Sunday, August 11, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 30



CHAPTER 30

[ JAYLORD’s POV ]


Kakatok na sana ako sa pintuan ng study room nang huminto ako at nilingon si Megan.   

“Megan.”


Ngumiti siya. “Yes?”


“Kakausapin ko si Lolo.”


“Then talk to him. No one’s stopping you, Jaylord.”


“Then stay here.” Binuksan ko ang pintuan.


“Can I come inside?”


“No.” Pumasok na ko at iniwan siya sa labas. Naabutan ko si Lolo sa harap ng table niya at may hawak na mga papel. Umangat ang tingin niya sakin.


Ngumiti siya. “Jaylord.” Akmang tatayo siya nang pigilan ko siya.


“Ituloy ninyo lang po ang ginagawa ninyo.” Lumapit ako sa bookshelves at pinasadahan ng tingin ang mga librong nando’n.


“Pasensya na kung hindi kita masyadong masamahan dito sa mansion. I really wanted to. Marami lang trabaho sa office.”


Napalingon ako sa kaniya. Nasa mga papel na hawak niya ang atensyon niya. Si Lolo ang President and CEO ng Nevarez Pharmaceutical Company. Bago nangyari ang aksidente sakin, nalaman kong nagta-trabaho ako sa marketing department bilang marketing head. At sakin ipapasa ang posisyon.


Ewan ko. Pero ngayong tinitingnan ko siya, naiinis ako sa sarili ko. Hindi na dapat nagta-trabaho si lolo. Sa edad niya, dapat nagpapahinga na siya. Kung may naaalala lang sana ako.


“May problema ba, apo?” hindi umaangat ang tingin na tanong ni lolo. “Masakit ba ang ulo mo? Gusto mong tawagan ko si Doctor Alejandro?”


“Nandito na po siya kahapon.” Kumuha ako ng isang libro. Binuklat ko’yon. “Close po ba tayo dati?”


“Na-kwento na ba sa’yo ni Ellaine?”


“Yesterday.” After my college graduation, five years ago ‘yon, saka sila lumitaw ni lola sa buhay ko. Two years bago nangyari ‘yon, namatay ang mama ko at lumitaw naman si daddy.


Hindi ko na nalaman ang dahilan ng mga pangyayaring ‘yon dahil sumakit na ang ulo ko kahapon. Nagpahinga lang ako sa kwarto ko na kasama si Ellaine nang tuluyan akong makatulog. At sa pagmulat ng mata ko, wala na si Ellaine sa kwarto. Nang hinanap ko siya, itinuro ako ni Megan sa garden. At ang nakakainis na eksena kahapon ang nakita ko.


“Lolo, gaano ninyo kilala sina Chad?”


“College pa lang kayo, magkakasama na kayo. Para na kayong magkakapatid. Nasabi na ba sa’yo ni Ellaine na member ka ng frat dati?”


“Yes.”


“Nang maka-graduate ka, naging magulo ang buhay ng tatlo. Kabi-kabilang away. Ni hindi nila natapos ang pag-aaral nila. At ikaw ang dahilan kung bakit napunta sila sa NPC. Nagbago sila dahil sa’yo, apo.”


Napalingon ako sa kaniya. Nasa akin na ang atensyon niya. Hindi ko alam ang bagay na ‘yon. Wala pang sinasabi si Ellaine. “Makukulit sila pero mabubuti silang tao sa kabila ng naging nakaraan nila.”


Ibinalik ko ang atensyon ko sa librong hawak ko. “Paano ho sila makitungo kay Ellaine?”


“Mabuti silang kaibigan.”


“Gaano po sila ka-close kay Ellaine?”


“Para na nilang kapatid si Ellaine. Parang—Teka lang. Sa’n ba patungo ang usapan natin, apo?”


Nilingon ko siya. “Gusto ko lang pong malaman kung gaano sila ka-close kay Ellaine.”


Unti-unti siyang ngumiti. “Nagseselos ka ba, apo?”


Umiwas ako ng tingin. “Hindi po. Wala po akong maalala tungkol kay Ellaine kaya bakit po ako makakaramdam ng selos?” I lied. Mero’n akong malabong alaala tungkol sa kaniya. At totoo nga bang hindi ako nagseselos?


“Kailangan bang may maalala ka muna bago ka makaramdam? Hindi sa lahat ng pagkakataon nagtutugma ang isip at puso ng isang tao. Alaala ang nawala sa’yo. Hindi ang nilalaman ng puso mo. At lalong wala tayong gamot sa selos, apo.”


I sighed. Binitiwan ko ang librong hawak ko. At nilingon siya. “Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, anong gagawin ninyo? Paniwalaan ang nararamdam ninyo o ang nakikita mismo ng mga mata ninyo?”


“May kasabihan tayong ‘to see is to believe.’ Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan nating paniwalaan ang mga nakikita natin. Minsan dinadaya din tayo ng sarili nating mga mata. Malakas ang pakiramdam mo. Halos sa lahat ng bagay sa paligid mo. Wag mong sabihing nawala rin ang bagay na ‘yon sa ‘yo?”


Umiling ako. “Malakas pa rin ang pakiramdam ko.”


Ngumiti siya. “I still remember that you called her Elle before. Kasama ba ‘yon sa pakiramdam mo na gano’n ang tawag mo sa kaniya?”


= = = = = = = =


Nasa labas pa rin si Megan pagkalabas ko ng study room. “You’re still here?”


“Yes.”


Nakangiting kumapit siya sa braso ko habang naglalakad kami. Hindi ko na lang pinansin ‘yon.


“Anong pinag-usapan ninyo ng lolo mo?” maya-maya ay tanong niya.


“Nothing.” Iniba ko na lang ang topic. “Okay lang ba sa parents mo na nandito ka sa mansion?”


“They don’t know that I’m here. It’s our secret, right? Sanay naman ang parents ko that I’m always out of the town or even out of the country. Hindi ako sanay na nakakulong in one place. This is the first time. And that’s because of you, Jaylord.”


Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Lagi siyang nakadikit sakin dito sa mansion. Masyado lang ba akong paranoid? “Gaano tayo ka-close dati, Megan?”


“Super close. Kasing close nila.” May itinuro siya.


Sinundan ko ang tinuturo niya. Nagsalubong agad ang mga kilay ko. Nasa verandah si Clay at Ellaine. Bahagyang nakatalikod sa gawi ko si Ellaine. At hawak ni Clay ang kamay ni Ellaine!


“I told you, Jaylord. They’re super close. I was thinking if they’re really just friends. What do you think? I think they’re not. Just look at them. Just look how—“


Humakbang ako palapit sa dalawa.


“Jaylord!”


“Stay there, Megan.”


“Hayaan mo na lang kaya siya kay Megan? Maghanap ka na lang iba! Tutal naman lagi ka niyang sinusungitan! May amnesia man siya o wala!”


Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Talagang nilakasan niya pa para iparinig sakin! Naghahanap ba siya ng sakit ng katawan?


“Kailangang sumigaw, Clay? Nandito lang naman ako sa harap mo. At bakit hahayaan—” Kinuha ko ang kamay ni Ellaine na hawak ni Clay kaya natigil siya sa litanya niya. Napalingon siya sakin. “Jaylord?”


Masama ang tinging ibinigay ko kay Clay. “At bakit hahayaan niya ko kay Megan, Clay? Sino ka ba para sabihin ‘yon sa kaniya?” madiing tanong ko sa kaniya. “I’m her fiancé, not you.”


“Hindi ba ang sabi mo kahapon, wala na kayong relasyon. Tinapos mo na diba?”


Tama nga ako. Hindi siya tuluyang umalis kahapon. Narinig niya ang mga sinabi ko. Pero ano bang gusto niyang palabasin?


Humarang sa pagitan namin si Ellaine. “Tama na, okay. Hindi ninyo naman—wait!” Bigla siyang napatingin kay Clay. “You heard it?”


Nag-peace sign lang si Clay. “Wala na kayong dalawa, Ellaine. Dapat siguro umuwi ka na sa inyo. O kaya ituloy mo na lang ang pagpunta mo sa Korea. Kung kailangan ka lang naman niya para sa alaala niya, nandito naman kami. Nandyan naman si Megan. Nahirapan ka nung mawala siya satin, bumalik nga siya, nahihirapan ka pa din. Tingnan mo nga ‘yang sarili mo, natutulog ka pa ba? And remember what I told you yesterday, Lordy? Mawawala siya sa’yo.”


Kumunot ang noo ko. Ang ibinulong niya kahapon sakin.


“Kailangan ko pa bang ipa-realize sa’yo ang isang bagay? Mawawala siya sa’yo, Jaylord kapag hindi ka pa kumilos.”


Bakit parang may hindi tama sa sinabi niya? It was like he was doing something para—teka! Ang mga sinabi ni lolo kanina.


“College pa lang kayo, magkakasama na kayo. Para na kayong magkakapatid.”


“Para na nilang kapatid si Ellaine.”


“May kasabihan tayong ‘to see is to believe.’ Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan nating paniwalaan ang mga nakikita natin. Minsan dinadaya din tayo ng sarili nating mga mata. Malakas ang pakiramdam mo. Halos sa lahat ng bagay sa paligid mo. Wag mong sabihing nawala rin ang bagay na ‘yon sa ‘yo?”


At may nararamdaman na kong mali kapag nakikita ko si Clay na nakikipag-usap kay Ellaine kapag nasa paligid ko. He was like...


“Kailangan bang may maalala ka bago ka makaramdam? Hindi sa lahat ng pagkakataon nagtutugma ang isip at puso ng isang tao. Alaala ang nawala sa’yo. Hindi ang nilalaman ng puso mo. At lalong wala tayong gamot sa selos, apo.”


Pinagseselos ako ni Clay! At ang bwisit, ang lapad ng ngisi! Ano bang trip niya?


“Masyado ka namang serious, Clay. Hindi bagay sa’yo. Ang weird mo ngayon, ah. Bakit naman ako aalis dito? Hindi lang dahil kailangan ako ni Jaylord kaya ako nandito. I need him, too. Alam ninyo ‘yan. Mas mahihirapan ako kung wala siya—ay!” Binuhat ko na parang sako ng bigas si Ellaine. Saka ko tiningnan ng masama si Clay.


“You!”


“Because I’m your friend, Lordy.”


Tama nga ako! Palabas niya lang ang lahat ng ‘to!


“Hindi pa tayo tapos.”


“Yes, Lordy.”


Nang maalala ko ang tanong ni lolo kanina bago ako lumabas ng study room.


“I still remember that you called her Elle before. Kasama ba ‘yon sa pakiramdam mo na gano’n ang tawag mo sa kaniya?”


Hindi ang sagot ko. Consciously, hindi ko siya maalala. But unconsciously, siya ang laman ng bawat panaginip ko.


“Wala nga akong maalala. But one thing’s for sure. She’s my Elle.”


Tumalikod na ko at iniwan siya habang pasan ko ang tahimik na si Ellaine sa balikat ko.


“Jaylord.” Akmang susunod si Megan samin nang pigilan ko siya.


“Don’t follow us, Megan.”


Tama si lolo.


Wala nga akong maalala.


Pero hindi ibig sabihin no’n wala na kong pakiramdam.


Nakalimot nga ang isip ko.


Pero hindi ang puso ko.


At si Ellaine ang laman no’n.


= = = = = = = =


[ CLAY’s POV ]


Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang papalayong si Jaylord habang pasan niya sa balikat si Ellaine. Napalingon ako kay Megan ng maramdaman ko ang tingin niya sakin.


“Why?” tanong ko.


Inirapan niya lang ako bago siya nagmartsa paalis.


Nagkibit-balikat na lang ako at prenteng sumandal sa kinauupuan ko. Kinuha ko ang photo album na nasa mesa at tiningnan ang mga pictures nila Ellaine at Jaylord nung mga bata pa sila.


“Grabe.” natatawang sabi ko habang nakatingin sa isang picture. “Walang brief si Lordy—Haha!”


“Nagagawa mo pang tumawa pagkatapos ng ginawa mo?” Boses ‘yon ni Khalil.


“Sino bang hindi matatawa dito? Tingnan—” Nawala sa kamay ko ang photo album. Hawak na ‘yon ni Khalil.


“Ang KJ mo naman.” reklamo ko.


“We know what you did.” said Chad. Umupo silang dalawa.


“Did what?” maang na tanong ko.


“Akala mo ba hindi naman napapansin na masyado kang malapit kay Ellaine lalo na pag nandyan si Jaylord? We knew it all along.” Khalil said. “Pinagseselos mo si Jaylord.”


Ngumisi lang ako. “And see the outcome, guys.”


“Muntik ka na niyang suntukin kanina.”


Tiningnan ko si Chad. “Hindi naman niya ginawa.”


“Hintayin mo sa pagbabalik ng alaala niya.”


Napalunok ako. “Paghahandaan ko na lang ‘yon. Namimiss ko na rin ang sparring nating apat.”


“Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo ‘yon?” Khalil asked.


Tumingala ako sa langit. “Sa tingin ninyong dalawa? Ano pa bang mas sasakit pa sa kaalamang namatay ang taong mahalaga sa’yo?”


Hindi sumagot ang dalawa.


I sighed. “Ang mabura ka sa isip ng taong buhay mong minahal. Ang pakiramdam na tanungin ka kung sino ka ng taong mahalaga sa’yo habang nakatingin siya sa mga mata mo. Buhay siya. Nakikita mo siya. Pero ni hindi mo siya mahawakan katulad ng dati dahil sa paningin niya, you’re just a stranger. Alam ninyo pa ang pakiramdam na ‘yon?”


Kinuha ko ang photo album kay Khalil. “Tinulungan ko lang si Lordy na ma-realize na hindi niya kailangang maalala si Ellaine para maramdaman niyang mahalaga sa kaniya si Ellaine.”


Nakita kong nagkatinginan ang dalawa. “Ang lalim no’n, tol. But, are we only talking about Jaylord and Ellaine here?” Khalil asked.


“Yes. Sino pa ba?”


“Siya.” Chad answered. “Ayaw mong mangyari kina Jaylord ang nangyari sa inyong dalawa. Pero ‘tol, iba ang case ninyo ni—”


“Ano nga palang balita sa bangkay?” putol ko sa iba pang sasabihin niya. Sa loob ng ilang taon, ngayon pa ba namin pag-uusapan ang bagay na matagal ko nang kinalimutan? Kinalimutan ko na nga ba talaga?


“Bahala ka, tol. May ibabalita pa naman kami tungkol sa kaniya.”


“Ano ka ba, Khalil? Syempre alam na niya ‘yon.”


“Tama ka, Chad. Si Clay pa, magpapahuli? Kaya nga lagi niyang kaharap ang laptop niya, eh.”


“Shut up, will you? Kung ayaw ninyong sabihin ko kay Lordy na pakana ninyong pagselosin siya. At ako’y hamak na gwapong sumusunod lamang sa mga utos ng dalawang kurimaw na nasa harap ko.”


Nakatikim ako ng tig-isang batok sa dalawa. Nginisihan ko lang sila. “Kagat lang ng langgam. So, ano nang balita? Bilis.”


“Sa kaniya?” nakangising tanong ni Chad.


“Sa bangkay mo kapag hindi ka pa tumigil.”


“Tumigil ka na, Chad. Alam mo namang pag tungkol sa babaeng ‘yon ang topic, sumeseryoso ang Clay natin.” Tiningnan ako ni Khalil ng nakangisi. “So, gusto mo bang malaman ang tungkol kay—”


Malakas na nilapag ko ang photo album sa mesa. “Anong balita sa bangkay?” seryosong tanong ko.


Sumeryoso na rin ang mukha ng dalawa nang mapansin nilang ayokong makipag-biruan ngayon. “Hindi kay Seth ang bangkay na nakita sa warehouse.”


= = =


[ MEGAN’s POV ]


“Nakakainis!” Sinipa ko ang batong nasa harap ko. Nandito ako sa garden. Dito ako dinala ng paa ko sa sobrang inis sa nangyaring eksena kanina.


I really tried my best para mapalapit kay Jaylord. Pero at the end, si Ellaine pa rin! That freaking woman! Ano bang mero’n sa babaeng ‘yon?


Tumingala ako sa langit.


Seth... where the hell are you?


Ayokong isipin. Pero ang bangkay na nilibing namin. There’s a possibility na siya ‘yon. What if kung siya nga ‘yon? What am I gonna do?


Naputol ang pag-iisip ko ng mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon. Unknown number. Kinansel ko lang ang tawag pero sadyang makulit ang caller. Naiinis na sinagot ko ‘yon.


“Damn! Whoever you are, stop pestering me! Or else I’ll track you down and I’ll make sure that I would send you in Mars or even in hell!” I ended the call.


Pero tumatawag na naman ang bwisit na ‘yon! Sinagot ko uli ‘yon.


“What do you want?! Do you really want to die?!“


“Megan.”


Muntik ko nang mabitiwan ang phone ko. Ang boses na ‘yon. “S-seth?”


= = =

3 comments:

  1. Mas maganda at mas matalino kasi ako kesa sayo Megan! Saka :P kahit anong gawin mo ,akin lang ang puso ni Lordy.. How ironic right? hahahahaa!


    sHEMS! ANG PUSO KO! SI CLAY! WHO'S THAT GIRL ANG PEG... KAYA PALA ANG COMPUTER MULANG ANG KAHARAP MO HA! NAKO! NAKO! PERO OO NGA NOH?! PAPABUGBOG KITA KAY LORDY... DAHIL SAYO NAGTAKSIL AKO SA KANYA NG HALOS ISANG BUWAN! GRURABE KA!

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Love that line! Kabog na kabog ah!

    Ndi kaya kasalanan ni Clay, kaw yon. Nandamay pa. Hahaha!
    At ALL CAPS LOCK talaga? INTENSE!
    Alam ko kung bakit. hahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^