CHAPTER
29
[ JAYLORD’s POV ]
Iminulat
ko ang mga mata ko. At gaya ng nakalipas na araw, mukha niya uli ang nakita ko.
Mukha ni Ellaine. Hawak niya ang kamay ko habang nakaupo siya sa upuan at
nakayukyok ang ulo sa gilid ng kinahihigaan ko. Mahimbing siyang natutulog.
Oo.
Simula ng dumating ako sa mansion na ‘to, dito siya natutulog sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ‘yon. Dahil kahit anong sungit ko sa
kaniya nitong nakalipas na araw, hindi pa rin pumapalya ang pagtulog niya dito.
Parang
nasanay na nga kong siya ang nakikita ko sa bawat paggising ko sa umaga.
“Hmm...”
Ipinikit
ko agad ang mga mata ko ng maramdaman kong magigising na siya. Hindi niya alam
na mas nauuna akong nagigising sa kaniya. Hindi niya alam na alam kong dito
siya natutulog sa kwarto ko.
“Goodmorning,
Jaylord.” Narinig kong pagbati niya. Yun ang lagi kong
naririnig mula sa kaniya tuwing magigising siya.
Maya-maya
ay naramdaman ko ang pagtayo niya at pag-ayos niya sa kumot ko. Gusto kong
dumilat. Gusto ko siyang makita. Pero nang maalala ko ang nangyari kahapon sa
pagitan naming dalawa, nanatiling nakapikit ang mga mata ko.
Hanggang
sa marinig ko ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko, saka lang ako dumilat.
Tinitigan ko ang kisame. Mukha niya ang nakikita ko. I sighed.
=
= = = = = = =
Nagkasabay
kami ni Ellaine sa paglabas ng mga kwarto namin. Nagtama ang mga mata namin.
Mukha siyang walang tulog sa itsura niya pero nagawa pa rin niyang ngumiti.
Ngumiti pagkatapos nang nangyari sa pagitan naming dalawa kahapon na parang
wala kong sinabi sa kaniya.
“Goodmorning,
Jaylord.”
Ito
na naman ang pakiramdam na ‘to. Ang pakiramdam na gusto ko siyang ikulong sa
mga bisig ko. Tuwing nakikita ko siya, ito lagi ang nararamdaman ko.
“Jaylord, are you
still mad at me?”
Hindi
ako sumagot. Oo. Tuwing nakikita ko siyang kasama si Clay, kumukulo ang dugo
ko. Unang araw ko pa lang dito, napansin ko nang malapit silang dalawa ni Clay
sa isa’t isa. At ang sabi sakin ni Megan, close daw talaga ang dalawa noon pa
man. Hindi lang kay Clay, pati na rin kina Khalil at Chad.
Pero
iba ang closeness nila ni Clay. May kakaiba.
Kailangan
pa bang may hawak-kamay pa? Kailangan pa bang mag-nginitian pa sila sa mismong harap
ko pa? Kailangan bang laging nakadikit si Clay sa kaniya tuwing hindi niya ko
kasama dito sa mansion? Kailangan pa bang magharutan sila kapag nakatalikod
ako? Bwisit! Gano’n ba talaga sila bago pa ako mawalan ng alaala? Bwisit
talaga!
“Galit ka pa nga.
Halata sa mukha mo.”
Napakurap
ako. Saka ko lang naramdamang magkasalubong na pala ang mga kilay ko habang nakakuyom
ang kamay ko.
“Sa totoo lang,
dapat din akong magalit sa’yo dahil sa mga sinabi mo kahapon sakin. Pero
naiintindihan ko naman. Just like what I told you yesterday, iisipin ko na lang
na hindi ko narinig ang mga sinabi mo. I’m still your fiancée, Jaylord. Kahit
masakit yung sinabi mong kailangan mo lang ako para makaalala ka, then fine.
Dahil oras na bumalik ang buong alaala mo, gaganti ako sa’yo. One month mo uli akong
liligawan. Deal?”
I
sighed. “Ganyan
ka ba talaga?”
Ngumiti
siya. “Yap.
Ganito talaga ako kung anuman yung tinutukoy mo.” Sumeryoso ang
mukha niya. “I
miss you.” She whispered na umabot sa pandinig ko. Pagkatapos nun ay
ngumiti na uli siya. “Mag-breakfast na tayo. Let’s go.” Tumalikod
na siya.
“Bakit ba gusto mo
nang bumalik ang alaala ko? Dahil gusto mo nang maalala kita?”
Napalingon
siya sakin. “Dahil
sa’yo. Ikaw lang ang nakakaalam kung sinong nagtatangka sa buhay mo. Kaya as
soon as possible, kailangan nang bumalik ng buong alaala mo.” Tuluyan
na siyang humarap uli sakin. “Tuwing nagku-kwento ako ng tungkol sa buhay mo,
sumasakit ang ulo mo.”
Tama
siya. Dahil may mga malabong alaalang sumasagi sa isip ko. At sa pagpupumilit
kong alalahaning mabuti ang mga alaalang ‘yon, kumikirot ang ulo.
“Ano na bang
naaalala mo? Malabo pa rin ba?”
Sa
totoo lang, siya ang laman ng mga malalabong alaala na ‘yon. Hindi ko man
makita ang mukha niya, ramdam kong siya ‘yon.
At
‘yon ang dahilan kung bakit naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kaniya.
Hindi pa man bumabalik ang buong alaala ko, ramdam ko na gusto ko siyang
protektahan ng buhay ko. Na hindi ko na kailangang kilalanin siya para
pagkatiwalaan siya.
At
sa tuwing kasama niya si Clay, ang mga sinasabi sakin ni Megan sakin tungkol sa
dalawa. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong paniwalaan. Ang nararamdaman ko o ang nakikita ko?
Para
sa katulad kong walang matinong alaala. Para sa katulad kong ang daming
pinagdaanan matapos kong magising na walang maalala. Para sa katulad kong hindi
alam kung sino ang nagtatangka sa buhay ko.
Ang
hirap.
Sobrang
hirap.
“Jaylord.”
Napatingin
ako kay Ellaine.
“Okay ka lang?”
nag-aalalang tanong niya.
Pinagmasdan
ko ang mukha niya. Anong oras ba siya natutulog? Kasalanan ko ba kung bakit
hindi siya makatulog? “Sa ating dalawa, sino ba ang mukhang hindi okay?”
“Hah?”
Humakbang
ako palapit sa kaniya. “Kumain na tayo.” Hinawakan ko ang kamay niya
at hinila na siya dahil para siyang tuod sa kinatatayuan niya.
=
= =
[ ELLAINE’s POV ]
Nandito
ako sa verandah.
“Ellaine.”
Napalingon
ako sa likuran ko. Papalapit si Clay sakin. “Clay, nakuha mo na yung pinapakuha ko?”
Umupo
siya sa katapat kong upuan. “Ako pa.” Inilabas niya mula sa likuran niya
ang isang photo album. Sa bahay pa niya kinuha ‘yon. Nagdahilan na lang siya
kay mama na pinapakuha ko. Hanggang ngayon, walang alam si mama tungkol kay
Jaylord.
“Thank you, Clay.”
Binuklat ko ang photo album.
“Where’s Jaylord?”
“Kausap ni Lolo
Ferdinand sa study room.”
“Bakit hindi ka
kasama?”
I
sighed. “May
importante daw siyang itatanong kay Lolo.”
“Okay ka lang?”
Umangat
ang tingin ko sa kaniya. “Oo naman.”
“Bakit parang
pumuputla ka lalo?”
Napahawak
ako sa pisngi ko. “Blush on lang ang katapat niyan.” Binalik ko
ang tingin sa photo album. “Nasa’n nga pala sina Khalil?”
“Nasa tabi-tabi lang
at pakalat-kalat. Si Megan?”
I
sighed. “K-kasama
niya.”
“Hindi ba’t sinabi
ko na sa’yong wag mong iiwan si Lordy?”
“I know.”
Isinara ko ang photo album at sumandal sa kinauupuan ko.
“Nag-away ba kayo
kahapon?”
“Hindi.”
“Ows?”
“Hindi nga.”
Hindi niya kailangang malamang pinagseselosan siya ni Jaylord. Kung selos nga
ba ang tawag do’n.
Pero
kaninang umaga... Napatingin ako sa kamay kong hinawakan ni Jaylord kanina. Ngayon
lang niya hinawakan ang kamay ko na siya nag initiate. Nabigla ako kaya para
akong tuod kanina kung hindi niya lang ako hinila.
“Sorry pero
kailangan kong gawin ‘yon.”
“Anong kailangang
gawin?”
Bakit
parang may ibang meaning ang sinabi niya?
Ngumiti
siya. “Kailangan
kong umalis kahapon at iwan kang ginigisa ni Lordy.”
“Okay lang. Sanay
naman ako. Parang dati naman niyang ginagawa ‘yon sakin bago pa siya
magka-amnesia.”
Tumingala
ako sa langit. “Pero
yung huling sinabi niya sakin kahapon...”
“From now on, you’re
not my fiancée, Ellaine. Not even my girlfriend. Wala tayong relasyon maliban sa
kailangan lang kita para maalala ang dapat kong maalala. Yun lang.”
Sinadya
niya man ‘yon o hindi, masakit pa ring marinig. Para niya kong binalibag mula sa
mataas na floor ng building.
Nangilid
ang gilid ng mga mata ko. “Ayokong maging selfish, Clay, pero gusto ko ng maalala
niya ko bilang ako. Bilang si Elle.” Para bawiin niya ang mga sinabi
niyang ‘yon. “Gustong-gusto
ko na siyang yakapin.”
“Ellaine...”
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
“Miss na miss ko na
siya, Clay...”
Matagal
na katahimikan ang dumaan bago siya nagsalita.
“Hayaan mo na lang
kaya siya kay Megan? Maghanap ka na lang iba! Tutal naman lagi ka niyang
sinusungitan! May amnesia man siya o wala!”
Napangiwi
ako sa lakas ng boses niya. “Kailangang sumigaw, Clay? Nandito lang naman ako sa
harap mo. At bakit hahayaan—” May umagaw ng kamay kong hawak ni
Clay. Napalingon ako sa likuran ko. “Jaylord?” Ang sama ng tingin niya kay...
Hindi ko na kailangang alamin kung kanino.
Again?
Parang kahapon lang ‘to, ah.
“At bakit hahayaan
niya ko kay Megan, Clay? Sino ka ba para sabihin ‘yon sa kaniya?”
madiing tanong ni Jaylord. “I’m her fiancé, not you.”
“Hindi ba ang sabi
mo kahapon, wala na kayong relasyon. Tinapos mo na diba?”
Humarang
ako sa pagitan nila dahil baka magtagpo pa ang mga kamao nila. “Tama na, okay.
Hindi ninyo naman—wait!” Napatingin ako kay Clay ng marealize ang
sinabi niya. “You
heard it?”
Nag-peace
sign lang siya bilang sagot. “Wala na kayong dalawa, Ellaine. Dapat siguro umuwi ka na
sa inyo. O kaya ituloy mo na lang ang pagpunta mo sa Korea. Kung kailangan ka
lang naman niya para sa alaala niya, nandito naman kami. Nandyan naman si
Megan. Nahirapan ka nung mawala siya satin, bumalik nga siya, nahihirapan ka pa
din. Tingnan mo nga ‘yang sarili mo, natutulog ka pa ba? And remember what I
told you yesterday, Lordy? Mawawala siya sa’yo.”
Hindi
ako sumagot. Hinintay ko lang na magsalita si Jaylord sa tabi ko pero wala
siyang sinabi. Wala man lang siyang sinabi.
Pinilit
kong ngumiti kahit nagtutubig na naman ang mga mata ko. “Masyado ka namang serious, Clay. Hindi
bagay sa’yo. Ang weird mo ngayon, ah. Bakit naman ako aalis dito? Hindi lang
dahil kailangan ako ni Jaylord kaya ako nandito. I need him, too. Alam ninyo
‘yan. Mas mahihirapan ako kung wala siya—ay!” Impit akong napatili nang
bigla na lang akong buhatin ni Jaylord na parang sako ng bigas.
“You!”
“Because I’m your
friend, Lordy.”
“Hindi pa tayo
tapos.”
“Yes, Lordy.”
“Wala nga akong
maalala. But one thing’s for sure. She’s my Elle.”
=
= =
"She's my Elle" -- ghaaaaaaaaaaaad! lahat ng pagtataksil ko kay Lordy nawalang lahat dahil sa linya nayan...grabe lang! Seryoso! Mahal tlga kita Lordy! Sobra! Wagas! Walang bawian ,promise!
ReplyDeleteHahaha! Parang kanina lang eh, hahaha! From now on, no more Clay na!!! Hahahaha!
ReplyDeleteNo! Please not 'no more Clay' I still like him. Wala lang, maganda ang timpla niya sa kwentong ito.
DeleteHello po...What beshie aiesha said " no more clay" para sa kin siya/// haha! Pinagnanasaan ko kasi si Clay at ngayon loyal na ako kay Lordy ulit kaya more lordy..ahaha
DeleteSheteng malandi!! Ako na kinikilig kay Jaylord. Ghad, humahagikhik ako mag-isa dito, para na akong baliw. Hahaha, nakakakilig talaga!!
ReplyDelete