CHAPTER
76
( Princess’ POV )
Mula sa labas ng village nila Aeroll, sumakay
siya ng tricycle papunta ng bahay niya. Inabot niya ang bayad sa driver at
bumaba. Nasa harap na siya ng gate ng maisip niyang hindi niya nadala ang susi.
Nagpalinga-linga siya sa paligid niya. Maulan kaya walang tao siyang makita.
Hinagis niya ang payong niya sa loob ng gate. Isang lingon pa sa paligid niya
bago siya sumampa sa gate. Basa na siya ng ulan ng makapasok siya sa loob.
Nakita
pa niya ang kotse niyang nakaparada sa garahe bago siya lumapit sa front door
ng bahay niya. Wala siyang susing dala pero mero’n siyang tinago sa ilalim ng
paso incase na maiwan niya ang susi niya o wala siyang hairpin o ID para buksan
ang pintuan.
Pagpasok
pa lang niya sa loob ng bahay, sinalubong na agad siya ng pusa niya. Umupo siya
at hinaplos ang balahibo nito. “Miming, bakit nandito ka? Nando’n ka kina Cath diba?
Pinalayas ka ba niya dahil nagalit siya sakin kahapon?”
“Meooowww...”
“Oo. Alam kong kasalanan
ko dahil hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa aksidente.”
Tumayo siya at pinindot ang switch ng ilaw. Buwan na rin simula ng umuwi siya
dito sa bahay niya.
Pumunta
siya ng kitchen. Pagkatapos ay sa kwarto niya. Walang nagbago. Pati ang dating
kwarto ng ate niya, tiningnan din niya. Hanggang sa mapunta siya sa isang
kwarto. Ang kwarto ng parents niya. Pumapasok pa siya do’n nung mamatay ang
papa niya. Pero simula ng mamatay ang mama niya bago siya mag-college, hindi na
niya sinubukang pumasok sa kwarto.
Maraming
alaala ang nando’n. Na gusto niyang manatili na lang sa loob. Dalawang
mahalagang tao ang nawala sa kaniya no’n. At napakahirap tanggapin no’n. Kaya
hindi na niya sinubukang pasukin ang kwarto dahil ayaw na niyang masaktan pa.
Naka-lock
‘yon at isinama na niya ang susi sa casket ng mama niya no’n. Pero hindi na
niya kailangan ng susi para buksan ang kwarto. Bumalik siya ng kwarto niya at
kumuha ng ID at hairpin.
Ilang
saglit lang nang mabuksan niya ang pintuan. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob.
Inilibot niya ang tingin sa paligid.
So
much memories in this room flooded in her mind.
Madalas
siyang matulog dito nung bata pa siya. Kahit inaasar siya ng mama at ate niya
dahil malaki na daw siya, dito pa daw niya gustong matulog. Pero tuwing
naglalambing siya sa papa niya, lagi siya nitong pinagbibigyan. Hinahayaan
nitong matulog siya dito.
Kahit
may ginagawa ang papa niya dito sa kwarto at busy sa mga papel na hindi niya
alam no’n kung ano. Basta ang alam niya, sa trabaho. Maglalambing lang siya
dito na maglaro sila o kaya kwentuhan siya nito, pagbibigyan siya nito.
Tuwing
naglalaro sila ng tagu-taguan ng ate niya, dito siya sa kwartong ito nagtatago.
Kakasabwatin niya ang papa niya na wag siyang ituro sa ate niya bago siya
magtago sa ilalim ng kama. Maririnig na lang niya na nagtatanong ang ate niya
sa papa niya kung nasa’n siya. Sasabihin ng papa niyang hindi siya nito nakita.
Pag-alis ng ate niya, ilalabas niya ang ulo niya sa ilalim ng kama at
magkakangitian sila ng papa niya.
Her
father’s smile.
Kahit
pagod ito sa trabaho. Laging nakahanda ang ngiti nito sa kanila. Sa kaniya.
When she was still a child, for her, he was the best father ever. Until now pa
rin naman. And for her father, she was his baby princess.
But
for her mother, she was her damulag princess. Big girl na daw siya kaya hindi
na dapat siya tumatabi sa kanila ng papa niya. Pero tuwing natutulog na sila,
ang higpit naman ang yakap nito sa kaniya.
Tuwing
ginugulo niya dito sa kwarto ang papa niya at may ginagawang trabaho, sasawayin
siya ng mama niya. Kapag sumimangot na siya, kikilitiin siya nito ng kikilitiin
hanggang sa hindi na siya makahinga sa katatawa. Tapos, ito na lang daw ang
magku-kwento sa kaniya. Kahit paulit-ulit ang kwento nito, okay lang sa batang
katulad niya no’n. Lalo na pag siya ang bida. Tungkol kasi sa mga prinsesa ang
kwento ng mama niya. Pagtiyagaan na lang daw niya.
Magkaiba
man ang paglalambing ng papa at mama niya sa kaniya. Naging mabuting magulang naman ang mga ito sa kaniya
no’ng nabubuhay pa ang mga ito.
Hindi
niya namalayang pumatak na ang luha niya. Kailan ba niya ginawa ang ganito?
Kailan ba niya ginawa ang balikan ang ala-ala nila ng parents niya? Never
niyang ginawa ‘to simula ng mamatay ang mga ito. Dahil malulungkot lang siya.
Kailangan niyang maging matapang ng mga panahong ‘yon. To the point na iniwasan
niya ang mga bagay na makakasakit sa kaniya no’n. Kahit pa ang itabi ang mga
alaala ng parents niya.
Nang
mamatay ang papa niya, nahirapan ang batang isip niya na tanggapin ‘yon. Five
years matapos no’n, ang mama naman niya ang nawala. Ang hirap tanggapin.
Sobrang hirap. That’s why, she blocked that feeling. Itinago niya ang sakit ng
pagkawala ng magulang. Lahat-lahat. Para lang makapag-move-on siya sa mga
nangyari. Naging matapang siya. But deep inside her, she’s hurting.
But
then she met Aeroll. And all her defenses broke down.
“Si Aeroll... Kaya ko
naharap ang mga ‘to dahil sa kaniya...” Pinunasan niya ang pisngi
niya. Huminga siya ng malalim.
Sumandal
siya sa dingding. At parang may naramdaman siyang lumubog. Kasunod no’n ay
gumalaw ang kinasasandalan niya. Napa- “ouch!” na lang siya ng matumba siya ng
tuluyan. Una ang puwet niya. Nakangiwing tumayo siya at lumingon sa likuran
niya kung sa’n siya tumumba.
“Ano ‘to?”
Parang pamilyar sa kaniya ang maliit na kwartong ‘to? Kinapa niya ng switch ng
ilaw. Sa tinagal ng panahon, buti at gumagana pa. Siguro dahil hindi naman ito
nabubuksan. Marami na rin siyang nakitang agiw sa kisame.
“Tama. Ito ang work room
ni papa.” Fine arts ang natapos ng papa niya. At dito sa maliit
na kwartong ‘to gumuguhit ang papa niya.
Akala
niya panaginip lang ang araw na ‘yon na nakarating siya dito. Isang beses lang
nangyari ‘yon. Nang makita niyang bukas ang secret door na sinandalan niya
kanina. Nakatulog siya sa loob habang hinihintay ang papa niya. Nung magising
siya, nasa kama na siya. Nang tinanong niya ang papa niya tungkol do’n sa magic
room, sinabi nitong walang gano’n sa kwarto ng mga ito.
“Pero totoo ‘yon.” Inilibot
niya ang tingin sa paligid. May mga painting tools siyang nakikita. May
nakikita din siyang telang puti na nakatakip sa kung ano. Lumapit siya isa-isa
sa mga ‘yon at tinanggal ang tela. Para lang mapangiti. May painting silang
magkakasamang apat. May painting na mukha ng mama niya. Yung isa sa ate niya.
Huling
tinanggalan niya ng tela ay yung pinakamalaking painting sa lahat. Napaatras
siya. Siya ‘yon. Natutulog siya habang yakap ang isang malaking stuffed toy. Iyon
ang araw na nakapasok siya work room ng papa niya at nakatulog.
Nag-init
ang sulok ng mga mata niya. Hinaplos niya ang painting. Sa right bottom part
nito ay may nakasulat na, ‘My Baby Princess’. “Papa...”
“My Baby Princess.”
Tumayo
ang balahibo niya. Napalingon siya sa likuran niya. Ano ‘yon? Ba’t parang
narinig niya ang boses ng papa niya? Kasabay no’n ay may nahulog na kung ano
mula sa kisame. Impit siyang napatili. Napahawak siya sa dibdib niya. Tiningnan
niya ang kisame. Luma na ‘yon. Parang may bulok na bahagi na nga.
Kumunot
ang noo niya. “Ano
‘yon?” May notebook na maliit na nasa sahig. Nilapitan niya ‘yon at
kinuha. Ang kapal ng alikabok. Tinakpan niya ang bibig at ilong niya at pinagpag ang notebook sa table
na nando’n. “Ano
ba ‘yan?”
Tuluyan
na siyang lumabas ng work room ng papa niya. Lumapit siya table at umupo sa
upuan. Tinanggal niya ang taling nakaikot sa notebook. “Diary ba ‘to? Nino?” Nagsimula
siyang magbasa.
‘Hindi
ko alam kung anong dapat kong gawin sa nalaman ko. Mananahimik na lang ba ako?
O gagawa ng paraan para pigilan siya? Naging mabuti ko siyang kaibigan. Naging
mabuti siya sa pamilya ko. Pero sinilaw siya ng pera. Napapansin kong nagbabago
na siya. Alam kong magkaiba kami ng pananaw sa buhay pero nagkakaintindihan pa
rin kami. Dati. Dahil ngayon, hindi na. At mukha ‘yon ang magiging dahilan para
masira ang pagkakaibigan namin.’
Napatayo
siya sa pagkakaupo niya. “Kay papa ‘to.” Kumabog ang dibdib niya.
Binasa niya ang second page.
‘Sinabi
ko sa kaniyang wag na niyang ituloy ang binabalak niya. Sinabi kong mapapahamak
lang siya. Pero hindi siya nakinig. Nagalit siya sakin. Sinabi niyang pabayaan
ko na lang siya sa gusto niya. Na wag akong makialam. Hanggang sa hindi
sinasadyang makita ko ang isang bagay. Ang isang bagay sa gamit niya. Gumagamit
siya ng bawal na gamot.’
Napalunok
siya. Sino ba ang tinutukoy ni papa dito?
Pinagpatuloy niya uli ang pagbabasa.
‘Pinagsabihan
ko siya. Bilang nagmamalasakit na kaibigan niya. Pero katulad ng inaasahan,
nagalit siya. Binalaan niya ko. Na huwag akong makikialam sa mga ginagawa
niya.’
Inilipat niya sa third page.
‘Hindi
inaasahang narinig ko siyang nakikipag-usap sa isang lalaki. At alam ko na ang
pinag-uusapan nila. Ang balak nilang ‘yon. Nakita niya ko. Pero parang bulag na
iniwas niya ang tingin niya na parang hindi niya ko nakita. Kinausap niya ko
pagkatapos no’n. Sinabi niyang kung ano man ang mga narinig ko, manahimik na lang
ako.’
Anong
balak ‘yon? Inilipat niya sa kasunod na page.
‘I saw my baby princess sleeping in my work
room.’
Hindi
na ‘yon tungkol sa sinasabi ng papa niya. Pero binasa niya pa rin.
‘Walang
tao sa bahay ng mga oras na ‘yon. Pumunta ng palengke ang asawa ko. Nasa labas
naman at naglalaro ang mga anak ko. Kaya hindi ko muna sinara ang work room ko
para kumuha ng tubig sa kusina. Nagulat na lang ako ng pagbalik ko, I saw my
baby princess. She was sleeping while hugging her big stuffed toy.’
‘Hindi
niya alam ang work room ko na ‘yon. Ang asawa ko lang ang nakakaalam. Curious
si Princess sa lahat ng bagay. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalalaman
ang mga sagot sa tanong niya. Kaya nga hindi ko pinaalam ang kwartong ’yon.
Alam kong mangungulit lang siya sa mga bagay na makikita niya sa loob ng work
room ko.’
‘Habang
pinagmamasdan ko siya kanina. Napangiti ako. Naisip kong ipinta ko siya. Hindi
magtatagal, at magiging dalaga na ang prinsesa ko. Hindi ko na siya makikitang
gano’n ka-cute habang natutulog. Kinuha ko ang camera ko at kinuhanan siya.’
‘
Iyon ang gagamitin ko para maipinta siya. Binuhat ko siya at inilipat sa kama
niya. Nang magising siya at tinanong ang tungkol sa magic room. Natawa ako sa
tinawag niya sa work room ko. Nagdahilan na lang akong panaginip lang ‘yon.’
Inilipat
niya sa kasunod na page.
‘May
kumausap na pulis sakin. At ‘yon ang naabutan ng kaibigan ko. Kaibigan ko ang
pulis na ‘yon at nangangamusta lang. Pero iba ang inisip ng kaibigan ko. Inisip
niyang nagsusumbong ako sa mga pulis tungkol sa balak niya. Nagalit siya. Galit
na galit. Nag-away kami.’
‘Napilitan
akong mag-resign. Pero hindi ko sinabi ‘yon sa pamilya ko. Pero bago ako
umalis, kinausap ko ang kapatid niya na kaibigan ko rin. Sinabi kong pilitin
niyang kumbinsihin ang kapatid niya na wag nang ituloy ang binabalak nito.’
Sino
bang kaibigan ang tinutukoy ng papa niya? At sinong kapatid? Inilipat niya uli
sa kasunod na page.
‘Natapos
na ang painting ko. Ang painting ng baby princess ko. Sinikap kong matapos ‘yon
sa loob ng ilang araw. Kinabahan kasi ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero
nararamdaman kong may masamang mangyayari sakin. May mga tawag akong
natatanggap. Na sinasabing manahimik na lang ako sa mga nalalaman ko’.
‘Kinausap
ako ng kaibigan kong pulis. May itinanong siya. May nakapagsabi daw sa kaniya
ng tungkol sa ginagawa ng kaibigan ko. Hindi ako nagsalita. Wala akong sinabi.
I still have hope for my friend. Na kaya pa niyang magbago. Kaya hindi ako
nagsumbong. Tinawagan ko ang kaibigan ko. Sinabi kong may pulis na kumausap
sakin. Sinabi kong mag-ingat siya at baka mapahamak siya. Nagalit siya. Inisip
niyang pinagbabantaan ko siya.’
Nagtayuan
ang mga balahibo niya. Naalala niya ang panaginip niya.
She
turned the page.
‘Baby
Princess, natapos ko na ang painting mo. My gift for your graduation next year.
Masyado bang maaga? Nagmamadali ba si papa na maka-graduate ka na? Hindi ako
nagmamadali pero gusto ko lang makasigurado na may regalo na ko sa’yo.’
‘Sana
makita kitang makaakyat ng stage on your graduation. Sana makita kitang suot
ang uniform mo pag tumuntong ka na ng highshool. Sana makita kitang suot ang
gown mo sa prom mo. Sana makilala ko ang mga lalaking manliligaw sa’yo na
dadaan muna sa mga kamay ko. Sana masubaybayan ko pa ang paglaki mo.’
‘Maraming
sana. Pero ang gusto ko sa lahat ng sana ko, ituring kang prinsesa ng lalaking
magmamahal sa’yo at mamahalin mo. Like what you are to me.’
“Papa...”
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. She turned the page. Sulat ‘yon para
sa ate niya. When she turned the page again, para naman ‘yon sa mama niya.
Hindi niya na kayang basahin ‘yon. Kaya inilipat niya sa kasunod na page.
‘When
the right time comes. Kung sino man sa inyo ang makakabasa nito. Sana
maintindihan ninyo ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na
araw. Pero itatago ko itong notebook na ‘to. Hindi ko kayang sabihin sa inyo
ang tungkol sa mga nalaman ko. Dahil ayokong mapahamak kayo.’
‘Mahal
na mahal ko kayong pamilya ko. And I will do everything to protect my family
kapalit man no’n ang buhay ko.’
Bumalik
sa alaala niya ang panaginip niya. Nabitiwan niya ang notebook niya. “Papa...
Bakit...” Napaiyak na siya ng tuluyan. “Pinatay siya... Hindi aksidente ‘yon...
Pinatay siya...”
Napatingin
siya sa sahig. May nakita siyang picture na lumabas mula sa notebook.
Nakabaligtad ‘yon. Kinuha niya ‘yon para lang magulat sa makikita niya. Ang
kuhang ‘yon. Yun din ang nakita niyang picture sa drawer ni Mr. Alex ng pasukin
niya ang factory.
“Siya...”
Nanginginig ang kamay niyang kinuha niya ang susi ng kotse niya sa drawer niya.
Sa factory na ‘yon nag-trabaho ang papa niya dati. Kailangan niyang makausap si
Tito Fred.
*
* * * * * * *
Habang umuulan sa labas. Umuulan din ang mga luha
niya. “Pinatay
si papa...” Paulit-ulit niyang sabi habang nakatutok ang mga mata
niya sa kalsada. “Pinatay siya...”
Twelve
years man ang lumipas. Pero ang kaalamang may pumatay sa papa niya, hindi niya
matatanggap ‘yon! Buhay pa dapat ang papa niya! Magkasama pa dapat sila ngayon!
Nasubaybayan sana nito ang paglaki niya! Hindi sana sila aalis ng mama niya
no’n para dalawin ang parents ng papa niya dahil malapit na ang death
anniversary ng papa niya no’n! Hindi sana mamamatay ang mama niya!
Kasalanan
lahat ng taong pumatay sa papa niya! At sisiguraduhin niyang magbabayad ang taong
‘yon! Ang Alex na ‘yon!
Huminto
ang kotse niya. Naka-stop ang traffic light. Nang maramdaman na naman niyang
nagba-vibrate ang phone niya. Kanina pa ‘yon sa bahay pero hindi niya pinansin.
Kinuha niya ‘yon sa bulsa niya. Si Aeroll. Sinagot niya ang tawag.
“Hintayin mo ko dyan sa
bahay mo.” bungad agad nito. Tinawagan siguro ito ng mama nito.
“I’m sorry, Aeroll...”
umiiyak niyang sabi.
“Princess, you’re
crying. Anong nangyari? Nasa byahe ka? Sa’n ka pupunta?”
sunod-sunod na tanong nito.
“I’m sorry, Aeroll... Si
papa...”
“Princess! Sa’n ka
pupunta?” malakas nitong tanong.
“Sa factory—toot! toot! Tiningnan niya ang phone
niya. Lowbat na siya. Ibinalik niya sa bulsa niya ang phone niya. Nag-go na ang
traffic light. Pinunasan niya ang pisngi niya.
Isa
lang nasa isip niya. Ang makarating agad ng factory.
*
* *
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^