Saturday, June 29, 2013

Love at Second Sight : Chapter 81



CHAPTER 81

( Aeroll’s POV )


Nauuna si Justine pababa ng hagdan habang palingon-lingon ito. Nasa likod silang dalawa ni Princess habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito.


“Back-up mo ang dumating diba?” Narinig niyang tanong ni Justine. Siya ang tinatanong nito.


“Yeah. So?” He mimicked the words he said a while ago ng sabihin nitong gusto nito si Princess. Kambal nga talaga ito ni James. Parehas pa ang mga ito ng babaeng nagustuhan.


He heard Justine chuckled. Pero hindi na ito nagsalita pa.


“Sinong back-up?” tanong ni Princess sa kaniya. “Yung Tito mo bang nagta-trabaho sa NBI?”


Kumunot ang noo niya. “How did you know?” hindi lumilingong tanong niya habang palibot-libot ang tingin sa paligid nila.


 “Nabanggit ni King.”


Napapalatak siya. Ang daldal talaga ng kapatid niya. Hind na niya ito sinagot ng biglang humarap sa kanila si Justine sabay tutok ng baril sa kanila. Tinutok din niya ang baril dito. Sabay harang sa harapan ni Princess. Sinasabi na nga ba. Naghahanap lang ito ng tiyempo. Hindi talaga niya dapat pagtiwalaan—


Pumutok ang baril ni Justine. Pero hindi sa kanila. Kaya nagulat siya.


“Pwede ba, mamaya na kayo mag-usap? Wala kayo sa Luneta. At ibaba mo na ‘yang baril mo, ‘tol. Baka pumutok ‘yan.” Iyon lang at tumalikod na ito.


Binaba niya ang baril niya at napalingon sa likuran nila ni Princess. May isang lalaking bagsak. Ito ang pinaputukan ni Justine kanina.


He sighed. Dapat nga ba niyang pagtiwalaan si Justine kahit alam niya ang katauhan nito? Pero ito na rin ang nagsabi, gusto nitong iligtas si Princess. Dapat ba niyang pagtiwalaan ang salita nito?


Nilingon niya si Princess. “Once na makalabas tayo sa lugar na ‘to, saka na natin pag-usapan ang mga bagay na dapat nating pag-usapan, okay?”


Nakakaintinding tumango ito. Mabilis na silang sumunod kay Justine. Habang naririnig niya ang mga putok ng baril mula sa kung saan.


“The action starts here! You two, be ready!” malakas na sabi ni Justine. Kasabay ng pagsulpot ng isang lalaki. Pinaputukan ito ni Justine. May nagpaputok pang isa. Buti na lang duling. Hindi siya napatamaan.


Mabilis niyang nahila si Princess para magtago sa likod ng mga kahoy. Hindi siya pwedeng umariba na parang action star dito habang katabi niya si Princess. Her mission is to protect her at makaalis sila ng buhay dito.


 “Aeroll!”


Napalingon siya kay Justine na nagtatago di-kalayuan sa kanila sa kumpol din ng mga kahoy. Sinenyasan siya nito na may tatlong kalaban at kung saan ang pwesto ng mga ito. Wala siyang choice. Hindi niya pwedeng pairalin ang pride niya sa mga oras na ‘to. Nakakaintinding tumango siya.


Sabay nilang inangat ang ulo nila sa pinagtataguan nila. Bago pa magpaputok ang lalaking nasa likod ng malaking poste, nakalabit na niya ang baril niya. Gano’n din si Justine.


Umupo siya sa pinagtataguan niya. “Where’s the other one?” tanong niya kay Justine. Sumilip siya sa pinagtataguan niya. Wala siyang makita.


“Baka nabahag ang buntot at tumakas.” sagot nito.


Lumipad ang tingin niya sa bandang likuran nito. “You’re wrong.” Itinutok niya ang baril sa likuran nito. Kasabay ng paglabas ng lalaking ‘yon ay kinalabit niya ang baril niya.


“Whoah!” Napalingon si Justine sa likuran nito. “I thought babarilin mo na ko.”


“Quits na tayo.” sabi niya. Nilingon niya si Princess na nakahawak sa damit niya. “Are you okay?”


“Oo. Para kong nasa loob ng mga sinusulat kong kwento.” wala sa sariling sabi nito. Napakurap pa ito.


Hinawakan na lang niya ang kamay nito. Bago tumayo. Tumayo na din si Justine. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Malaki ang warehouse na ‘yon. Madaming pasikot-sikot. Pero tanda pa niya kung sa’n sila dumaan ng mga nakahuli sa kaniya kanina.


“Deretso lang tayo.” sabi niya.


“You know the way out?” tanong ni Princess sa kaniya.


“Yes.”


“Good. Hindi ko na kasi matandaan ang dinaanan namin ng mga taong nagdala sakin dito kanina.” Justine said. “Let’s go.”


Nadaanan nila ang mga taong nabaril nila kanina. Kinuha niya ang baril ng isa. Gano’n din ang ginawa ni Justine. Pero nagulat siya ng pati si Princess, kumuha din.


“Princess!” Alam niyang sanay itong humawak ng baril. Nakwento nitong nakapag-target shooting na ito para daw may idea ito sa ginagawa nitong nobela. Pero hindi ‘yon ang point niya ngayon. Totoong tao ang kalaban nila, hindi hologram o karton lang.


Tiningnan siya nito. “Kasalanan ko kung bakit ako napunta sa sitwasyong ‘to. Kung bakit nandito ka. Kung gusto mo kong protektahan, gusto ko ding gawin ‘yon sa‘yo.”


“Let her.” singit sa kanila ni Justine.


He sighed. “Fine. Don’t use it when unneeded. Akong bahala sa’yo.” Hindi niya papayagang makapatay ito ng tao. Hindi niya papayagang mangyari ‘yon.


“Alright! Let’s get moving! Ayos ‘to! Para tayong nasa counter strike nito! Galingan ninyo, ah!”


Napailing na lang siya sa sinabi ni Justine bago sumunod dito. “Nababaliw na ba siya?” inis na bulong niya. “This is not a game.”


* * *


( Princess’ POV )


Hindi niya papayagang maging pabigat kina Aeroll at Justine, kaya nga hawak niya ang baril na kinuha niya kanina.


Isang putok ang narinig niya sa gawi nila. Yumuko siya. Hinila siya ni Aeroll sa isang gilid. Sa likod ng pader. Si Justine! Tiningnan niya kung nasa’n ito. Nasa kabilang side ito. At nasa likod ng isang makina. Nakahawak ito sa kaliwang braso nito. Nanlaki ang mata niya.


“May tama siya, Aeroll!”


“Shit!” Sumilip si Aeroll sa pinagtataguan nila at nagpaputok. “Justine! Iba-back-up kita! Lumapit ka dito!” Aeroll said.


“No need! Daplis lang ‘to!” Nagpaputok din si Justine mula sa pinagtataguan nito.


“Justine, come here!” malakas niyang sabi. Hindi magandang pwesto ang pinagtataguan nito.


“Just a moment! Mero’n pang apat!”


Akmang sisilip siya ng pigilan siya ni Aeroll. “Dyan ka lang.” Sumilip ito at nagpaputok. Nagtago. Nagpaputok uli. Nagtago. Nagpaputok uli.


“Enemies cleared!” malakas na sabi ni Justine bago mabilis na lumipat sa pinagtataguan nila, kasabay ng sunod-sunod na putok. “Oh! Mero’n pa pala. At armalite pa ang gamit niya. Parang kilala ko na kung sino ‘yon.” nakangising sabi nito.


“Hayop ka, Justine! Traydor ka!”


Nabosesan niya ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon. “Ang manyak na ‘yon.” inis na sabi niya.


“Hindi ako traydor, Jimbo!” ganting sigaw ni Justine dito. “Kayo ‘yon! Balak ninyo naman akong patayin diba? Uunahan ko na kayo!”


Wala siyang narinig na sagot.


“Natameme ka na, Jimbo? Nasa’n ang dila mo? Nalunok mo na ba?”


“Hayop ka, Justine! Hindi kita paaalisin ng buhay dito!”


“Tingnan natin kung sinong hindi makakaalis ng buhay dito!” Nilingon sila ni Justine. “Mauna na kayo. Ako ng bahala dito.”


“Pero—”


“Go, Princess.”


Napatingin siya sa tama nito sa braso nito. “Ang sugat mo.” Patuloy sa pagdugo ‘yon.


Napalingon siya kay Aeroll ng hawakan nito ang braso ni Justine at sipatin. “Hindi malalim ang sugat. Hindi siya mamatay dyan.” Pinunit nito ang laylayan ng damit nito at tinali sa braso ni Justine.


“That’s good to hear, Doc. Talagang matagal mamatay ang masamang damo.” Justin said.


“I’m a nurse. Not a doctor.”


“Sabi mo, eh.”


Sunod-sunod na putok uli ang narinig niya.


“Ano, Justine? Naduwag ka na ba?”


“Baka ikaw, Jimbo!” ganti ni Justine dito. Lumingon ito sa kanila. “Sige na. Umalis na kayo.” madiing sabi nito. Seryoso na ang mukha nito. “Hilahin mo na siya ‘tol.”


Hinawakan ni Aeroll ang kamay niya. “Let’s go, Princess.”


“Pero, Aeroll. We can’t leave him here.”


“I said go!” malakas na utos ni Justine.


“Justine.”


“Go, Princess.” mahinahon nang sabi nito. “Pakisabi na lang kina daddy, sorry for everything. Sorry kung hindi ako naging mabuting anak sa kanila.”


“Hindi ka mamamatay, okay.” madiing sabi niya.


“Handa na ko.”


“Justine!”


He sighed. Tiningala nito si Aeroll. “Tol, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko. Kung ako sa’yo, tumalikod ka na lang.”


“Anong—”


Hindi na naituloy ni Aeroll ang sasabihin nito dahil mabilis na siyang nahila ni Justine, palapit dito. He hugged her habang mahigpit pa ring hawak ni Aeroll ang kamay niya.


“Justine...” Wala na siyang nasabi kundi ‘yon lang. Nangilid ang luha niya. Hindi man sila gano’n katagal na magkakilala. Pero parang napakatagal na.


Dahan-dahan itong humiwalay sa kaniya. Ngumiti ito. Hinaplos nito ang pisngi niya. “Thank you.” Iyon lang at binitawan na siya nito. “Go.”


Umiling siya. Niyakap niya ito. Katulad ng gusto niyang gawin dito kanina. “Hindi ka nag-iisa sa mundong ‘to, okay. Kaibigan mo ko. Kaya dapat kang mabuhay.”


Matagal bago ito sumagot. “I will.”


Humiwalay na siya dito. Nilingon niya si Aeroll na nakaiwas ang tingin sa kanilang dalawa ni Justine. Hinawakan niya ang kamay nito. Saka lang ito napalingon sa kaniya.


“Mag-iingat ka, Justine.” hindi lumilingong sabi nito kay Justine.


“Ingatan mo siya, Aeroll.”


“Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko ‘yon.”


Inakay na siya palayo ni Aeroll. Nilingon pa niya si Justine na nakikipagpalitan ng putok kay Jimbo. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ni Aeroll sa kamay niya.


“He doesn’t like you. He loves you, Princess.”


Mas pinili niyang manahimik.


Ayaw niyang may mamatay ng dahil sa kaniya. Ayaw niyang mamatay si Justine o kahit na sino ng dahil sa kaniya.


* * * * * * * *


Nakalayo na sila ni Aeroll kay Justine ng makarinig siya ng putok.


“Nandito ang bihag!” Narinig niyang sigaw ng kung sino man ‘yon.


“Patayin sila!”


Mabilis siyang nahila ni Aeroll padapa. Gumanti ito ng putok habang halos nakadagan na ito sa kaniya.


“One down.” sabi nito. “Oh! Shit!” Mabilis siyang hinila nito pagapang sa likod ng isang malaking makina. “Okay ka lang?” tanong agad nito sa kaniya.


“Oo.”


Sumilip ito sa pinagtataguan nila kasabay ng isang putok. Hindi mula sa baril nito pero mula sa kalaban. Mabilis itong nakapagtago. Sumilip uli ito at gumanti ito ng putok. Nang sunod-sunod.


Napailing ito. “Dumami sila.” bulong nito na narinig niya. Tiningnan nito ang baril nito. At hinagis ’yon. Kinuha nito ang isa pang baril sa bulsa nito.


“Pagtulungan natin.” sabi niya.


Ang tigas ng iling nito. “Hindi ‘to target shooting, Princess.”


“I know. Mas gusto mo bang mamatay?”


“Ayoko.” madiing sabi nito. “Ikakasal pa tayo.”


“Then let me help you.” Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Sumilip siya sa kabilang side ng pinagtataguan nila. “Nandyan pala kayo.” Hindi pa siya nakakapagpaputok nang paputukan siya ng isa sa mga ‘yon.


“Princess!” Hinila siya ni Aeroll. Napasubsob siya sa dibdib nito. “Papatayin mo ba ko sa nerbyos?” inis na tanong nito.


“Hindi. Dahil sila ang papatay satin kapag hindi ako kumilos.” Humiwalay siya dito. “We’ll do this together, okay.” Mabilis niyang hinalikan ng madiin ang labi nito. Na ikinabigla nito. Kaya ginamit niya ang pagkakataong ‘yon para balikan ang mga kalaban nila.


Pero hindi pa siya nakakapagputok ng sunod-sunod na putok ang narinig niya. Hindi galing ‘yon sa mga kalaban.


“Aeroll!”


Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Sa kaliwa niya. Payukong palapit sa kanila si...


“Hunter!” balik-sigaw ni Aeroll.


“Okay lang kayo?” tanong ni Hunter ng makalapit ito sa kanila. “Shit!” Napamura ito ng mapatingin ito sa mukha niya. “Aeroll! Ano ‘to?”


“Naabutan ko siyang ganyan na. Like you, gusto ko ring bugbugin ang may gawa niyan sa kaniya.”


Puno ng pagtataka ang mukha niya habang nakatingin kay Hunter. “Teka lang nga! Anong ginagawa mo dito?” madiing tanong niya dito. At bakit kung mag-usap ito at si Aeroll, parang magkakilala ang mga ito? May dapat ba siyang malaman?


“Saka ko na ipapaliwanag, Princess.” sagot nito. Sabay kuha sa baril na hawak niya. “Now, let’s get moving. Mga kasama ko na ang bahala sa mga kalaban. Follow me.”


Aba! Marunong pala itong magsalita. Nang mahaba!


Hinila na siya ni Aeroll pasunod dito.


“Wala na kong maintindihan sa mga nangyayari.” hindi nakatiis na sabi niya.


“Saka na, Princess. Ang mahalaga ngayon, makalabas tayo dito.” paliwanag ni Aeroll.


“I know.”


Gulong-gulo na ang isip niya sa mga nangyayari.

* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^