito.
“You and her have the
same reason. Kung bakit hindi niya ko pinilit na magsumbong sa mga pulis at
kung bakit sa kabila ng takot mo, sinabi mo pa rin ang mga nalalaman mo samin.
Dahil sa kabila ng iringan ninyo, sa kabila ng maaanghang na salita na binabato
ninyo sa isa’t isa, sa kabila ng galit na namuo sa puso ninyong dalawa. Still
at the bottom of your hearts, nando’n pa rin ang taong minsang naging totoong
kaibigan sa’yo at sa kaniya. It’s just that, ikaw ang unang bumitaw sa inyong
dalawa.”
Lumingon
ito sa kaniya. She grinned. “Because I’m a bitch, remember?” She smiled. “Goodbye,
Aeroll.” Iyon lang at lumabas na ito ng study room.
Napatingin
naman siya sa papel na hawak niya. Princess,
ayaw ko sanang maniwala sa sinabi ni Chariz. Pero... Hindi niya namalayang
nalukot na ang papel sa kamay niya. He sighed.
Kinuha
niya ang phone niya at tinawagan ang isang tao. Ilang beses na nag-ring ang
kabilang linya bago niya narinig ang isang boses.
“Yes, Aeroll?”
“Tito Sebastian, I have
a favor to ask. Remember the car accident that happened with Princess a month
ago?”
“Yes.”
“Mukhang hindi lang
basta aksidente ‘yon. Sinadya ‘yon.”
“What do you mean,
Aeroll?”
Sinabi
niya dito ang mga nalaman niya mula kay Chariz. Binigay din niya ang plate
number dito.
“Tito, paano kung may
kinalaman ‘to sa kaso? Ang araw na maaksidente siya. Isang linggo bago ang araw
na ‘yon, pinasok niya ang factory. Ilang araw pagkatapos niyang mapasok ‘yon,
nangyari ang yung sa parking lot.”
“Hindi kaya may nalaman
siya na hindi niya dapat malaman?”
“Pero ano? Lahat ng
nakasulat sa notebook na binigay ko sa inyo, yun na ang lahat.”
“Ako ng bahala, Aeroll.
Aalamin ko pa kung kanino nakapangalan ang kotseng bumangga sa kaniya.
Tatawagan na lang kita.”
He
sighed. “Salamat,
Tito.”
“Siyanga pala. Bago ko
makalimutan. Congratulations! Malapit ng ikasal ang isa sa matinik na playboy
kong pamangkin.”
Napangiti
pa rin siya sa kabila ng mga iniisip niya. “Pinagkalat na ba ni papa?”
“Alam mo naman ang papa
mo. Excited nang magka-apo. Kinakabahan pa nga ‘yon dahil napaka-babaero mo daw.”
Napakamot
siya ng ulo. “Nagbago
na ko, Tito.”
“I want to meet her
soon, Aeroll.”
“Pagkatapos ng lahat ng
‘to, Tito.”
“Malapit na, Aeroll.”
“Thanks, Tito.”
“Thanks to your fiancée.
Nakatulong ang notebook na ‘yon sa ginagawa naming investigation. Nasabi ko na
‘to, but she’s really a tough woman para magawa niya ang mga nagawa niya. She
could be a great agent if ever.”
“At kung hindi ko pa
nakita ang notebook na ‘yon, hindi ko alam kung ano pang pwede niyang magawa
para lang masagot ang mga tanong niya. Hindi ko na nga alam kung ano pang
idadahilan ko sa kaniya para lang mapanatili ko siya dito sa bahay na hindi
siya makakahalata. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya ang mga nalaman ko,
sinabi ko na. Pero hindi pwede. Ayoko na siyang mapahamak.”
Hindi
niya alam na hindi lang pala simple ang kaso ni Rod Ferrer. Tama si Princess. May
mas malaki pang pangyayari sa likod no’n. Sa sobrang dami ng nalaman niya,
hindi niya alam kung paano tatanggapin ni Princess ang mga ‘yon kapag nalaman
nito ang katotohanan.
“You love her that much,
huh?”
Parang
narinig na niya ang mga salitang ‘yon. Oo. Tama. Kay Chariz kanina.
“Yes, Tito. So much.”
*
* * * * * * *
( Princess’ POV )
Pagpasok pa lang niya ng kwarto, hindi na siya
mapakali. Iniisip niya ang mga sinabi ni Chariz kanina. “Hindi pwede. Pang-apat na ‘yong
pagtatangka sa buhay ko pag nagkataon. Ayokong maniwala. Hindi pwede.”
Sunod-sunod siyang umiling.
Tumayo
siya at nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto. Hinawakan niya ang bracelet niya sa
kaliwang kamay niya ng mapatingin siya do’n. Nasanay na kasi siyang hawakan
‘yon kapag nag-iisip siya. Bigay ‘yon sa kaniya ng ate niya nung debu niya.
Pero hindi niya nakita ang bracelet sa kamay niya.
She
sighed. Nawawala nga pala ‘yon. At hindi niya alam kung sa’n niya nalagay.
Basta bago siya naaksidente, wala na ‘yon sa kamay niya.
Umupo
na lang siya sa kama at kinagat ang daliri niya. Pero hindi naman siya
mapakali. Tumayo uli siya at nagpalakad-lakad. Mukhang mapupuyat siya sa
pag-iisip nito.
Someone
tried to kill her. Sinong hindi mababaliw sa pag-iisip? May connection ba ‘to
sa kaso ni Rod? Natatandaan niya, bago umalis si Aiza, may tumawag sa kaniyang
hindi niya kilala at sinabing manahimik na lang siya. Yun yung mga araw na
tumutulong siya sa kaso.
Tama.
Lahat ng nangyaring pagtatangka sa buhay niya. May connection ang lahat ng ‘yon
kay Rod. Maaaring may nalaman siya kaya gusto siyang patahimikin. Pero wala
naman siyang nalaman, maliban sa tattoo sa braso na ‘yon.
Sino
ang taong nasa likod ng pagkamatay ni Rod at ng pagtatangka sa buhay niya?
Kumunot
ang noo niya. Si Mr. Alex. Ang half-brother ni Tito Fred. May kakaiba dito ng
makita niya ito. Para itong may tinatago. At yung nakita nila sa factory ni
Ash, sa bodega. They were hiding something.
Pero
ano ‘yon? May kinalaman kaya ‘yon sa pagkamatay ni Rod?
Si
Tito Fred! Kailangan niya itong makausap!
Pero
bago pa niya makuha ang phone niya ay biglang pumasok sa isip niya si Aeroll.
Napasabunot siya sa buhok niya. Hindi pwede. She promised him already na hindi
na siya makikialam sa kaso.
Pero
ano nga bang balita sa kaso? Wala pa itong sinasabi sa kaniya.
“Princess.”
Napalingon
siya sa pintuan ng kwarto. “A-aeroll. Kanina ka pa dyan?”
“Hindi naman masyado.”
Pumasok ito. “Umalis
na siya.”
Hindi
siya sumagot. Lumapit siya sa bintana at tumingala sa langit. Mula sa gilid ng
mata niya, nakita niya itong umupo sa gilid ng table.
She
sighed. “Naniniwala
ka ba sa mga sinabi ni Chariz?” tanong niya.
Hindi
ito sumagot.
Nilingon
niya ito. “Naniniwala
ka. Naniniwala kang may gustong... may gustong p-pumatay sakin at hindi siya.”
“No.”
mabilis na sagot nito. “She lied. Sinabi niya lang ‘yon para takutin ka. Sinabi
niya lang ‘yon dahil galit pa rin siya sa’yo.”
So,
wala talagang gustong pumatay sa kaniya dahil gawa-gawa lang ‘yon ni Chariz. Kinuyom
niya ang kamao niya. “I knew it.” Napailing siya. “She tried to
kill me.” Kinagat niya ang labi niya. Naramdaman niyang nangilid ang
gilid ng mata niya.
Tumayo
si Aeroll at lumapit sa kaniya. Hinila nito ang kamay niya at niyakap siya. “She’s gone
already. Aalis na siya dito sa Pilipinas. So, don’t worry, okay?”
“But still she tried
to—”
“Shhh...”
Hinaplos nito ang ulo niya. “She will never hurt you again. No one will take you away
from me, okay?”
Tumango
siya.
Naramdaman
niya ang paghalik nito sa ulo niya. “I love you.” bulong nito.
Hinigpitan
niya ang pagkakayakap dito. Lahat ng iniisip niya kanina, parang bulang nawala.
Because being in his arms, she felt safe.
No
one can hurt her.
Basta
kasama niya si Aeroll.
*
* *
InTense niTo,,, aNg guLo nMan kSiNg kAusap ni chAriz,,, ewAn q s kAnya,,, sNa bumAgsak uNg erOpLaNong ssAkyAn niA,,, hwAhehE,,, aNg smA q,,,
ReplyDelete