Saturday, July 13, 2013

Love at Second Sight : Chapter 84



CHAPTER 84

( Princess’ POV )


“I’m your brother.”


Nanlaki ang mata niya. Hindi. Halos lumuwa ang mga mata niya. Napasinghap pa siya at napahawak sa tagiliran niya.


“Princess!—ouch!” Napahawak si Hunter sa braso nito. “Okay ka lang ba?” nakangiwing tanong nito.


Napangiwi siya. “O-okay lang ako.” Dahan-dahan siyang huminga ng malalim. Pinalipas muna niya ang ilang saglit bago nagsalita. “Joke ba ‘to? Paano kita naging kapatid?”


“I’m your half brother.”


“Paano?” Kanino? Sa mama niya o sa papa niya?


“One year bago makilala ng papa mo ang mama mo, nagkaro’n sila ng short affair ni mama. Naging model si mama ni papa sa painting niya.” Huminto ito. “Do I have to tell you the exact details?” nakakunot-noong tanong nito.


Itinaas niya ang kamay niya. “Wait lang. I-aabsorb ko lang ang sinabi mo.” Parang ang hirap paniwalaang kapatid niya si Hunter. Si Hunter. Kapatid niya. Kuya niya si Hunter. Si Hunter na ilag na ilag siya kapag nakikita niya.


“I get it. Bakit hindi sila nagkatuluyan ng mama mo?”


“My mother went to States. Do’n niya nalamang buntis siya. Hindi niya sinabi kay papa dahil ayaw niyang mawala ang focus ni papa sa career nito. Besides, there’s no love binding them. Yun ang sabi ni mama. Hanggang sa mabalitaan na lang niyang kinasal si papa sa mama mo ilang buwan pagkatapos akong ipanganak.”


“Pero nalaman ba ni papa ang tungkol sa’yo?”


“Yes. When I was eight years old. Nang umuwi kami ni mama from States. Alam din ng mama mo. At ng ate mo.”


Nagulat siya. “Pati si Ate?”


“Second year high shool siya ng ipaalam sa kaniya. Bata ka pa no’n kaya pinili nilang wag munang sabihin sa’yo.”


“Pero hindi ko na nalaman.”


“Madaming nangyari. Our father died.”


“He was killed. Hindi siya namatay. Pinatay siya.”


“I know. Alam naming nahirapan kang tanggapin ang pagkamatay niya. Bata ka pa no’n, Princess. Paano mo tatanggapin ang katotohanang pinatay si papa? So, we decided na paniwalaan kang aksidente ang nangyari.”


Napahawak siya sa noo niya. “At all along sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni papa.”


“I’m sorry.”


“Alam ba ni ate? Ni mama na pinatay si papa?”


“Yes.”


Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya. “Ako lang pala ang hindi nakakaalam.”


“Walang nangyari sa kaso. Ni hindi namin nalaman kung sinong pumatay sa kaniya.”


“Pero bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit hindi ka nagpakilala sakin? Bakit wala man lang sinabi sakin si ate? Nagkikita tayo sa office ni James, pero wala ka man lang binanggit?”


“It’s my decision not tell you the truth. Pero binabantayan pa rin naman kita mula sa malayo gaya ng bilin ng ate mo sakin. Tama na rin ‘yon. NBI agent ako, Princess. May mga kaso akong hinahawakan. Mabuti na yung walang nakakaalam na kapatid kita. Hindi ka madadamay kung sakali man.”


“NBI agent.” ulit niya sa sinabi nito. “Paano kang napasok bilang assistant at bodyguard ni James? Sinadya mo ba ‘yon?”


“Yes. Nagpahinga ako sa trabaho ko. Nagkataong kailangan ni James ng bodyguard ng mga panahong nililigawan ka niya. I grabbed the chance. Yun na rin ang paraan ko para mapalapit sa’yo at mas mabantayan ka.”


Napailing siya. “Kaya pala lagi kang nakabantay sa bawat ginagawa ko.” She chucked. “Alam mo bang ilang na ilang ako sa’yo no’n?”


Napakamot ito ng ulo. “Yeah. Napapansin ko rin.”


“Pero bakit kailangan mo kong bantayan?”


“You do things on impulse. Matigas ang ulo mo. Hindi lang naman ikaw ang binabantayan ko. Maski si James.”


“Hindi ka ba boto sa kaniya no’n?”


“Mabait naman siya. Pero yung ginawa niya sa’yo ng huli mong punta sa office, muntik ko nang makalimutang boss ko siya.”


Hindi niya mapigilang mapangiti. “Ganito pala ang feeling ng may kuya. Ganyan ka palang kuya.” Parang noon lang. Tingin niya dito, taong bato at robot.


Tumikhim ito at umiwas ng tingin.


Iniba na lang niya ang usapan. “Paanong napasok dito si Ash?” tanong niya. Si Ash na ngayon ay natutulog na sa wheel chair nito. Kinalabit ito ni Hunter. Naalimpungatan si Ash at ilang beses pang kumurap-kurap.


“My turn?” nakangiting tanong nito. “Nakatulog ako sa tagal ninyong mag-usap.”


“Are you really a photographer or NBI agent?” tanong niya.


“Both. Hindi ako NBI agent pero dati akong pulis. One year ago ng magresign ako. Gusto ko talagang maging photographer. Pero dahil idol ko ang Kuya Gabe ko. Sumunod ako sa yapak niya.” Nawala na rin ang ngiti nito.


Kumunot ang noo niya. Nang tingnan niya si Hunter. Ang Kuya Hunter niya. Hay... Hindi pa siya sanay. Basta nang tingnan niya ito, nakatingin ito sa bintana ng kwarto niya.


“NBI agent si Kuya Gabe. Bestfriend siya ni Hunter. Huling hinawakan niyang kaso ay ang kaso ni Fred Agoncillo. Drug smuggling. Pero hindi na siya nakabalik ng buhay. Binalik nga ang katawan niya, pero patay na.”


Natutop niya ang bibig niya. “I’m sorry.” Sa kabila pala ng palangiting aura nito, may iniinda din ito. At halos kamamatay lang ng kuya nito ng panahong magkita sila. Pero hindi man lang niya nahalata dahil lagi itong nakangiti.


Pilit itong ngumiti. “Nilapitan ko si Hunter. Humingi ako ng tulong sa kaniya.” Nilingon nito si Hunter.


Tumikhim muna si Hunter bago nagsalita. “Alam ko ang tungkol sa kaso niya. Pero hindi ang taong iniimbestigahan ni Gabe. Huli na ng malaman ko. He was already dead.”


Si Ash ang nagpatuloy. “May nahanap ako sa mga gamit niya. Hindi nagdadala ng phone si kuya kapag nasa field siya. Nakita ko ang phone niya. I saw messages from Rod Ferrer, a few days before he died. Alam mo na ba ang tunay na katauhan ni Rod?”


“Yes. Sinabi ng Fred na ‘yon.”


“Ayon sa text na nabasa ko, gusto ng kumalas sa grupo ni Rod. At balak niyang sabihin ang lahat ng nalalaman niya kay kuya. Pero mukhang nakatunog si Fred. At na-trap nila si kuya. A few weeks after my brother died, may nagtangka sa buhay ni Rod.”


“Kaya ba nando’n ka sa police station ng gabing ‘yon?”


“Yes. Hunter and I were starting to investigate that time. Kami na ang humawak sa kaso. And then I saw your sketch. And that tattoo was familiar to me.”


“Dahil gano’n ang tattoo ni Hunter—ni K-kuya Hunter.”


“You can call me Hunter. As is. Kung hindi ka sanay.” singit ni Hunter.


Tumango na lang siya.


Nagpatuloy si Ash. “I told about it to Hunter. Nga pala, alam ko ng kapatid ka ni Hunter no’n. Kaya sinabi ko sa’yo na kung ano man ang nalalaman mo, sabihin mo sakin.”


“Dahil ayokong madamay ka sa kaso.” dagdag ni Hunter. “But then, talagang matigas ang ulo mo. Pinasok mo ang bahay ni Rod Ferrer. Pati ang pagpunta sa factory. At pati ang pagpasok sa factory ng gabing ‘yon. Buti na lang, pinamanmanan kita kay Ash no’n. At nasundan ka niya do’n.”


Tiningnan niya si Ash. “Kaya pala kung nasa’n ako, nando’n ka din.”


Ngumiti ito. “Wala, eh, Utos ni kuya. Bawal suwayin.”


“Shut up, Ash.”


“Okay, Kuya Hunter este Hunter.”


Nagpatuloy si Hunter. “Dahil na rin sa tattoo na ‘yon, nalaman ko kung sino ang driver ng kotseng bumangga kay Rod. Maliban sakin, may isa pang tao ang may gano’ng tattoo. Nagustuhan niya kaya ginaya niya no’n. It was our father design nung nabubuhay pa siya kaya walang kaparehas ‘yon.”


“Kaya pala may kakaiba sa tattoo na ‘yon. Nakita ko na ‘yon no’n sa mga sketch ni papa ng minsang halungkatin ni ate ang mga gamit niya nung highschool ako.”


“Alam mo ba kung sino ang taong ‘yon, Princess? It’s Justine.”


Hindi na siya nagulat dahil alam na niya ang bagay na ‘yon. Dapat ba niyang sabihin na nando’n din si Justine sa warehouse?


“Nang magkita kayo ni Ash sa mall, kasama niya ko. Para na rin bantayan ka at manmanan si Justine. Pinaimbestigahan na namin siya. At nang mangyari yung sa parking lot, nando’n din ako. And I saw how he saved you kaya nagtaka ako.”


Pinili niyang ibahin ang pinag-uusapan nila. Para ilayo kay Justine. “Si Aeroll. Alam din niya ang lahat ng ‘to?”


“Yes. Nang araw na binigay niya ang notebook mo kay Sir Sebastian, ang superior namin. Nagkataong nando’n din kami ni Ash. And we have no choice but to tell him everything. Gusto niyang malaman ang lahat para maprotektahan ka niya. But I didn’t told him everything. I didn’t told him the connecton of the case we’re investigating to what happened twelve years ago.”


“So, all along alam mo na may kinalaman si Mr. Fred sa pagkamatay ni papa?”


“Not exactly. Wala namang binanggit si papa no’n. Pero may kutob akong may kinalaman ang sino man sa dalawang Agoncillo. That’s the very reason kung bakit nag-criminology ako. But then, sadyang malakas ang impluwensya ng grupo ni Fred. Hanggang sa may asset na nag-tip sa NBI. At si Gabe nga ang humawak ng kaso.” Napailing ito. “Kung kailan wala ko sa serbisyo. If only I know. Natulungan ko sana siya.”


“It’s okay, Hunter.” Ash said. “Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni kuya. Thanks to you.”


“Kaya pala simula ng mangyari yung sa parking lot, halos sa bahay na tumira si Aeroll.”


“Dahil sinabi kong bantayan ka niya ng mabuti. Pero nakalusot ka pa rin sa kaniya. At napahamak ka.” Hunter said.


“At kaya ayaw niya din akong paalisin ng bahay nila after that incident dahil may alam siya.”


“Yes. Dahil hindi ka na pwedeng lumapit pa sa factory na ‘yon o kay Fred.”


Kumunot ang noo niya nang may maalala siya. “Ikaw ba yung kausap ni ate nung i-discharge ako sa ospital.”


“Ahm. Yes.” sabay iwas nito ng tingin.


Tumango-tango siya. “Paano ninyo nga pala nalaman kung sa’n nila ko dinala?”


“Remember the time na naiwan mo yung phone mo sa office ni James? I put a tracking device on it. Magkasama kami ni Aeroll na pumunta sa warehouse na pinagdalhan sa’yo habang hinihintay naming dumating ang back-up. Pero hindi na siya makapag-hintay kaya nagpahuli siya para makita ka na niya. Parehas na matigas ang ulo ninyong dalawa.”


“I know. Ano nga palang nangyari sa kaso? Kina Mr. Fred?”


“Fred died. Napuruhan siya ni Aeroll. But then, natamaan ka pa rin ng balang pinaputok ni Fred.”


Napahawak siya tagiliran niya. Sa sobrang pag-aalala niya kay Aeroll. Ni hindi man lang niya napansin na may tama siya no’n. “Si Mr. Alex?”


“He’s safe. And he’s now on hospital arrest but not here. Nagkamalay na siya at sinabi niyang tutulong siya sa kaso. Marami pa ring galamay si Fred pero ngayong wala na ang master nila, madali na silang mapapatumba. Dagdag ebidensya din yung recorded conversation na nakita namin. Sa’yo ba galing ‘yon?”


“No. It’s Mr. Alex. Siya ang nag-record no’n.”


Halatang nagulat ito. “Sa kaniya?”


“Oo. Wala ba siyang binanggit tungkol do’n?”


“Wala.”


“Binigay niya sakin ‘yon bago siya barilin ni Mr. Fred. Nagsisisi siya dahil wala siyang nagawa para kay papa no’n.”


Natahimik na sila pagkatapos no’n nang magsalita si Ash habang humihikab. “By the way Princess, may gusto pala kaming ipaalam sa’yo.”


“Ano ‘yon?”


“Buhay si Rod.”


Nagulat siya. “What did you say—ouch!” Napahawak siya sa tagiliran niya.


“Wag mo siyang biglain, Ash!”


Ngumiti lang si Ash at pumikit. “Para namang hindi siya nabigla sa mga sinabi mo. Ikaw na nga magsabi.”


Si Hunter na ang nagpaliwanag. “Pinalabas lang ng asawa niya na namatay siya dahil may alam din ang asawa niya sa totoong trabaho niya. All along, nasa isang probinsya lang sila kung sa’n niya dinala si Rod. Na-comatose si Rod at kahapon lang nagising. He contacted us.”


Kaya sinabi ni Ate Aiza no’n na wag na kong makialam sa kaso. Dahil naisip niyang baka mapahamak ako.


Naisip niya si Justine. Hindi siya napatay ni Justine. “May balita ba kay Justine?”


“Bigla na lang siyang nawala matapos mong maaksidente.”


So, hindi alam ng mga ito na nando’n si Justine sa warehouse. Mas pinili niyang wag nang magsalita. Kung nasa’n man si Justine ngayon, she hoped he’s okay.


Pinikit niya ang mga mata niya. Parang napagod ang isip niya sa mga nalaman niya. Nakaramdam siya ng pagod.


“Inaantok ka ba?” narinig niyang tanong ni Hunter. Idinilat niya ang mga mata niya. Nasa tabi na niya ito. “Gusto mo bang matulog?” ulit nitong tanong.


Tumango siya. Inalalayan siya nitong humiga gamit ang kanang kamay nito. “Thank you.” Napatingin siya kay Ash na tulog na naman sa wheelchair nito. “Puyat ba ‘yan?”


“Oo. Puyat sa pakikipagbolahan sa mga nurse.”


She smiled. She closed her eyes. “Alam ba ni ate ang nangyari?”


“Hindi ko pa sinabi. Saka na, kapag magaling ka na.”


“Hindi pa rin ako makapaniwalang kuya ko si Hunter na masungit at isnabero.”


She heard him chuckled. Pero hindi na ito nagsalita.


“Sa’yo ba nanggaling ang bulaklak na nakikita ko tuwing death anniversary ni papa?”


“Yeah.”


She sighed. “Sapat na ba ang mamatay si Mr. Fred para sa lahat ng mga kasalanang ginawa niya?” hindi nakatiis na tanong niya.


“Maybe yes. Maybe no. No one knows.”


Natahimik na sila. Tinatangay na rin siya ng antok niya papunta sa Dream Land. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa ulo niya.


“Thank you for protecting me. Lagi ninyo na lang akong prinoprotektahan... Hindi ko lang talaga mapigilang manahimik na lang... Dahil tuloy sa katigasan ng ulo ko, nasaktan kayo...”


“Because you’re my sister. And Aeroll loves you. He really loves you, Princess.”


“I want to see him...”


“I’m sorry, Princess.”


“Sorry for what...


“You can’t.”


Hindi niya alam kung tama ang pagkakarinig niya sa sinabi nito dahil tuluyan na siyang nakatulog.


Aeroll...

* * *

3 comments:

  1. naloloka aketch sa mga revelations mo teh. enjoy basahin.. malapit na ako last chapter na update mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Information over load ba? Hehehe! Salamat! :)))

      Delete
  2. nSaaN n b c aeROLL,,, sumSakit aNg uLo at puSo q,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^