CHAPTER
85
( Princess’ POV )
Nakaupo
siya sa kama at nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto niya. Tanaw niya ang
garden ng ospital.
Gusto
na niyang lumabas dito. Gusto na niyang makita si Aeroll. Pero hindi pa daw
siya pwedeng lumabas ng kwarto. Nakarinig siya ng katok. Dalawang student nurse
ang nalingunan niya. Kukuhanan siya ng vital signs ng mga ito.
“Gusto ko ng lumabas
dito.” hindi nakatiis na sabi niya habang kinukuha ang bp
niya.
“Bakit naman po parang nagmamadali
kayo?”
“Nandito din kasi sa
ospital ang fiancĂ© ko.”
“Employee po dito?”
“No. Pasyente rin siya
dito.”
“Ay, ano pong nangyari?”
“Accident.”
simpleng sagot niya.
Nag-aayos
na ng mga gamit na dala ang mga ito ng magsalita ang isa. “Ang gwapo nung pasyente sa ICU noh?”
“Shh... Wag maingay. Pero tama ka.
Sayang hindi pa siya nagkakamalay.”
“Sana maging okay na siya.
Inoobserbahan pa rin siya ng mga doctor, eh.”
“Ano nga palang name niya? Natanong mo
ba?”
“Aeroll. Ang gwapong name noh?”
Bigla
siyang napalingon sa mga ito. Pasarang pintuan na lang ang nakita niya. Ibang
kaba ang naramdaman niya. “Si Aeroll ba
yung tinutukoy nila? Nasa ICU siya? Akala ko ba okay na siya? The way they talk
about him bakit parang kritikal siya?” Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi pwede
‘to.”
Kailangan
niyang makapunta kay Aeroll pero nakasuot siya ng patient gown. Mahuhuli siya.
Napatingin siya sa bag ni Cath. Umalis lang saglit ang mga ito. Nakaisip siya
ng paraan.
Tinanggal
niya ang swerong nakakabit sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumayo at parang
pagong na lumapit sa pintuan. Ni-lock niya ‘yon. Pagkatapos ay lumapit sa bag
ni Cath at kumuha ng damit nito. Short at long sleeve polo na white ang kinuha
niya para hindi siya masyadong mahirapan sa pagsuot no’n.
Makirot
man ang tahi niya sa tagiliran niya, hindi niya pinansin ‘yon. Kailangan niyang
makita si Aeroll. Nanghihinang napasandal siya sa pader matapos niyang
makapagbihis. Binuksan niya ang pintuan at saglit na sumilip. Dahan-dahan
siyang lumabas.
Nang
mapadaan siya sa nurse station ay iniwas niya ng mukha niya. Baka makilala siya
ng mga ito. Hinanap niya kung sa’n ang ICU. Napahinto siya sa isang kwarto ng
makita niya ang pangalang nakapaskil sa taas ng pintuan.
ICU
Lumingon
muna siya sa kaliwa’t kanan niya bago binuksan ang pintuan. Maikling pasilyo na
pahaba ang nakita niya. Sa dulo no’n ay may nakita siyang nurse na nakaupo sa
likod ng table at may hawak na chart. Napalingon siya sa kwartong nasa kaliwa
niya. Kitang-kita niya ang isang taong nakahiga do’n dahil glass wall ang
dingding.
“Miss? Kaano-ano ninyo po ang
pasyente?” narinig niyang tanong ng nurse.
“He’s my fiancĂ©.”
hindi lumilingong sagot niya. Idinikit niya ang kamay niya sa glasswall. “Aeroll...”
May tubong nakakabit sa bibig nito. May benda ang balikat at braso nito.
Kinuyom niya ang kamao niya. “Kamusta na siya?”
“Inoobserbahan pa rin siya ng mga
doctor.”
Pinikit
niya ng mariin ang mga mata niya. “Pwede ba kong pumasok?”
“Oo. Pero saglit lang, ah.”
May pinasuot itong scrub gown, mask at pantakip sa ulo na parang hairnet but
color sky blue sa kaniya. Pinigilan niya ang hindi mapaaray ng hindi
sinasadyang masagi nito ang tagiliran niya.
“Okay ka lang, Miss? Bakit parang
namumutla ka?”
“O-okay lang.”
Pumasok na siya sa loob at umupo sa upuan sa tabi ni Aeroll. “Aeroll...”
Hinawakan niya ang kamay nito. “Bakit hindi nila sinabi sakin na hindi ka okay? Bakit
nagsinungaling sila sakin? Kaya ba ayaw nilang makita kita? Dahil...”
Nangilid ang luha niya.
“I’m sorry. It’s my
fault kung bakit nangyari sa’yo ‘to.” A tear fell down on her
cheek. Ang sakit lang sa pakiramdam na makita niyang ganito si Aeroll. Ni hindi
niya alam kung anong pwedeng mangyari dito.
“Ganito ba ang
pakiramdam mo ng ma-comatose ako? Ni hindi ko alam ang mangyayari sa’yo...”
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito. “Magpagaling ka please... And I promise...
hindi na magiging matigas ang ulo ko... Basta gumaling ka lang...”
“Princess!”
Napalingon
siya sa pintuan. Ang mama ni Aeroll. Kasunod nito sina Cath at Harold.
“Bhest! Anong ginagawa
mo dito? Akala namin kung nasa’n ka na. You made us worried. Hindi ka pa
malakas.”
“Bakit hindi ninyo sakin
sinabi? All along, I thought he’s okay. But he’s not okay. Bakit ganyan...”
Nilingon niya si Aeroll.
“Dahil mag-aalala ka
lang, Princess. And we don’t want that to happen dahil hindi ka pa malakas.”
paliwanag ni Tita Amanda. “Malapit sa puso niya ang isang balang tumama sa kaniya.
He’s fifty-fifty ng magising ka. That’s the very reason kung bakit hindi namin
sinabi sa’yo.”
“I’m sorry, Tita
Amanda... I’m so sorry...” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha
niya. “It’s
my fault...”
“Excuse me, Ma’am and Sir. Bawal po
ang maraming bisita sa loob.”
“She’s also a patient,
nurse.” narinig niyang sabi ni Cath. “Kindly get a wheelchair to take her back
in her room.”
“Pasyente po siya? Pero bakit—patay!“
Todo
ang iling niya. “Dito
lang ako...”
“Bhest naman! Hindi pa
magaling ang sugat mo! Look at you, namumutla ka na!”
Nilapitan siya nito at inalalayang tumayo.
“Tita Amanda, I’m so
sorry...”
“Hindi mo kasalanan,
Princess.” mahinahong sabi nito. Hinaplos nito ang
pisngi niya. “You
need to rest, okay? Baka bumuka ang sugat mo.”
Napalingon
siya kay Aeroll. Hawak pa rin niya ang kamay nito. “Aeroll...”
“Let’s go, bhest.”
Kasabay
ng pagbitaw niya sa kamay nito ay may narinig siyang kakaibang tunog.
Napatingin siya sa monitor na nasa tabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi
na siya nakapagsalita dahil sumigaw na si Cath.
“Harold! Tumawag ka ng
doctor!” Mabilis din nitong pinindot ang emergency button.
“Ang anak ko!”
Kasabay
ng pagdating ng doctor ay nasa labas na sila ng kwarto at nakatingin mula sa
glasswall. Ni hindi niya magawang makapagsalita. Nagkakagulo na sa paligid
niya. Ang mama ni Aeroll. Sina Cath. Pero wala pa rin siyang reaksyon.
Patuloy
lang siya sa pag-iling. Ni hindi siya makahinga ng maayos. Ni hindi siya
makapag-isip ng matino. Ni hindi na nagsi-sink in sa utak niya ang nangyayari. Nakatingin
lang siya sa monitor. Na parang do’n nakasalalay ang buhay niya. Parang
napakatagal niyang nakatayo.
At
nang tuluyan niyang makitang nag-flat line ang nasa monitor at marinig ang
walang katapusang tunog na ‘yon na nakakabingi, parang baliw siyang sunod-sunod
na umiling.
“Hindi pwede... Hindi
pwede...” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. Binuksan
niya ang pintuan at akmang papasok ng pigilan siya ni Harold. “Si Aeroll...
Hindi siya pwedeng mamatay...” umiiyak niyang sabi. Hinawakan niya
ang kwelyo ng damit nito. “Hindi siya...” Humagulgol siya ng iyak.
“Princess.”
Umiwas ito ng tingin. Pero kitang-kita niya ang namumuong luha sa mga mata
nito. Pati sina Cath at Tita Amanda. They’re crying.
“Aeroll! Hindi ka
pwedeng mamatay!” sigaw niya. Tinulak niya si Harold at
pumasok sa loob. Para siyang baliw na kinausap ang doctor na nando’n. “B-buhayin
ninyo siya, please... Buhayin ninyo siya...”
Umiling
lang ito. Tiningnan nito ang relo nito. “Time
of death—”
“No!”
pigil niya sa sasabihin ng doctor.
“Bhest, tama na.”
Nasa tabi na niya si Cath na umiiyak na rin.
“Hindi pa siya patay...”
Nilapitan niya si Aeroll at tinanggal ang tubong nasa bibig nito. Hinaplos niya
ang mukha nito. “Hindi
ka pwedeng mamatay...” Inilapit niya ang labi niya sa labi nito. “Live please...” Binigyan niya ito hangin. And then she pumped his
chest. Yes, she’s doing CPR.
“Princess, tama na
‘yan.”
“Bhest.”
Pinigilan
siya nina Harold at Cath.
“Bitiwan ninyo ko...”
Itinaas niya ang kamay niya para pigilan ang mga ito. Nang tingnan niya ang mga
tao sa paligid niya, awa ang nakikita niya sa mga mukha nito. Para sa kaniya. “He’s not dead
yet... Hindi siya pwedeng mamatay... Kaya hayaan ninyo ko, please...”
She
pumped Aeroll’s chest again. “Wag mo kong iwan... Ikakasal pa tayo... Magkaka-baby pa
tayo... Hindi ka pwedeng mamatay... Live please...”
Hindi
niya alam kung ilang minuto na niyang ginagawa ang CPR. May dugo ang mga kamay
niya. Hindi niya alam kung sa’n galing. Sa sugat ba ni Aeroll? Hindi niya alam.
Nanlalabo
na rin ang mga mata niya. Sa mga luha niya at sa sakit na nararamdaman niya.
Physically and emotionally. Mas masakit pa sa tahi niya ang sakit na
nararamdaman ng puso’t isip niya.
Para
na din siyang pinapatay habang ginagawa niya ang CPR. At walang nangyayari.
Flat line pa rin. But still, nababaliw na nga siya dahil patuloy lang siya sa
ginagawa niya.
Hindi
niya matatanggap. Hindi pwede. Isipin pa lang na talagang wala na si Aeroll.
Mababaliw na siya.
Hindi pwede! Hindi pwede! Lord,
please! Wag Ninyo naman po siyang kunin sakin. Kung alam ko lang na siya ang
magiging kapalit ng pag-alam ko sa katotohanan. Mas pipiliin kong hindi alamin
ang katotohanan. Please, Lord... please... Kinuha Ninyo na po akin ang magulang
ko. Wag naman po si Aeroll. Kahit para na lang po para sa pamilya niya. Wag
Ninyo po siyang kunin. Please...
Mas
lalong lumakas ang pag-iyak niya ng wala pa ring nangyayari. “Aeroll...
Please...”
“Bhest! Ang sugat mo!
It’s bleeding!” Naramdaman niya ito sa likuran niya.
Nagpumiglas pa rin siya.
“Bitiwan mo ko, Cath...”
“No!”
“Sandali na lang,
Cath... please...” Habang patuloy siya sa pagpa-pump sa
dibdib ni Aeroll.
“Princess, tama na.”
umiiyak nitong sabi.
“Hindi siya pwedeng
mamatay, Cath... I still remember what he said... nung nasa warehouse pa
kami... Hindi daw kami pwedeng mamatay no’n... dahil ikakasal pa kami... Kaya
hindi siya pwedeng mamatay...” Nanghihinang inilapit
niya ang labi niya kay Aeroll. Binigyan niya ito ng hangin.
“Madami pa tayong
gagawin, Aeroll... Wag mo naman akong iwan... Wag mo namang gawin sakin ‘to...”
Basa na din ang mukha nito dahil sa mga luha niya. “Aeroll... please...”
“Nurse, ilayo ninyo na siya.”
“Yes, doc.”
Sunod-sunod
siyang umiling ng maramdaman niyang may humawak sa braso niya.
She
closed her eyes dahil umiikot na ang paningin niya. “Naririnig mo ba ko...” She said
crying against his lips. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga nito. “Don’t leave
me, please... Bumalik ka, Aeroll...”
Hanggang
sa tuluyan na siyang ilayo kay Aeroll. Wala na rin siyang lakas na magpumiglas
pa. Unti-unti na ring nagdidilim ang paningin niya habang patuloy siya sa
pag-iyak.
Ito
na ba ang ending ng kwento nila?
She
live.
He
died.
Hanggang
dito na lang ba?
Buti
pa ang mga sinusulat niyang kwento.
Laging
happy ending.
Totoo
nga.
Hindi
naman talaga lahat.
Laging
happy ending.
*
* *
ayjusmio... sabi na dapat hindi ko muna ito binasa dahil hindi ko pa ulit nasisimulan... kasi naman eh, ano ba yun? naiiyak ako dito. TT^TT
ReplyDeletenkkAsKit s pUso nOh atEy,,, nKow pti aq naiiYaK,,,
Delete@aegyo, Waaah! Binasa mo agad? Hihihi!
DeleteMasakit sa puso ang magsulat ng mga ganitong eksena. Nakakasipon. Promise! T__T
oo sobra. sa tingin ko nga, mas grabe pa kung ikaw mismo ang nagsusulat ng ganitong eksena kesa dun sa mga nakakabasa. ewan, feeling mo ikaw na talaga ang namatayan. ganun~
DeletewaG atEy,,, wAg mOng ptYin c aeRoLL,,, wAaaAaah,,,
ReplyDeleteJust what like Princess said, hindi lahat ng love story laging happy ending.
Delete