Sunday, August 11, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 27



CHAPTER 27
[ ELLAINE’s POV ]


Tahimik kaming nakaupo sa mahabang hapag-kainan habang hinihintay si Jaylord na dumating. Kumpleto na kaming lahat. Maliban sa kaniya.


“Inday, pakisundo naman ang Sir Jaylord mo sa kwarto niya.” utos ni Lolo Ferdinand sa isang kasambahay na nasa likuran niya.


“Opo, Sir.”


“Hindi na kailangan. Nandito na ko.”


Sabay-sabay pa kaming napalingon sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Si Jaylord. Nakatali ang may kahabaan nang buhok niya. May band-aid sa isang kilay niya, sa pisngi niya at sa gilid ng labi niya. Nakasuot lang siya ng printed black t-shirt at checkered na short.


Pumayat talaga siya. Sa isip-isip ko. Pero gano’n pa rin ang aura niya na parang hindi pwedeng lapitan ng kahit na sino. Suplado pa rin ang dating niya.


“Goodmorning, apo.” nakangiting bati ng grandparents niya sa kaniya.


“Goodmorning, Jaylord.” bati ng ama niya.


“Goodmorning.” matipid na bati ni Jaylord.


“Nakatulog ka ba ng mahimbing?” tanong ni Lolo Ferdinand.


“Okay lang po.” sagot niya.


“Umupo ka na, Jaylord.” sabi ni Tito William.


Nagtama ang mga mata naming dalawa. Bubuka na sana ang bibig ko ng...


“Jaylord, dito ka na lang sa tabi ko.” Naunahan ako ni Megan. Walang salitang umupo si Jaylord sa tabi niya. Ngiting-ngiti siya.


“Okay lang ‘yan.” Narinig kong bulong ng katabi kong si Clay sakin. Tumango na lang ako.


Hindi ko nga katabi si Jaylord. Pero magkatapat naman kaming dalawa. Okay na ‘yon. Sa ngayon. At least, malaya kong nakikita ang mukha niya ng hindi siya nililingon pa.


Nagsimula na kaming kumain. Nang tahimik. Ang awkward lang. Masaya naman ang mukha ng mga katabi ko. Yun lang, hindi nila alam kung ano bang sasabihin nila sa harap ni Jaylord. Dahil katulad ko, pasimple rin silang nakatingin sa kaniya. At alam ko ang pakiramdam nila. Hindi pa rin sila makapaniwalang kasama namin si Jaylord ngayon.


“Kung may sasabihin kayo, sabihin ninyo na. Wag ninyo lang akong tingnan.” biglang sabi niya ng hindi umaangat ang tingin niya. Tumunog ang kubyertos niya ng ibaba niya ‘yon sa plato niya. Humalukipkip siya. At dahil magkatapat kami, sakin siya nakatingin. “Gusto kong malaman ang nangyari na naging dahilan kung bakit ako nawalan ng alaala.”


“Mamaya na lang natin pag-usapan ‘yan, apo.” mahinahong sabi ni Lolo Ferdinand.


“No.” madiing sabi niya. “Anong nangyari sakin? May kaaway ba ko? Bakit inakala ninyong patay na ko? Yun ba ang dahilan kung bakit hindi ninyo ako pinahanap? I want to know what happened. Now.” He demanded. At kapag gusto niyang ngayon na, ngayon na.


“Apo, pwede namang mamaya na lang. Madami pang oras.”


“Madami pa ngang oras. Sa inyo, oo. Para sakin, hindi. Lalo na at may nagtatangka sa buhay ko. Ni hindi ko alam kung sino ba ang kaaway ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to. Hindi ninyo kasi alam ang pakiramdam ng walang maalala na kahit na ano. Sarili ko, hindi ko kilala. Maski kayong lahat, hindi ko makilala. Alam ninyo ba ang pakiramdam na ‘yon?”


Kinagat ko ang labi ko. “Jaylord...” Dalawang buwan. Parehas lang kaming nahirapan ng mga panahong ‘yon. Gusto kong hawakan ang kamay niya pero naunahan na naman ako ni Megan. Ibinaba ko na lang ang mga kamay ko sa hita ko.


Wala rin silang nagawa kundi ang sabihin ang nangyari ng araw na ‘yon. Ang araw ng kasal dapat namin ni Jaylord. Sina Chad, Khalil at Clay ang nagsabi. Tahimik lang si Jaylord na nakikinig. Pero nakita kong napatingin siya sakin ng banggitin nila Clay na ikakasal kami ng araw na ‘yon.


“Ikakasal tayo no’n?” gulat na tanong niya.


Sinikap kong ngumiti. “Yes.”


Saglit na kumunot ang noo niya na parang may iniisip. “You’re Elle?”


Nagulat ako. “How did you know my nickname? Yun ang tawag mo sakin.” Na siya lang ang tanging tumatawag sakin.


“May naalala ka na, Jaylord?” tanong ni Tito William sa kaniya.


Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin na parang natutuwa siya base na rin sa nakikita kong expression ng mga mata niya. Hindi ko rin maialis ang tingin sa kaniya kundi lang tumikhim sa Megan.


Napatingin tuloy ako sa kamay ni Jaylord na hawak pa rin ni Megan. At nakita ko kung paano niya bawiin ang kamay niyang hawak ni Megan sa ibabaw ng mesa.


‘Thank you.’ I mouthed at him. Wala man siyang maalala tungkol saming dalawa, naramdaman naman niyang ayoko ng nakikita ko. Na ayoko ng nakikita kong hawak ng iba ang kamay niya at wala man lang akong magawa.


Kumunot ang noo niya pero hindi na siya nagtanong pa. Tahimik na din siyang nakinig kina Khalil hanggang sa matapos sila. Ilang saglit ang lumipas ng magsalita na siya.


“Wala ring may alam kung bakit nasa warehouse ako ng araw na ‘yon?”


“Wala.” sagot ni Khalil.


“Wala ring may alam kung sino ang nagtangka sa buhay ko no’n?”


“Inaalam pa rin namin ‘yon.” sagot ni Chad.


“Hindi ninyo man lang inalam kung bangkay ko nga yung nakita ninyo?”


“You’re with that necklace, Jaylord.” sagot ni Clay.


“At because we respected your corpse, Jaylord. I mean that corpse we found that day, para isiping hindi ikaw ‘yon. At para ipa-DNA pa ‘yon.” Tito William added.


“Respect.” Napailing siya. “Ano bang mero’n sa necklace na ‘yon para isipin ninyong ako ang bangkay na nakita ninyo?” may diing sabi niya.


I felt my body stiffened when I heard him say that. ‘Ang necklace na ‘yon.’ Parang walang halaga sa kaniya ang necklace na binigay niya sakin. Napahawak ako sa necklace ko. Tiningnan ko siya. “Bigay mo—”


“Ako na, Ellaine.” pigil sakin ni Clay.


“Clay.”


Ngumiti siya. “Ako na.” He squeezed my hand na nakapatong sa ibabaw ng mesa.


Tumango na lang ako. Nang mapalingon ako kay Jaylord dahil bigla na lang siyang tumayo. Sakin siya nakatingin. Samin ni Clay. He looked frustrated of something.


“Tapos na kong kumain.” madiing sabi niya sabay talikod.


“Jaylord!” tawag ko sa kaniya. Kaniya-kaniya ding tawag ang grandparents niya sa kaniya. Tumayo si Megan at sinundan siya. No! Siya na naman! Tumayo na rin ako at sumunod sa kanila.


Inunahan ko na si Megan na makalapit kay Jaylord. Hinawakan ko ang braso niya. Huminto siya at matalim na tumingin sakin. “Are you really my fiancĂ©e?”


Nagulat ako sa tanong niya. “Jaylord. Ano bang—”


“O baka naman, niloloko mo lang ako.”


“What do you mean?”


“I don’t know. Wala nga akong maalala diba? Bakit ako ang tinatanong mo at hindi ang sarili mo?” He asked sarcastically. “May iba ka bang lalaki maliban sakin?”


Nangilid agad ang luha ko dahil sinabi niya. Bakit niya ko pinag-iisipan ng gano’n? Anong dahilan? Wala nga siyang maalala pero hindi niya dapat sinabi ang bagay na ‘yon. Huminga ako ng malalim.


“Gusto mong malaman?”


Natigilan siya. Pero saglit lang. “Oo naman. Para sa katulad kong may amnesia, dapat lang na sabihin mo sakin ang totoo.” may diing sabi niya. “Dapat nga ba kitang pagkatiwalaan, Ellaine?”


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Wala kang maalala. Pwes, ipapaalala ko sa’yo ang lahat-lahat. Bata pa lang tayo magkakilala na tayo at ikaw na ang kasama ko. When we were kids, you promised me na babantayan mo ko at po-protektahan. And you did, until we grow up. Halos ikaw lang ang naging kaibigan ko dahil natatakot silang makipag-kaibigan sakin. Alam mo kung bakit? Dahil sa’yo. Tinatakot mo sila. Pero okay lang sakin ‘yon basta ikaw ang kasama ko.”


“College tayo nang magkatampuhan tayo. Ilang buwan tayong hindi nagpansinan hanggang sa maging okay tayo. Debu ko ng magtapat ka sakin do’n sa hide out natin. Sinurprise mo pa nga ko no’n, eh. Graduation mo nung sinagot kita. Five years na tayong mag-on nang mag-propose ka sakin. Kagagaling mo lang sa ibang bansa no’n. Nagpanggap pa nga sina Clay na kinidnap nila ko, eh.”


“At itong necklace na ‘to. Mahalaga sakin ‘to. Bigay mo sakin ‘to nung gabing puntahan mo ko sa hotel bago ang kasal natin. Dalawa ‘to na pinagdikit mo lang. Ang sabi mo pa no’n, wag kong hubadin yung sakin dahil hindi mo rin huhubadin yung sa’yo. Tinupad ko ‘yon, Jaylord. At alam kong tutuparin mo rin ‘yon dahil never kang nag-break ng mga promises mo. Kaya wag mo silang sisihin kung inakala nilang ikaw yung bangkay na nakita sa warehouse na ‘yon dahil sa necklace na ‘to.”


“Hindi mo alam yung pinagdaanan ko. Hindi mo alam kung ga’no kasakit yung nangyari sakin. Sobrang sakit na ayoko ng magising dahil bawat araw na nagigising ko, nararamdaman ko yung sakit ng pagkawala mo. Ang sakit-sakit! To the point na ayoko nang mabuhay pa. To the point na pati ang mga taong nasa paligid ko nasasaktan na dahil sa nangyayari sakin.”


“Oo. Wala kang maalala. Pero hindi sapat ‘yon para sabihin mong may ibang lalaki ako! Dahil buong buhay ko, ikaw lang minahal ko! Nagpromise tayo sa isa’t isa na habang buhay tayong magsasama at ako lang ang mamahalin mo. The same with goes with me. Bakit ba kinalimutan mo ‘yon? Sa dami ng nakalimutan mo, bakit sinama mo pa ‘yon? Bakit—” Pak! Napahawak ako sa pisngi ko. Nakaramdam ako ng sakit.


Ilang beses akong napakurap. Para akong nagising dahil sa pagkakasampal sakin. Si Khalil ang may gawa no’n dahil nasa harap ko siya. “I’m sorry, Ellaine. I have to do that. Kung hindi ka pa titigil—”


“Tama na!”


Napatingin ako kay Jaylord dahil sa sigaw niya. Hawak niya ang ulo niya na parang nahihirapan siya.


“Jaylord...” Anong nangyari? Sumobra ba ko sa mga sinabi ko? Hindi ko napansin. Parang wala ko sa sarili ko kanina. Naramdaman kong basa ang pisngi ko. Umiiyak na pala ko habang nagsasalita kanina. Ni hindi ko man lang napansin. Ano bang nangyari sakin? Ano na naman bang ginawa ko? Bakit ba ko nag-break down ng gano’n?


Inakay na si Jaylord palayo nina Chad at Megan. Tiningnan pa ko ng matalim ni Megan. “It’s your fault. Pinasakit mo na naman ang ulo niya. You didn’t have to say all those stuff for him to remember. Are you that too desperate para maalala ka agad niya?” sabi niya. “Emotionally unstable.”


“Megan, stop it.” saway ng kung sino sa likuran ko. Pero alam ko kung kaninong boses ‘yon. Kay Lolo.


Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko. Si Lolo. Si Lola. Ang daddy ni Jaylord. “I-I’m sorry po...” Na sinabayan ko ng takbo papunta ng kwarto ko habang pinupunasan ang pisngi ko.


Ang tanga mo talaga, Ellaine! Ano bang ginawa mo? Pinairal mo ang emosyon mo sa halip na isipin mo ang kalagayan niya! Nakakainis!


= = = = = = = =


Sumilip ako sa labas ng kwarto ko. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Wala akong nakitang tao. Lumipad ang tingin ko sa kwartong nasa harap ko. I sighed.


Simula kaninang umaga. Simula nang mag-breakdown ako sa harap ni Jaylord, hindi na ko makalapit sa kaniya.


“It’s your fault. Pinasakit mo na naman ang ulo niya. You didn’t have to say all those stuff for him to remember. Are you that too desperate para maalala ka agad niya? Emotionally unstable.”


Sunod-sunod akong umiling ng maalala ko ang sinabi ni Megan kanina. Hindi totoo ‘yon. Hindi ako gano’n kadesperada. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko kanina. Hindi ko sinasadya ‘yon. Hindi talaga.


Pero dahil sa sinabi ni Megan, natatakot na kong lumapit kay Jaylord kanina. Baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko. Baka kung anu-ano na naman ang masabi ko.


At isa pa, ang sabi ni Lolo Ferdinand, hayaan daw muna namin si Jaylord ngayong araw. Sapat na daw ang mga nalaman niya mula kina Khalil kanina. Kaya ang nangyari, si Megan ang laging kasama niya simula kanina. Nakatingin lang ako mula sa malayo.


Ang weird noh? Fiancee niya ko pero ako pa ang nahihiyang lumapit sa kaniya. Ang hirap lang kasing pigilan ng sarili ko para hindi ko siya magawang yakapin ng mahigpit at sabihing miss na miss ko na siya, na mahal na mahal ko siya, na hindi ako iiyak kapag ginawa ko ‘yon. Wala siyang maalala. Magulo ang isip niya. Anong ire-react niya kapag ginawa ko ‘yon? Na gusto ko lang siyang yakapin buong maghapon. Paano ko sasabihin ‘yon?


Kaya nga hanggang tingin lang ako kanina sa kaniya dahil nirerendahan ko na ang sarili ko.


Pero ngayon lang ‘yon. Dahil bukas, sisimulan ko na ang misyon ko. Pipilitin kong isantabi ang emosyon ko para hindi na ko mag-breakdown katulad kanina.


Tiningnan ko ang watch ko. It’s almost ten o’clock in the evening. Humakbang ako palabas ng kwarto ko at lumapit sa kwarto ni Jaylord. Sinubukan kong buksan ang kwarto niya ng malaman kong naka-lock ‘yon. Nanlalatang humakbang ako paatras.


“Psst...”


Napalingon ako sa kanan ko. I saw Clay. He waved something he’s holding. Nakangiting lumapit siya sakin. Inabot niya sakin ang hawak niya.


“Paanong... Sa’n mo ‘to kinuha?”


He winked. “Ako pa! Naha-hack ko nga ang ibat-ibang website, ito pa kayang pagkuha nito?”


“Pero paano mong nalaman na pupuntahan ko siya sa kwarto niya?”


“Ikaw pa. Hindi mo siya malapitan maghapon, kaya alam kong gagawa ka ng paraan para malapitan siya ngayong gabi.”


“Thank you, Clay. And I’m sorry sa nangyari kanina.”


“Sorry na naman? Hindi mo sinasadya ‘yon, okay? Wag mong isipin ang mga sinabi ni Megan kanina dahil hindi niya alam ang nararamdaman mo. At lalong wag mong hayaang ibang tao ang nasa tabi ni Jaylord ngayong kailangan ka niya. Hindi man niya sabihin, ikaw ang kailangan niya. I saw it in his eyes nang malaman niyang fiancĂ©e ka niya. Wala pa kaming nabanggit tungkol sa’yo pero he knows that you’re Elle. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, but it’s for you to find out. Just be yourself, Ellaine. Alaala lang ang nawala sa kaniya, he’s still Jaylord.”


I smiled. “Thank you, Clay.”


Tinapik niya ang ulo ko. “Sweetdreams, Ellaine.” Pumasok na siya ng kwarto niya.


Ginamit ko naman ang susing ibinigay niya para buksan ang kwarto ni Jaylord. Dahan-dahan ang kilos ko hanggang sa makalapit ako sa kama niya. Umupo ako sa upuan.


Mahimbing na siyang natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagmasdan siya. Sana atakihin ako ng insomnia ko ngayong gabi.


Sana.


Para patuloy ko lang siyang pagmasdan at hindi siya mawala sa paningin ko.


Pero...


Nararamdaman ko naman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Wala pa akong matinong tulog this past few weeks.


Dahan-dahan akong yumuko sa gilid ng kama niya habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. “Goodnight, Jaylord.” I murmured.


But I will try not to fall asleep.

 = = =

1 comment:

  1. Sheeeeeeeeeems! Yung sampal ko kay Megan please.... pero inferview..wahahaha! me is kinkilig diteeeeeeeeey!! Hinawakan ni Clay yung kamay ko! Hinawakan niya! hahahaha! Omeged tapos tapos! nagseselos ba si Lordy koooooooo?11 Ghaaaaaaaaaaaaaaaaaaad

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^