Sunday, June 23, 2013

KontraBIDA : Chapter 7



CHAPTER 7

( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


May bandage ang kanang paa ko. Kailangan ko daw ipahinga iyon ng ilang araw sabi ng doctor na tumingin sakin kanina. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng patient bed dito sa ER.


Nakakainis! Hindi nga ako nahulugan ng kahon sa ulo, napilayan naman ang paa ko.


“O, yung saklay mo. Yan daw ang gamitin mo. Pwede ka nang umuwi.”


Tinaasan ko ng kilay ang lalaking nasa harapan ko. Siya ang hambog na lalaki nung first day na ininis ako. Hindi ko na siya nakita the next day. That was three weeks ago. At mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa kaniya ngayon.


Siya lang naman ang sumira ng eksena kanina! Siya at si Janine! May dumagdag pa na epal sa love story namin ng Warren ko. Mga bwisit sila!


“Kasalanan mo ‘to, eh.” paninisi ko sa kaniya.


“At bakit ako?” sabay turo sa sarili niya. “Ikaw ang lampang nadapa diyan.”


Hindi sana ako maiinis ngayon kung si Warren lang ang kasama ko dito. “Basta kasalanan mo.”


“You’re so rude. Ako na nga ang tumulong sa’yo, ikaw pa ‘tong galit sa’kin.”


Inirapan ko siya. “Dapat si Warren ang nagdala sa’kin dito. Hindi ikaw. Kung bakit kasi umeksena ka pa.”


“Warren?” Kumunot ang noo ng unggoy pero saglit lang. “Oh that guy? Alam mo miss, pasalamat ka dahil kung hindi kita tinulungan, mukha kang kawawa do’n na nakasalampak sa semento. Dahil kung ako sa Warren na ‘yon, gagawin ko din ang ginawa niya. Mas uunahin ko ang girlfriend ko kesa sa ibang tao diyan.”


Naningkit ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya. Ang kulit din ng unggoy na ‘to, eh! “Hindi niya girlfriend ‘yon, okay! At hindi ako ibang tao lang!” mahina pero madiing sabi ko. Kung wala lang ako dito sa ER, nasigawan ko na siya.


“Talaga lang, ah.” Nilapit niya ang mukha niya sakin. Inatras ko naman ang mukha ko. “Sino ka ba sa buhay ng Warren na ‘yon?”


Hindi agad ako nakasagot. “Ako ang…ako ang…”


“Ikaw ang dakilang kontrabida sa kanilang dalawa.”


Nagsalubong ang mga kilay ko. “What?!”


Dumeretso siya ng tayo. “Hindi mo ba napapansin? O nagbubulag-bulagan ka lang? Warren likes that girl.”


“At sino ka para sabihin ‘yan? You don’t even know him or her!”


He shrugged his shoulders. “I don’t need to know them para hindi ko makita na Warren has feelings for her. Unang tingin ko pa lang sa Warren na ‘yon, alam kong he likes that girl. Nakita mo ba kanina kung paano siya mataranta ng lapitan niya ang girlfriend niya?”


“Bakit ba ang kulit mo?! Hindi nga niya girlfriend ‘yon! At ako ang gusto ni Warren!”


“Says who? You?”


“Kung wala lang tayo dito sa lugar na ‘to, kanina pa kita natadyakan!”


Napatingin siya sa paa kong may benda. “Talaga? Kayo mo? Baka susubukan mo pa lang akong tadyakan, natumba ka na. Gusto mo atang dalawang paa mo na ang mapilayan.”


“Bwisit ka!” Kinuha ko ang mga saklay ko at nagsimulang maglakad palayo sa bwisit na unggoy na ‘to!


“Hey! Hindi pa bayad ang bill mo dito? Sa x-ray, sa gamot--”


Nilingon ko siya. “Ikaw ang magbayad. Tutal naman ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito.”


Kinapa niya ang bulsa ng pantalon niya. “Patay! Pa’no ba ‘yan? Wala akong dalang pera.”


Nanlaki ang mga mata ko. “Ano!? Eh, bakit dinala mo pa ako dito sa ospital? May clinic naman sa school!”


Ngumiti siya nang nakakaloko. “Joke lang. Nabayaran ko na.”


“Sira ulo!” Iniwan ko na siya. Sumunod naman siya sakin at sumabay.


“Nadapa ka ba o sinadya mong madapa?”


“Tanga ba ako para sadyaing magkaganito ang paa ko!?” inis na sagot ko.


“Ang tanong ko, kung sinadya mo bang madapa?”


“Tanong mo, sagutin mo!”


“Sinadya mong madapa.”


Tiningnan ko siya ng masama.


“What? Ang sabi mo kasi tanong ko, sagutin ko. Eh, ‘yon ang sagot ko. Anong magagawa mo?”


“Ihambalos ko kaya sa’yo ‘tong saklay ko?”


“Try nga.”


Huminto ako. Nasa labas na kami ng ospital. Hinarap ko siya. “Bakit mo ba ako sinusundan? Kaya kong umuwi ng mag-isa. Kaya kong—”


“Okay.” singit niya kasabay nang pag-alis niya. Ni hindi niya pinatapos ang sasabihin ko. Unggoy talaga!


Naglakad na uli ako nang maalala kong wala sakin ang bag ko. Pati ang phone ko. Nasa’n na ang mga ‘yon? Pa’no ko makakauwi nito? Nilingon ko ang lalaking hambog na ngayon ay pasakay na ng kotse.


“Hey!” Nilingon niya ko. Lumapit ako sa kaniya. “Ihatid mo ko samin.” utos ko.


Prente siyang sumandal ng kotse niya. “Akala ko ba kaya mong umuwing mag-isa?”


“Kaya ko kung may pera ako. Kung gusto mo, bigyan mo ko ng pamasahe.”


“Hindi ka na papasok ng school?”


Bakit ba ang dami niyang tanong? “Sa tingin mo papasok pa ko ng lagay na ‘to?” Buti na lang at Saturday na bukas. “Ihahatid mo ba ako o hindi?”


“You’re so arrogant! Ikaw na nga ‘tong humihingi ng pabor, ikaw pa ‘tong galit. Did you know how to say please?”


“I don’t know that word. Mero’n ba no’n sa dictionary?”


Kumunot ang noo ng lalaki.


“Ano ba! Bilis at nangangawit na ko!”


“Apurada.” Sumakay na siya sa driver seat. Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. ”Ano pang hinihintay mo diyan? New year? Katatapos lang ng new year noh!”


“Aba’t! Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?”


“Ano ka, prinsesa? Ayaw mo naman ng tulong ng iba ‘di ba? Kaya mo na ‘yan.”


“Napaka-ungentleman mo!” Binuksan ko ang pintuan sa back seat at umupo sa loob. Nilingon ako ng lalaki.


“Ba’t dyan ka umupo? Ano ako? Driver mo?”


Humalukipkip lang ako. “Bulag ka ba? Anong gusto mo? Lumipat ako sa tabi mo? Nakita mo ‘tong paa ko?”


“Lilipat ka dito o hanggang mamaya tayo dito?” Prenteng umupo ang lalaki at mukhang wala talagang balak paandarin yung kotse niya. Bwisit na unggoy na ‘to!


“Nakakainis ka, hah!”


“Ako ang dapat na mainis sa’ting dalawa. Kanina mo pa ko naiistorbo, alam mo ba ‘yon?”


Naiinis na lumabas ako ng kotse at lumipat sa tabi ng lalaki.


“Buti pa si Warren, ang gentleman.”


Pinaandar na ng lalaki ang kotse niya. “I’m not him. And I would never be like him.”


Napalingon ako sa kaniya. “May sinasabi ka ba?”


Nilingon niya ko. “Wala.” Kumunot ang noo ng lalaki at inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Lumapit siya sakin.


“Hoy! Anong—” Natigil ako sa litanya ko ng dutdutin niya ang noo ko. May tila kung anong nakita siya sa noo ko dahil napatigil siya ng ilang saglit.


“Ang clumsy mo talaga.”


Kumunot ang noo ko. “Pwede ba lumayo ka sa’kin?”


Ngumisi lang ang unggoy. “Wala naman akong gagawin sa’yo, ah.”


Pero hindi siya lumayo.


Lumapit pa nga siya ng husto sakin.


Napaatras ang mukha ko.


Huminga ako ng malalim.


Ng malalim.


Ilang dangkal na lang ang layo ng mukha ko sa kaniya.


Pilyo siyang ngumiti.


Kinabahan ako.


Napapikit ako.


Nakaramdam ako ng takot.


Lalo na nang maramdaman ko ang kamay niya.


Ang kamay niya sa gilid ko.


Anong gagawin ko?


Rapist pa ata ‘to.


Oh..


My..


God!


Bigla akong napadilat nang dutdutin niya ang noo ko.


“Ikinabit ko lang ang seatbelt mo, kaya itigil mo na ‘yang iniisip mo.” Lumayo na siya sakin. “Next time, don’t forget to fasten your seatbelt. May pilay ka na nga sa paa, gusto mo pa atang mangudngod ulit ang noo mo sa harapan, mabukulan at masugatan.”


Tahimik lang ako. Ni hindi nga nag-sink in ang mga sinabi niya sakin.


“Miss okay ka lang ba?”


“Hah?”


“Pinagpapawisan ka.”


Napahawak ako sa noo ko. Oo nga. Tagaktak ako ng pawis. May inabot na tissue ang lalaki sa dashboard at binigay sakin. Pinunasan ko ang pawis ko. Napansin ko ding nanginginig ang kamay ko.


“Ayusin mo nga ‘yang mukha mo, miss. Baka isipin ng mga tao sa inyo pag kahatid ko sa’yo, may ginawa kong masama sa’yo.”


“Mukha ka naman kasing gagawa ng masama.”


“Ihulog kaya kita sa kotse ko?”


“Sige. Kung gusto mong matapos na ang buhay mo.”


= = = = = = = =


Nasa harap na kami ng mansion namin.


“Ipasok mo sa loob.” utos ko sa katabi ko.


Kunot-noong nilingon niya ko. “Ano?”


“Ang sabi ko ipasok mo sa loob ang kotse mo. Bumaba ka. Sabihin mo sa guard namin na kasama mo ako para papasukin tayo.”


“Okay ka lang? Ano ako? Utusan mo? Tsimay? Ikaw ang bumaba.”


“Aba’t! Naku! Sarap mong batukan!” Bumaba na ko ng kotse niya kaya laking gulat ko.


Laking gulat ko…


Nang bumaba na din siya. Nauna siyang pumunta sa harap ng gate namin.


“Bwisit na ‘to! Pinahirapan pa ako! Nakita na ngang may pilay ako!” naiinis na sabi ko.


Kinausap niya ang guard namin. May kung ano siyang sinabi sa guard. Kumunot ang tuloy ang noo ko. “Hoy! Mamaya ka na makipagtsismisan dyan!”


Nilingon niya ko. “Maghintay ka!”


“Bwisit ‘to!” Pumasok na ko ng kotse niya.


Maya-maya ay pumasok na din siya ng kotse. Binuksan na ng guard ang gate namin.


“Bakit ba ang tagal mo?”


Hindi niya ko sinagot.


“Nice talking, huh.”


Hindi talaga niya ko inimik. Nakapasok na ang kotse namin sa loob. Sinalubong agad ako ng isang kasambahay namin pagbaba ko ng kotse.


“Nandyan si Daddy?” tanong ko sa kasambahay.


“Halos kakauwi lang po.” sagot niya, habang nakatingin sa likuran ko.


Lumingon ako sa likuran ko. “Sige, pwede ka nang umalis.” utos ko sa lalaki. Kumunot lang ang noo niya.


“Janiyah, what happened to you?”


Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Nasa bungad ng pintuan ang daddy ko. “Daddy…”


“What happened to your foot?”


“Natalisod lang, dad.”


Hindi ko kasi siya tinawagan kanina para sabihing naaksidente o mas tamang sabihing nakarma sa kaartehan kong nadapa kuno kanina. Dahil for sure, sermon ang aabutin ko.


“Siya ba ang tumulong sa’yo?” tanong ni daddy.


Nilingon ko ang lalaki. Na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan. Care ko?


“I’m Marky Corpus, Sir. Schoolmate po ni Janiyah.” pagpapakilala ng lalaki sa daddy ko.

 
“He’s not asking you.” singit ko.


“Janiyah! Your manners. He’s the one who helped you baka nakakalimutan mo.” saway sakin ni daddy.


I sighed. “Okay po. I’ll go to may room na.”


“Wala ka bang gustong sabihin kay Marky?”


Tinatamad na nilingon ko si monkey este Marky. “Thanks.” Tumalikod na ko at naglakad papasok ng mansion namin.


“Your welcome!” pahabol ng lalaki.


“Welcome your face! Panira ka.” bulong ko. Dahil baka sermunan pa ko ni daddy kung nilakasan ko ‘yon sa harap ng monkey na ‘yon.


Napatingin ako hagdanang nasa harap ko. Ilang baitang ba ‘to? Ano ba ‘yan! Ang hirap namang akyatin nito. Nasa third floor pa ang kwarto ko. Tapos naka-saklay pa ako! Award! Waging-wagi! Putek!


“Daddy, magpalagay na nga tayo ng elevator!” Sa sobrang inis ko napasigaw tuloy ako.


“Shhh.. Ang ingay mo! Magising yung mga engkanto dito.”


Anong engkanto ang pinagsasabi niya? Hindi ko pa nalilingon ang epal na ‘yon nang umangat ako.


“What the—” Napalingon ako sa bumuhat sakin. Si monkey! “Put me down, okay!”


“Shut up!”


“You, shut up! Yung saklay ko, ano ba!”


Hindi niya ko inimik. Gusto ko sana siyang pagpapaluin. Kaya lang, baka magpagulong-gulong kami sa hagdan. At baka sa halip na pilay lang ang inabot ko, tuluyan na kong malumpo.


“Bakit ba binuhat mo pa ako!? At bakit ka pumasok ng bahay ko?! Where’s my Daddy?!”


“This is not your house. Sa daddy mo ‘to kaya ‘wag kang feeling diyan. Umalis si Tito.”


“This is my house, too. At anong Tito ka dyan?! Feeling close ka din noh?”


Hindi niya ko sinagot.


“Tinatanong kita!”


“Answer yourself.”


“Aba’t! Gusto mong ipahabol kita sa doberman ko?”


“Close kami.”


“What?”


Hindi niya ko sinagot. Naiinis na tiningnan ko na lang siya habang paakyat kami sa kwarto ko.


“Nandito na tayo.” Binuksan niya gamit ang isang kamay ang kwarto ko. Deresto niya kong binaba sa kama ko. At walang sabi-sabing tinalikuran ako.


“Hey! Bakit alam mo ‘tong kwarto ko?!” Nanlaki ang mga mata ko. “Magnanakaw ka siguro  ‘no? Tapos minamatsagan mo kami? Oh my God!”


Kinabahan ako. Naghanap ako ng maipampapalo sa kaniya pero unan lang ang nakita kong malapit sakin. Hindi naman ako makatayo dahil wala ang saklay ko.


Humarap siya sakin. Nakangisi pa siya. “Sa gwapo kong ‘to?”


“Magnanakaw!” sigaw ko.


Napailing siya at tiningnan ako na para akong isang baliw. “Dapat siguro sa mental na talaga kita dinala kanina. Next time, sa mental na talaga kita ide-deretso.” Lumabas na siya ng kwarto ko. He closed the door.


“Magnanakaw!” sigaw ko uli. “Magnanakaw! Manang, magnana—”


Biglang bumukas ang pintuan. Si monkey! Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sakin. Mabilis siyang lumapit sakin.


Nanlaki ang mga mata ko. “Anong...anong gagawin mo?”


“You…” Lumapit pa siya ng husto sakin.


Sa bawat paglapit niya, inaatras ko ang mukha ko. Hanggang sa tuluyan na kong mapahiga sa kama ko ng hindi ko namamalayan.


Pilyo siyang ngumiti habang nakatingin sakin. “Ano ba ang dapat gawin sa mga katulad mo, hmm? Dapat sa’yo parusahan, eh.”


Tinukod niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko. Inilapit pa niya ng husto ang mukha niya sa mukha ko. Pigil ko na ang paghinga ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.


Gagamitin ko sana ang kamay ko para itulak siya pero naunahan na niya ko. He pinned my two arms using his hands at the top of my head.


“L-let go...of me…”


“Kinakabahan ka na ba? Are you afraid of me?”


“N-no!”


“Ows?”


Magkalapit na ang mga ilong namin.


“S-sisigaw ako…”


“Edi sumigaw ka.”


Sisigaw talaga ako! “Saklo—” Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil…


Dahil…


Dahil…


Dahil…
= = =

1 comment:

  1. dahil ano po??? waaa binitin ni otor >_> \*Q*/

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^