Saturday, July 13, 2013

KontraBIDA : Chapter 9





CHAPTER 9

( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


“Janiyah!”


“Girl!”


Iyon ang naririnig ko habang may nararamdaman akong bagay nagpa-pump sa dibdib ko. Gusto ko nang idilat ang mga mata ko. Kaya lang parang hindi ako makahinga. Parang may nakabara sa dibdib ko. Hanggang sa maramdaman ko ang malambot na bagay sa labi ko.


Warren?


Si Warren nga!


Gising na, Janiyah! Gumana na din sa wakas ang plano mo. Gumising ka na!


“Janiyah, please. Gumising ka na…” Lumapat ulit ang labi niya sa labi ko.


Pinilit kong gumising. Kailangan kong gumising.


Unti-unti kong iminulat ko ang mga mata ko. “Aherp!” Inilabas ko ang tubig na nainom ko.


“Thanks God! You’re okay!” Niyakap ako ng taong ‘yon.


“Girl…”


Napatingin ako kay Trixie. Nag-thumb ups ako sa kaniya. Tabingi ang ngiti niya. May itinuro siya. Sinundan ko ang itinuro niya. Nanlaki ang mga mata ko.


“Warren?!” I reacted.


“Janiyah, okay ka lang ba?” tanong niya.


I’m not!


Kung hindi si Warren ang nagligtas sakin, sino ang taong ‘tong nakayakap sakin? Siya ang first kiss ko? My God!


= = =


( Marky Corpuz’s POV )


Nasalubong ko ang isang babaeng tumatakbo. Kumunot ang noo ko. Kilala ko ‘yon. Siya ‘yong kasa-kasama ni Janiyah. Galing siya ng pool area. Mas lalong kumunot ang noo ko nang matanaw kong pabalik na siya at kasama ang isang lalaki. Si Warren.


Napalingon ako sa pool area. Napapalatak ako. “Na naman.”


Nilakad-takbo ko ang papunta ng pool area. Nang malapit na ay nakadinig ako ng sigaw.


“Saklolo!”


“Sinasabi ko na nga ba.” Tumakbo na ko papasok ng pool area. Nakita ko si Janiyah na nakalubog na sa tubig. “Shit!” Hindi na ko nag-aksaya ng oras. Mabilis akong nag-dive at kinuha siya. Wala siyang malay ng iahon ko. Tinapik ko ang pisngi niya. “Janiyah!”


“Oh my God! Janiyah!”


“Pare, anong nangyari?”


Hindi ko pinansin ang dalawang dumating. Binigyan ko ng mouth-to-mouth rescucitation si Janiyah.


“Janiyah!”


Hindi pa din siya nagkakamalay. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.


“Janiyah, please. Gumising ka na…” Please... Nilapat ko uli ang labi ko sa labi niya at binigyan siya ng hangin. Janiyah! Janiyah! Janiyah! Wake up! Now!


“Aherp!” Nagkamalay na siya!


Sa sobrang relieve ko, niyakap ko siya nang mahigpit. “Thanks God! You’re okay!”


“Warren?!” gulat na sambit niya. Hindi sakin. Kundi sa lalaking nasa gilid namin.


“Janiyah, okay ka lang ba?” tanong ni Warren.


Ako na ang humiwalay kay Janiyah bago pa niya ako maitulak. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sakin.


“Bakit akala mo ba si Warren ako?” Mukhang disappointed siya dahil ako ang nagligtas sa kaniya.


“B-bakit i-ikaw?”


Hindi na ako umimik. Baka kung ano pang masabi ko sa kaniya. Hinubad ko ang jacket ko at isinuot sa kaniya. Kinuha ko ang bag niya at binuhat siya.


“Hey! Sa’n mo ‘ko dadalhin?”


“Iuuwi na kita.”


“Ano?! Ibaba mo nga ko. Warren! Trixie! Tulungan niya ko!”


Nilingon ko ang dalawa. “Ako nang bahala sa kaniya. I know her.” Hindi na sila sumunod hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng pool area ni Janiyah.


“Ano ba?!”


“Shut up!” bulyaw ko sa kaniya. Nakakainis na siya!


Napaigtad siya. “Wala kang karapatang sigawan ako!”


Huminga ako nang malalim. Relax lang, Marky. Relax. “May karapatan ako dahil ako ang nagligtas sa’yo.” mahinahong sabi ko.


“Sinabi ko bang iligtas mo ko? Put me down!”


As expected. Yun ang sasabihin niya. “Mahiya ka nga, pinagtitinginan na tayo ng mga tao.”


“Wala akong pakialam! I own this school!”


“Your father own this.”


Grabe, nalunod na nga, ang taas pa din ng energy para makipagsagutan sakin. Ipinasok ko siya sa loob ng kotse.


= = =


( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


“Sa’n mo ba ‘ko dadalhin?” tanong ko nang paandarin ng katabi ko ang kotse niya.


“Bingi ka ba? Sinabi kong iuuwi na kita.”


“Ang sama mo!”


“Ako pa ‘tong masama. Buti nga tinulungan pa kita.”


“Sana hinayaan mo na lang ako.”


“Hindi pwede.”


“Ano?”


“Wala. Saka pwede pakiayos ‘yang suot mo.”


Napatingin ako sa suot ko. Halos makita na yung singit ko. Agad kong inayos ang jacket na suot ko. Huminga ako ng malalim. Napahawak ako sa labi ko.


Humanda ka sa’kin mamayang unggoy ka! Kinuha mo ang first kiss ko!


Nag-ring ang phone ng lalaki.


“Okay.” Yun lang nag nadinig kong sinabi niya sa kausap niya bago niya pinatay ang phone. Nag-U-turn siya.


“Hey! Hindi dito ang daan papunta samin.”


“Alam ko.”


Kinabahan na naman ako. “Sino ka ba talaga, hah? Siguro… siguro kikidnapin mo ko?”


Napailing siya. “Grabe ka talaga. Nung una magnanakaw, ngayon naman kidnaper. Siguro sa susunod, rapist naman.”


“FYI, inisip ko na ‘yan dati. Ibaba mo ko!”


“Nagbago na ang isip ko. Dapat siguro sa mental na talaga kita ideretso. Bagay ka do’n.”


= = = = = = = =


Nasa ospital uli kami. Hindi sa mental hospital, ah. Subukan lang ng hambog na ‘yon. Siya ang ipapa-mental ko.


Nasuot ko na ang damit ko kanina na hinubad ko. Tapos na akong asikuhin ng family doctor namin.


Patay na naman ako kay daddy! Ngayon pa lang nakikinita ko na ang itsura niya at ang sermon niya sakin. Ang malas ko naman kasi. Lahat ng plano ko palpak. Lagi na lang akong napapahamak!


Tahimik lang na nakasunod sakin si monkey. Nagtataka ako kung bakit hindi pa siya umuuwi. Hmp! Bahala siya!


Nang makalabas ako ng ospital ay napahinto ako. Naghihintay kasi sakin ang daddy ko. “Daddy, how did you know I’m here?”


Tumingin siya sa kasama ko.


“Ikaw ang nagsabi?” baling ko sa lalaking nasa likuran ko.


“Bakit ako? Hindi ko naman alam ang number ng daddy mo.”


“Tinawagan ako ni Dr. Santos.” sagot ni daddy. Oo nga pala. Si Dr. Santos nga pala ang umasikaso sakin kanina. Malamang, tinawagan na niya ang daddy ko kanina pa. Siya kasi ang family doctor namin.


“Iho, salamat uli. Ako nang bahala kay Janiyah. Pwede ka ng umuwi. Magpalit ka na din ng damit mo.” baling ng daddy ko sa lalaking kasama ko.


“Sige po, sir.”


“Janiyah, don’t you know how to say thank you?” baling naman ni daddy sakin.


“Po?”


Napailing siya. “Say thank you to Marky. He saved you. Sumunod ka na lang sa kotse.” Nauna nang pumunta si daddy sa kotse.


“Mag-thank you ka daw.” untag sakin ng lalaki.


Mag-thank you? Tama ba akong mag-thank you dahil siya ang nagligtas sa’kin? Dapat si Warren, eh. Dapat siya ang first kiss ko. Hindi ang unggoy na ‘to! Grrr! Nakakainis!


Pero…


Pero…


Pero…


Kinuha man ng unggoy na ‘to ang first kiss ko, kailangan ko pa ding mag-thank you because he saved me. Hindi naman ako gano’n kasama katulad ng iniisip ninyo. Oo, alam kong masama ang tingin ninyo sakin. Eh, mas malala pa nga yung iba diyan sakin. Mabait pa nga ko ng lagay na ‘to.


“Thanks.” sabi ko bago siya talikuran at sumunod kay daddy.


“Wait!” Napalingon ako sa kaniya kasabay nang pagpigil niya sa braso ko. Nakakunot ang noo niya.


Binawi ko naman ang braso kong hawak niya. “Bakit na naman?” naiinis na tanong ko.


“Ganyan ka ba talaga?” nakakunot-noong tanong niya sakin.


“Oo. Ganito ako. Problem with that?”


“Naiinis ka ba dahil ako na naman ang nagligtas sa’yo?”


“How did you know? Kamag-anak mo ba si Madam Auring?”


“Tsk! Kakaiba ka rin, ‘no? May nakakatagal pa ba sa ugali mo?”


“Oo, meron. Si Daddy, si Trixie at si Warren.”


“Ang dami. Sobrang dami.”


“Wala akong paki. They’re enough. I don’t need anyone. Kahit ikaw pa ‘yon.”


“Baka kainin mo ‘yang sinabi mo.”


“Never kong kakainin dahil never akong magugutom dahil mayaman ako.”


Hindi na siya nakasagot sa pambabara ko dahil napabahing siya bigla. “Aaaaching!”


“Nabasa ka lang, sinipon ka na agad.”


“FYI, mahigit isang oras na akong nakababad sa basa kong damit, baka nakakalimutan mo.”


“Edi sana iniwanan mo na ko kanina. Konsensyahin pa ko.”


“Buti sana kung konsensyahin ka. Ikaw pa—Aaaaching! Bwisit!”


“Umuwi ka na nga.” Tinalikuran ko ulit siya.


“Aaaaching!”


Napatigil ako at humarap uli sa kaniya. “Thank you.” Ano bang pangalan niya? Monkey kasi ang laging tawag ko sa kaniya kaya nakalimutan ko. Hindi ko naman tinatandaan ang mga bagay na hindi mahalaga sakin. “Bukal sa loob ko ‘yan.”


He smiled. “May konsensya ka pala.”


“Anong akala mo sa’kin? Kriminal? At saka nakakainis ka pa rin!” Tinalikuran ko uli siya. Bwisit ah, nakakapagod ‘tong ginagawa ko. Talikod-harap-talikod-harap! Grrr!


“Janiyah!”


“Umuwi ka na!” hindi lumilingong sabi ko.


“Alam ko na kung bakit ka naiinis?”


Napaharap ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nakasunod na pala siya sakin. Pilyo siyang ngumiti. Lumapit siya sakin at may ibinulong na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi na ko nakapag-react hanggang sa tuluyan na siyang sumakay ng kotse niya.


Naningkit ang mga mata ko. “Bwisit kang unggoy ka!”


Feeling ko kalahi niya si Madam Auring, eh.


Alam ninyo ba kung ano ang sinabi niya?


Alam ninyo ba?


Bwisit siya!


Sinabi lang naman ng unggoy na ‘yon na siya daw…


Siya daw…


Siya daw…


Siya daw…


Ang first kiss ko!


How did he know?!


“Argh!” Nagpapadyak ako sa sobrang inis ko.


“Janiyah.”


Napalingon ako kay daddy nang tawagin niya ko.


Nakangiti siya. “Mukhang close na kayo ni Marky.”


“In his dreams, dad.”


“Mukha siyang mabait.”


“Mukha lang po siyang mabait.”


Nagulat ako nang tumawa siya.


Napasimangot tuloy ako. “Daddy naman.”


Tumikhim si daddy. “Sorry, iha. Tara na.”


“Ahm, hindi ninyo po ako sesermunan?” Tabingi ang ngiti ko.


“Ang mahalaga, ligtas ang unica iha ko. Mag-iingat ka na sa susunod, okay.”


Nagkakamali si Nora. May himala! May himala! May himala!


Dahil tatlong beses kong naranasan ang himala.


Sa bodega.


Nang mapilayan ako.


At ngayong nalunod ako.


Walang sermon.


Mula sa daddy ko.


Parang gusto kong magpamisa mamaya.
 
= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^