Saturday, June 29, 2013

Love at Second Sight : Chapter 82



CHAPTER 82

( Princess’ POV )


“Fox to Tiger. Over.”


“Tiger to Fox. Over.”


“Got the two hostages. We’re on our way out. Over.”


“Agoncillo’s brothers had escaped. We’re trailing them. Over.”


“Shit!”


“Just proceed to our plan. Over and Out.”


“Copy that, Sir. Over and Out.”


Saglit na lumingon sa kanila si Hunter pagkatapos nitong makipag-usap. Na sa tingin niya ay sa superior nito. “We have to move faster.” sabi nito. Nakatutok ang baril nito sa bandang taas, sa second floor ng warehouse. Samantalang si Aeroll ay sa likuran nila.


They were on their way out of the warehouse. May mga nadaanan silang mga nakahandusay na tao at may mga tama ng baril. Mga tauhan ni Mr. Fred.


Kinabig ni Aeroll ang ulo niya paiwas sa mga ‘yon. “Don’t look at them.”


Malapit na silang makalabas ng bigla silang mapahinto ng mula sa taas, sa second floor ng warehouse, ay may narinig silang putok. Kasabay ng pagbagsak ng isang lalaki sa gilid nila. Deretso sa isang malaking kahon na gawa sa manipis na kahoy.


Sa impact ng pagbagsak nito ay nawasak ng kaunti ang ibabaw ng kahoy. Mula sa loob ay lumabas ang ilang maliliit na plastic na may laman sa loob. Na puti.


Kumunot ang noo niya. Drugs ba ‘yon? So, ‘yon pala ang mga laman ng mga kahong nadadaanan nila.


“Ash!”


Kumunot ang noo niya sa narinig niya. Saka lang niya binigyang pansin ang lalaking nahulog sa ibabaw ng kahon. Nasa tabi nito si Hunter at inalalayan ito.


“Okay lang ako, ‘tol. Nag-feeling superman lang.” nakangiting sabi ng lalaki. Sabay lingon sa kaniya. “Hi, Princess! Long time no see—ouch!” Napahawak ito sa tagiliran nito.


Natigilan siya. Pati ba naman si Ash nandito? Ano ba talagang nangyayari?


“Bakit ka ba tumalon mula sa taas?” tanong ni Hunter dito. “Baliw ka ba talaga?”


“May humahabol sakin, ‘tol.”


“Nandito siya! Bilis!”


“Ano pang hinihintay mo? Paputukan mo na!”


Napatingala siya sa second floor, sa may bintana kung saan tumalon si Ash kanina. Kasabay ng sunod-sunod na putok. Nahila agad siya ni Aeroll patago sa gilid.


“Hunter, may tama ka na naman! Ba’t ba tinulak mo na naman ako?”


“Ang bagal mo kasing kumilos!”


Napatingin siya kina Hunter na nakatago sa likod ng mga kahon at pinapuputukan ng mga kalaban mula sa second floor. Nasa bandang ilalim sila ng second floor kaya hindi sila maabot ng mga bala.


“Aeroll! Go!” sigaw ni Hunter habang nakikipagpalitan ito ng putok sa mga kalaban.


Hinawakan ni Aeroll ang kamay niya. “May tama siya, Aeroll.” mahinang sabi niya. Habang nakatingin kina Hunter at Ash na nakikipagpalitan ng putok.


“Ano pang hinihintay ninyo? Umalis na kayo!” sigaw uli ni Hunter. “You know you’re mission here, Aeroll! And that’s Princess! Now, go!”


Hinawakan ni Aeroll ng mahigpit ang kamay niya. Ramdam niyang ayaw nitong umalis pero... “We need to go, Princess.”


“Pero...”


Hinila na siya nito habang ang mga mata niya ay nakatutok kina Hunter. Bakit ganito ang nangyayari? Bakit nililigtas siya ng mga ito? Kulang pa ba ang mga nalaman niya kanina at mero’n pang bagong pasabog?


Wala na talaga siyang maintidihan. Wala na.


* * * * * * * *


Tuluyan na silang nakalabas ni Aeroll sa warehouse habang naririnig pa rin niya ang putok ng mga baril sa kung saan. Saka lang niya naramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya. Ang kabang ngayon lang niya napagtuunan ng pansin.


Umuulan. At madilim ang paligid. Kahit hindi pa gabi.


Hinubad nito ang jacket nito at ipinatong sa ulo niya bago siya hilahin palapit sa mga nagtataasang puno. Pumasok sila sa kakahuyan na ‘yon.


Tahimik lang ito. Pero alam niyang nakikiramdam lang ito sa paligid nila habang tumatakbo silang dalawa. Pinabayaan na lang niya ang pananahimik nito. Besides, tumatakbo ang isip niya sa mga nangyayari. Ang daming tanong sa isip niya.


Wala ring pakinabang ang jacket na nasa ulo niya ng biglang lumakas ang ulan. Maputik na ang dinadaanan nila. Basang-basa na sila.


Malapit na silang makalabas ng kakahuyan ng may humarang sa kanila. Sabay silang napahinto ni Aeroll. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Humarang ito sa harap niya. “Dyan ka lang sa likuran ko.” sabi nito.


“Mr. Alex.” mahinang sabi niya ng makilala niya ang taong nasa harap nila.


“Princess.” Humakbang ito.


“Dyan ka lang.” madiing sabi ni Aeroll sabay tutok ng baril dito.


Huminto ito. At tiningnan siya. “Kung may nagawa lang ako noon. At kung may magagawa lang ako ngayon.”


Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Yun din ang sinabi nito kanina sa kaniya na hindi niya maintidihan. “What do you mean?”


“Patawad. Wala akong nagawa no’n para sa papa mo.”


“Mr. Alex...”


“Anak lang ako sa labas, Princess. Wala kong magawa ng mga panahong ‘yon. Naging malapit ako sa papa mo, pero hindi ko man lang siya natulungan. Wala akong nagawa. Nanahimik ako sa mga nalalaman ko. Hanggang sa makita kita sa factory. Nagulat ako no’n, nang makita kong kasama ka ni Fred. Binalaan kita na mag-ingat ka.” Umiling ito. “Hindi ko alam na darating sa ganito ang lahat.”


May kung anong hinagis ito sa harap nila. Nakalagay sa plastic ‘yon. “Naka-record dyan ang mga pinag-usapan ninyo ni Fred kanina. Gamitin mo ‘yan.”


Pinulot ni Aeroll ‘yon. “Bakit ninyo ginagawa ‘to?” nagtatakang tanong niya. Parang kanina lang.


“Sinabi ko na. Naging malapit kong kaibigan ang papa mo. At kung wala kong nagawa no’n, alam kong may magagawa ako ngayon. Yan lang ang naisip ko para makabawi sa pagkamatay ng papa mo. Buong buhay kong dinala sa konsensya ko ang pagkamatay niya. Patawad. Ayoko na rin ng ganitong buhay.”


“Edi tapusin na natin!”


Boses ‘yon na nagmula sa kaliwa niya. Kasabay ng isang putok.


Napahawak si Mr. Alex sa tagiliran nito. May dugong lumalabas do’n. Nanlaki ang mata niya ng tuluyan itong matumba. Napalingon siya sa kaliwa niya. Lumabas sa likod ng puno si...


Si Mr. Fred! May hawak itong baril na nakatutok kay Mr. Alex.


“Traydor ka, Alex. Dapat lang sa’yo ‘yan.”  Sabay lingon sa kanila.


Humarang si Aeroll sa harap niya.


“What do we have here? The knight in shining armor! And her princess!” nakangising sabi nito. Inilahad nito ang kamay nito. “Give me that.” utos nito na ang tinutukoy ay ang binigay sa kanila ni Mr. Alex.


“No.” madiing sabi niya.


“Ayaw mo?” Itinutok nito ang baril sa kaniya.


Tinutok naman ni Aeroll ang baril nito dito. “Subukan mo lang.” madiing sabi ni Aeroll.


“Bakit? Handa ka bang mamatay para sa babaeng ‘yan?”


Humigpit ang pagkakahawak ni Aeroll sa kamay niya. Napalingon siya dito. “Aeroll...”


“Katulad ka pala ng papa niya. Handang ibuwis ang bahay para mailigtas ang anak niya. How pathetic. Baka gusto mo ding magmakaawa katulad ng ginawa ng papa niya para mailigtas mo siya?”


“Hayop ka!” madiing sabi niya.


“Oo. Priness. At mas magiging hayop ako dahil sa’yo. Sana pala pinatay na rin kita kasama ng papa mo noon. Edi sana, hindi nangyari ‘to. Sinira mo ang mga plano ko. Pero hindi pa naman huli ang lahat diba? Magagawa ko pa rin naman ‘yon.” nakangising sabi nito. “Pero kung gusto mong mailigtas ang buhay ninyong dalawa, akin na ‘yang hawak ninyo.”


Anong gagawin nila ngayon? Parang nasa hukay na ang kalahati ng buhay nilang dalawa ni Aeroll? Ni hindi siya makapag-isip ng matino!


Tanging ang malakas na pagtibok lang ng puso niya ang nararamdaman niya at ang malakas na pagbuhos ng ulan.


* * *


( Aeroll’s POV )


“Kung ganito na lang, itapon mo ‘yang baril na hawak mo at ibibigay namin ang gusto mo.”


“Aeroll.”


“Trust me with this, Princess.” mahinang sabi niya na hindi ito nililingon. “When I say run, you run. Deretsuhin mo lang ‘tong daan na ‘to. May makikita kang kotse. Gamitin mo ‘yon para makaalis dito. Kunin mo sa bulsa ko ang susi.” Mas makakakilos siya kung wala ito sa tabi niya.


“Ayoko.” madiing sabi nito.


“Wag ng matigas ang ulo.” Kinuha niya ang susi sa bulsa niya habang nakatutok pa rin ang mga mata niya kay Mr. Fred.


“Don’t do this to me, Aeroll. Iniwan ko si Justine. Pati sina Hunter. Pati ba naman ikaw? Ayoko.”


He sighed. Gusto na niya itong lingunin pero hindi siya pwedeng malingat ng tingin sa Fred na ‘yon. “Susunod ako sa’yo.”


“Ano bang pinagbubulungan ninyo dyan? Nagpapaalam na ba kayo sa isa’t isa? Maganda ‘yan, dahil maya-maya mamamatay na rin kayo.”


“Just let her leave. Ibibigay ko sa’yo ang gusto mo.” sabi niya dito, kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Princess.


“Okay. Madali naman akong kausap.” nakangising sabi nito. Inilihad nito ang kamay nito.


“Aeroll—” Hindi na naituloy ni Princess ang sasabihin nito dahil ibinato na niya ang hawak niya papunta kay Mr. Fred. Napatingala si Mr. Fred dahil mataas ang pagkakabato niya. Pero sinadya niya talaga ‘yon. Yun ang plano niya.


Mabilis niyang pinaputukan ang kamay ni Fred na siyang may hawak ng baril nito. Nabitiwan nito ang baril nito at napasigaw sa sakit. Mabilis siyang nakalapit dito at sinipa ang baril palayo dito. Sabay tutok ng baril sa mukha nito. Kung pwede niya lang patayin ito sa mismong harap ni Princess, ginawa niya. Pero ayaw niyang makita ni Princess 'yon.


“Umalis ka na, Princess!” sigaw niya. Mas maganda na ang sigurado. Paano kung may kasama pala ang Fred na ‘to at nagtatago lang?


Ngumisi lang si Fred habang nakaluhod sa lupa at hawak ang kamay nito. “Nautakan mo ko do'n. Pero wag kang magpapakasiguro, bata. Oras na iputok mo ‘yan. Sabay kaming mamamatay ng babaeng ‘yon.”


Napalingon siya kay Princess. Hawak ito ng isang lalaki at may nakatutok na baril dito. “Shit!” Sunod-sunod na napamura siya.


“Aeroll! Sa harapan mo!” sigaw ni Princess.


Huli na para iwasan niya ang pagtama ng kung ano sa mukha niya.


* * *


( Princess’ POV )


Napasadsad sa putikan si Aeroll matapos itong paluin ng baril sa mukha ni Mr. Fred. “Aeroll!”


Ni wala siyang magawa dahil hawak siya ng tauhan ni Mr. Fred na bigla na lang sumulpot sa likuran niya kanina at ngayon ay may nakatutok nang baril sa tagiliran niya.


Nilapitan ni Mr. Fred si Aeroll na ngayon ay nakahiga sa putikan at pilit na tumatayo. “Wag kang kikilos, bata. Oras na may gawin kang hindi ko magustuhan, mamamatay ang prinsesa mo.” Ngumisi ito. “Ang hirap gumalaw ng may prinoprotektahan diba? Yan tuloy ang napala mo.” Itinutok nito ang baril na hawak nito kay Aeroll.


Nanlaki ang mata niya. “No!”


Nakangising nilingon siya ni Mr. Fred. “May sinasabi ka ba, Princess?”


“Please...” Nangilid ang luha niya.


“Ano ‘yon?”


“Wag mo siyang—Aeroll!” Ang lakas ng sigaw niya ng paputukan ni Mr. Fred si Aeroll.


“Aaahh!” impit na daing ni Aeroll habang hawak ang braso nito.


“Yun ba ang sinasabi mong wag kong gawin? Ang tagal mo kasing magsalita, Princess. Hindi ko tuloy narinig.”


“Tama na...” Kasabay ng pagdaloy ng ulan sa mukha niya ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya habang nakatingin kay Aeroll.


“Anong tama na, Princess?”


“Wag mo siyang patayin, please...”


Humarap sa kaniya si Aeroll. “O-okay lang ako.”


“Aeroll... I’m sorry...”


Umiling lang ito.


“Okay lang daw pala siya, Princess. Mukhang wala lang sa kaniya ang tama niya. Matesting nga uli.” Itinutok uli ni Mr. Fred ang baril kay Aeroll.


Nanlaki ang mata niya. “Wag!” sigaw niya. Kasabay ng isang putok.


“Aaahh!” malakas na daing ni Aeroll habang hawak nito ang balikat nito.


“Tama na! Tama na!” Parang baliw na sigaw niya. Dahil para na siyang nababaliw sa nakikita niya. Nanghihina na din ang mga tuhod niya. Humagulgol siya ng iyak. “Please... tama na...”


Ang sakit-sakit na. Para na siyang pinapatay sa ginagawa nito. Ang makitang unti-unting pinapatay ang taong mahal niya sa mismong harap niya, parang siya ang mas nasasaktan. Ni wala siyang magawa.


“Bitiwan mo siya.” utos nito sa tauhan nito.


Napaluhod na lang siya sa putikan ng bitiwan siya ng tauhan nito. “Aeroll...” Lalapit na sana siya dito ng...


“O, wag kang lalapit!”


Napalingon siya kay Mr. Fred. Nakatutok ang baril nito sa kaniya. “Do it... tutal naman mamamatay tao ka...”


“Princess, no...”


Napalingon siya kay Aeroll ng magsalita ito. Ni hindi na niya makita ito ng malinaw dahil sa nanlalabo niyang mga mata. Palapit na siya dito kasabay ng isa pang putok.


“Aaahhh!” Napasigaw na naman si Aeroll. Binaril na naman ito ni Mr. Fred.


“Aeroll! No! Tama na! Tama na! Please, tama na!” histerical na sigaw niya.


“Sa susunod na lumapit ka pa sa kaniya, sa’yo na tatama ang susunod na bala Princess.”


“Tama na... Please... Hindi na ko lalapit... Susundin ko na ang gusto mo... Tama na... Pabayaan mo na siya... Ako na lang...” Napahawak siya sa dibdib niya. Parang hindi na siya makahinga sa sakit. Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya.


“Gusto na kitang patayin, Princess, eh. Yun ang gusto ko. Pagbibigyan mo ba ko? Bakit kailangan ko pang magpaalam kung pwede ko namang gawin? Goodbye, Princess.”


Tinakpan niya ng tenga niya. Habang iyak siya ng iyak. Ni wala siyang magawa. Okay lang na mawala siya. Tatanggapin niya. Basta mailigtas lang si Aeroll. Kasalanan naman niya lahat ng ito. Hindi dapat nadamay si Aeroll dito.


Nakarinig siya ng dalawang putok. Mula sa nanlalabo niyang mga mata niya, nakita niyang may hawak na baril si Aeroll.


Nilingon niya si Mr. Fred. Hawak nito ang dibdib nitong may tama. Akmang magpapaputok uli ito sa gawi nila ng...


“Freeze!”


Mula sa likod ng mga puno, naglabasan ang mga taong nakasuot ng itim at may hawak na baril. At mabilis na nilapitan si Mr. Fred at ang tauhan nito na hindi na nakaporma. Pati si Mr. Alex na nakalugmok sa putikan.


Nilingon niya si Aeroll. May lalaking nasa tabi nito. “Mukhang napuruhan mo si Fred, Aeroll.”


“I h-have to, T-tito... P-papatayin niya... ang prinsesa ko... A-ang t-tagal n-ninyo n-naman kasi...” Umubo ito ng sunod-sunod.


“Medics here!” sigaw ng tinawag nitong tito.


“Aeroll!” Mabilis siyang lumapit dito. Hinawakan niya ang mukha nito.


“P-prinsesa...” Ngumiti ito. “O-okay ka lang ba?” mahinang tanong nito.


Sunod-sunod siyang tumango. Ni hindi niya magawang magsalita. Niyakap niya ito. Humagulgol lang siya ng iyak.


Hinaplos nito ng mukha niya. “I t-told y-you... I w-will p-protect y-you...” Tiningnan niya ito. Unti-unti itong pumikit. “I l-love y-you s-so m-much...” Kasabay ng pagbagsak ng kamay nitong nasa mukha niya.


Nanlaki ang mga mata niya. “Aeroll!”


“Princess.” May humawak sa braso niya.


Nilingon niya ito. Si Hunter ‘yon. “Si Aeroll... Ang sakit...” Parang nanlalabo din ang paningin niya. Napahawak siya sa tagiliran niya.


“Shit! May tama ka!”


Nanghihinang napasubsob siya sa dibdib ni Aeroll.


Wala na siyang ingay na naririnig sa paligid niya. Maging ang pagbuhos ng ulan ay hindi na niya marinig. Ang mahinang pagtibok ng puso ni Aeroll ang tangi niyang naririnig. Ang mahinang pagtibok ng puso nito na unti-unti niyang hindi maramdaman.


Maging ang pagtibok ng puso niya ay hindi na rin niya marinig o maramdaman man lang.


Mamamatay na ba siya?


O ito ang mang-iiwan sa kaniya?


Wala na bang happy ending para sa kanilang dalawa?


Hanggang dito na lang ba talaga?

* * *

1 comment:

  1. Wahihih! Diba sinabi kong ngayong June ko na tatapusin tong LaSS? It's last of June already. :))

    But churi readers, dis July ko pa ipopost yung last 3 CHAPTERS and EPILOGUE.


    Waaaahhh! Grabe lang! Hahaha! Mala-action star ang peg ko this days, wahahaha! Ang hirap! Diosko! Pero masaya, hahaha!

    INFORMATION OVERLOAD!!! Ako din. Sasabog na nga utak ko sa mga nangyari at nalaman ko, este ni-reveal ko. But then...
    THERE's MORE TO COME. :))

    Sino nga ba talaga si Hunter at Ash?
    At may buhay bang mawawala sa susunod na huling chapters?

    ABANGAN...





    T________T Matatapos na ang LaSS. Mamimiss ko 'to. Kayo din ba?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^