CHAPTER 11
(
The Charlie’s
devils POV )
–ang
tatlong kontrabida sa buhay ng ating kontraBIDA-
“She’
not in her table na. Where’s the betsin?”
tanong ko. Ako si devil C. ‘Yon ang
tawag sa’kin ng kontraBIDA sa kwentong ito. Jeez! It’s not bagay naman sakin,
‘no. Mukha nga akong anghel. Mas bagay sa kaniya ang devil. Demonyita kasi
siya. And by the way you can call me Eynie.
O diba? Name ko pa lang, maganda na. Mas maganda pa sa pangalan ng kontraBIDa
sa kwentong ‘to.
“Nasa
‘kin.” Kinuha ko sa bulsa
ng bag ko ang isang pack ng betsin. “Sino ang maglalagay nito sa ice cream niya?” Ako
naman si devil A according to that
freaking girl! Duh! I’m Jenna, okay.
Do you remember me? Ako yung magandang nagbuhos ng softdrinks kay Janiya.
Without letter ‘H’. Haha! Alam kong maaasar siya kapag nadinig niyang tinawag
ko siya sa pangalan niya without that letter ‘H’ Ang arte naman kasi niya.
Sobra!
“Ako
na. May kasalanan pa sa’kin ‘yan.”
Kinuha ko ang betsin kay Jenna. I’m Maggy.
Not that devil B na tawag sakin ng
Janiyang ‘yan. Alam ninyo ba kung bakit inis na inis ako diyan sa babaeng ‘yan?
Dahil sa kaniya, nag-break kami ng boyfriend ko! Remember the guy na nagbigay
sa kaniya ng jacket ng tapunan siya ni Jenna ng softdrinks? Boyfriend ko ‘yon!
Ex na pala ngayon. At ‘yon ay dahil sa Janiyang ‘yon! At dahil diyan, gaganti
ako!
Tumayo
ako at lumapit sa table ni Janiyah. Umupo ako sa upuan at pasimpleng inilagay
ang betsin sa ice cream niya. Dinamihan ko na. Madaming-madami. Hinalo ko ‘yon
habang nakatingin kay Janiyah. Medyo patunaw naman ang ice cream niya kaya
hindi niya mahahalata na pinakialaman ko ‘yon.
Tingnan
natin kung masarapan pa siya sa ice cream niya at hindi siya magkasamid-samid.
Bumalik na ko sa table namin.
=
= = = = = = =
( Marky Corpuz’s POV )
Nasa
loob ako ng canteen. Lihim kong tinitingnan si Janiyah. Kausap niya si Trixie. Maya-maya
ay nakita kong umalis na si Trixie. Napalingon sa gawi ko si Janiyah kaya
tumalikod ako. Ilang saglit ang lumipas ng lingunin ko uli siya. Wala na siya
sa mesa. Hinanap ko siya. Nakita ko siyang nakapila at mukhang bibili.
Ibinalik
ko ang tingin ko sa table niya. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang isang
babaeng lumapit sa table niya. Namumukhaan ko siya. Mas lalong kumunot ang noo
ko nang makita kong may inilagay siya sa ice cream ni Janiyah.
Hindi
maganda ang pakiramdam ko. Maya-maya’y bumalik na si Janiyah sa table niya. May
dala siyang banana cue na nakalagay sa plate. Hinawakan niya ang ice cream.
Tatayo na sana ako para pigilan siya ng dahan-dahan siyang tumayo at bumaling
sa tatlong babae di-kalayuan sa likuran niya.
=
= = = = = = =
( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
Mula
sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang isa sa mga Charlie’s devils. Hindi ko
alam ang pangalan ng tatlong ‘yon o mas tamang sabihing hindi ko natatandaan. Kaya
ang tawag ko sa kanila ay devil A, B and C. Si devil B ang nakita kong lumapit
sa mesa ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya, pero parang nakita kong may
inilagay siya sa ice cream ko.
Mga
demonyita talaga ang mga ito! Masyado akong naging busy sa ‘Operation Masolo si
Warren’ kaya nakalimutan ko ang mga bruhang ‘yon.
Sumingit
na ko sa unahan. “Manang, isang banana cue po.” Nang makabayad at makuha ang
banana cue ay bumalik agad ako sa mesa ko. Hinawakan ko ang ice cream ko. Ano
kayang inilagay nila dito? Gusto kong tikman kaya lang baka lason na ‘yong
nilagay nila dito, edi natsugi pa ko at laking tuwa pa nila.
Kung
pag-uusapan ang Charlie’s devils na ‘yon, gusto pa ata nilang agawan ako ng
trono sa istoryang ito bilang kontrabida. Hah! Asaness sila! At least ako, bida
na, kontrabida pa. Eh, sila? mga kontrabida na nga sa buhay ko. Mga extra lang
naman sa istoryang ‘to.
Tumayo
ako at humarap sa tatlong bruha. Nahuli ko silang nakangisi. Akala nila, ha! Nilapitan
ko sila.
“Naku. Gulo-gulo na
‘to!”
“Bilis. Itext mo
sila, sabihin mong may palabas na mangyayari dito.”
“Maganda ‘to! Last
year huling may nangyaring ganito.”
Iyon
ang mga nadinig kong sinabi ng mga schoolmate kong nasa loob din ng canteen.
“Kamusta
na ang tatlong kampon ni Charlie?”
nakangiting bati ko nang makalapit ako sa mesa nila. Humalukipkip ako. “You looked
very much happy today, huh.”
Tumayo
si devil B. “Yeah.
Masaya na sana kung hindi lang kita nakita.”
“Talaga?
How sad naman. Ako kasi tuwang-tuwa kapag nakikita ko…”
Tiningnan ko sila isa-isa. “…kayong tatlo sa paligid ko. Hindi lang naman kasi kayo
ang ‘The Charlie’s devils’ sa paningin ko. Mga power puff devils din kayo. Kaya
nga tuwang-tuwa ako sa inyo. Biruin ninyo, I don’t need to watch my favorite
cartoon kasi nakikita ko na kayong tatlo.”
Nagkunwaring
akong malungkot. “Kaya lang may problema. Di ba nabuo ang powerpuff by sugar, spice and
everything nice?” Napailing ako. “Eh, kayong tatlo? Where are you three made
of?” Ngumiti ako ng nakakaasar. “Ah, I know na. You're made of bitterness, sourness and
badness. Kaya ganyan kayo.” Narinig kong nagtawanan ang mga
nakikinig sakin.
Tumayo
na din si devil C. “What’s your problem ba?”
“What’s
my problem ba?” Ginaya ko ang
pananalita niya. Para siyang si Trixie. Pero ako, nasanay na ko kay Trixie. Eh,
ang babaeng ‘to, hindi pa nagsasalita, ang sarap nang dukutin ng dila.
Tumayo
na din si devil A. “Nakatahimik kami dito tapos susugod ka.”
Nagkunwaring
akong nagulat. “Ay!
Sorry ha! Nakakaistorbo pa pala ako sa inyo? Eh, kasi naman kayo. Dapat sinabi
ninyo na lang na gusto ninyo din ng ice cream ko. Hindi ‘yong pasimple pa
kayong lalapit sa table ko.”
Nagkatinginan
ang tatlo. “We
don’t know what you’re talking about.” sabi
ni devil A.
“Ikaw,
may kasalanan ka pa sa’kin. Pero saka na muna ‘yon. Sa ngayon…”
Ngumisi ako. Binalingan ko ang mga estudyanteng nakatutok ang atensyon samin. “You want a
show, right?” tanong ko sa kanila.
“Yes!!!!”
sagot nila.
Bumalik
ako sa table ko at kinuha ang banana cue. Tamang-tama, tatlong piraso ‘yon.
Kinamay ko ‘yon at bumalik sa tatlong bruhilda. Hindi na sila nakakilos ng
isa-isa kong inilagay sa loob ng damit nila ang tig-isang banana cue. Eh, mga
slow kaya sila! Slow makagets kung anong gagawin ko sa kanila. Yan tuloy.
Nagtilian
silang tatlo. “Aahhhh!” Nakangiwing tinanggal nila ang malagkit na banana
cue sa loob ng mga damit nila. Hindi pa sila nakakabawi ay may pahabol pa ko.
“You want
my ice cream ‘di ba? It’s all yours.”
Dumakot ako sa cup ng ice cream ko gamit ang kamay ko at ipinahid ‘yon sa mga
mukha nila. Pero nagtira ako sa cup ko. Nilapag ko ‘yon sa table ko.
Hindi
ko ‘to kakainin ‘no. Ebidensya ‘to para mamaya pagkatapos ng…
Pasugod
na sakin ang Charlie’s devils. Mga nanggagalaiti sila.
…pagkatapos
ng rambulan namin. Dahil for sure, deretso kami sa guidance office nito mamaya.
Pumorma
na ako at inihanda ang sarili sa mga bruhilda. Let the show begin. Pero laking
gulat ko ng hindi na nakalapit ang Charlie’s devils sakin.
Alam
ninyo kung bakit?
Dahil
humarang sa kanila ang isang matangkad na lalaki.
“Ikaw na naman!!” sabay-sabay na sabi
tatlong Charlie’s devils.
Huh?
They know this guy? Sino ba ‘to?
Lumingon
ang lalaki sakin. Magkasalubong ang mga kilay niya. “Napakapasaway mo talaga!” inis
na sambit niya sakin.
Inirapan
ko lang siya. “Epal
ka naman!”
Susugod
pa din sana ang Charlie’s devils sakin ng may madinig kaming pito.
Prrrrrrttttttttt!
Sabay-sabay
kaming napalingon sa pinanggalingan no’n. Nakatayo sa labas ng canteen si Ms.
Guidance Councelor! Ang Miss Tapia ng university namin. Tamang-tama dahil wala
pa siyang asawa sa edad niyang early forties. “Kayong lima. Follow me at my office. Now!”
Kinuha
ko ang ebidensya na nasa table ko. “Charlie’s devils, tara na daw sa office.” Ngumiti
pa ako ng nakakaloko.
Nang
may biglang humila sakin. Si Marky! Oo, Marky na ang tawag ko sa kaniya. Baka
hindi pa niya ko tulungan kay Warren kapag monk—basta ‘yon na yun.
“Pati
ako nadamay dito.”
“Hindi
ka naman kasali ‘di ba?”
“Bingi
ka ba? Ang sabi ni ma’am, tayong lima.”
“Eh,
bakit kasi humarang ka pa? Yakang-yaka ko ‘yon, ‘no.”
“Miss Alonzo.” tawag
sakin ni Miss Tapia.
“Yes,
ma’am. Papunta na po sa office ninyo.”
Nilingon ko ang Charlie’s devils. “Ma’am, oh, mga nakatayo lang sila.”
“Girls!” tawag
ni Miss Tapia sa kanila.
“Yes, ma’am.” Nagsipagsunudan na
din sila habang nakatingin sakin nang masama.
Tinaasan
ko naman sila ng kilay. Pinauna ko na sila. Natawa ako nang mahina. “Mukha silang
ewan sa itsura nila. Mukhang mga batang hindi marunong kumain ng ice cream.”
“Stop
laughing, okay.”
inis na sambit ng
katabi ko.
“Wala
kang paki kung gusto kong tumawa ng tumawa.”
Nang mapansin kong hawak pa din niya ang kamay ko habang naglalakad kami
papunta ng guidance office. Inis na binawi ko ‘yon. “Bakit ba hawak mo pa ‘tong kamay ko?!”
“Kanina
ko pa po hawak ang kamay mo, madam, tapos ngayon mo lang talaga napansin.
Nagustuhan mo ata, eh.”
Inirapan
ko siya nang pagkatalim-talim bago nagmartsa papunta ng guidance office. Kapal!
=
= =
ajuju nakakakilig ..
ReplyDeletehWahEhE,,, ayiiEeeh,,, kiNikiLig diN aq,,, naMiss q maGbsa s DDH,,,
ReplyDelete