Sunday, June 23, 2013

Love at Second Sight : Chapter 75



CHAPTER 75

( Princess’ POV )


Iminulat niya ang mga mata niya. Tumingin siya sa kaliwa niya. Wala siyang katabi. Hindi niya alam kung parte lang ba ng panaginip niya na katabi niya si Aeroll. Pero isa lang ang alam niya. Ang papa niya. Napanaginipan niya ang aksidenteng ‘yon twelve years ago. “Papa.”


Tiningnan niya kung anong oras na. Ten am na. Dahan-dahan siyang bumangon at dumeretso ng banyo. Matapos makapag-ayos ay bumaba na siya. Naabutan pa niya sa kusina si King. Napalingon ito sa kaniya. “Goodmorning, ate!”


“Goodmorning.” Umupo siya sa upuan.


“Gusto mo ng kape? Oh! Mag-gatas ka na lang pala.”


“Ako na lang.”


“Ako na.”


Hinayaan na lang niya ito. “Wala ka bang pasok?” tanong niya.


“Mero’n.” Tiningnan nito ang relo nito. Napangiwi ito. “Late na pala ko. Matutuwa na naman ang prof ko nito.”


Tumayo siya. “Ako na lang ang magtitimpla. Pumasok ka na.” Kinuha niya ang baso dito.


Pero hindi ito umalis. Prente pa itong sumandal sa ref. “Okay ka na, ate?”


“Hah?”


“Nanaginip ka kagabi diba?”


Natigilan siya. Paano nito nalaman? Inalala niya ang nangyari kagabi.


“Nagising kami nung sumigaw ka.”


“Kayo?”


“Kaming lahat. Binantayan ka nga ni kuya, eh.”


Napakamot siya ng kilay. “Sorry.” Hindi pala parte ng panaginip niya ‘yon. Katabi niyang natulog si Aeroll kagabi.


“Okay lang.”


“Ang kuya mo nga pala?”


“Halos kakaalis lang. Narinig kong kausap niya si general kanina. Pumunta siguro siya do’n.”


“General?”


“Tito namin. Ex-general to be exact. General siya dati ng Philippine Army. Bumaba siya sa pwesto. Sa NBI na siya nagta-trabaho—oh! Shit!” Bigla nitong tinakpan ang bibig nito. “Aalis na ko, ate. Ba-bye!” Nagmamadali na itong umalis.


“King!”


Pero dere-deretso lang ito.


“Anong nangyari do’n? May sinabi ba siyang hindi dapat sabihin sakin?” Kumunot ang noo niya. “Nakipagkita si Aeroll sa Tito nila? At sa NBI nagta-trabaho? Hindi kaya tungkol sa kaso ni Kuya Rod ‘to? Tama. I think yung Tito niya yung tinutukoy niya dati na hihingan niya ng tulong. Ano na nga bang balita do’n? Bakit—ouch!”


Binuksan niya agad ang faucet at pinadaanan ng tubig ang kamay niyang napaso ng mainit na tubig. Napangiwi siya. “Ang sakit...”


* * * * * * * *


“May huling ka bang kahilingan mahal kong kaibigan?” Narinig niya ‘yon mula sa kung saan.


“P-patayin mo na ko... pero wag lang ang... anak ko.. W-wag mo siyang... idamay dito...”


“Papa! No!” sigaw niya. “Papa!”


“As you wish my friend.”


Kasabay no’n ay narinig niya ang sunod-sunod na putok. “Papa!”


Napabalikwas siya ng bangon. Pawisan siya. Sunod-sunod ding pumatak ang mga luha niya. “Napanaginipan ko na naman...” Tinakpan niya ang mukha niya habang tahimik na umiiyak. “Papa... wala kong maintindihan...”


Wala talaga siyang maintindihan sa panaginip niya. Namatay ang papa niya dahil sa aksidente. Pero bakit niya nakita sa panaginip niya ang taong’yon? Ang taong hindi pa rin niya makita ang mukha kanina. Wala talaga siyang maintindihan.


Bumangon siya at kinuha ang phone niya sa table. Idi-nial niya ang number ng isang tao. Matagal pa bago sumagot ang nasa kabilang linya.


“Sis, bakit? I’m busy right now. Can you call—”


“Ate...”


Natigilan ito sa kabilang linya. “Sis, umiiyak ka ba?”


“Ate... Si papa... ano... si papa...”


“Princess, hindi kita maintindihan. Anong si papa?”


Huminga muna siya ng malalim. Pinunasan niya ang mga luha niya. “Pinatay ba si papa?”


Ilang saglit itong natigilan. “Ano bang sinasabi mo?”


“Nanaginip ako, ate. Nung death anniversary niya, he’s asking for my help. Tapos kagabi, napanaginipan kong may taong pumatay sa kaniya. Ate, ano ba talaga? Wala kong maintindihan. Bakit nagpaparamdam ng gano’n si papa?”


“It was just a dream, Princess.”


“It was not just a dream, ate. May ibig sabihin ‘yon.”


“Princess, relax ka muna, okay? Where’s Aeroll?”


“Wala siya dito. Ate, hindi kaya pinatay si papa no’n.” Kailangan niyang malaman ang totoo. Pero paano?


“No! Kung ano man ‘yang iniisip mo. Dyan ka lang.” Mukha nabasa nito ang iniisip niya. “Kilala kita, Princess. Dyan ka lang. Wag na wag kang aalis.”


Natigilan siya sa tono ng boses nito. “Bakit, ate? Bakit ayaw mong alamin ko ang totoo? May tinatago ka ba sakin?


“Princess!”


“Kung ayaw mong sabihin. Aalamin ko ang katotohanan.” She ended the call. Inayos niya ang sarili niya bago lumabas ng kwarto. Naabutan niya sa sala ang mama ni Aeroll.


Ngumiti ito ng makita siya. “Nagluto ako ng sopas. Tamang-tama at malamig ang panahon.”


“Tita Amanda, aalis lang po ako saglit.”


“Sa’n ka pupunta?”


“Sa bahay po.” Hindi niya alam kung bakit do’n niya gustong pumunta. Pero do’n siya hinihila ng mga paa niya.


“Pero masama ang panahon.” Tama ito. Tanghali pa lang pero ang dilim sa labas. Umidlip lang siya saglit kanina. Hindi niya alam na nakatulog na naman siya. At napanaginipan na naman niya ‘yon.


“Saglit lang po ako, Tita. Mag-iingat po ako.” Wala na itong nagawa ng kunin niya ang payong sa labas at sugudin ang ulan.


“Princess!”


* * * * * * * *


Aeroll’s POV


“Ano?” Inis na pinalo niya ang mesa. Nandito siya sa office ni Dir. Sebastian. Ayaw man niyang iwanan si Princess kanina pero tinawagan siya ng Tito niya na pumunta siya sa office nito.


“It’s fake, Aeroll.” ulit ng tito niya. Ang plate number ang tinutukoy nito. “Dalawa lang ang ibig sabihin nito. It’s either nagsinungaling ang babaeng ‘yon sa inyo para makatakas siya o totoong may gustong pumatay kay Princess. Madali lang gumawa ng plate number. Maraming gumagawa ngayon niyan lalo na ang mga taong gumagawa ng krimen.”


Inis na sinabunutan niya ang buhok niya. He gritted his teeth. Shit! Ano ba talaga ang totoo?


“It’s true.”


Napalingon siya sa likuran niya. Sa kapapasok lang na lalaki.


“Lozero. Don’t you know how to knock?” tanong ng tito niya dito.


“I know, Sir. And I’m sorry.” Prente itong umupo sa couch.


“Nasa’n ang buntot mo?” tanong niya dito.


“Iniwan ko sa kotse.”


Nang maalala niya ang sinabi nito kanina. “What do you mean by what you said earlier? Anong totoo?”


“That someone tried to kill her that day. Nag-imbestiga na ko sa aksidenteng nangyari sa kaniya. At hindi ang babaeng ‘yon ang may gawa.”


“Kailan pa, Lozero?” tanong ng tito niya.


“The moment na nalaman ko ang nangyaring aksidente.”


“At wala ka man lang ni-report sakin?”


“At hindi mo man lang sinabi sakin?” tanong niya. Kahit kailan talaga ‘tong lalaking ‘to. Mahalagang malaman niya ‘yon!


“Nire-report ko na ngayon, Sir.” Tiningnan siya nito. “Sapat na ang mga nalaman mo, Aeroll. Ang gusto ko, mag-focus ka kay Princess. Ayoko nang maulit ang nangyaring ‘yon sa kaniya.” madiing sabi nito.


“Hindi na mangyayari ‘yon, okay. Kulang na nga lang ikulong ko ‘yon sa kwarto niya. Pero sana sinabi mo pa rin sakin.”


“That’s my job, Aeroll.”


“Our job, Lozero.” pagtatama ng tito niya. “Bakit kasi sa’yo ko pa pinahawak ang kasong ‘to?” napapailing na tanong nito. “You already resigned.”


“Nagpahinga lang ako, Sir. At dahil matalik na kaibigan ko si Dominguez at may kinalaman ang kasong ‘tong hinawakan niya sa nangyari twelve years ago.”


Kumunot ang noo niya sa huling sinabi nito. “Teka lang.” Sumingit na siya. “Anong nangyari twelve years ago?” Wala itong nabanggit tungkol do’n. Hindi ito sumagot. Tiningnan niya ang tito niya. “Tito?”


“Bahala na kayong mag-usap dyan. Sumasakit ang ulo ko sa inyo.” Tumayo na ito at lumabas ng office nito. Napailing na lang siya.


“Kamusta na si Princess?”


Napalingon siya dito. “Ano muna ang kinalaman ng kaso twelve years ago?”


“Saka ko na sasabihin. Kamusta si Princess?”


He sighed. Kung ayaw nitong sabihin. Ayaw nito. “Napanaginipan niya kagabi ang papa ninyo. Iyak siya ng iyak.”


Humalukipkip ito. “May sinabi ba siya?”


“Wala. Natulog nga pala ako sa tabi niya.”


“What?” Magkasalubong ang kilay nito.


“Ba’t parang nagulat ka? Parang namang hindi ako natutulog minsan sa bahay niya no’n. Alam mo ‘yon diba?” Secret bodyguard ito ni Princess. Jeez! Kung alam lang niya.


“Pumayag akong do’n siya mag-stay sa bahay ninyo. But I didn’t told you na gawin ninyo ang bagay na ‘yon. Hind ka ba makapaghintay?” inis na sabi nito. “Ikakasal na kayo diba?”


Kumunot ang noo niya. “Anong sinasabi mo?” Nang ma-gets niya ang tinutukoy nito. “You’re thinking na may nangyari samin?” natatawang tanong niya.


“Wala ba?” nakakunot-noong tanong nito.


“Wala noh!” natatawang sagot niya. “Tinabihan ko lang siya dahil baka managinip na naman siya. I hugged her hanggang sa makatulog ako. That’s all.” Natatawa pa rin siya.


Umayos ito ng upo at malakas na tumikhim. “Stop laughing.” masungit na saway nito.


“Okay, kuya.”


Tiningnan lang siya nito na parang sinasabing makuha siya sa tingin. “Now I know what my brother feels tuwing tinitingnan ko siya ng ganyan.” sabi niya.


“What?”


“Wala.” Tumayo na siya. “Kumain ka na ba?” Tiningnan niya ang relo niya. “Eleven thirty na. Sabay na tayong kumain. Para naman makapag-bonding tayo.”


Hindi to sumagot. Tumayo lang ito at naunang lumabas ng office sa kaniya. Nagkibit-balikat na lang siya at sumunod dito.


“Talagang walang nangyari sa inyo?” tanong na naman nito habang papunta na sila ng parking lot.


“Wala nga. Masyado ka naman.”


Tumahimik na ito hanggang sa makarating sila ng parking lot.


“Ang tagal mo naman.” reklamo ng lalaking nakasandal sa isang kotse. Pero hindi naman halatang nainip ito dahil nakangiti ito. And he hated his smile. Pa-cute. “May lakad pa tayo diba?” Tiningnan siya nito. “Hi, ‘tol! How’s Princess?”


“Bakit mo tinatanong?”


“Nagseselos ka pa rin ba sakin?” nakangiting tanong nito. “Ikakasal na kayo. So, don’t be.”


“I’m not.” mabilis niyang sagot. “Sa’n ang lakad ninyo?” tanong niya sa lalaking katabi niya.


“Sa factory.” sagot nito.


Tinapik niya ang balikat nito. “Mag-iingat kayo. Next time na lang tayong mag-lunch.” sabay tingin sa lalaking nakasandal sa kotse. “Na tayong dalawa lang.”


Ngumiti lang ang lalaki. At hindi pinansin ang pagpaparinig niya.


Sumakay na siya  ng kotse niya.


* * * * * * * *


Malayo pa siya ng village nila ng makatanggap siya ng tawag mula sa mama niya.


“Bakit, ‘Ma?”


“Umalis si Princess.”


Napaderetso siya ng upo. “Sa’n pumunta, ‘Ma?”


“Sa bahay niya.”


Napapalatak siya. “Sige po. Do’n na lang po ako dederetso.” Tumingin  siya sa bintana. “Tss.. Ba’t ngayon pa siya umalis?” Masama pa naman ang panahon.


Halos kabababa lang niya ng phone ng may tumawag na naman sa kaniya.


“Nasa’n ka na?” tanong agad ng nasa kabilang linya.


“Nasa byahe pa. Bakit?”


“Make sure na hindi lalabas ng bahay ninyo si Princess.”


“Bakit?”


“Basta.”


Napapalatak siya. “Yan ka na naman sa basta mo. At wala si Princess sa bahay. Umuwi siya ng bahay niya sabi ni mama.”


“What?” Napalakas ang boses nito.


Nailayo niya ang phone sa tenga niya. Pero kumunot ang noo niya. “May problema ba?”


“Call her. And tell her na hintayin ka niya sa bahay niya.” Iyon lang at naputol na ang pag-uusap nila.


“Bwisit.” Ito ang ayaw niya. Clueless siya sa nangyayari. Tinawagan niya si Princess pero hindi nito sinasagot ang tawag. Ring lang ng ring. Hindi niya ito tinigilang tawagan.


Malapit na siya ng subdivision nito ng subukan niya uli itong tawagan. Nakahinga siya ng maluwag ng sagutin nito ang tawag.


“Hintayin mo ko dyan sa bahay mo.” agad niyang sabi.


“I’m sorry, Aeroll...”


Natigilan siya ng marinig ang boses nito. “Princess, you’re crying. Anong nangyari?” Mula sa background ay naririnig niya ang tunog ng mga sasakyan. Napaderetso siya ng upo. “Nasa byahe ka? Sa’n ka pupunta?”


“I’m sorry, Aeroll... Si papa...”


“Princess! Sa’n ka pupunta?” malakas niyang tanong.


“Sa factory—” Iyon lang ang narinig niya at nag-busy tone na. Sinubukan pa niya itong tawagan pero out of reach na.


“Shit!” Nahampas niya ang manibela. “Ba’t pupunta siya do’n?” Binagalan niya ang pagpapatakbo at nag u-turn. Dinial niya ang isang number. Yung tumawag sa kaniya kanina. “Nasa’n na kayo?” agad niyang tanong. “Nasa factory na ba kayo?”


“Medyo malayo pa. Bakit?”


“Papunta ng factory si Princess.”


“What? Diba ang sabi ko—”


“Hindi ko siya naabutan. At hindi ko na siya matawagan dahil out of reach na ang phone niya. Hindi ko rin alam kung kanina pa siya nakaalis o ano. Pasunod na ko sa kaniya. Bilisan ninyo.”

 * * *

4 comments:

  1. Hello sa readers ko! ^_____^
    Favor lang po, hehe!
    Yung sa mga ANONYMOUS po, can you put your name sa comment ninyo para naman kahit paano, ndi ko man kau kilala ng personal o sa mukha, kilala ko naman kayo sa name ninyo. HIHIHI!

    Yun lang at maraming salamat sa pagsuporta sa mga stories na ginagawa ko. I love you all! *flying kisses*

    ReplyDelete
    Replies
    1. yEs buTi aq nDe aNoN,,, guMawa n riN kXe kAu ng accOunt dtO,,, at dApaT bWaL aNg siLent reAders LNg,,, giVe Luv tO d aUthoR n nagppkHirAp magsULat ng mgA kwentOng inienjoY naTing bsAhin,,,

      Delete
  2. Waaaah! Excited na ba kayo sa mga mangyayari? Ako SUPER EXCITED na! Hihihih! Maraming revelations na darating. Kayanin sana ng powers ko. :)))

    Uhm, Nasabi ko na dibang this June ko 'to matatapos? Yep! Next weekend ko po ipopost ang huling mga chapters ng LASS. :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. my GoodnEss aTey,,, aq excitEd n aq,,, diZ juNe n,,, i cAn't wAit,,, sNa mhAboL q aGad tO kXe evEry weeKdaYs n LNg aq nkkpAgbaSa dHiL hEctic sChed s scHoOL,,, iOkoNg magpAhuLi s ktApusAn,,, hwAhuhU,,,

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^