Saturday, June 29, 2013

Love at Second Sight : Chapter 79



CHAPTER 79

( Aeroll’s POV )


Five minutes pa lang silang nakatago ni Hunter sa madamong bahagi na ‘yon habang nababasa ng ulan na malapit sa warehouse, hindi na siya mapakali. Hindi na siya nakatiis. “Papasukin ko na.”


“What?” nakakunot-noong tanong ni Hunter sa kaniya.


“Hunter. Another five minutes more, mababaliw na ko sa paghihintay dito.” madiing sabi niya. “Si Princess. Nasa loob siya kasama ng mga criminal na ‘yan. Damn! Kung anu-anong pumapasok sa isip ko ngayon.” Inis na napasabunot siya sa buhok niya. Saktan lang ng mga hayop na ‘yon si Princess, magkakamatayan na sila!


“Akala mo ba hindi ko nararamdaman ‘yan?”


“Tiger to Fox. Over.”


Boses ‘yon mula sa gadget na hawak ni Hunter.


Inilapit nito sa bibig ang gadget na ‘yon. “Fox to Tiger. Over. Where’s your location? Over.” sabi nito.


Tinapik niya ang balikat ni Hunter. “Wait for them. Papasok na ko.” Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Humakbang na siya payuko palapit ng warehouse.


“Aeroll!” mahinang tawag nito sa kaniya. “Shit!”


* * *


( Princess’ POV )


“Princess!”


Ang boses na ‘yon...


Pinikit niya uli ang mga mata niya. Pinalipas  muna niya ang ilang saglit bago muling dumilat. Tumutok ang mga mata niya sa isang lalaki. Para lang magulat ng makilala niya ang taong ‘yon.


Bakit? No! Hindi maaari ‘to! sigaw ng isip niya.


“Siya ang pumatay kay Rod, Princess. Siya ang kinuha kong hired killer para patayin ang kuya-kuyahan mo.” nakangising sabi ni Mr. Fred. “Hindi ba’t kilala mo siya?”


“Justine.” mahinang sabi niya. Parang sasabog na ang utak niya sa mga nalaman niya. Parang gusto niyang sumigaw ng malakas. Pero hindi niya magawa dahil wala na siyang lakas. Napaiyak na lang siya. “Bakit...”


“Anong ginagawa niya dito, Master?”


“Bakit hindi siya ang tanungin mo, Justine? Pinasok lang naman niya ang factory ko kanina. Kaya ayan ang napala niya.”


“At anong kinalaman ko dito? Tapos na ang trabaho ko. Ikaw ang nagsabing kayo na ang bahala sa kaniya, hindi ba?”


“Nagbago ang isip ko. Ikaw na ang tumapos ng buhay niya.”


Tiningnan niya si Justine. Wala siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito. “Bakit ikaw?” Nakasama niya ito. Ang araw na ‘yon sa mall. Niligtas pa siya nito ng dalawang beses. Parang ayaw maniwala ng utak niya na ito ang pumatay kay Kuya Rod. “Hindi ikaw ‘yon...” Si Hunter ‘yon. Ano ba talagang totoo?


Umupo ito sa upuan. At humalukipkip. “Master’s right, Princess. I’m a hired killer. Yun ang buhay ko. Kaya nga hindi ako umuuwi ng bahay. Nakuntento na kong pagala-gala sa kung saan. Sinadya kong makipaglapit sa’yo dahil ikaw ang nakakita sakin ng araw na ‘yon na patayin ko si Rod. Hindi mo man ako namukhaan, kailangan ko pa ding makasigurado.” Saglit itong huminto bago nagpatuloy.


“Nagulat ako ng makita uli kita sa office ng kapatid ko. Do’n nagsimula ang lahat. Hindi na ko mahihirapang makalapit sa’yo. Ang mga pagkikita natin sa mall, plinano kong lahat ‘yon. Pati ang pagli-ligtas sa’yo. Para magtiwala ka sakin. Pero tumawag si Master. Sinabi niyang siya na daw ang bahala sa’yo.”


Sunod-sunod siyang umiling. Hindi talaga matanggap ng utak niya ang mga nalaman niya. Nang panahong sobrang nasaktan siya kay Aeroll, sinamahan siya nito. Kahit pa nung una ininis lang siya nito, pero sa bandang huli tinulungan siya nitong kalimutan ang sakit. Kahit pa ang insensitive nitong magsalita, niligtas siya nito.


Kaya ba napakadali nitong sabihin ang salitang kamatayan, dahil ito mismo ang kumikitil ng buhay ng iba?


“Ikaw ng bahala dito, Justine. Naririndi na ko sa iyak ng babaeng ‘yan. Wag kang mag-alala. May bayad na naghihintay sa’yo. Bago matapos ang araw na ‘to, burado na dapat ang anino niya sa mundong ‘to. Marami na siyang nalalaman kaya dapat na siyang mawala.”


“Yes, Master.”


Tiningnan siya Mr. Fred. “Paalam, mahal na prinsesa. May aasikasuhin pa ko. Ikamusta mo na lang ako sa papa mo pag nagkita kayo.” Humalakhak pa ito.


“Hayop... pagbabayaran mo ‘to...”


Lumabas na ang mga ito. Silang dalawa na lang ni Justine ang natitira. At may hawak itong baril sa kamay nito.


Tiningnan niya ito. “Naniwala kong mabuti ka... Naniwala ko kahit napaka-insensitive mong tao... Hindi ko inintindi ang mga narinig ko... Na sakit ka ng ulo... Na ang sama mong anak... Dahil ng araw na ‘yon na sobrang sakit ng nararamdaman ko, pinakita mo sakin na mabuti ka ring tao... Pero bakit...”


Wala siyang narinig na sagot mula dito. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Hindi dahil alam niyang mamamatay na siya. Kundi ngayong araw, nalaman niyang ang mga taong pinagkatiwalaan niya, trinaydor siya. Yung mga taong hindi niya inaasahang gagawa ng masama, mas masahol pa pala. Si Ash. Mr. Fred. At si Justine. Ang sakit isiping lahat ng pinaniwalaan mo, hindi pala totoo. It was all fake!


“Tell me, Justine.” Tiningnan niya ito. “You’re just lying, right? This is just your another joke?”


“Hindi ka talaga naniniwala?”


Iniling niya ang ulo niya kahit kalahati ng isip niya naniniwala na. Dahil mismong dalawang tenga niya, narinig ang pagtatapat nito kanina.


“Anong gusto mong gawin ko para maniwala kang mamamatay tao ako?”


“Ang tattoo na ‘yon... yung nakita ko...”


Pinunit nito ang manggas ng kaliwang braso nito. “Ngayon, naniniwala ka na?”


Paanong mero’n din siya no’n? “Niligtas mo ko...”


“Sinabi ko na. Kasama sa plano ko ‘yon.” Humakbang ito palapit sa kaniya. At tumingkayad sa harap niya. Wala pa ring emosyon ang mukha nito. Hanggang sa unti-unting magbago ‘yon. Ang mga mata nito. “Nakikita mo? Ganito ang itsura ko kapag pumapatay ako ng tao. At ikaw na ang isusunod ko.”


Pinikit niya ang mga mata niya.


“Princess, bakit ba ayaw mong maniwalang mamamatay tao ako?” nanggigigil na tanong nito.


Sobra-sobra nang sakit sa parte niya ang malamang trinaydor  siya nina Mr. Fred at Mr. Alex. Pati nina Ash at Hunter. Pati ba naman ang lalaking ito?


“Because I trusted you. Si Mr. Fred, sina Ash. At ikaw. Lahat kayo. Nagtiwala ako sa inyo...” Idinilat niya ang mga mata niya. “Lalo na sa’yo, Justine..” umiiyak niya sabi.


Nang araw na ‘yon mismo sa mall na sinamahan siya nito. Na pinakita nito ang mabuting side nito. Nakuha na nito ang tiwala niya. Buong tiwala niya.  “Ang hirap-hirap... Bakit nagawa ninyo sakin ‘to? Bakit...”


“Princess.” Unti-unting lumambot ang ekspresyon nito. Umangat ang kamay nito palapit sa pisngi niya. Pero bago pa mangyari ‘yon ay tumayo na ito. Tumalikod ito at lumapit sa bintana. Sumilip ito do’n.


“Kung hindi kita papatayin, parehas nila tayong papatayin. Handa na kong mamatay.” Nilingon siya nito. “Handa ka na ba?” Sabay tutok ng baril sa kaniya.


She just closed her eyes. And waited.


Aeroll, I’m sorry...


* * *


( Aeroll’s POV )


“Aeroll, ano ba? Parating na sila.” madiin pero mahinang sabi ni Hunter.


“Shhh...” Nasa likurang bahagi na sila ng warehouse. Hawak niya ang baril sa kamay niya at nakahanda nang iputok ‘yon.


“Grabe ang lamig ngayon.”


“Masarap ang may kayakap ngayon.”


“Nakita mo ba yung bihag nating babae? Ang ganda! Chicks!”


Napahinto sila ni Hunter sa pwesto nila sa narinig nila. Nagkatinginan silang dalawa. Sinenyasan siya nitong umatras sila dahil mukhang palapit sa kanila ang mga taong ‘yon. At wala silang pagtataguan sa gawing ‘yon. Dahan-dahan silang umatras. Nang may matabig siya sa gilid niya na lumikha ng ingay. Shit!


“Ano ‘yon, pare?”


“Tingnan natin!”


Mabilis siyang hinila ni Hunter patago sa isang gilid. Sumilip ito. Pagkatapos ay sumenyas sa kaniya na dalawa daw ang kalaban. Sumenyas ito na pagdaan ng dalawa, kailangan nilang mapatumba ‘yon. Isang matigas na iling ang sinagot niya. Nagtatanong ang mga mata nito kung bakit.


Inabot niya ang baril niya dito. “Kailangan kong makapunta kay Princess.” bulong niya. “Mas mapapanatag ako kung makikita ko siya. Mas mapo-protektahan ko siya kung kasama ko siya. Hindi yung ganitong malayo ako sa kaniya. Ako lang ang lalabas. Dito ka lang.”


“May tao ba dyan? Lumabas ka na kung ayaw mong paputukan ka pa namin.”


“Ikaw ng bahala, kuya.” nakangiting bulong niya.


“Aeroll.”


Tinapik niya ang balikat nito. “Matapang si Princess. Pero babae rin siya. And I know she’s afraid right now. Kailangan niya ko.”


Napabuntong-hininga ito. May inabot ito sa kamay niya. “Pindutin mo ‘yan kapag kasama mo na siya.” bulong nito. Tinapik nito ang balikat niya. “Ikaw ng bahala sa kapatid ko.”


Tumango siya. At nakataas ang kamay na lumabas sa pinagtataguan niya.


“Sino ka?” Sabay na tinutok ng dalawang lalaki ang mga baril nito sa kaniya.


“Naligaw lang.” nakangiting sagot niya.


“Sino ka nga sabi?”


Sumeryoso ang mukha niya. “Girlfriend ko lang naman ang tinangay ninyo. Kung nasa’n siya, nando’n din dapat ako.”


* * *


( Princess’ POV )


Hinintay niyang tumama ang bala sa katawan niya. Pero wala siyang naramdaman. Iminulat niya ang mga mata niya. Nakababa ang hawak na baril ni Justine.


“Handa na kong mamatay. Pero hindi ikaw.”


“Justine.”


Humakbang ito palapit sa kaniya. At tumingkayad sa harap niya. “Ikaw ang unang taong tumanggap sakin bilang ako.” mahinang sabi nito. “Nang maaksidente ka, wala kong nagawa no’n. Pero ngayon, hindi ko hahayaang mawala ka ng gano’n-gano’n lang sa mundong ‘to. Mero’n pa tayong hanggang hating gabi para itakas ka dito.”


Napayuko siya. Tutulungan siya nito. Hindi siya nito papatayin. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya.


“Stop crying, okay. Baka mamatay ka sa dehydration at hindi sa tama ng baril.”


Hindi niya mapigilang mapangiti. “Thank you.”


Umiwas ito ng tingin. “Wag ka munang magpasalamat. Hindi ko alam kung anong balak ni Master kung bakit nagbago ang isip niya at dinala ako ng mga tauhan niya dito. Pero dahil matalino ako, alam ko na kung bakit.”


“Bakit?”


Binalik nito ang tingin sa kaniya. “Once na mapatay kita, ako ang isusunod nila. Ginawa lang niyang dahilan na ako ang papatay sa’yo. Pwede naman niyang ipagawa ‘yon sa mga tauhan niya. Gusto niyang burahin ang mga taong makakasagabal sa kaniya. At kasama na ko do’n. Hah! Akala niya, mauutakan niya ko? Nagkakamali siya. Matalino ata ‘to. Bago pa niya ko mapatay, sisiguraduhin kong mauuna siya.”


Natahimik na lang siya. Ang nasa isip niya ng mga oras na ‘yon, kung ilang tao na kaya ang napatay nito? Ilang buhay na kaya ang tinapos nito? At bakit nagbago ang isip nito at buhayin siya?


“The way you looked at me, parang may gusto kang itanong.”


Napalunok siya. “Bakit, Justine? Bakit napunta ka sa ganitong sitwasyon? Kailan pa? At bakit gusto mo kong iligtas?”


Nagkibit-balikat ito. Tumingin ito sa bintana. “Dahil nag-iisa na lang ako sa mundo. Hindi ko alam kung bakit napunta ko sa ganitong sitwasyon. Nagising na lang ako isang araw, ganito na ko. Pumapatay na ko ng tao kapalit ng pera.”


“May pamilya ka pa.”


“Hindi ko naramdaman ‘yon. Para sa kanila, pabigat lang ako. Puro si James na lang ang nakikita nila.”


“Justine...” Ang mga mata nito. Parang mata ng batang iniwan ng magulang.


“Mamamatay tao ako.” Tiningnan nito ang kamay nito. “Parang nakikita ko ang mga dugong galing sa mga taong pinatay ko. Sa tingin mo, matatanggap pa ko ng pamilya ko kapag nalaman nila ang lihim ko? Malamang, itakwil na nila ko ng tuluyan.”


“Pwede ka pang magbago, Justine.”


“Yeah, right. Parang napakadali lang gawin no’n. Pero mahirap.” He chuckled. “Dahil sa babaeng ‘yon na sinermunan ako ng pagkahaba-haba, natauhan ako. Medyo lang naman. Nagsisisi nga ako kung bakit kinulit ko pa siya. Ito tuloy ang napala ko. Nasira ang mga diskarte ko. But to thanks to her. Mamatay man ako ngayon, naparamdam ko naman sa pamilya ko na mahal ko sila.”


Napailing ito. “Mahal. Hindi ko naisip na sasabihin ko ‘yan. Hindi ko naramdaman ‘yan. Ni hindi ko nga naramdaman kung sino ba talaga ako. Parang anino lang ako ng kambal ko. Pero ang babaeng ‘yon. Nang araw na ‘yon. Pinaramdam niya sakin kung sino ako. Na may sarili akong katauhan. Sa kauna-unahang pagkakataon may tumanggap sakin bilang ako. Kaya hindi ko hahayaang burahin siya ng mga hayop na ‘yon sa mundong ‘to.”


Ako yung tinutukoy niya.


Justine... Kung hindi lang nakatali ang mga kamay niya, malamang niyakap niya ito. Para maiparamdam ditong hindi ito nag-iisa.


Nag-inat ito. “Okay. Ang drama ko na.” Pumunit ito sa laylayan ng damit nito at ipinangpunas sa mukha niya. Napangiwi siya. At iniwas ang mukha niya. “Sinong may gawa niyan, miss ganda? Oh! Miss pasa na pala. May pasa na ‘yang pisngi mo, eh.”


“Ang Fred na ‘yon.”


Napapalatak ito. “Nasa’n na ba ang boyfriend mo? Alam kaya niyang nandito ka? Siguradong manggagalaiti ’yon pag nakita ang mukha mo.”


Iniling niya ang ulo niya. “Hindi ko alam.” Basta ang alam niya, narinig niya ang boses ni Aeroll bago siya tuluyang matangay ng mga tauhan ni Mr. Fred kanina.


Tumayo ito at sumilip sa bintana. “So, ako na naman ang superman mo ngayon?” Napalingon ito sa pintuan. “Oh! Speaking.”


Napalingon din siya sa tinitingnan nito. May dalawang lalaki sa pintuan. At may hawak silang isang lalaki. Na nakatitig sa kaniya.


“Ipapaalam ko lang ‘to kay Master.” Umalis ang isang lalaki. Tinulak naman ng isa ang lalaking hawak nito papasok ng kwarto.


“Princess.”


Napakurap siya. Totoo ba ‘tong nakikita niya?


“A-aeroll?” Mabilis itong lumapit sa kaniya. Hindi nito malaman kung paano hahawakan ang mukha niya. “Paanong...”


“Hindi na mahalaga ‘yon.”


So, totoo ngang nandito ito sa harap niya. Saka lang niya naramdaman ang takot, ang kaba at ang panghihina niya. Na pinipilit niyang itago kanina dahil kailangan niyang magpakatatag. “Aeroll...”


He gritted his teeth. “Sinong may gawa niyan sa’yo?” nanggigigil na tanong nito. Hinaplos nito ng marahan ang pisngi niya.


Umiling siya kasabay ng pagpatak ng luha niya. “Just hug me, please...” Ang maramdamang nandito ito sa tabi niya. Ramdam niyang ligtas na siya.


Iyon nga ang ginawa nito.


And just like before, she felt safe in his arms.

* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^