CHAPTER 8
( Marky Corpuz’s POV )
Nakakairita
talaga ‘tong babaeng ‘to! Kung gaano ka-inosente ang mukha, kabaligtaran naman
ng ugali.
“Saklo—”
Hindi
ko na pinatapos ang sigaw ni Janiyah.
Dahil…
Dahil…
Dahil…
Ehem!
Tinakpan
ko lang ang bibig niya.
Akala
ninyo hinalikan ko siya ‘no?
Baka
hindi na ako makalabas ng buhay sa kwarto niya kapag ginawa ko ‘yon.
“Ano
sisigaw ka pa ba?”
Pinaghalong
takot at inis ang nakita ko sa mukha niya. Pilyo akong ngumiti. “Alam mo ba ang
gagawin ko sa’yo ngayon?”
Nanlaki
ang mga mata niya. Halos mamutla na nga ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi
ko tuloy mapigilang matawa ng malakas. Lumuwag na ang pagkakahawak ko sa kamay
niya. Itinulak niya ko ng malakas.
“Bastos!
Isusumbong kita kay daddy!”
“Edi
magsumbong ka. Samahan pa kita, eh.”
“Bwisit
ka! Mamatay ka na!”
“Matagal
pa.” Tinalikuran ko na
siya nang mapangisi ako. Maasar nga uli. Hinarap ko uli siya. “Sumigaw ka
ulit, gagawin ko kung ano ang iniisip mo.”
Nanlaki
ang mga mata niya. Kinuha niya ang isang unan at ibinato sakin na agad ko
namang nailagan.
“Better
luck next time.” Lumabas na ko ng
kwarto niya.
“Aaaahhhh!”
Napailing
ako. “Ang
kulit talaga.”
“Yung
saklay ko!”
Sumigaw
ka lang hanggang mapaos ka.
“Yaya!”
Tinakpan
ko ang magkabilang tenga ko. Nasa baba na ko ng makita ko ang saklay niya.
Kinuha ko ‘yon ng mag-ring ang phone ko.
“What happened?”
tanong ng nasa kabilang linya.
“Nagwala
po.”
“Makukuha mo din
ang loob niyan. Bantayan mo siyang maigi.”
Sana
nga. “Sige
po.”
“Salamat.”
Umakyat
uli ako ng kwarto ni Janiyah. Kumatok ako.
“Ano?!”
pasigaw na tanong niya.
Napailing
na lang ako. “Yung
saklay niyo po, Madam.”
“Ikaw
na unggoy ka!”
“Your
welcome, iwan ko na lang dito sa pinto.”
“Akin
na ‘yan!”
“Kunin
mo.”
“Aaaahhhh!”
Tumalikod
na ako at napailing. “Tama ba ‘tong pinasok ko?” Napabuntong-hiningang
humakbang na ko pababa.
=
= =
( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
Nakita
ko si Warren na mag-isang naglalakad sa hallway. “Warren!” Nilingon niya ko.
“Janiyah.”
Lumapit
ako sa kaniya.
“How
was your foot?”
“Okay
na. Pwede na kong hindi magsaklay.”
“About
last Friday, sorry hah. Kung hindi kita natulungan.”
Humalukipkip
ako. “Hmp!”
“Hinimatay
kasi si Janine. Saka may tumulong na sa’yo.”
Sinundot
ko ang gilid niya. “Selos ka naman.”
“Ano—” Kumunot
ang noo ni Warren.
Hindi
sakin. Kundi sa tinitingnan niya. Sinundan ko ang tinitingnan niya.
Ang
epal!
“Janine!”
Magkasalubong ang mga kilay ni Warren. At bakit parang galit siya? Mabilis siyang
lumapit kay Janine at hinila palayo ang babaeng ‘yon.
At
ako?
Eto.
Naiwan
sa ere.
Grrr!
Janine!
Ang
sarap mong ibalibag!
Panira
ka ng moment namin!
“Sabi
ko naman sa’yo, eh. He likes that girl very much.”
Napalingon
ako sa epal na ‘yon.
Si
monkey!
Nakahalukipkip
siya habang nakatingin kina Warren at Janine.
“Sinusundan
mo ba ‘ko?”
“I’m
studying here, that’s why I’m here. At bakit naman kita susundan? Ano ako?
Stalker mo?”
“Oo.”
“Woah!
Ang lakas ng fighting spirit mo, ah. To the highest level.”
“Yes.
To the highest level talaga. Tagos hanggang buwan.”
“Diyan
ka na nga. Ayokong makipag-usap sa mga bigo.”
Tinalikuran niya ko.
“Anong
bigo?”
Humarap
siya sakin. “Bigo
ka. Kay Warren. Open your eyes, Janiyah. Dapat siguro pati third eye mo,
buksan, eh. Para makita mo talaga ang katotohanan. He doesn’t like you. Dahil
kasama niya ngayon ang taong mahal niya.”
“That’s
not true!”
“Yeah,
right. Kausapin mong sarili mo.”
Tinalikuran niya uli ako.
“Bwisit
ka!”
Kumaway
pa ng nakakaloko ang unggoy na ‘yon. Nakakainis! Siya lang ang taong nagagawa
sakin ang ganito. Ang taong tinatalikuran ako. Ang kapal ng mukha niya!
=
= =
( Janine de Vera’s POV )
Naglalakad
ako sa hallway nang mapahinto ako. Nakita ko si Warren. Kasama niya si Janiyah.
Tatalikod na sana ako nang makita ako ni Warren.
“Janine!”
Mabilis
siyang humakbang palapit sakin at iniwan si Janiyah na masama ang tingin sakin.
Alam kong iniisip niyang inaagaw ko ang atensyon ni Warren sa kaniya. Hindi
‘yon totoo. Kung pwede lang na umiwas ako kay Warren, ginawa ko na. Pero hindi
pwede.
“Hindi
ba sinabi ko sa’yong wag ka munang papasok?”
magkasalubong ang kilay na tanong ni Warren nang makalapit siya sakin.
Hinawakan agad niya ang kamay ko at inakay ako palayo.
“Okay
na ko. Buong weekend akong nagpahinga dahil sa utos mo.”
Hindi
siya nagsalita kaya tahimik na lang akong sumunod sa kaniya.
Parehas
man kami ng course na dalawa, magkaiba naman kami ng year. Mas maaga ang klase
niya kesa sakin at binilinan niya akong wag munang papasok.
Pero
hindi pwede. Marami akong mamimissed na lessons ngayong araw. Kailangan kong
galingan para worth it naman ang lahat ng paghihirap ko.
Huminto
si Warren nang wala nang masyadong estudyante sa paligid namin. Binawi ko ang
kamay kong hawak niya.
“Are
you sure you’re okay?” tanong niya. Hindi
na galit ang boses niya.
“Oo.”
Mukhang
hindi pa siya kuntento dahil sinalat pa niya ang noo ko. Pati ang magkabilang
pisngi ko at leeg ko. Hahawakan pa sana niya ang mata ko nang mapaatras ako.
“Anong
ginagawa mo?” nagtatakang tanong
ko.
“I
just wanna make sure that you’re really okay.”
Nginitian
ko siya. “Okay
na talaga ko.”
“Okay.”
Hinawakan niya ang kamay ko. “Ihahatid na kita sa klase mo.”
“Pero...”
“Tapos
na ang klase ko kaya ihahatid na kita.”
Wala
na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya habang nakatingin sa magkahawak
naming mga kamay.
=
= =
( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
“Is
your foot okay na, girl?”
pangalawang tanong
na ni Trixie ‘yon sakin. Nandito kami ngayon sa pool area sa school namin.
“Malamang.
One week na simula ng mangyari ‘yon, ‘no. Kaya gagawin na natin ang Plan C.
Now.”
“Are
you sure?”
“Alam
mo kung natatakot ka, wag mo na lang akong tulungan.”
“Natatakot
ako for you. Pa’no kung malunod ka talaga?”
“I
know how to swim.”
#Plan C
1.
Nandito ako sa pool. Lumalangoy.
2.
Tatawagin ni Trixie si Warren.
3.
Kapag alam kong malapit na sila. Magkukunwari akong nalulunod.
4.
Ililigtas ako ni Warren.
5.
Ima-Mouth-to-mouth rescucitation niya ako.
6.
First kiss ko ang love of my lovelife kong si Warren. Ayiih!
“Tinext
ko na si Warren. Nasa canteen daw siya.”
Malapit lang ang pool area sa canteen kaya madaling makakapunta si Warren dito.
“Okay.
You take care, girl, ah.”
“Oo
na. Ang drama mo.” Inilipag ko ang
bag ko sa gilid. Hinubad ko ang damit ko. May swimsuit ako na pang-loob. Yung
swimsuit na para sa swimming classes namin dito sa school. Nagdive na ako sa
pool. ”Sige,
puntahan mo na ang Warren ko.”
“Okay.
Gotta go. Take care, hah.”
Hindi
na ko sumagot dahil sumisid na ko pailaliim. Nakailang langoy na ko
pabalik-balik ng maramdaman kong tila…
Shit!
Pinupulikat
ako!
Nasa
malalim na bahagi pa naman ako.
“Saklolo!”
Nagkakakawag ako. “Sak—lolo! Tulungan—niyo ko!”
Nakakainom
na ko ng tubig. Nakadinig ako ng yabag papalapit. Hindi ko na kaya. Lumubog na
ko sa tubig.
Warren…
Dumilim na ang paningin ko.
=
= =
Kontra bida talaga hahaha nice post!
ReplyDelete