CHAPTER
74
( Princess’ POV )
“Papa, gusto ko ng chocolate.”
“Naubos muna yung chocolate na binili
ko sa’yo.”
“Pero, papa. Gusto ko ng chocolate.
Bili tayo sa labas.”
Kumunot
ang noo niya sa nakikita niya. Nakikita niya ang sarili niya. Ang batang siya
kausap ang papa niya. At pamilyar sa kaniya ang eksenang nakikita niya.
“Gabi na, baby. Bukas na lang.”
“Pero papa gusto ko po ngayon. Saka
eight pa lang po. Maaga pa. Sige na po.” Kumapit ang batang
siya sa papa niya.
“Pero baby.”
“Please...”
“Sige na nga.”
Ginulo ng papa niya ang buhok ng batang siya.
“Thank you, papa.”
Hinalikan ng batang siya ang pisngi ng papa niya. “Mahal na mahal mo talaga ko noh?”
“Yes, my princess.”
Napapikit
siya sa nakikita niya. Namimiss niya ang gano’n. Papa...
She
opened her eyes. She found herself in the middle of the road. Napatingin siya
sa unahan niya ng makita niya ang isang delivery van na palapit sa kaniya.
Lumingon siya sa likuran niya. And there he saw his father riding on a motorcycle
with herself, ang batang siya.
Wala
siyang naiintidihan. Pero isa lang ang pumasok sa isip niya. Yung delivery van!
Tinutumbok nito ang motor ng papa niya! “Papa!” Napapikit na lang siya at napatakip sa
tenga niya pagtingin niya sa van, ilang hibla na lang ang layo no’n sa kaniya.
Hinintay
niyang may sumakit sa kaniya. Pero wala siyang naramdaman. Pero may narinig
siya. Ang sagitsit ng gulong. Ang pagbangga ng kung ano.
Idinilat
niya ang mata niya. Nakita niya ang van. Pero hindi ang motor ng papa niya.
Humakbang siya palapit sa unahan ng van. Kalahati ng motor, nasa unahan ng van.
Pero wala do’n ang papa niya.
Napalingon
siya sa gilid ng kalsada. Sa damuhan. And there he saw his father lying while
holding the kid herself. Duguan ang papa niya. Ang mukha nito. Blood was
flowing.
Nanginginig
ang paang lumapit siya dito. Lumuhod siya sa harap nito. “Papa...” Nangilid ang luha niya
sa nakikita niya. Hindi niya alam kung bakit niya nakikita ang pangyayaring
ito. But it hurts her so much na makitang ganito ang papa niya. Parang hinihiwa
ang puso niya. Ni wala siyang magawa.
“O-okay ka lang, ba...by?”
Tiningnan
niya ang batang siya. May mga sugat din ito. Nakadilat ang mata nito na
unting-unting pumikit.
“Princess...”
Nakita niyang tinapik ng papa niya ang pisngi ng batang siya. Hinawakan din ng
papa niya ang leeg ng batang siya. Ngumiti ng pilit ang papa niya.
“Henry.”
Napalingon
siya sa gilid niya ng marinig niya ang boses na ‘yon. May tao siyang nakitang
nakatayo. Pero hindi niya makita ang mukha nito. Malabo ang dating ng mukha ng
lalaki sa paningin niya. Bakit hindi kita
makita? Bakit hindi kita makita? paulit-ulit niyang tanong sa isip niya.
“Ikaw...”
Napalingon
siya papa niya. Kilala ni papa ang lalaking ito?
“Binalaan na kita, Henry. Pero sadyang
makulit ka. At ayokong ikaw pa mismo ang sumira sa plano ko.”
Napalingon
siya sa lalaki at nanlaki ang mata niya ng makitang may hawak itong baril.
Kasabay no’n ay dumilim ang paligid niya. Wala na siyang makita kundi
kadiliman.
“May huling ka bang kahilingan mahal
kong kaibigan?” Narinig niya ‘yon mula sa kung saan.
“P-patayin mo na ko... pero wag lang
ang... anak ko.. W-wag mo siyang... idamay dito...”
“Papa! No!”
sigaw niya. “Papa!”
“As you wish my friend.”
Kasabay
no’n ay narinig niya ang sunod-sunod na putok. “Papa!”
*
* * * * * * *
( Aeroll’s POV )
Naalimpungatan siya ng makarinig siya ng malakas na
sigaw.
“Papa!”
“Princess!” Napabalikwas
siya ng bangon ng mabosesan niya kung sino ‘yon. Nawala ang antok niya at
mabilis na lumabas ng kwarto niya. Magkatabi lang ang kwarto nila ni Princess kaya
nakarating agad siya do’n. Nilapitan niya ang natutulog na si Princess.
Natutulog pero pabaling-baling ang ulo nito habang umiiyak.
“Princess! Wake up!”
Tinapik niya ang pisngi nito.
Pero
ayaw nitong dumilat. Iyak lang ito ng iyak.
“Shit!”
Niyugyog niya ang balikat nito. “Princess!”
Dahan-dahan
nitong idinilat ang mata nito. “Papa...” Tinakpan nito ang mukha nito. Mas
lalong lumakas ang pag-iyak nito.
Tinulungan
niya itong makaupo at niyakap. “Shhh...” Hinagod niya ang likod nito. “Panaginip lang
‘yon, okay. Tahan na.”
“Anong nangyari, Kuya?”
“Si Ate Princess ba yung
sumigaw?”
Napalingon
siya sa pintuan. Nakita niya sina King at Shanea na pupungas-pungas at panay
ang hikab. Kasunod ang parents niya.
“Aeroll, anong
nangyari?” tanong ng papa niya.
“Nightmare, ‘Pa.” sagot niya. “Shanea, kumuha ka ng isang basong tubig sa
baba.”
“Hah?” inaantok
na tanong nito. Humikab pa ito.
“Kumuha ka ng tubig sa
baba!” malakas niyang sabi.
Napakurap
ito. “Ah...”
Iyon lang at lumabas na ito.
Patuloy
lang sa pag-iyak si Princess. He sighed. “Ako na pong bahala dito, ‘Ma, ‘Pa. Matulog na po ulit
kayo.”
“Sige. Bantayan mo muna
siya.” sabi ni papa.
“It means dito ka daw
matulog sa kwarto niya.” dagdag ni King.
Tiningnan
niya lang ito. Makuha ito sa tingin.
“King.”
saway ni mama dito.
“Sabi ko nga, matutulog
na tayo. Tara na po.” Si King na ang umakay palabas sa parents
nila. Pero bago ‘yon, “Don’t leaver her, Kuya.”
Tumango
lang siya bilang sagot.
“Princess.”
Hinaplos niya ang buhok nito.
“Si papa...”
“It was just a dream.”
Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. “Tumahan ka na.” Nasa’n na ba yung tubig? “Kukuha lang
ako ng tubig sa baba.”
“Dito ka lang...”
“Okay.” Asan ka bang pandak ka? Yung tubig na
inuutos ko! Matitiris talaga kita!
“Kuya Aeroll, o.”
Napalingon
siya sa gilid niya. Si King na may hawak na baso at pitsel ng tubig . “Bakit ikaw ang
nagdala niyan? Si Shanea?”
“Nakatulog sa sofa.”
Napailing na lang siya. “Naalimpungatan, eh. Akala siguro, nananaginip lang
siya.” Nagsalin ito sa baso. “Isang pitsel na ang dinala ko, baka magkulang.”
nakangiting sabi nito at inabot ang tubig sa kaniya.
“Thanks.”
Inabot niya ‘yon. “Princess, uminom ka muna.”
Nanginginig
ang kamay nito kaya siya na ang naglapit sa bibig nito. Inabot niya kay King
ang baso pagkatapos nitong makainom.
“Pwede ka nang lumabas,
King.”
“Nawala na ang antok ko,
eh. Dito muna ko.” Umupo pa ito sa gilid ng kama. Nang
tingnan niya ito ay mabilis itong lumipat sa upuan na malapit sa bintana.
Nag-indian seat ito sa ibabaw no’n. “Mabilis naman akong kausap.” nakangiting sabi
nito.
Hindi
na lang niya ito pinansin at tinutok ang atensyon kay Princess na yakap pa rin
niya. Hindi na ito umiiyak. “Matulog ka na uli.” bulong niya.
“Dito ka lang...”
“Oo.”
Inalalayan
niya itong makahiga. Tumagilid ito ng higa paharap sa kaniya. Gano’n din ang
ginawa niya. Itinukod niya ang kanang braso niya sa unan at ipinatong ang ulo
niya sa kamay niya. Sumiksik sa kaniya si Princess. Niyakap niya ito ng isang
braso niya at marahang tinapik-tapik ang likuran nito.
“Ang sweet.”
Nilingon
niya si King. “Tumahimik
ka kung ayaw mong sa garahe ka matulog.” mahinang sabi niya.
Hindi
na ito sumagot. He just zipped his mouth with his fingers.
Tiningnan
na lang niya si Princess. Na mukhang nakatulog na dahil sa malalim na paghinga
nito. Ano kayang napanaginipan nito?
Sa
totoo lang, nagsinungaling siya dito kanina ng sabihin niyang hindi siya
naniniwala sa sinabi ni Chariz. Sinabi niya lang na hindi. Hindi nito alam na
kanina pa siya nakatayo sa pintuan. At kitang-kita niya ang worried nitong
expression. Iniisip siguro nito kung totoo ba o hindi ang sinabi ni Chariz.
At
ayaw niyang mag-alala pa ito kaya sinabi niyang hindi siya naniniwala sa sinabi
ni Chariz. For her sake.
Dahil
alam na niya ang tumatakbo sa utak nito. At ayaw niyang gumawa na naman ito ng
isang bagay na ikapapahamak nito. Hindi niya papayagang mangyari ulit ‘yon.
“Ku...ya...”
Kumunot
ang noo niya. Ano ‘yon?
“Ku...ya...”
Parang
may bumubulong.
“Ku...—”
Nilingon niya si King. “—ya...” Ngumiti ito.
“Matulog ka na nga.”
pigil ang boses na sabi niya.
“Ayoko.”
“Wala ka bang pasok
bukas?”
“Mero’n.”
“Matulog ka na. At
siguraduhin mong aral ang ginagawa mo.”
“Aral naman talaga. Pero
syempre, ang boring naman kung puro aral ang gagawin ko. Kailangan ko ding
maglibang.”
“Hindi ka pa ba tapos
maglibang? Dapat nga tapos ka na ng college diba?”
“Kung magsalita ka naman
dyan parang thirty years old na ko. Nineteen pa lang ako, Kuya Aeroll. Sila
papa naman kasi, ba’t ang aga akong ipinasok sa school? ‘Yan tuloy. Hindi ko
na-enjoy ang pagiging bata ko.”
“Hindi ka na bata
ngayon.”
Ngumiti
ito. “Hindi
na nga. Pero, kuya, ano bang feeling ng inlove?”
Hindi
na siya nagulat sa biglaang pag-iiba ng topic nito. Gawain na nito ‘yon kapag
ayaw nitong pag-usapan ang isang bagay. Pero nagulat siya sa itinanong nito. Love?
Si King? Magtanong ng tungkol do’n? Never nga nilang napag-usapan ang bagay na
‘yon.
“At bakit mo tinatanong?
Matanong nga kita, King. Nagka-girlfriend ka na ba?”
Wala itong pinapakilala sa kanila na girlfriend nito. Although nakikita naman
niya itong may kasamang babae, na kaibigan lang daw nito.
Bigla
itong humikab. “Inaantok
na ko.” Tumayo ito at humakbang palabas ng kwarto.
“Halatang umiiwas.”
parinig niya. “Hindi
ka naman siguro bading diba? Walang bading sa lahi natin.”
Nilingon
siya nito ng nasa pintuan na ito. “At marahil ako ang una.” nakangiting sabi
nito.
“Ano?”
Napalakas ang boses niya.
“Shhh... ang ingay mo.
Magising ang fiancĂ©e mo.” natatawang sabi nito.
“Sinasabi ko sa’yo,
King.”
“Paano nga kung bading
pala ko?”
Kumunot
ang noo niya. “Walang
masama sa pagiging bading, okay. Kaya lang—”
“Okay.”
putol nito sa sinasabi niya. Sumeryoso ang mukha nito. “Hindi ako bading, okay. Ayoko lang
mag-aksaya ng panahon sa isang babaeng hindi ko naman mahal. It’s just a waste
of time, kuya. Mas gusto ko pang kasama ang mga barkada ko kesa sa magkaro’n ng
girlfriend na sakit sa ulo.” Unti-unti itong ngumiti. “Goodnight!”
Napailing
na lang siya. At ibinalik ang tingin kay Princess. King will be always King.
Puro kalokohan.
“Kuya.”
Kumunot
ang noo niya nang makitang hindi pa din ito umaalis. “Ano na
naman?”
“Dito ka matutulog?”
“Baka managinip na naman
siya. Kaya oo.”
“Virgin ka pa ba?”
Hindi
niya alam kung babatuhin niya ba ito ng unan o ano sa biglaang pag-iiba ng
topic nito. Pero sinagot niya pa rin ang tanong nito. “Hindi.”
“Oh! Wag ninyong gawin
‘yon ni Ate Princess hangga’t hindi pa kayo kasal, okay? Be a good boy!” Iyon
lang at sinara na nito ang pintuan.
Napailing
siya. “Sira
ulo ka talaga, King.” Tiningnan niya si Princess nang yumakap ito sa
kaniya. Napakamot siya ng kilay. “This will be a long night.”
Tuluyan
na siyang humiga. Inangat niya ang ulo nito at pinaunan sa braso niya. Sumiksik
ito sa kaniya. Saglit siyang natigilan. He sighed. “Pahamak ka talaga, King Leonard.” madiing
sabi niya.
“Papa...”
Dumeretso
ang utak niya ng marinig niya ang sinabi ni Princess. Sleep talking. Again.
Hinila
niya ang kumot pataas sa kanilang dalawa. “Ang lamig.” Umuulan kasi sa labas. Mukhang
may bagyo.
At
ang sabi nga, the best blanket to warmth your body is through human. Iyon ang
ginawa niya. Niyakap niya ng mahigpit si Princess.
*
* *
KULit ni kiNg,,, hWahAha,,,
ReplyDelete