Saturday, June 29, 2013

Love at Second Sight : Chapter 80



CHAPTER 80

( Aeroll’s POV )


Dinala siya ng dalawang lalaking nakahuli sa kaniya sa isang kwarto. Na nasa second floor. Pagbukas na pagbukas agad ng pintuan, tumambad agad sa kaniya ang isang babaeng nakaupo sa sahig habang nakatali sa posteng kinasasandalan nito.


Napalingon ito sa kaniya. Halatang nagulat ito ng makita siya. Saglit naman siyang natulala habang nakatingin dito. Sa itsura nito. Napamura siya sa isip niya.


“Ipapaalam ko lang ‘to kay Master.” Umalis ang isang lalaki. Tinulak naman ng siya ng isa papasok ng kwarto.


Saka lang siya nakapagsalita. “Princess.”


“A-aeroll?”


Mabilis siyang lumapit dito. Hindi niya malaman kung paano hahawakan ang mukha nito. May pasa ito sa magkabilang pisngi nito. May sugat ito sa kanang pisngi nito. May sugat pa ito sa gilid ng labi nito na may namuong dugo. Halata ding galing ito sa pag-iyak.


“Paanong...”


“Hindi na mahalaga ‘yon.” He said. Ang nasa isip niya ngayon ay kung sinong hayop ang may gawa ng nakikita niya kay Princess! Malutong na napamura siya sa isip niya.


“Aeroll...”


He gritted his teeth. “Sinong may gawa niyan sa’yo?” nanggigigil niyang tanong. Hinaplos niya ng marahan ang pisngi nito.


Umiling ito kasabay ng pagpatak ng luha nito. “Just hug me, please...”


Walang salitang ginawa niya ang sinabi nito. “Okay na. Nandito na ko.” bulong niya. Hinaplos niya ang buhok nito. Kasabay ng pagpindot niya sa maliit na gadget na hawak niya.


“Oy! Tama na ang drama! Mamamatay rin naman kayong dalawa. Sa langit ninyo na ituloy ‘yan.”


Nagdilim ang paningin niya sa narinig niya. Napalingon siya sa lalaking nagdala sa kaniya sa kwartong ‘yon. Nakangisi pa ito habang prenteng nakasandal sa gilid ng pintuan. Kumalas siya kay Princess. At mabilis niyang nilapitan ang lalaki at sinugod ng suntok.


Mukhang hindi inaasahan ng lalaki ang gagawin niya dahil bahagya pa itong nagulat. Agad naman itong nakabawi dahil gumanti din ito ng suntok. Na agad naman niyang naiwasan. At sinabayan naman niya ng suntok uli dito. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang paglabas nito ng baril nito sabay tutok sa kaniya.


Ngumisi ito. Ngumisi din siya. Para sa’n pa ang mga itinuro sa kaniya ng Tito Sebastian niya kung hindi naman niya magagamit ngayon?


Sa isang iglap lang ay naagaw na niya ang baril mula dito.


“Paanong—”


Hindi na nito naituloy ang sasabihin nito dahil mabilis niya itong inundayan ng suntok. Nang sunod-sunod na suntok. Manakit man ang kamao niya. Magdugo man ang kamao niya. Wala siyang paki.


“Aeroll!” Narinig niyang sigaw ni Princess. Pero hindi na niya initindi ‘yon. Ang nasa isip niya ay ang gumanti sa kung sino mang hayop ang nanakit kay Princess ng gano’n. At malas lang ng lalaking ito dahil ito ang napagdiskitahan niya. Sabagay, kasalanan din nito.


Itinutok niya ang baril sa lalaking nakahiga na sa sahig. Na mukhang wala ng malay.


“Aeroll! No!”


“They hurt you, Princess! Ang dapat sa kanila, mamatay!” nanggagalaiti niyang sabi.


“Sige lang. Iputok mo ‘yan kung gusto mong dumanak dito ang dugo ng babaeng ‘to.”


Natigilan siya sa narinig niyang boses. Agad siyang napalingon kay Princess. May katabi itong lalaki. At may hawak na patalim ang lalaki na nakatutok sa leeg ni Princess. Shit! Bakit hindi ko siya nakita kanina?


“Ba’t parang hindi ka masyadong nagulat na makita ako?” nakangising tanong ng lalaki. Na walang iba kundi si Justine!


Hindi talaga siya masyadong nagulat. Dahil alam niya ang tungkol dito. Isa ‘yon sa mga pinagtapat sa kaniya ni Hunter.


“Dahil alam ko ang baho mo.”


Bahagya itong nagulat. Mukhang hindi nito inaasahang alam niya ang lihim ng pagkatao nito. Pero nakabawi din naman ito agad. “Hindi ko alam kung paano mo nalaman, pero magaling ka. At kung magaling ka talagang mag-isip, bitiwan mo ‘yang baril na hawak mo.”


He gritted his teeth. Lalo na ang makita ang ekspresyon ng mukha ni Princess. Nanggigigil na hinagis niya baril.


“Anong nangyayari dito?”


Napalingon siya sa pintuan sa narinig niyang boses.


“Wala naman, Jimbo.” sagot ni Justine. Tumayo ito at prenteng lumapit sa bintana. “Nagkaroon lang ng kaunting gulo. Pero naayos ko na. Sa susunod nga, kung kukuha kayo ng tauhan, yung magaling.”


Napalingon ang tinawag nitong ‘Jimbo’ sa lalaking binugbog niya. Napapalatak ito. Sabay tingin sa kaniya. “Ikaw ba ang matapang na sumugod dito para iligtas ang babaeng ito?”


“Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa.”


Ngumisi ito. “Parehas kayo ng babaeng ito. Ang tapang ninyong dalawa.” Lumapit ito. Hindi sa kaniya. Kundi kay Princess. “Ang ganda ng babaeng ito kung mamamatay rin lang.” Sabay tingin sa kaniya ng nakakaloko.


“Wag na wag mo siyang hahawakan.” madiing sabi niya. Humakbang siya palapit dito.


“Hep! Dyan ka lang.” Sabay labas ng baril nito.


Napahinto siya. Nanggigigil na kinuyom niya ang kamao niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa Jimbong ‘yon at kay Justine. Kung si Justine lang ang nandito, baka kayanin niya pang makipaglaban dito. Pero hindi, eh. Iniisip niya pa rin si Princess.


“Aeroll...”


Napatingin siya kay Princess. Hindi niya kailangang ipakita dito na natatakot siya. Natatakot siya para dito. Hindi para sa sarili niya. Nangako siya sa kuya nito. At pati na rin sa sarili niya. At ‘yon ang gagawin niya. He will protect her, no matter what.


“Alam mo bang hiningi ko na ang babaeng ito kay Master. Bahala na daw ako.”


Marahas siyang napatingin sa Jimbong ‘yon. Ang lapad ng ngisi nito.


“Ibig sabihin lang no’n...” Binitin nito ang sinasabi nito. Hinaplos nito ang mukha ni Princess. Na agad namang umiwas sa hawak nito.


“Don’t you dare!” nanggigigil na sabi niya. Subukan lang ng lalaking ito!


Pero sa isip niya, nakabuo na siya ng plano para maagaw ang baril dito at tutukan ito. Na nasa tabi lang niya si Princess at hindi magamit ng Justine na ‘yon si Princess para mapatigil siya.


“May sinasabi ka ba?” nakakalokong tanong nito.


“Hayop ka!” madiing sabi niya.


“Gusto mo bang ipakita ko mismo sa harap mo kung gaano ako kahayop?” nakangising tanong nito. Bago nagsimulang hubadin ang damit nito.


“Aeroll!” Nakita niyang pumikit si Princess.


He gritted his teeth. Handa na siyang sugudin ito ng makarinig siya ng putok na nakapagpatigil sa kaniya.


“Ano ka ba naman, Justine?” reklamo ni Jimbo.


Nakangisi lang si Justine. Ito ang nagpaputok. Nakatutok ang baril nito sa labas ng bintana. “Ang manyak mo kasi. Pwede bang maghanap ka na lang ng babae mo? Dahil ako, atat na atat na kong patayin ang babaeng ‘yan para makuha ko na ang pera ko. Alam mong mainipin ako diba?“


Bago pa nakasagot si Jimbo ay may narinig na siyang sunod-sunod na putok ng baril. Napatayo si Jimbo. “Ano ‘yon?”


Lihim siyang napangiti. Dumating na ang back-up na hinihintay nila ni Hunter.


“Malay ko.” sagot ni Justine. “Bakit hindi mo tingnan? Dahil ako...” Kinuha nito ang baril na hinagis niya kanina. “Gagawin ko lang ang misyon ko dito. At ngayon, dalawa na sila.” Sabay tutok ng dalawang baril sa kaniya at kay Princess. “Doble ang bayad ko dito, okay.”


Isa pang sunod-sunod na putok ng narinig niya.


“Si Master! Shit! Patayin mo na sila, Justine!” Mabilis nang lumabas si Jimbo.


Ngumisi naman si Justine habang nakatingin sa kaniya. Pero nagulat siya sa sunod na ginawa nito. Hinagis nito ang isang baril sa kaniya!


“Nakakainis ka, Justine! Ba’t pinatagal mo pa? Ang manyak na Jimbo na ‘yon.”


Napatingin siya kay Princess sa sinabi nito. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin kay Justine.


“Ang saya lang kasing pagmasdan ng mukha ng boyfriend mo habang galit siya kanina. Mas malala pa sa nakita ko do’n sa birthday ni daddy. Parang gusto na niyang pilipitin ang leeg ni Jimbo at patayin sa bugbog.”


Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Wala siyang maintindihan sa nangyayari. Bakit parang may hindi siya alam na ang mga ito lang ang nagkakaintindihan? Bakit gano’n mag-usap ang dalawa?


Hired killer si Justine. At papatayin sila nito ngayon. Rinig na rinig niya ang mga sinabi nito kanina. Pero bakit ganito ang reaksyon ni Princess? Napatingin siya sa baril na hinagis ni Justine sa kaniya. Anong ibig sabihin no’n?


“Care to explain to me what is happening here?” inis na tanong niya.


Sabay na napalingon ang dalawa sa kaniya.


* * *


( Princess’ POV )


“Care to explain to me what is happening here?”


Sabay silang napalingon ni Justine kay Aeroll. Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanila. Napabuntong-hininga siya.


Ni wala siyang magawa kanina habang binubugbog ni Aeroll ang lalaki kanina. Ni hindi nito pinansin ang pagsigaw niya. Baka mapatay na nito ang lalaking ‘yon. At hindi niya papayagang makapatay ito ng tao. Lalo ng itutok nito ang baril sa lalaking nakahiga na sa sahig. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito kanina.


Lumapit sa kaniya si Justine no’n. At may ibinulong.


“Makisakay ka lang sa gagawin ko, okay. Any moment now, may darating na ditong tauhan ni Master. At kung hindi pa titigil ang boyfriend mo, baka mamatay siya ng wala sa oras pag tinuluyan niya ang lalaking ‘yan. At alam kong iiyak ka pag nangyari ‘yon.”


Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng Jimbo na ‘yon. Sa dami ng tauhan na pwedeng dumating, ang manyak pa na ‘yon. At ang pananahimik ni Justine habang nanggagalaiti sa galit si Aeroll kanina.


“This is not the right time para pag-usapan ‘yan.” sagot ni Justine. Lumapit ito sa kaniya at kinalagan siya. Akmang aalalayan siya nitong tumayo ng mabilis na lumapit si Aeroll sa kanila.


“Bitiwan mo siya.” madiing sabi nito.


“As you wish.” Lumayo si Justine sa kaniya.


“Kaya mo bang tumayo?” masuyong tanong ni Aeroll sa kaniya.


“I can.” Masakit lang ang mukha niya at ang ulo niyang ilang beses na nakipagbeso-beso sa sahig kanina.


Inalalayan siya nitong tumayo. Nakahawak ito sa beywang niya. Hinaplos nito ang mukha niya gamit ang isang kamay nito. “Sobrang nag-alala ako sa’yo.”


“I’m sorry. Ang tigas kasi ng ulo ko.”


Umiling ito. “Wala kang kasalanan. Natakot ka ba?”


“Oo. Pero kailangan kong maging matapang. Pero ngayon...” Nag-init ang sulok ng mga mata niya.


“Nandito na ko kaya wag ka ng matakot, okay?”


Tumango siya.


“Anong masakit sa’yo?” tanong nito.


“Ang pisngi ko.” Nagulat siya ng halikan nito ng marahan ang pisngi niya. Hindi lang ang pisngi niya, pati ang gilid ng labi niyang may sugat.


“Ano pang masakit?” tanong ulit nito.


Mas masakit pa sa mga pasa at sugat niya ang nararamdaman niya. “Emotionally. Pinatay si papa, Aeroll.”


Saglit na kumunot ang noo nito. “We’ll talk about that later, okay?”


“He’s right, Princess. Pag-usapan ninyo na lang ‘yan pagkatapos ninyong makatakas dito.”


Napalingon siya kay Justine. Na nakasilip sa pintuan.


“Ano ba talagang plano mo?” tanong ni Aeroll dito.


“To save Princess.”


“What?”


“You heard it, right? To save her is my plan.”


“Wala kong maintindihan sa balak mo o kung bakit mo ginagawa ‘to. But one thing is for sure. I don’t trust you.”


“It’s fine with me. I don’t need it, too.”


“Aeroll.” Hinawakan niya ang kamay nito. Alam niyang mahirap paniwalaan. At ipinagtataka din niya kung bakit alam nito ang tungkol kay Justine. Pero hindi ito ang oras para pag-usapan ‘yon.


Tiningnan siya nito. “Don’t believe him, Princess. Hindi mo siya kilala.”


She sighed. “I know he’s a hired killer. I know that he’s the one who killed Kuya Rod. He told me.”


Marahas itong napabuntong-hininga. “But that doesn’t mean that you should trust him.” madiing sabi nito.


“Aeroll.” Alam niyang hindi niya ito mapipilit na magtiwala kay Justine.


“I think it’s not the right place para mag-away kayo. We need to get out of here.” singit ni Justine sa kanila. “Kung gusto mong mailigtas ang prinsesa mo, kumilos na tayo.”


“I can protect her.” Aeroll said.


“That’s good. Two is better than one.”


“Hindi ko kailangan ng tulong mo.”


“I don’t need your help, too. Siya lang naman ang gusto kong iligtas. Hindi ka kasama. Bahala na sa’yo si batman o si wonderwoman o kung sino pang ‘man’ yan.”


Nilingon niya ito. “Justine.” saway niya dito.


“Fine. Fine.” Binuksan nito ang pintuan. ”Let’s go.”


“May gusto ka ba kay Princess?”


Nanlaki ang mata niya. “Aeroll!” Hindi niya inaasahan ang tanong nito kay Justine.


“Yeah. So?” hindi lumilingong sagot ni Justine. “Let’s go.” Lumabas na ito.


Ni hindi siya nakapag-react sa sagot nito. Oh! He’s just joking. Gusto niya lang inisin si Aeroll. That’s all. Walang ibig sabihin ‘yon.


“Shit!” Humigpit ang pagkakahawak ni Aeroll sa beywang niya.


“He’s just kidding, Aeroll.”


“He’s not.” Hinawakan nito ang kamay niya. At inakay siya palabas ng kwartong ‘yon. Nilingon siya nito. “I will protect you, Princess.”


Ngumiti siya ng tipid. “I know.”



Dahil ngayong nandito na ito sa tabi niya, hindi na siya natatakot. O should she say, nabawasan ang takot niya dahil hindi pa talaga sila ligtas. But with Aeroll around, alam niyang hindi siya nito pababayaan.



* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^