Saturday, June 29, 2013

Love at Second Sight : Chapter 77



CHAPTER 77

( Princess POV )


Tumila na ang ulan nang makarating siya ng factory. Lumabas siya ng kotse niya ng makita niyang sarado ang toy store. Nasa likuran ang factory. Naglakad siya papunta sa bandang kaliwang bahagi ng toy store. At naglakad pa. Do’n dumadaan ang mga trabahador na nagta-trabaho sa factory. Huminto siya sa isang malaking gate.


Tiningnan niya ang factory. May nakita siyang bintana. Yun siguro ang office ng Alex na ‘yon. Natatandaan niya ang gabing pasukin niya ang factory, natanaw nila ni Ash mula sa bintanang ‘yon ang isang truck na papasok dito.


Tiningnan niya ang malaking gate. May puwang sa itaas no’n. Do’n marahil dumaan si Ash. At sa likod ng gate na ‘to, may bodega. At pwede siyang makapasok sa loob kapag dito siya dumaan.


Lumingon muna siya sa paligid niya bago lumapit sa gate nang malaman niyang bukas ‘yon. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Paakyat ang daan. May pintuan siyang nakita sa bandang harapan niya. Nang lapitan niya ‘yon, ayaw mabuksan. May isa pa siyang gate na nakita sa kaliwa. Mababa lang ‘yon. Ilang gate ba ‘to? Humakbang siya palapit sa gate na ‘yon. Bukas na naman.


Do’n na lang siya pumasok. Inilibot niya ang tingin sa loob. Maluwag ‘yon. Maraming malalaking box siyang nakita. Ito yung bodegang nakita namin ni Ash. May nakita kasi siyang isa pang pintuan. Do’n sila sumilip ni Ash ng gabing ‘yon.


Lumapit siya sa pintuang ‘yon. Kaya lang... “It’s lock.” Naghanap siya sa paligid niya ng pwede niyang gamitin. May nakita siyang alambreng manipis. “Pwede na ‘to.” Na-try na din niyang magbukas ng pintuan gamit ‘yon. Sinubukan niyang buksan ang pintuan. “Makisama ka naman ngayon.” bulong niya. Inabot pa siya ng ilang minuto bago niya ‘yon mabuksan. Yes!


Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Sumilip muna siya. Mga makina ang sumalubong sa kaniya.Walang mga trabahador. Mabuti na lang. Kundi magtataka ang mga ito kung bakit nandito siya at parang magnanakaw na nakapasok na walang paalam.


Lumingon siya sa kanan niya. May pintuan. May mahabang pasilyo sa likuran no’n at do’n ang papunta ng Toyie-Toyie. Nando’n din ang office ni Tito Fred.


Lumapit siya do’n. It’s a two way door and it was opened. Pumasok siya. At humakbang papunta ng office ni Tito Fred. Kaya lang... It’s locked. Hindi niya dala ang alambreng ginamit niya kanina.


“So, walang tao dito.”


Bumalik siya sa pinanggalingan niya. Nasa harap na uli siya ng mga makina. Lumingon siya sa kaliwa niya. Ang pasilyong ‘yon. Do’n ang papunta ng restroom at ng office ng Alex na ‘yon. Humakbang siya palapit do’n. Ilang saglit lang, naglalakad na siya sa pasilyong ‘yon. Lumiko siya sa kaliwa. Dahan-dahan siyang lumapit sa office. Nakita niyang bahagyang bukas ‘yon.


“Handa na ba ang lahat?”


Ang boses na ’yon! Sumilip siya at nakita niya ang apat na lalaking nakatayo. Namukhaan niya ang isa. Si Bimbo? Gimbo? Jimbo? Basta yung lalaking masungit na naghatid sa kaniya no’n sa office ni Tito Fred.


“Handa na po.”


“Dapat na maging maayos ang lahat.”


Kumunot ang noo niya. Nakatalikod ang isang lalaki kaya hindi niya mabistahan ang mukha nito. Pero ang boses nito. Kung hindi siya nagkakamali ito ay si...
 

Humarap ito. “Mainit tayo ngayon sa batas kaya kailangan nating maging maingat.” Si Mr. Alex Agoncillo! Nakuyom niya ang kamao niya.


“Kasalanan ng babaeng ‘yon. Siguradong nagsumbong siya sa mga pulis. Bakit ba kasi hindi pa natin tinuluyan ‘yon?”


“Hindi pa pwede.” sagot ng Alex na ‘yon.


“Masyado siyang pakialamera, boss. Pati ang pagkamatay ni Rod, inaalam niya.”


“Tumahimik kayo! Intindihin ninyo ang mga trabaho ninyo!”


Hayop ka! Sinasabi ko na nga ba! Napasandal siya sa dingding. Umatras siya ng hakbang. Paatras ng paatras. Nang may kung anong nabangga siya at lumikha ‘yon ng ingay. Napalingon siya sa likuran niya. Yung vase!


“Ano ‘yon?”


“May tao ata!”


“Hindi ninyo ba sinarado ang gate?”


“Hindi po. Yung pintuan sa bodega ang naka-lock.”


“Tonta! Napasok tayo!”


Mabilis siyang tumakbo pabalik sa bodega.


“Boss, may tao nga!”


Shit! Nakita pa ata ako!


“Ano pang hinihintay ninyo? Habulin ninyo! Jimbo! Sa likuran! Sa toystore! Baka do’n siya dumaan!”


Hindi ako magpapahuli sa inyo!


Nakapasok siya ng bodega. Hinila niya ang malaking kahong puno ng stuffed toy na nasa gilid lang at mabilis na inihirang sa pintuan bago mabilis na lumabas ng gate. At palabas ng gate uli na malaki.


Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang tumatakbo pabalik ng kotse niya. Alam niyang may nakasunod na sa kaniya. Hindi niya alam, pero grabe. Grabe ang adrenaline rush niya. Hindi niya mapigilang isipin pero para siyang bidang agent sa mga sinusulat niya.


“Wag kayong magpapaputok!” Narinig pa niyang utos ng kung sino. Malapit na siya ng kotse niya ng makita niyang may palabas na lalaki sa toy store. Shit! Lumingon siya sa kanan niya. Do’n siya tumakbo sa eskinitang ‘yon.


“Yung sasakyan! Bilis!”


“Ikutan ninyo!”


“Babae na lang, hindi ninyo pa mahabol!”


Tinumba niya ang basurahan na nadaanan niya. Nakalabas siya sa eskinita. At mabilis na tumakbo sa kaliwa niya. May pasalubong na kotse sa kaniya na biglang huminto sa gilid niya. At nagulat siya sa kung sinong nasa loob no’n ng bumaba ang bintana. “Hunter? Ash? Kayo?”


“Princess! Get in!” utos ni Hunter.


Nahagip ng mga mata niya ang braso nito. Nanlaki ang mata niya. “Oh! My God! Ang tattoo! Ikaw? Ikaw ang pumatay kay Kuya Rod!” Mabilis siyang umatras at tumakbo sa kabilang kalsada.


“Princess!” Nilingon niya ang mga ito. Nakababa na ang mga ito ng kotse. At hinahabol siya.


Wala siyang masyadong maintidihan sa mga nangyayari. Isa lang ang maliwanag sa kaniya. Magkasabwat sina Hunter at Ash! Hindi niya alam kung paano. Kaya ba kung nasa’n sila ni Ash, nando’n din si Hunter? Tama si Aeroll. Hindi niya dapat pinagkatiwalaan si Ash!


Nang mula sa kung saan ay sumulpot ang isang lalaki. Huli na para makaiwas siya.


“Huli ka!”


Shit! Kasabay no’n ay may van na huminto sa harapan nila. May lumabas na isang lalaki mula doon at pilit siyang ipinasok sa loob.


”Bitiwan ninyo ko! Ano—ay!” Tinakpan niya ang tenga niya dahil sa narinig niyang sunod-sunod na putok. Nagpaputok ang isang lalaki sa van. At pinaputukan nila... Sino? Napalingon siya sa pinaputukan ng mga ito. Nanlaki ang mga mata niya. Sina Hunter! Pero bakit?


“Ipasok na’yang babae na ‘yan! Bilis!”


“Bitiwan ninyo ko!”


May kung anong tumakip sa ilong niya na nakapagpatigil sa kaniya.


“Princess!” Isang sigaw ang narinig niya.


Si Aeroll ba ‘yon? Ano ba talagang nangyayari?


Tuluyan nang nagdilim ang paningin niya.


* * *


( Aeroll’s POV )


Nanlaki ang mga mata niya ng mula sa kotse niya ay nakita niyang hawak ng dalawang lalaki si Princess. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “Damn it!” Nahuli sila ng dating!


Napa-preno siya sa mismong likuran ng kotse nila Hunter kasabay ng sunod-sunod na putok. Kitang-kita niya ng himatayin si Princess at ipasok sa loob ng van. “Shit!” Mabilis siyang bumaba ng kotse niya.


“Princess!” sigaw niya. Mabilis na humarurot paalis ang van. “Damn!” Halos lahat ng mura nasabi na niya sa isip niya. Mabilis siyang bumalik ng kotse niya para sundan ang van ng makarinig siya ng sigaw.


“Hunter!”


Nakita niya si Hunter sa gilid ng kalsada at nakahawak sa braso nito. Katabi nito si Ash.


“Shit!” Inis na hinampas niya ang manibela at bumaba ng kotse niya. Lumapit siya sa mga ito. “Hunter, may tama ka.” Dumudugo ang braso nito.


“Bakit ba kasi tinulak mo ko?” inis na tanong ni Ash dito. At ngayon lang niya nakitang nainis ng gano’n si Ash.


“Daplis lang ‘to.” balewalang sagot ni Hunter. “Dumadami na ang mga tao.” Tama ito. Nagsipaglabasan na ang mga tao. Tumayo ito kasabay ng pagpunit sa laylayan ng damit nito at itinali sa kaliwang braso nito. Lumapit ito sa kotse nito.


“Hunter, tinangay nila si Princess.” inis na sabi niya sabay hampas sa ibabaw ng kotse nito. Ni hindi na niya alam ang gagawin niya. Napamura na naman siya sa isip niya.


“Alam ko.” May kung anong kinalikot ito sa laptop nito na nasa dashboard. Maya-maya ay may lumabas sa screen. It was like a map at may red dot na gumagalaw.


“Ano ‘yan?” tanong niya. “Don’t tell me...”


“When Princess left her phone sa office ni James. I put a tracking device on it bago ko ibalik sa kaniya. Good thing dala niya ang phone niya ngayon.” Parang gusto niya itong yakapin sa ginawa nito. Nilingon nito si Ash. “Tawagan mo si Sir Sebastian. Ikaw na ang mag-report ng mga nangyari. Alam na niya ang gagawin niya. Ipapadala ko ang location namin every five minutes at once na makarating kami agad sa lugar na pagdadalhan nila kay Princess.”


“Copy that.”


Nilingon niya rin si Ash. “Ikaw ng bahala sa kotse ko.” Sabay tingin kay Hunter. “Sasama ko sa’yo. Ako na ang magda-drive.” Sumakay na siya ng driver seat. Hindi niya papayagang wala siyang gawin. He can defend himself. Hindi siya magiging pabigat dito.


“I was about to said that. But not the latter one.” Narinig niyang sabi ni Hunter bago ito sumakay ng passenger seat.


“Mag-iingat kayo!” pahabol ni Ash bago niya paharurutin paalis ang kotse.


Parang gusto niyang patakbuhin ang oras para makarating kay Princess. Hindi lang doble ang kabang nararamdaman niya ngayon. Higit pa.


Princess, maghintay ka lang.

* * *

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^