Saturday, July 13, 2013

Love at Second Sight : Chapter 83



CHAPTER 83

( Princess’ POV )


“Princess.”


Napalingon siya sa likuran niya. Nakita niya ang papa niya. Nakangiti ito. “Papa.”


Humakbang ito palapit sa kaniya. Hinaplos nito ang mukha niya. “Salamat.” Dahan-dahan siya nitong niyakap.


“Papa...” Pinikit niya ang mga mata niya. “I love you, ‘Pa.”


“I love you, my baby Princess.”


Iminulat niya ang mga mata niya. Puting kisame ang tumambad sa kaniya. May mga ingay din siyang naririnig. Dahan-dahan siyang lumingon sa kaliwa niya.


“Ang daming masakit sakin, nurse. Ang tagiliran ko. Ang balikat ko. Ang buong katawan ko.” Kita niya ang benda sa balikat nito kahit nakasuot ito ng patient gown.


“Paanong hindi sasakit ‘yan, Ash, napakalikot mo. Pumirmi ka nga dyan sa wheel chair mo. Or better else, bumalik ka na lang sa kwarto mo. Nurse, pwede bang pakibalik na siya sa kwarto niya?”


“Hunter naman! Wala kong ka-kwentuhan sa kwarto ko, eh. Saka ikaw, bakit nandito ka? Pasyente ka rin dito diba? Dapat nando’n ka din sa kwarto mo. Teka, magkasama nga pala tayo sa kwarto noh? Hahaha—ouch!”


“Mr. Dominguez, wag po kayong masyadong malikot.”


“Sorry, nurse. Hindi na po. Hay... ang sarap talaga ng feeling ng nasa ospital lalo na pag may nag-aalaga sa’yong magandang nurse.”


“Nambola ka na naman dyan.” Nilingon siya ni Hunter na ngayon lang ata napansing gising na siya. “Princess! Gising ka na!” Tatayo na sana ito mula sa pagkakaupo nito sa wheel chair ng pigilan ito ng nurse na nasa likuran nito.


“Mr. Lozero. Mahina pa po kayo.” May benda ang kaliwang braso nito na may arm sling.


“Hindi ako mahina.” masungit na sabi nito. Tinawanan ito ni Ash na napa-ouch na naman. “Pakilapit na lang ako kay Princess.”


Tinulak ito ng nurse palapit sa kinahihigaan niya. Pati si Ash.


“Okay ka lang?” tanong ni Hunter sa kaniya. “Anong nararamdaman mo?”


Hindi siya sumagot. Dahil naguguluhan siya kung bakit ganito ito mag-alala sa kaniya.


“Princess, okay ka lang?”


Hindi pa rin siya sumagot. Akala tuloy nito kung ano nang nangyari sa kaniya dahil inutusan nito ang isang nurse na tawagin ang doctor.


“Napipi ata si Princess, ‘tol. Gano’n na ba ang side effect ng mabaril? Hindi ko ata alam ‘yon.”


“Shut up, Ash.”


“Eh, bakit ayaw niyang magsalita?”


Sumagot na siya. “O-okay lang ako.” mahinang sabi niya. Sinubukan niyang bumangon ng pigilan siya ng mga ito.


“Hindi pa magaling ang sugat mo.” Hunter said.


“Tayo rin naman, ‘tol.” singit ni Ash. “Buong katawan ko napakasakit.”


“Then go back to your room, Ash.”


Dumating na ang doctor kaya natigil ang mga ito. Pinalabas ang dalawa. Pero bago ‘yon.


“S-sino ba talaga kayo?” hindi nakatiis na tanong niya.


“Doc! Nagka-amnesia siya!” histerical na sabi ni Ash.


Inis na tiningnan ito ni Hunter. “Hindi ‘yon ang ibig sabihin niya.”


Napakamot ng ulo si Ash. “Eh, ano?”


Tiningnan siya ni Hunter. “Magpahinga ka muna and I’ll tell you everything.”


“S-si Aeroll? N-nasa’n siya?”


Matagal bago sumagot ang mga ito. Na parang nagtuturuan pa kung sino ang sasagot.


“Rest first, Princess.” matipid na sagot ni Hunter.


Bakit ayaw ng mga itong sagutin ang tanong niya?


* * * * * * * *


“Bhest!” Napalingon siya sa kaliwa niya. Palapit sa kaniya si Cath. Kasunod nito si Harold. Niyakap siya nito. “Gising ka na!”


“Ouch!” Napahawak siya sa kaliwang tagiliran niya.


Mabilis naman itong lumayo sa kaniya. Nagpameywang ito. “Papatayin mo ba ko sa nerbyos, hah? Ano bang mga pinaggagagawa mong bruha ka? Gusto mo na bang mamatay? O talagang trip mo lang madala sa ospital?” Napansin niyang parang maiiyak ito.


“Akala ko hindi mo na ko dadalawin dito.”


“Umuwi lang kami ni Harold. Pero teka! Wag mo ngang ibahin ang usapan! Oras na gumaling ka, humanda ka sakin!”


Ngumiti siya ng tipid. “Sorry.”


“Sorry, sorry. Nakakainis ka!”


“I’m sorry, bhest. Ayoko lang na mag-alala ka.”


“Pinag-alala mo na ko!”


“Honey. Mahina pa si Princess. Wag mo namang sigawan.”


“Ewan ko sa inyo!” Tumalikod ito.


“Honey, sa’n ka pupunta?”


“Kukunin yung prutas sa kotse! Iniwan mo!”


Napangiti na lang si Harold ng makalabas si Cath. “Hindi ‘yon galit.”


Tipid siyang ngumiti. “I know.”


Hinila nito ang isang upuan palapit sa kama niya. “How are you?”


“Okay lang. Alam ninyo na ba ang nangyari?”


“Oo. Sinabi na ni Tito Sebastian.”


“Kaya pala gano’n na lang ang reaksyon ni Cath.”


“Sinabi mo pa.” Napailing ito.


“Harold. Gusto kong makita si Aeroll. Nandito din siya diba?”


Natigilan ito. “Hah? Ah... oo.”


“How is he? Okay lang ba siya? Pwede bang makita ko siya ngayon?”


“Hindi ka pa pwedeng tumayo, Princess. Pag malakas ka na.”


“Pero...” Gustong-gusto na niyang makita ito.


“Wag matigas ang ulo.”


“Okay. Ahm, si Hunter at Ash?”


“How about them?”


“Kilala mo ba kung sino sila?”


Tumango ito. “Oo.”


“Sino ba talaga sila, Harold?”


“Bahala na silang magsabi sa’yo, Princess.”


“Gusto ko ng malaman. Ang lahat-lahat.”


* * * * * * * *


Hapon na. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard ng magbukas ang pintuan at pumasok si Hunter. Hindi na ito nakaupo sa wheel chair katulad kagabi ng magising siya. May benda at arm sling ang kaliwang braso nito. Kasunod nito si Ash na nakaupo pa rin sa wheel chair na tulak ng isang nurse.


Pumunta muna ng cafeteria sina Cath.


“Babalikan ko na lang po kaya mamaya.” sabi ng nurse bago lumabas ng kwarto.


Umupo si Hunter sa upuang nasa harap niya. “Anong gusto mong malaman?” tanong nito.


“Lahat-lahat. Let’s start with you. Sino ka ba talaga, Hunter? Sa mga nangyari, hindi ka lang basta assistant at bodyguard ni James. Sino ka ba talaga?”


“I’m your brother.”

 * * *


1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^