CHAPTER
28
[ ELLAINE’s POV ]
Iminulat
ko ang mga mata ko. Mukha ni Jaylord ang una kong nakita. Tulog pa rin siya. At
ako ang laging unang nagigising sa kaniya. Just like this past few days.
“Goodmorning,
Jaylord.”
Binitiwan
ko ang kamay niyang hawak ko. Nag-inat ako mula sa pagkakaupo ko sa upuan. Grabe!
Nakakangawit kaya. For sure, hanggang mamaya na masakit ang likuran ko. Parang
kahapon lang.
Inayos
ko muna ang kumot na nakapatong kay Jaylord bago tumayo at lumabas ng kwarto
niya. Yes. Sa kwarto niya uli ako natulog kagabi.
Nakagawian
ko na ‘yon. Mukha namang hindi niya alam dahil wala siyang binabanggit sakin.
Sana. Knowing Jaylord, malakas ang pakiramdam niya tulog man siya o gising. Dati ‘yon nung wala siyang maalala. Hindi ko lang sigurado ngayon.
Pero
napapansin ko naman this past days na hindi nawala ‘yon. At wala naman siyang
binabanggit sa ginagawa kong pag-tulog dito sa kwarto niya kaya tahimik na lang
din ako.
“Again?”
Napalingon
ako sa kaliwa ko. Si Megan. And yes, dito rin siya nag-i-stay sa mansion
katulad ko. Nakahalukipkip siya at nakataas ang kilay habang nakatingin sakin.
“Yes. Again. Bakit
ganyan ka makatingin? Masama bang matulog sa kwarto niya?”
Mas lalong tumaas ang kilay niya. “Baka hipan ng hangin ‘yang kilay mo, Megan, ikaw rin.
Ang pangit tingnan no’n.”
Binaba
naman niya ang kilay niya. “For sure, pasasakitin mo na naman ang ulo ni Jaylord
ngayong araw. Just what like happened yesterday, the other day and other-other
day.”
Kahapon
kasi, magkasama kami ni Clay nang tawagin ako ni Jaylord na kasama naman si
Megan. Walang emosyon ang mukha ni Jaylord at wala rin siyang binanggit nang
tungkol sa nangyari nung nakaraang araw. Nagpa-kwento lang siya ng tungkol sa
buhay niya ng biglang sumakit ang ulo niya.
“Dapat nga hindi ka
na dumikit sa kaniya.” dagdag ni Megan.
Naalala
ko ang sinabi ni Clay the other day.
”Wag mong isipin ang
mga sinabi ni Megan kanina dahil hindi niya alam ang nararamdaman mo. At lalong
wag mong hayaang ibang tao ang nasa tabi ni Jaylord ngayong kailangan ka niya.”
“It’s normal, Megan.
Ibig lang sabihin no’n, may naaalala siya. We should be happy, right? And
besides, I’m his fiancée, remember?”
“Yes, you’re his
fiancée but I’m the one whom he trust. How ironic.”
“Yes, how ironic.
May tiwala nga siya sa’yo pero ako naman ang kailangan niya.”
Sumama
ang timpla ng mukha niya. Humakbang siya palapit sakin. “Why don’t you just leave him, Ellaine?
Tutal naman, nandyan si Clay.”
Kumunot
ang noo ko. “What
are you talking about?”
“That you and Clay
have something romantic—”
“Stop it!”
pigil ko sa sasabihin pa niya. “Are you out of your mind? Clay is my friend.”
madiing sabi ko. Nababaliw na ba siya para pag-isipang may relasyon kami ni
Clay? Grabe ‘tong babaeng ‘to mag-isip!
“Clay is you’re
friend. Yun ba talaga ang totoo?”
Napalingon
ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses na ‘yon. “Jaylord? Kanina ka pa dyan?” Gising
na agad siya? Parang kalalabas ko lang ng kwarto niya, ah.
“Answer me.
Magkaibigan lang ba talaga kayo ni Clay?” tanong niya
habang seryosong nakatingin sakin.
Kinuyom
ko ang kamao. Eto na naman kaming dalawa. Chilax lang, Ellaine, okay? Chilax. Nilingon
ko si Megan na nakangisi sakin. Sinadya niyang itanong ‘yon sakin dahil nakita
niya si Jaylord sa likuran ko!
“Ellaine, tinatanong
kita.”
Ellaine.
Gusto kong tawagin niya kong ‘Elle’ pero hindi ko naman pwedeng utusan siyang
‘yon ang itawag niya sakin.
Huminga
ako ng malalim bago siya tingnan. Unti-unti akong napangiti ng may marealize
ako. Tama! Bakit hindi ko napansin ‘yon? Kaya nagbago ang timpla niya nung
kumakain kami ng almusal nung isang araw dahil... “Are you jealous?”
“What?”
“You’re jealous.”
“Nagtatanong lang
ako.”
“Hangga’t hindi mo
sinasabing nagseselos ka, hindi ko sasagutin ang tanong mo.”
“Wala kang
makukuhang sagot sakin.”
Nginitian
ko siya. “Wala
ka ring makukuhang sagot sakin. Kaya kung ako sa’yo, sabihin mo munang
nagseselos ka.”
“Ganyan ka ba talaga
kakulit?”
“Yes.”
Tumingkayad ako at inabot ang pisngi niya at hinalikan ‘yon. Halatang nagulat
siya base sa pagkakatingin niya sakin. Maski ako, nagulat din.
This
is the first time na ginawa ko ‘yon sa kaniya simula nang bumalik siya samin.
Ni hindi ko na siya magawang yakapin at halikan dahil baka mabigla lang siya
kapag ginawa ko ‘yon nang walang paalam. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko
ngayon dahil sa realization na nagseselos siya.
I
cleared my throat. “It was just a goodmorning kiss, Jaylord. Bakit parang
nagulat ka?”
Tumikhim
siya. “I’m
not.” Nagulat ako ng hilahin niya ang braso ko para mapalapit ako sa
kaniya.
“Gano’n ba talaga mag-goodmorning kiss ang fiancée ko?” Inilapit niya
ang mukha niya sakin. Napatingin ako sa labi niya. At napalunok.
Nang
bigla akong napalingon sa kwartong nasa tabi ni Jaylord dahil sa malakas na
pagbagsak ng pintuan. Wala na si Megan sa gilid namin kaya malamang siya ang
may gawa no’n.
“Ellaine.”
Bumalik
ang tingin ko kay Jaylord nang tawagin niya ko.
“Can you give your
fiancé a real kiss?”
“No.”
Halatang
nagulat siya sa sagot ko pero bumalik din agad ang kawalang ekspresyon ng mukha
niya. “Why?
Because of him?”
“Because of you,
Jaylord. Kung hahalikan mo ko, gusto kong kilala na ko ng isip at puso mo.”
Pinagmasdan ko ang mukha niya. “Kung alam mo lang ang gusto kong gawin
sa’yo ng mga oras na ‘to...”
Umatras
na ako palayo sa kaniya bago ko pa magawa ang nasa isip ko. Ang yakapin siya ng
mahigpit na mahigpit at sabihing miss na miss ko na siya. Dahil oras na gawin
ko ‘yon, alam kong hindi ko mapipigilan ang luha ko.
“Anong gusto mong
gawin?” tanong niya.
“Bilisan ninyo ngang
dalawa!”
Hindi
ko na siya nasagot dahil sa malakas na boses na ‘yon na nagmula kay Clay na
kalalabas lang ng kwarto niya. Kasunod niya sina Chad at Khalil.
“Ano ka ba, Clay?
Umagang-umaga ang ingay mo.”
“Inaantok pa ko, eh.
Nanggigising ka kaagad.”
“Ano ba kayong
dalawa? May kailangan pa kayong gawin, okay.” Napalingon si
Clay sa gawi namin. “Gising na din pala kayo! Goodmorning, Ellaine!
Goodmorning, Lordy!”
Nag-goodmorning
din yung dalawa.
“Don’t call me,
Lordy.” masungit na sabi ni Jaylord.
“Okay, Lordy. Hi,
Ellaine! Ang ganda mo talaga sa umaga. Sana—” Hindi na niya
naituloy ang sasabihin niya dahil hinila na siya nina Chad at Khalil palayo.
“Clay, pare, wag
mong istorbohin ang lovebirds.”
“Hindi naman sila ibon,
Khalil.”
“Ang dae mong alam.
Gutom lang ‘yan.”
“Oo. At ikaw ang
kakainin ko, Chad.”
Napailing
na lang ako habang pinagmamasdan sila palayo. Umagang-umaga, ang tataas ng
energy.
“Ganyan ba talaga
sila kagulo? Nakakainis.”
Napalingon
ako kay Jaylord sa sinabi niyang ‘yon habang nakatingin sa tatlo.
I
cleared my throat. “Maligo ka na. Kakain pa tayo at marami pa tayong
pagku-kwentuhan mamaya.”
Tumingin
siya sakin. Pinagmasdan niya ko na parang may nakita siyang mali sa mukha ko.
“B-bakit?”
“May muta ka pa.
Ganyan ba ang maganda sa umaga?”
“Hah?”
Napahawak ako sa magkabilang mata ko para kapain ang sinasabi niyang muta ko
daw. “Wala
naman, ah.” Nagtanggal na kaya ako ng muta bago ako lumabas ng
kwarto niya.
“Lagi ka bang
sinasabihan ng gano’n ni Clay, hah?”
“Hah?” Ano
daw?
“Puro hah na lang ba
ang sasabihin mo?” inis na tanong niya. Hindi na ko
nakasagot dahil mabilis na niyang nabuksan ang pintuan ng kwarto at pabalibag
na isinara ang pintuan.
Napangiwi
na lang ako sa lakas no’n.
Mas
lalo siyang lumala ngayon.
=
= = = = = = =
Hapon.
“Bulaga!”
“Ay kabayo!”
Impit akong napatili sabay lingon sa likuran ko. “Clay naman!”
“Nagulat ka ba?”
natatawang tanong niya.
“Hindi halata.”
Bumunot ako ng damo at ibinato sa kaniya. Nandito ako sa likod ng mansion. Sa
garden.
Umupo
siya sa gilid ko. “Where’s Jaylord?”
“Sumakit ang ulo
niya.” Kinuwento ko sa kaniya yung college life naming
dalawa kanina ng sumakit na naman ulo niya. Lagi namang gano’n tuwing
nagkukuwento ako.
“Sumakit ang ulo
niya kaya iniwan mo siya.”
“Nakatulog siya kaya
iniwan ko muna siya. Gusto ko pa sanang mag-stay sa kwarto niya, kaya lang baka
makatulog ako.” Humikab
ako.
“Natutulog ka pa
ba?”
“Oo naman.”
Tumuwid ako ng upo at nag-inat. “Nakakangawit nga lang matulog sa upuan. Ilang araw na
kong gano’n.”
“Bakit kasi ayaw
mong matulog sa tabi niya?”
“Ano ka? Ano na lang
ang sasabihin niya kung magising siyang katabi niya ko? Baka mag-histerical
‘yon. Buti sana kung may naaalala siya, baka hinarass ko na siya.”
natatawang sabi ko.
“I’m glad na
nakakangiti ka na ngayon. Simula ng makita mo si Jaylord, bumalik na ang sigla
mo. Tuwing kausap mo siya, hindi mawala-wala ang ngiti mo.”
“Yeah. Kahit
napaka-moody niya tuwing kausap ko siya. And you’re right. Kahit wala siyang
maalala, siya pa rin si Jaylord. That poker face, that masungit and suplado
look. Hindi pa rin nawawala. Parang lumala pa nga. At naiintindihan ko kung
bakit. Mahirap ang sitwasyon niya na wala siyang maalala.”
Tumingala ako sa langit at napangiti. Pumikit pa ko ng umihip ang hangin.
Wala
ngang maalala si Jaylord. At hindi ko man alam kung buo na ang tiwala niya
sakin, hindi na mahalaga ‘yon. Basta nararamdaman kong kailangan niya ko sa
tabi niya. Oo. Nararamdaman ko ‘yon sa kabila ng kasungitan at kalamigang
ipinapakita niya minsan sakin.
“Gusto mo ng masahe,
Ellaine?”
Napalingon
ako kay Clay. Iginagalaw-galaw niya ang mga daliri niya. Napatayo ako mula sa
pagkakaupo ko sa damuhan nang malamang hindi masahe ang ibibigay niya.
“Don’t you dare.”
banta ko sa kaniya. Humakbang ako paatras.
Humakbang
siya palapit. “Nandyan
na ko, Ellaine.” nakangising sabi niya. Sinundot niya ang tagiliran
ko. Ng isa pa. Ng isa pa. Ng isa pa.
“Clay!”
Natatawang humakbang ako paatras. Anong trip ng lalaking ‘to?
“Nandyan na ko!”
“Isa lang, babatukan
na—ay!” May kung anong nabangga ako sa likuran ko. At
hindi ‘yon bato o puno. Ramdam kong tao ‘yon. Lumingon ako sa likuran ko. Hindi
maipinta ang mukha ng taong nakita ko habang nakatingin siya unahan niya.
“Gising ka na pala.”
“Oo.”
malamig niyang sagot sakin. Dahan-dahan siyang tumingin sakin. At kung tingnan
niya ko, parang may nagawa na naman akong mali. Oh! Naabutan niya kaming dalawa
ni Clay! Iniisip na naman niyang...
Lumingon
ako kay Clay. Pinanlakihan ko siya ng mata. Magpaliwanag
ka sa kaniyang bruho ka! Sigaw ko sa isip ko.
“I’m out of here.
May gagawin pa ako. Bye, Lordy!”
“Don’t talk to me.
And don’t call me that way.”
may
diing sabi ni Jaylord nang tingnan niya si Clay.
Lumapit
naman si Clay kay Jaylord at may kung anong ibinulong. Umatras din agad siya. “Bye, Ellaine!
See you around!” Wala na kong nagawa dahil mabilis na siyang
umeskapo.
Mahabang
katahimikan ang namagitan samin ni Jaylord. Nakatingin siya sakin. Nakatingin
din ako sa kaniya. Masama pa rin ang timpla ng mukha niya.
“Ano ba talagang
gagawin ko sa’yo?”
“Jaylord...”
“Ano nga bang dapat
kong isipin sa inyo ni Clay? Alam mo bang sa sitwasyon ko ngayon, mahalaga
sakin ang salitang tiwala. I wanted to trust you, Ellaine. Pero sa pinapakita
mo, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong paniwalaan. Ang nararamdaman ko o
ang nakikita ng mga mata ko.”
“You’re the only
man—” Hinawakan niya ang
braso ko.
“Don’t say that.”
madiing sabi niya. “Dahil ba wala akong maalala, kaya pinapaikot ninyo ko?”
“Hindi totoo ‘yan!
Bakit ba ayaw mong maniwala sakin?”
“Kung alam mo lang
ang nararamdaman ko kapag nasa tabi kita. At dahil sa pesteng pakiramdam na
‘to, wala na nga akong maalala, pinagmumukha mo pa kong tanga!”
“Jaylord naman...”
Nangilid ang gilid ng mga mata ko.
Binitiwan
niya ang braso ko. “From now on, you’re not my fiancée, Ellaine. Not even my
girlfriend. Wala tayong relasyon maliban sa kailangan lang kita para maalala
ang dapat kong maalala. Yun lang.”
Tinakpan
ko ang tenga ko kasabay ng pagpikit ng mga mata ko. “No! Iisipin ko na lang na hindi ko narinig
ang mga sinabi mo kahit rinig na rinig ko...” At bago pa niya makita
ang pagpatak ng luha ko, tumakbo na ko palayo sa kaniya.
“Wala tayong
relasyon maliban sa kailangan lang kita para maalala ang dapat kong maalala.
Yun lang.”
Pinunasan
ko ang pisngi ko.
He
didn’t mean it.
Kaya
kailangan ko siyang intindihin.
Kahit
masakit.
=
= =
Shet! Oaky fine! Kay Ckay nalang ako! Siya naman tlga gusto ko..AHAHAHAHHAHA
ReplyDeleteJeez.. I really like Clay's part. And how he becomes an instrument para magselos si Jaylord. Nakakakilig!! :))
ReplyDelete