CHAPTER
26
[ JAYLORD’s POV ]
Continuation
of flashback...
Kinagabihan.
Kumakain
ako ng nabili kong tinapay habang naglalakad sa kalsada. Napatingin ako sa
pamilyang kumakain ng noodles na nadaanan ko. I sighed. I looked up in the sky.
Nasa’n
na ba ang pamilya ko? May pamilya nga bang naghihintay sakin? Sino ang lalaking
‘yon na gustong pumatay sakin? Sino ba talaga ako?
Bigla
akong napahinto sa paglalakad nang may van na huminto sa gilid ko. Mula sa loob
ay lumabas ang dalawang lalaking naka-bonnet.
“Sino kayo?”
tanong ko habang umaatras.
Hindi
sila sumagot. Basta na lamang nila akong sinugod ng suntok. Dahil sa kabiglaan
ko ay tumama sakin ang mga ‘yon. Sa mukha at sikmura ko pa. Nabitiwan ko ang
hawak kong tinapay. “Shit!” I gritted my teeth. Nakakaisang kagat
pa lang ako do’n! At gutom na gutom na ako!
Dahil
sa panghihina at gutom ko, mabilis na naipasok ako sa loob ng van ng dalawang
lalaki. Pinikit ko ang mga mata ko at nagpanggap na nanghihina at hindi na
makakilos.
Sa
isip ko, kailangan kong makatakas! Hawak ako ng dalawang lalaki sa kamay.
Idinilat ko ang isang mata ko. Maliban sa dalawang katabi ko at ang driver, wala
ng ibang tao pa. Hindi ko alam kung paano ko nagawang makatakas sa pagkakahawak
ng dalawang lalaki.
May
hawak na baril ang isa pero agad kong nahawakan ‘yon at pinilipit ang kamay
niya, kasabay ng malakas na pagsiko ko sa mukha ng isang katabi ko. Binigyan ko
pa sila ng tig-isang suntok sa mukha.
Hindi
ko alam ko alam kung paano ko nagawa ang mga ‘yon sa isang iglap lang. Basta kusa na lang gumalaw ang katawan ko. Bago pa makakilos ang driver ay nabuksan
ko na ang pintuan sa kanan ko at mabilis na tumalon. Naramdaman ko ang sakit
dahil umaandar pa ang van ng tumalon ako. Nagpagulong-gulong ako sa tabi ng
kalsada.
Nakita
kong huminto ang van. Mabilis akong nakatayo at tumakbo sa madamong bahagi sa
kanan ko. Wala akong maintidihan pero kailangan kong makatakas!
Ano
ba talagang kailangan nila sakin? Sino ba talaga ko? Sino?!
Sila
din ba ang dahilan kung bakit nawalan ako ng alaala?
Masama
nga ba talaga akong tao kaya balak nila akong patayin?
Ano
ba talaga ang totoo?
=
= =
Nakatayo
ako sa tabi ng kalsada. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong
nakatingin sakin ang mga tao. Bakit hindi? Kahit hindi ko makita ang mukha ko,
alam kong madungis ako. Hindi lang dahil sa damit ko, kundi pati na rin ang
mukha ko. May mga sugat at gasgas din ang mga braso ko at mukha dahil sa
pagtalon ko sa van kagabi at sa mga sumabit na sanga sakin habang tumatakbo
ako.
Pero
wala akong pakialam sa paligid ko.
Pagod
na pagod na ako.
Gutom
na gutom na ako.
Masakit
ang katawan ko.
Gulong-gulo
ang isip ko.
Para
akong batang nawawala sa gitna ng mga mataong lugar. Hindi ko alam kung sa’n
ako pupunta. I feel helpless.
Humakbang
ako at naglakad. Tumingala ako sa langit. Isa lang ang nagbibigay sakin ng
lakas. Ang babaeng ‘yon sa panaginip ko. Hanggang ngayon, tuwing gabi,
paulit-tulit, lagi pa rin siyang laman ng panaginip ko.
“Hey you!”
Umalingawngaw
ang malakas na boses na ‘yon. Napahinto ako at napalingon sa likuran ko. Isang
babae ang nakita kong palapit sakin. Napahinto siya sa paghakbang at parang
nakakita ng multo ng tuluyan siyang makalapit sakin.
“Oh my God! J-jaylord?”
tanong niya habang nanlalaki ang mga mata niya.
Tinawag
niya kong Jaylord! Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pag-asa. “Kilala mo ko?”
“I-ikaw ba talaga
‘yan? H-hindi ka namatay?” hindi pa rin makapaniwalang
tanong niya.
Kumunot
ang noo ko. So, akala nila namatay na ko?
“Sino ka?”
balik-tanong ko. Siya kaya si Elle? Pinasadahan ko siya ng tingin. Mukha siyang
may sinasabi sa buhay sa itsura niya. Katulad din kaya niya ko? Tama kaya ang
sinabi ni Tito Ted na hindi lang ako simpleng tao?
Kumunot
ang noo niya na parang nagtataka. “Hindi mo ko kilala?”
“Nawalan ako ng
alaala.”
“M-may amnesia ka?”
“Sinabi ko na.
Kailangan ko pa bang ulitin?”
Pinasadahan
niya ko ng tingin. “I still can’t believe it. You’re alive. What happened to
you?”
I
have no choice but to ask for this woman’s help. “Kung kilala mo ko, dalhin mo ko sa pamilya
ko, kung may pamilya nga bang naghihintay sakin. Pagkakatiwalaan kita. Pero
hindi ibig sabihin no’n, sasabihin ko na sa’yo ang mga nangyari sakin. Someone
tried to kill me, ‘yon lang ang masasabi ko.”
Halatang
nagulat siya base na rin sa reaksyon niya.
“Ano pang hinihintay
mo?”
untag ko sa kaniya. “Dalhin mo na ko sa pamilya ko.” Pero bago ‘yon, ibili mo
muna ako ng makakain.”
“Nothing change.
You’re still that Jaylord I’ve known.”
- E N
D O F
F L A S H B A C K -
Pinikit
ko ang mga mata ko.
Dinala
nga ako ng babaeng ‘yon na nagngangalang ‘Megan’ sa pamilya ko. Dito sa
malaking bahay na ‘to. At tama nga si Tito Ted, hindi lang ako simpleng tao.
Mayaman ang pamilya ko. May lolo at lola ako. May ama ako. May mga kaibigan
ako. Halatang nabigla sila ng makita nila ako kanina.
Pero
ang tanong ko, bakit hindi nila ko pinahanap? Bakit inakala nilang namatay ako?
Yun ang aalamin ko bukas.
Wala
akong sinabi sa kanila na kahit na ano tungkol sa nangyari sakin. Matapos nang
mga nangyari sakin nitong nakaraang linggo, hindi ko na alam ang iisipin ko
lalo na at wala akong maalala. Wala akong tiwala sa kahit na sino.
Ang
sabi ng doctor na tumingin sakin kanina, babalik din daw ang alaala ko. Kailangan
ko lang makita ang mga bagay na makakatulong sakin para unti-unting bumalik ang
alaala ko.
Kulang
daw ako sa tulog. Sa pahinga. Sa pagkain. Masyado daw akong nag-iisip kaya
na-stress ang isip ko nitong nakaraang dalawang buwan. Kailangan ko daw
mag-relax. Makakapagrelax ba ko kung sa isip ko may gustong pumatay sakin?
Okay
sana kung wala akong amnesia, pero hindi, eh. Wala akong maalala! At ‘yon ang
nakakainis. Bukas na bukas din, kailangan kong malaman ang mga nangyari sakin
bago ako mawalan ng amnesia.
“Jaylord...”
I
opened my eyes. Napalingon ako sa kanan ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang
isang babaeng nakayukyok sa gilid ng kamang kinahihigaan ko.
Sino
ang babaeng ‘to? Is this Megan?
Nakaharap
ang mukha niya sakin pero natatabunan ‘yon ng buhok niya kaya hindi ko siya
makilala. Hawak niya ng mahigpit ang kanang kamay ko na parang ayaw niyang
bitawan. Umangat ang isang kamay ko para hawiin ang buhok niyang tumatabing sa
mukha niya.
Kumunot
ang noo ko. Ang babaeng ‘to. Siya ang babaeng niyakap ako ng mahigpit kanina.
Siya ang dahilan ng pagkirot ng ulo ko. Sobrang sakit. Iyon ang unang beses na
sumakit ang ulo ko ng gano’n.
When
I saw her face. When she told me her name ng paulit-ulit. When I heard her cries.
May mga nakita akong eksena sa isip ko na sobrang labo at hindi ko
maintindihan. Para akong nanonood ng sine in flash forward and backward. Wala
akong maintindihan na naging dahilan para sumakit ang ulo ko ng sobra.
Ang babaeng ito ang dahilan. “Sino ka? Bakit
gano’n na lang ang reaksyon ko sa’yo?” Hinaplos ko ang pisngi niya. “Ikaw ba si—”
She stirred to life. Slowly, she opened her eyes. Our eyes met. Our eyes
locked.
=
= =
[ ELLAINE’s POV ]
Naalimpungatan
ako ng maramdaman kong may nakapatong sa pisngi ko. No! May humahaplos sa
pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nagtama agad ang mga mata
namin ng taong ‘yon. Ramdam ko ang init ng kamay niyang nakapatong sa pisngi
ko.
Jaylord...
Hindi
ko magawang alisin ang mga mata ko sa kaniya. Nakatitig siya sakin. Nakatitig
si Jaylord sakin. Habang nakakunot ang noo niya.
Napakurap
ako ng may marealize ako. Nakatulog ako sa tabi ng kama niya! Wala naman akong
balak matulog sa kwarto niya, gusto ko lang siyang pagmasdan. Hindi ko alam
kung ilang oras kong ginawa ‘yon at nakatulog na lang ako.
Bigla
akong napatayo sa kinauupuan ko. Natumba pa ang upuan ko sa mabilis kong
pagtayo. “S-sorry.”
Nabubulol kong sabi. “A-ano k-kasi...” Why do I have to stummer? “A-ano...”
“My hand.”
“Hah?”
Napatingin ako sa kamay niyang hawak ko pa rin. Agad kong binitawan ‘yon. “S-sorry.”
Bigla na lang akong tumalikod. “A-alis na ko.” Mabilis akong humakbang
palapit ng pintuan. Lumingon ako sa kaniya ng may maalala ako. “Goodmorning
nga pala.” pahabol ko bago mabilis na lumabas ng kwarto niya.
Napasandal
ako sa pintuan. Hawak ko ang tapat ng dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Bakit ba kasi nabulol ako habang kausap ko siya? Si Jaylord ‘yon. Hindi siya
ibang tao. At bakit ba ako naiilang sa kaniya? Dahil ba wala siyang maalala at
hindi niya ako kilala?
O
natatakot lang akong gumawa ng mali na hindi niya magustuhan lalo na’t ngayon
kay Megan lang siya may tiwala?
Hinawakan
ko ang pisngi kong hinawakan niya kanina. Hindi ko mapigilang mapangiti. Totoo
talagang buhay siya. “Jaylord...”
“What are you
doing?”
Napalingon
ako sa kaliwa ko ng marinig ko ang boses na ‘yon. I saw Megan standing in front
of her... Teka. Magkatabi sila ng kwarto ni Jaylord?
Pinasadahan
niya ko ng tingin. “Don’t tell me, galing ka sa kwarto ni Jaylord?”
may pag-aakusang tanong niya.
Magulo
ang buhok ko at halatang bagong gising ako. Hawak ko pa ang seradura ng pintuan
ng kwarto ni Jaylord. Kahit sino, iisiping sa kwarto ako ni Jaylord nanggaling.
“Yes.”
Ano naman sa kaniya?
Humalukipkip
siya. “You
slept in his room?”
“Yes.”
Bakit naman ako magsisinungaling? Humakbang na ko papasok ng kwarto ko. Saglit
ko siyang nilingon. “Goodmorning, Megan.”
Tinaasan
niya ko ng kilay. “And I wish that those goodmorning of yours would last
until this day ends, Ellaine.” makahulugang sabi niya. Iyon lang at
tumalikod na siya.
Napailing
na lang ako bago pumasok ng kwarto ko. “Sira ba siya? Paano magla-last ang goodmorning ko eh
good afternoon na mamaya? Tapos may goodevening pa. Malamang, hindi talaga
magla-last ang goodmorning ko.”
Umupo
ako sa tabi ng kama at nagpangalumbaba. I sighed. Tama nga si Chad. This day
will be long for us. Lalo na sakin.
=
= =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^