CHAPTER 10
( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
“Trixie!”
Nakita ko siyang naglalakad papunta ng canteen.
Nilingon
niya ko. Tabingi ang ngiti niya. “Hi, girl!”
“Hi
your face! Bakit pinabayaan mo ako nung Friday, hah?”
“You
know him naman, right?”
“I
don’t know him, okay!”
“But
his the one who helped you nung mapilayan ka, right?”
“Yes,
he helped me but I don’t know him. Hindi ko nga matandaan ang pangalan ng
unggoy na ‘yon.”
“Pero
siya ang first kiss mo.”
Pinanlakihan
ko siya ng mga mata. “Trixie! Kukurutin na talaga kita!”
“Sorry,
girl. Pa’no ba ‘yan? Tuloy pa ba ang susunod nating plano?”
Humalukipkip
ako. “Of
course.”
“Hindi
ka ba nadadala? Muntik ka na ngang malunod, right? Why don’t you just find
another guy. Madami—”
“Si Warren
ang gusto ko.”
“You
like him lang. Hindi mo siya love.”
“Mahal
ko siya.”
“Sorry,
girl. Hindi na kita matutulungan this time. Natakot ako for you last friday.
Akala ko…”
“Akala
mo mamamatay na ‘ko? Don’t worry, ang mga masasamang damo, matagal pang mamatay.”
“You’re
not that bad.”
“Yeah
right. Kung ayaw mo na kong tulungan, bahala ka.”
“I can help you.”
Napalingon
ako sa sumingit na ‘yon. Tumaas ang kilay ko.
=
= =
( Marky Corpuz’s POV )
Papunta
ako ng canteen ng matanaw ko si Janiyah at ang laging kasama niya. Trixie ata
ang pagkakatanda kong pangalan no’n. Nagtago ako sa isang puno at pinakinggan
ang pinag-uusapan nila.
“But
his the one who helped you nung mapilayan ka, right?”
sabi ni Trixie.
Ako
ang pinag-uusapan nila?
“Yes,
he helped me but I don’t know him. Hindi ko nga matandaan ang pangalan ng
unggoy na ‘yon.” sagot ni Janiyah.
Napailing
na lang ako. Tinulungan ko na siya’t lahat-lahat. Sinipon pa ko nung Friday dahil
sa pagkababad ko sa damit kong basa ng dahil sa kaniya, tapos hindi niya alam
ang pangalan ko. Unggoy pa talaga ang tinawag sa’kin.
“Pero
siya ang first kiss mo.”
“Trixie!
Kukurutin na talaga kita!”
Ako
ang first kiss niya? Sa totoo lang, inasar ko lang siya nung sinabi kong ako first
kiss niya. Hindi ko naman alam na...
Napangiti
na lang ako.
“Sorry,
girl. Pa’no ba ‘yan? Tuloy pa ba ang susunod nating plano?”
“Of
course.”
Kumunot
ang noo ko. Ano na namang plano?
“Hindi
ka ba nadadala? Muntik ka na ngang malunod, right? Why don’t you just find
another guy. Madami—”
“Si
Warren ang gusto ko.”
“You
like him lang. Hindi mo siya love.”
“Mahal
ko siya.”
Hindi
mo siya mahal, Janiyah. Hindi mo siya pwedeng mahalin.
“Sorry,
girl. Hindi na kita matutulungan this time. Natakot ako for you last friday.
Akala ko…”
“Akala
mo mamamatay na ‘ko? Don’t worry, ang mga masasamang damo, matagal pang
mamatay.”
“You’re
not that bad.”
“Yeah
right. Kung ayaw mo na kong tulungan, bahala ka.”
I
sighed. I need to do something. Baka sa susunod na plano niya, mas lalo siyang
mapahamak sa gagawin niya. And I can’t allow that to happen again.
Lumabas
na ko sa pinagtataguan ko. “I can help you.”
Kahit
wala pa akong naiisip na gagawin para matulungan siya. Dahil wala naman talaga
akong balak na tulungan siya para mapalapit siya kay Warren. Tutulungan ko lang
siyang magising sa katotohanan na nakalaan na sa iba si Warren.
Napalingon
sakin si Janiyah. Tumaas ang kilay niya nang makita ako. Her normal reaction.
Siguro, may tungkod na nakatukod sa mga kilay niya kaya laging nakataas ‘yon. O
baka nahanginan na.
“Wala
ka bang manners? Sumasabat ka sa usapan ng may usapan.”
“Alam
mo—”
“Trixie!”
Sino bang na epal ‘yon? Nagsasalita pa ako, eh. Nilingon ko ang pinagmulan ng
malakas na boses na ‘yon. Isang matangkad na lalaki ang nakita kong nakatayo
di-kalayuan samin.
“Sige,
girl. See you na lang later. May tutulong naman pala sa’yo. May gagawin pa kasi
kami ni Steven.” paalam ni Trixie
kay Janiyah.
“Trixie!”
tawag uli ng lalaki.
“Wait
lang naman!” Nilingon ako ni
Trixie at tiningnang mabuti. “You know what? I think I saw you somewhere, except last
Friday, hah. I just don’t remember where and when.”
Ngumiti
na lang ako at hindi na nag-comment pa. Matagal na kasi ‘yon kaya hindi na
siguro niya matandaan.
“Trixie!
Bahala ka!” Iniwan na siya ng
lalaki.
“Girl,
baboosh na! Iniwan na ko ni sungit.” baling
niya kay Janiyah. Hinabol na niya
ang lalaking tumawag sa kaniya. Hindi siya pinansin ni Janiyah dahil nakatutok
ang atensyon ng huli sakin.
“You
want to help me, right?”
“Ah,
oo.”
Ngumiti
siya. Yung ngiti ng mga kontrabidang nakikita ko sa mga teledramang pinapanood
ng mommy ko. ”How
can you help me?”
Pa’no
nga ba? Isip-isip, Marky. “Pagselosin mo siya.”
Kumunot
ang noo niya pero ilang saglit lang ay ngumiti na uli siya. Malapad na ngiti. “You know what,
may utak ka din pala.”
“What?
Anong akala mo sa’kin? Bobo? FYI, lagi akong nasa top simula preschool until
now.”
“Ako
din. Gusto mo paramihan pa tayo ng medals, eh.”
Seryoso
ba siya? “Wag
na, baka matalo ka pa.”
Tinaasan
niya ko ng kilay. “Natatakot ka lang kamo.”
“Kanino?
Sa’yo? Hah! Mangarap ka ng gising.”
“Hindi
ko na kailangang mangarap. Dahil mayaman ako, makukuha ko ang gusto ko.”
“Yun
ang akala mo. May isang bagay kang hindi mo kailanman man makukuha.”
“Ano
naman, aber?”
“Hindi
ano, kundi sino.”
“Sino
nga?”
Ngumisi
ako. “Si
Warren.”
“Makukuha
ko siya. Kaya nga tutulungan mo ako, eh. Kailan natin sisimulan?”
“Simulan
ang ano?”
“Ang
pagselosin si Warren.”
Shit!
Bakit naman kasi ‘yon pa ang sinabi ko sa kaniya? Pero teka... Napangiti ako. Tama
lang ‘yon para mabantayan ko siyang maigi. At hindi na siya makagawa ng mga
kalokohan. Tama. Ang talino mo talaga, Marky!
“Anong
ngini-ngiti mo diyang unggoy ka?!”
“It’s
Marky. Marky Corpuz. Never forget my name, okay.”
Kumunot
ang noo niya. “At
bakit naman? Ginto ba ang pangalan mo para alalahanin ko?”
“Okay.
Maghanap ka ng ibang tutulong sa’yo.”
Tinalikuran ko siya.
“Wait!”
Napangiti
ako. Pero inalis ko din ang ngiti ko nang humarap uli sa kaniya. Tumikhim ako. “Bakit?”
“Okay,
Marky.”
Napangiti
ako. “Bakit
ayaw mong humingi ng tulong sa iba? ‘Di ba asar ka sa’kin? Sobrang asar na
asar.”
“Ayoko
sa kanila.”
“Bakit?”
“Because
I don’t want to. Baka isipin nila, kaibigan na ang turing ko sa kanila. Baka
gamitin lang nila ako para sa mga gusto nila.”
“Eh,
ako?”
Tiningnan
niya ko mula ulo hanggang paa. “Kasi alam ko namang wala kang gusto sa’kin. Teka, wala
ba talaga?”
“Ang
lakas naman ng bilib mo sa sarili mo. Isang malaking wala ang sagot ko.”
“Buti
naman. Alam kong asar ka din sa’kin dahil ikaw lang ang kumakalaban sa’kin, kaya
alam kong wala kang hidden agenda sa pagtulong sa’kin. Teka, why do you want to
help me?”
“Ayoko
lang sa mga babaeng bulag sa nakikita nila. Gusto kong patunayan sa’yo na wala
kang pag-asa kay Warren. Walang-wala.”
Ngumisi
lang siya. “Ito
ang itaga mo sa mga utak ng estudyante dito. Magiging kami ni Warren. Kami
lang.”
“Hindi,
Janiyah. Hinding-hindi.” Tinalikuran ko na
siya. Bahala siyang mangarap ng gising.
“Hoy!
Nawiwili ka na, hah! Don’t turn your back at me!”
Nilingon
ko siya. “See
you around, Janiyah!” Sabay saludo sa kaniya.
=
= = = = = = =
( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
“You
will make Warren jealous?” tanong ni Trixie.
Actually, that was the third time na tinanong niya ‘yon.
“Oo
nga. Paulit-ulit ka.” Nandito kaming
dalawa sa canteen.
“And
that guy, your saviour, ang tutulong sa’yo?”
Tiningnan
ko siya. “Trixie,
pwede ba? Wag kang paulit-ulit.”
Nag-peace
sign siya sakin. “Sorry.”
Hindi
na ko umimik at itinutok ang buong atensyon ko sa binabasa kong article na
sinulat ni Trixie tungkol kay Warren. Kanina lang inilibas ang January issue ng
campus journal namin.
Infairness.
Magaling naman palang magsulat si Trixie. Pero bakit ang bababa ng grades niya?
Ang sabi niya sakin, wala daw siyang gana dahil hindi niya gusto ang course
niyang Journalism. Pero bakit nalaman ko mula sa kaniya na nag-member siya sa
campus journal org?
“Trixie,
akin na lang tong copy mo. Just get your own.”
“Okay.”
Sumubo
ako ng ice cream na inorder ko bago pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Nando’n na
ko sa part na tinanong ni Trixie kung anong gusto ni Steven sa isang babae.
Mabait at simple.
Hmm...
Mabait naman ako. Kapag walang topak. Kaya ko ding maging simple. Pero teka.
Kumunot ang noo ko sa sunod kong nabasa. He’s single pero taken na ang puso
niya? Nino?
Madiin
kong pinikit ang mga mata ko dahil sa inis na naramdaman ko. Kailangan ko pa
bang tanungin kung sino ‘yon?
Inis
na nilukot ko ang journal na hawak ko.
“Janiyah
naman!” Kinuha ni Trixie
sakin ang journal.
“Bakit
ba kasi tinanong mo pa siya tungkol sa status ng lovelife niya?”
inis na tanong ko sa kaniya.
“Anong
masama do’n? Most of the girls here sa campus, gustong malaman ang status ng
lovelife niya. And he’s not taken. But his heart is. He’s so sweet, Janiyah.
Who’s that lucky girl kaya?”
“Shut
up!” madiing sabi ko.
“Hindi
kaya ikaw?”
Nawala
ang busangot ng mukha ko dahil sa sinabi niya. “You think so?”
“Maybe.
Ayaw kitang paasahin but the point is, he’s the only guy na nakipaglapit sa’yo
dito sa campus. Oh! They’re two na pala. Your saviour is the other one.”
Hindi
ko pinansin ang huling sinabi niya. “So, you think that Warren likes me, too?”
“I
think so. What was his reason ba kaya siya nakipag-close sa’yo? Wala naman
siyang hidden agenda, right?”
“Wala.”
And I’m very sure about that.
“So
maybe he likes you, too. But there’s a problem, girl. That Janine girl.”
“I
know. Wag mo nang ipaalala.” Last year pa sakin
sinabi ni Warren na gusto niya si Janine. Pwedeng nagbago na ‘yon. Tama. People
change. And feelings do change, too.
“Okay.”
nakangiting sabi niya. “Are you happy na ba? You’re not badtrip na with my
article? Pinaghirapan ko pa naman ‘yan, girl. My prof liked it, too. As well as
my dean na pinuri ako for the very first time.”
Tiningnan
ko siya ng seryoso. “You’re not lying when you told me na he likes me, right?
Ayoko nang inuuto ako.”
“I’m
not lying. I only based that with my own observation. But you should know also
his true feelings for you. And your savior will help you.”
I
rolled my eyes. “I
know.” Lumipad ang tingin ko sa entrance ng canteen. I saw Steven
looking at our side. “Yung jowa mo.”
Napalingon
si Trixie sa tinitingnan ko. “Hmp! He’s not my jowa!” Sunod-sunod siyang
sumubo ng ice cream niya.
“War?”
“Eh, kasi
naman siya. He shouted at me kanina. Tama ba’yon?”
“Anong
bago do’n? Lagi naman siyang nakasigaw when it comes to you.” Bakit
ba kasi siya nagta-tiyaga kay Steven?
“Yeah.
Pero nakakapuno na kasi. Hindi lang ako kaagad nakasunod sa kaniya kasi kausap
ko kayo ng saviour mo, galit na agad siya.”
“Suko
ka na niyan?”
Todo
ang iling niya. “Ofcourse
not.”
I
grinned. “Trixie.”
“What?”
“He’s
coming here.”
“What?”
Lumingon siya sa entrance. “Hindi naman, girl. Palabas nga siya.”
Ang
sarap niyang pagtripan. “Bakit parang nanghinayang ka?”
“Of
course not.” Nag-ring ang phone
niya. Tiningnan lang niya ‘yon.
“Who’s
calling?” tanong ko.
“Si
sungit.”
“Why
don’t you answer it?”
“Ayaw.”
Ilang
saglit ang lumipas nang tumayo na
siya.
“I’m
going lang sa rest room, girl.”
I
rolled my eyes.
“Ang sabihin mo, pupuntahan mo lang si Steven.”
“Of
course not.”
“Arte
mo! Umalis ka na nga.”
“Hindi
ko siya pupuntahan. Baboosh, girl! See you later.”
Umalis na siya at lumabas ng canteen.
Hay,
ako na namang mag-isa. So, what? Sanay naman na ako.
Napatingin
ako sa mga estudyanteng nasa canteen. Para kasing may nakatitig sakin. Nahagip
ng mga mata ko ang Charlie’s devils. Nahuli ko silang nakatingin sakin.
Tinaasan ko sila ng kilay.
Sumubo
ako ng ice cream nang mapatingin ako sa babaeng nasa kabilang table. Kumakain
siya ng banana cue. At gusto ko din no’n. Tumayo ako at iniwan ang icecream sa
table ko. Wala naman sigurong gagalaw no’n. Takot lang nila sakin.
Pumila
ako. Oo. Pumila ako at hindi sumingit. Hindi naman kasi ako nagmamadali. Pero
kapag nagmamadali ako, wala akong pakialam sa mga nakapila at sumisingit na
lang sa unahan.
I
own this school. I can do whatever I want.
=
= =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^