Saturday, June 29, 2013

Love at Second Sight : Chapter 78



CHAPTER 78

( Princess’s POV )


Iminulat niya ang mga mata niya. Pero agad din niyang pinikit ‘yon ng maramdaman niya ang pagsakit ng ulo niya. Akmang hahawakan niya ang ulo niyang makirot ng hindi niya magawa ‘yon. Iminulat niya uli ang mga mata niya.


Nalaman niyang nakaupo siya sa sahig at nakatali ang mga kamay niya paikot sa kinasasandalan niyang poste. Pati ang mga paa niya. Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya ng maalala niyang tinangay siya ng mga lalaking ‘yon.
Inilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto kung nasa’n siya. Walang tao maliban sa kaniya. Walang gamit sa loob maliban sa isang upuang nasa harap niya. Tiningnan niya ang bintana. Basag at sira ang ilang salamin. Mula sa pwesto niya, puro puno ang nakikita niya. At umuulan na naman.


“Nasa’n na ba ko? Sa’n nila ko dinala?” tanong niya sa sarili niya.


Napalingon siya sa pintuan ng magbukas ‘yon. Si Mr. Alex Agoncillo. Kasunod nito ang isang lalaki. Ang isa mga lalaking kausap nito kanina sa factory. “Gising ka na pala.”


Nag-init ang dugo niya. “Hayop ka! Ikaw ang pumatay kay papa!”


Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito.


“Bossing, tuluyan na kaya natin ‘to? Napakatapang, eh. Pero sayang kung hindi natin pakikinabangan. Ang ganda pa naman.” Ngumisi pa ang lalaki ng malisyoso. Minura niya ito ng paulit-ulit sa isip niya.


“Iwan mo muna kami, Jimbo.”


Pinasadahan muna siya ng tingin ng Jimbong ‘yon bago ito umalis.


Tiningnan niya ng masama si Mr. Alex. “Bakit mo ginawa ‘yon kay papa? Kaibigan ka niya! Pero anong ginawa mo? Pinatay mo siya!”


“Mukhang hindi tayo nagkakaintidihan dito.” Umupo ito sa upuan.


“Hindi nagkakaintindihan? Wala ka bang konsensya? Sarili mong kaibigan pinatay mo!”


“Hindi ka dapat nandito. Hindi ka na dapat nakialam pa.”


Umiling-iling siya. “Sinira mo ang pamilya namin.” Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. “Bakit?!” sigaw niya.


“Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang bagay na ‘yan. Pero hindi ako ang pumatay sa papa mo.” madiing sabi nito.


“Sinungaling!”


Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito na ikinagulat niya. “Kung may nagawa lang ako at kung may magagawa lang ako.” Iyon lang at tumayo na ito. At lumabas ng kwarto.


Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. At tahimik na umiyak. “Mga hayop kayo...”


Tumingin siya sa labas ng bintana. Papa... Ano na ngayong gagawin ko?


Naisip niya si Aeroll. Mas lalo siyang napaiyak. Hindi niya alam kung makakaalis pa siya ng buhay dito. Hindi niya alam kung makikita pa niya ito. Just thinking that it might happened any moment now, it really scares her.


I’m sorry, Aeroll...


* * *


( Aeroll’s POV )


Ipinarada nila sa talahiban ang kotse. Mula sa pwesto niya, tanaw niya ang isang warehouse di kalayuan. Wala ni isang bahay sa paligid nila. Puro puno lang ang nakikita niya.


“Dito na pala ang bagong kuta nila.” sabi ni Hunter. Nakatingin silang dalawa sa laptop nito. “Nandito siya.” sabi nito na ang tinutukoy ay ang kinaroroonan ni Princess. Itinuro nito ang red dot na nakahinto sa isang parte ng warehouse.


“Let’s go.” Binuksan niya ang pintuan ng pigilan siya nito.


“Magpapakamatay ka ba?” naiinis na tanong nito. “We don’t know kung ilan ang kalaban. Tapos susugod ka na lang na walang dala?”


Marahas siyang napabuntong-hininga. “Pahiram ng baril dyan.” sabi niya.


May inabot itong baril sa kaniya. Kinuha niya ‘yon. “You know how to use it?” tanong nito.


“I know. May baril ako sa bahay.” Tiningnan siya nito. “At wag mo kong tingnan ng ganyan na parang marami akong kaaway kaya may baril ako. Regalo ni Tito Sebastian sakin ‘yon. May spare bullets ka?” May inabot ito sa kaniya. Napatingin siya sa braso nito. “Okay lang ba ‘yang braso mo?” hindi nakatiis na tanong niya. Hindi na ‘yon dumudugo katulad kanina.


“Malayo sa bituka ‘to.” bale-walang sagot nito. “Let’s go.” Bumaba na ito ng kotse. Sumunod naman agad siya. “Remember this, Aeroll. Hindi pa tayo susugod. Magmamanman lang tayo sa paligid ng warehouse. Parating na ang back-up natin. We’ll wait for them.” paalala nito habang payuko silang tumatakbo at nagtatago sa mga matataas na talahib.


Hindi siya sumagot. Dahil hindi niya maipapangakong hindi siya susugod.


* * *
( Princess’ POV )


Napalingon siya sa pintuan ng magbukas na naman ‘yon. Si Jimbo ‘yon. May dala itong tray. Nakangisi ito ng lumapit sa kaniya. Binaba nito ang tray at pinagmasdan siya.


“Kumain ka na, mahal na prinsesa.”


Tiningnan niya lang ang pagkaing dala nito.


“Walang lason ‘yan. Mababait naman kami dito.” Pero ang ngisi nito. Ngisi ng demonyo.


Hindi pa rin siya sumagot. Ibinaling niya ang tingin sa bintana. Lumapit ito sa kaniya. “Sayang ka. Ang ganda mo pa naman. Kung hingin kaya kita kay Master?” Umangat ang kamay nito para haplusin ang pisngi niya ng iiwas niya ng mukha niya.


Hinawakan nito ng pasabunot ang buhok niya. “Ang arte mo naman. Tutal naman mamamatay ka rin lang, mas maganda ng mapakinabangan ka muna namin. Oo, namin.” Humalakhak pa ito.


Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa sinabi nito. “Pwes patayin ninyo na lang ako.” madiing sabi niya.


Nagkibit-balikat ito. “Si Master ang magde-desisyon niyan.” Tumayo na ito. Itinulak ng paa nito ang tray palapit sa kaniya. “Huling pagkain mo na ‘yan sa mundo kaya lubus-lubusin mo na, mahal na prinsesa. Iyon lang, paano mo kakainin ‘yan kung may tali ang mga kamay mo? May bibig ka naman diba?” Humalakhak pa ito bago tuluyang makalabas.


Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. Madami na kong pinagdaanan. Kakayanin ko ‘to. Gagawa ako ng paraan para makaalis dito. Hindi ko papayagang mamatay ako ng hindi sila nagbabayad sa ginawa nila kay papa...


Ilang minuto na ang lumipas nang bumukas uli ang pintuan. Pumasok si Mr. Alex kasunod si Jimbo. Pero nanlaki ang mga mata niya sa pangatlong taong pumasok.


“Ba’t ganyan ang reaksyon mo, hija? Nakakita ka ba ng multo?” tanong ng taong ‘yon. Tiningnan nito ang tray na nasa tabi niya. “Ah! Hindi ka makakain dahil nakatali ang mga kamay mo?” Nilingon nito si Jimbo. “Kalagan mo siya.” Mabilis namang sumunod si Jimbo.


Saka lang niya nahanap ang boses niya ng tuluyan siyang makawala sa pagkakatali. “T-tito F-fred?” hindi makapaniwalang tanong niya.


“Oo, hija. The one and only.” Umupo ito sa upuan.


Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at kay Mr. Alex. “Kasabwat kayo ni Mr. Alex?”


“Hindi ako kasabwat, hija.”


“Dahil siya ang Master namin.” singit ni Jimbo.


“Sinabi ko bang magsalita ka?” Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tito Fred. Naging matigas.


“Sorry, Master.” Yumuko si Jimbo.


Nang tiningnan uli siya nito. Bumalik na sa dati ang ekspresyon ng mukha nito. Ang bait nitong tingnan sa itsura nito ngayon.


“Ako ang Master. Kanang kamay ko lang si Alex.”


“Pero...” Hindi pa rin siya makapaniwala. Naging mabait ito sa kaniya. Hindi lang sa kaniya, pati sa mga trabahador nito. Nakita niya ’yon ng araw na ‘yon. Lagi pa itong nakangiti. Kinamusta pa siya nito pagkatapos niyang magising sa pagka-coma. Pinadalhan ng bulaklak.


Anong ibig sabihin ng mga pinakita nitong kabutihan? Puro kasinungalingan lang ba ‘yon? Ang hirap paniwalaan.


“It was all an act, Princess.” sagot nito na parang nababasa ang mga tanong sa isip niya. “Ang sabi nga nila. Keep your friends closer, but your enemies much closer. Ikaw naman kasi. Hindi mo dapat pinapakialaman ang mga bagay na wala kang kinalaman. Binalaan ka na namin diba? Na manahimik ka na lang. Pero sadyang matigas ang ulo mo.”


“P-pinatay ninyo si Kuya Rod! Hindi aksidente ‘yon!” Sinasabi ko na nga ba!


Pumalakpak ito. “Tama ka! Pinapatay ko siya. At mamaya, makikilala mo ang taong pumatay sa kaniya. Gustong tumiwalag sa grupo ni Rod. Madami siyang nalalaman at ayaw kong mapahamak kami ng dahil sa kaniya. Kaya pinatahimik ko na siya.”


Ano bang mero’n sa grupong ‘to?


“Yun ang gusto mong alamin diba? Kaya nagpupumilit kang buksan uli ang kaso. Pumunta ka pa talaga ng Toyie-Toyie para kumalap ng impormasyon. Pati ang pasukin ang factory ng gabing ‘yon, ginawa mo.”


“Paanong...” Paano nito nalaman? Oo nga pala! Kay Ash! Pero hindi! Pinaputukan ng mga tauhan nito sina Ash kanina. So, totoong NBI agent si Ash? Pero bakit nito kasama si Hunter? Si Hunter na dalawang beses niyang nakitang nakasunod sa kaniya sa mall ng araw na may nagtangka sa buhay niya. Si Hunter na pumatay kay Kuya Rod! Ano ba talaga ang totoo? Gulong-gulo na ang isip niya. Ang daming tanong na hindi niya alam ang kasagutan.


“Paano ko nalaman?” Napatingin siya kay Mr. Fred. May kung anong hinagis ito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala niya ang bagay na ‘yon. Ang bracelet niyang nawawala! Nang gabing pasukin niya ang factory nawala ang bracelet niya! Makikilala talaga nito kung kanino ‘yon dahil naka-encypted ang pangalan niya do’n.


“Hindi ko alam kung anong narinig mo ng gabing ‘yon, Princess. Kaya napilitan akong...” Binitin nito ang sinasabi nito.


“Napilitan kang patayin ako.” pagpapatuloy niya. “Yung sa parking lot, pakana mo ‘yon. Kaya lang hindi ka nagtagumpay.”


“Dahil niligtas ka ng lalaking ‘yon.” Si Justine ang tinutukoy nito. “Pero wala naman talaga akong balak na patayin ka. Testing lang kumbaga. Parang yung nangyari lang sa harap ng subdivision na tinitirhan mo at yung sa harap ng mall. Tinitingnan ko lang kung hanggang sa’n ang tapang mo.”


Kinuyom niya ang kamao niya. Paanong sa likod ng mabait nitong mukha, nagtatago ang isang demonyo? “Ikaw din ang may gawa kaya naaksidente ako.”


“Hindi ako. Si Jimbo. Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang pagpatay sa’yo kung pwede namang i-utos ko.”


Tama si Chariz. Tama ang mga sinabi nitong may nagtangka sa buhay niya!


“Kaya lang, may lahing pusa ka ata. Hindi ka pa natuluyan.” Nagkibit-balikat ito. “Pero hindi naman big deal sakin ‘yon. Pwede ko pa namang ulitin ‘yon hanggang sa tuluyang mabura ka. At dahil may konting bait naman ako. Pinalipas ko lang muna ang buwan. Dahil gusto ko munang maka-recover ka bago ko ulitin ‘yon.”


“Hayop ka!” gigil na sabi niya.


“Kasalanan mo, Princess. Curiosity kills the cat, right? At ikaw pa mismo ang lumapit sa kamatayan mo. Gusto ko sanang tuparin ang huling hiling ng papa mo na hayaan kitang mabuhay. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.” Ngumisi ito na parang demonyo.


Natigilan siya. “I-ikaw? Ikaw ang pumatay sa papa ko?” Tiningnan niya si Mr. Alex na tahimik lang na nagmamasid sa kanila. “Hindi siya?”


“Anong pinatay? Wala kong pinapatay.” Na sinabayan nito ng halakhak.


“Ikaw ang pumatay kay papa!” Oh my God! Yung taong inakala kong kakampi ko, isa pa lang mamamatay-tao! Siya ang taong pumatay kay papa!


“Oo! Ako!” sigaw nito. “Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol dyan. Pero ngayong pati ang bagay na ‘yan alam mo na, kailangan mo na talaga mabura sa mundo.”


“Bakit?” sigaw niya. “Kaibigan mo siya! Bakit mo siya pinatay?”


“Dahil pakialamero siya! Dapat lang sa kaniya ‘yon!”


Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. “Tinuring kang kaibigan ni papa. Bakit nagawa mo sa kaniya ‘yon? Buhay pa sana si papa ngayon. Sinira mo ang buhay namin.”


“Hindi ko siya kaibigan. Dahil ang totoo niyan, may galit ako sa kaniya. Hindi kami magkasundo sa mga bagay. Lagi siyang naka-kontra sa mga desisyon ko.” madiing sabi nito.


“Anong nalaman ni papa kaya pinatay mo siya? Sabihin mo!”


“Tutal naman, mamamatay ka na rin lang, sasabihin ko na rin sa ‘yo. Pabaon ko na rin sa libingan mo. Pero paiigsiin ko na lang para sa’yo.” Dumekwatro pa ito ng upo.


“Twelve years ago, namatay ang magulang ako at sakin iniwan ang factory. Pinasok ko ang drug trafficking gamit ang negosyo ko. Malaking pera ‘yon. Nalaman ‘yon ng papa mo. Pinigilan niya ko. Nag-away kami. Nag-resign siya. Pinagbantaan niya kong mag-ingat sa mga pulis. At alam kong nagsumbong siya sa mga pulis na ‘yon.”


“Hindi totoo ‘yan! Hindi ka niya sinumbong! Hindi ka sinumbong ng papa ko...” umiiyak niyang sabi. “Kaibigan pa rin ang turing niya sa’yo ng mga panahong ‘yon. Pero ano’ng ginawa mo? Pinatay mo siya...”


“Kung makapag-salita ka parang alam na alam mo ang mga nangyari. Bata ka pa lang no’n diba?” Natigilan ito. Naningkit ang mga mata nito. “May iniwan ba siyang sulat sa’yo, hah?”


“Oo!” Gagamitin niya ‘yon para hindi agad siya nito patayin. ”At nakalagay do’n ang pangalan mo. Oras na mamatay ako, dederetso ‘yon sa mga pulis.”


Lumapit ito sa kaniya. “Sa’n mo itinago?”


“Ba’t ko sasabihin sa’yo kung papatayin mo lang rin naman ako?”


Nanggigigil na hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya gamit ang kanang kamay nito. “Sa’n mo itinago?” madiing tanong nito.


“Sa hukay mo.” madiing sagot niya. “Gustong mong makuha? Mamatay ka muna.”


Pak!


Napangiwi siya. Napahawak siya sa pisngi niya. Sa lakas ng sampal nito, natumba siya sahig. May nalasahan siyang dugo mula sa gilid ng labi niya. Pinikit niya ang mga mata niya dahil bahagya siyang nahilo. Hindi. Nahilo talaga siya.


Hindi pa siya nakakabawi ng mahigpit nitong hawakan ang buhok niya at iharap ang mukha niya dito. “Ang tapang mo talaga. Manang-mana ka sa papa mo. At dahil sa kaniya ka nagmana, susunod ka din sa kaniya. May huling kahilingan ka din ba? Gusto kong katulad ng ginawa ng papa mo ang pagmamakaawang gagawin mo.”


Marahas na binitawan nito ang buhok niya. Napangiwi siya. Tumayo ito. “Jimbo. Magpadala ka ng tauhan sa bahay ng babaeng ’to. Halughugin ninyo ang bahay niya.”


“Ano pong hahanapin, Master?”


“Hindi ka ba nakikinig sa pinag-uusapan namin? Kanina ka pa dito!” sigaw ng kriminal na ‘yon.


“Yes, Master! Alam ko po!”


Kahit nananakit pa ang pisngi at labi niya. Pati ang anit niya. Kinuha niya ang tray ng pagkain at hinagis sa criminal na ‘yon. “Bagay lang sa’yo ‘yan! Mamamatay tao!”


Naningkit ang mga mata nito ng lingunin siya. Sa isang iglap lang, napasadsad na naman siya sa sahig. Mas dumoble ang sakit ng pisngi niya. Dahil sinampal na naman siya nito, gamit ang likod ng kamay nito.


Hindi siya makatayo dahil sa hilong nararamdaman niya. Naramdaman din niyang mahapdi ang pisngi niya. Naramdaman niya ang pagtama ng kung ano do’n kanina ng sinampal siya. Nang kapain niya ‘yon, may dugo siyang nakita sa daliri niya.


Napangiwi siya ng maramdaman niya ang pagsabunot sa buhok niya. “Gusto mo na bang mapadali ang buhay mo?” nanggigigil na tanong ni Mr. Fred.


“Mauna ka...” Hindi niya alam kung sa’n nanggagaling ang tapang niyang sagut-sagutin to. Pero hindi niya dapat iparamdam na natatakot siya dito.


Pak!


Parang hindi na niya kayang idilat ang mata niya sa malakas na sampal na ‘yon. Ang sakit-sakit na ng mukha niya. Tumama pa sa sahig ang ulo niya.


“Fred, tama na ‘yan.”


“Manahimik ka, Alex! Itali mo ang babaeng ito!”


Naramdaman niya ang paghila ng kung sino sa kaniya. Marahil si Mr. Alex ‘yon. Naramdaman niya ang pagtali sa mga kamay niya. Nakatali na naman siya sa poste. Ni hindi siya makapalag dahil nanghihina siya.


“Manahimik ka na lang kung ayaw mong madagdagan ‘yan.” bulong ni Mr. Alex.


“Mga hayop kayo...” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. ”Mga kriminal...”


“Oo naman, Princess. Alex, papasukin na ang lalaking ‘yon.”


Hanggang sa makarinig siya ng boses. Pamilyar na boses.


“Ano ba? Bitiwan ninyo nga ko! Bakit ninyo ba ko dinala dito? Bwisit naman, o! Kung pag-babarilin ko kaya kayo?”


“Princess, meet the killer na pumatay sa kuya-kuyahan mong si Rod.” narinig niyang sabi ni Mr. Fred.


Iminulat niya ang mga mata niya kahit nanlalabo na ‘yon.


“Princess!”


Ang boses na ‘yon...

* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^