CHAPTER
31
[ ELLAINE’s POV ]
“She’s my Elle.”
“She’s my Elle.”
“She’s my Elle.”
Paulit-ulit
yung nagre-replay sa isip ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Hindi ko
alam kung—
“Ellaine.”
Sunod-sunod
akong napakurap dahil sa boses na ‘yon. Saka ko lang na-realize na nasa isang
kwarto na pala ko. Sa kwarto ko. Ni hindi ko napansin na nakarating na kami ni
Jaylord dito.
Ni
Jaylord. Nasa harap ko siya ngayon.
“She’s my Elle.”
Hindi
ko alam pero nag-init ang sulok ng mga mata ko nang maalala ko na naman ang
huling sinabi niya kanina.
Elle.
How I miss him calling me that way.
“I’m sorry.”
Hindi
ko alam kung bakit siya nag-so-sorry. But hearing those words from him again,
hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko ngayon.
Masaya
ako dahil sa huling sinabi niya kay Clay kanina. Him calling me Elle. The way
he said that na parang bumalik na ang alaala niya dahil gano’n siya sakin nung
wala pa siyang amnesia.
And
him saying sorry. Those simple words na tumatagos sa puso ko.
“I’m sorry kung
pinag-isipan kita ng masama.”
Kinagat
ko ang labi ko. Ayokong umiyak. Ayoko. Pero naninikip ang dibdib ko sa
pagpipigil ng emosyon ko. Hindi dapat ako umiyak... Pero...
“I’m sorry kung wala
akong maalala.”
Wag
kang iiyak, Ellaine! Once na pumatak ang mga luha mo, hindi mo na mapipigilan
‘yan.
“I’m sorry kung nahihirapan
ka ng dahil sakin.”
Hindi
ako iiyak. Hindi ako iiyak.
“I’m sorry.”
Hindi
ako iiyak. Pero... Hindi ko na rin talaga mapigilan. Sunod-sunod na pumatak ang
mga luha ko. Parang batang pinunasan ko ‘yon pero wala ring nangyari. “I’m sorry...
Hindi ko lang mapigilan... Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak...” Tinakpan ko ang mukha ko ng mga kamay ko. “I’m sorry...”
Wala
akong narinig mula sa kaniya. Naramdaman ko na lang ang pamilyar na init na
‘yon na bumalot sa katawan ko.
Gusto
ko din siyang yakapin. Gustong-gusto. At yun nga ang ginawa ko. Niyakap ko
siya. Nang mahigpit na mahigpit. “I miss you so much, Jaylord...” hindi ko
mapigilang sabihin habang umiiyak. “Bakit ang tagal-tagal mong bumalik...?”
Naramdaman
kong humigpit pang lalo ang yakap niya sakin. Hindi na siya nagsalita. Hindi na
rin ako nagsalita.
At
kahit wala siyang sabihin, nararamdaman kong naiintindihan niya kung bakit
ganito ako ngayon. Nararamdaman ko ‘yon sa higpit ng yakap niya.
Ang
init ng yakap niya. Para kong pinaghehele habang yakap niya ko. Nung mga
panahong akala namin namatay na siya, at para akong nababaliw na humihiling na
sana mayakap ko uli siya, nagagawa ko na ngayon.
At
magagawa ko pa.
How
I miss this feeling of being safe in someone’s arms.
And
only him could make such feeling.
Only
him.
=
= =
[ JAYLORD’s POV ]
Nakaupo
ako sa couch at nakahalukipkip habang nakatingin sa ibabaw ng kama. Mahimbing
na natutulog si Ellaine.
Kanina.
Hearing her crying like that. Seeing her crying like that. Naramdaman kong
ayoko nang nakikita ko. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit siya umiiyak ng
gano’n. At alam kong kasalanan ko.
Bakit
ba kasi ayaw pang bumalik ng lahat ng alaala ko para alam ko ang dapat kong
gawin? Pero... Kailangan pa bang makaalala ako bago ako makaramdam? Tama si
lolo.
Dahil
kanina. Kusa na lang kumilos ang mga paa ko para lumapit sa kaniya. At ginawa
ang bagay na matagal ko ng gustong gawin kapag abot kamay ko lang siya. At yun
ang yakapin siya.
The
moment I hugged her, naramdaman ko ang pakiramdam na gusto ko siyang
protektahan. Na ayoko siyang masaktan.
Hindi
ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo habang magkayakap kanina. Naramdaman
ko na lang na bumagsak ang kamay niyang nakayakap sa likuran ko. Nang silipin
ko ang mukha niya, nakita kong nakapikit ang mga mata niya.
Hindi
ko mapigilang mapangiti kanina nang malaman kong nakatulog siya habang yakap
siya at nakatayo kami. Ngayon din naman, hindi ko mapigilang mapangiti habang
pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama niya.
Patayo
na sana ako para lumapit sa kaniya nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng
kwarto. May kumatok din kanina pero hindi ko pinansin. Humakbang ako palapit sa
pintuan pero hindi ko ‘yon binuksan.
“Ellaine.”
Kumunot
ang noo ko. Boses ‘yon ni Khalil.
“Ellaine. Nandyan ka
ba? Jaylord?”
“Ano ‘tol? Nandyan
ba sila?”
Boses
naman ‘yon ni Chad.
“Walang sumasagot,
eh. Naka-lock din yung pintuan.”
“Wala rin dito sa kwarto
ni Jaylord.”
“Eh, nasa’n sila?” narinig kong tanong ni Khalil.
“Ewan ko. Baka
namasyal lang dito sa mansion.”
“O baka nagtanan
na.”
“Tara, sabihin natin
kay lolo.”
“Na nagtanan na yung
dalawa.”
Saka
ko lang binuksan ang pintuan. Sabay silang napalingon sakin. At ngumiti.
“Sabi na sa’yo ‘tol,
nandito lang sila.” sabi
ni Chad.
“Wala kang sinabi.”
Humalukipkip
ako at sumandal sa hamba ng pinto. “Anong kailangan ninyo?” tanong ko.
“Naistorbo ba namin kayo?” tanong ni Khalil.
“Oo.” sagot ko. Natutulog si Ellaine tapos
ang ingay nilang dalawa.
“Sabi na sa’yo ‘tol,
naiistorbo natin sila.” Chad
said.
“Wala kang sinabi.” kontra uli ni Khalil dito habang
sumisilip sa loob ng kwarto.
“Si Ellaine?”
“Anong kailangan
ninyo?” ulit kong tanong.
“Lunch time na,
Jaylord. Kakain na tayo.” sagot
ni Chad.
“Ba’t kayo pa ang
sumundo samin?”
“Sinundo na kayo ng
katulong kanina. Wala daw sumasagot sa mga kwarto ninyo ni Ellaine kaya kami na
ang sumundo sa inyo.” paliwanag
ni Khalil. “Nasa’n
nga pala si Ellaine?” Sumilip-silip
na naman siya sa loob ng kwarto.
“Mauna na kayo.
Susunod na ko.” Isinarado
ko na pintuan. Lumapit ako sa kama at inayos ang kumot ni Ellaine. Bahagya pang
nakaawang ang labi niya habang yakap ang isang unan. Hinaplos ko ang buhok
niya. Napangiti ako.
I
kissed her forehead bago ako lumabas ng kwarto niya. Para lang malaman na
nando’n pa rin ang dalawa.
“Nandito pa rin
kayo?” Humakbang na ko.
Sumunod sila sakin at sumabay.
“Where’s Ellaine,
Jaylord?” tanong ni Khalil.
Tiningnan
ko siya. Okay. Hindi ko maiwasang maging protective kay Ellaine.
Itinaas
niya ang kamay niya. “Don’t give me that look, Jaylord.” natatawang sabi niya. “Just for the record, magustuhan ko na ang
lahat ng babae wag lang si Ellaine. Besides, she’s like a sister to me.”
“The same goes with
me.” Chad
said. “And
with Clay also. Although never siyang nagpakita ng interes sa mga babae maliban
sa girlfriend niyang laptop.”
Pagkatapos
nang nangyari kanina sa pagitan namin ni Clay, naniniwala ako sa sinabi nila.
Pero sa kabila ng sinabi ni lolo na para ko na silang kapatid, hindi ko pa rin maiwasang
maging paranoid. I should not trust no one completely, except kay Ellaine. I’m
just being on-guard. Hindi naman siguro masama ‘yon sa kalagayan kong ‘to.
And
speaking of Clay. May kasalanan pa siya sakin. “Where is Clay?” tanong ko.
“May pinuntahan
lang.” sagot ni Chad.
“O baka nagtago.”
“’Tol naman. Ba’t mo
binubuko?”
“Okay lang ‘yan para
naman mabukulan siya.”
Nagtawanan
ang dalawa na nasa magkabilang gilid ko. Hindi ko alam kung anong nakakatawa
kaya binilisan ko na lang ang lakad ko at iniwan sila. Pero agad din naman
silang nakasunod.
“Natutulog ba si
Ellaine?” tanong ni Chad.
“Yes.” sagot ko. Alam naman pala, nagtatanong
pa.
“Buti naman. Mukha
na siyang zombie na naglalakad, eh.” Khalil
said.
Pinikit
ko ng mariin ang mga mata ko. “I know. And it’s my fault.” Wala siyang tulog ng dahil sakin. Hindi ko na
siya ginising dahil mas kailangan niya ng tulog. Gigisingin ko na lang siya
mamaya para kumain.
“Hindi mo naman
kasalanan, eh.” Chad
said. “Sobrang
namiss ka lang niya kaya ayaw niyang mawala ka sa paningin niya kahit sa oras
ng pag-tulog niya.”
Yun
ang naramdaman ko habang nakayakap siya sakin kanina. At alam kong hindi lang
‘yon ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog. Iniisip niya kung paano niya
ko matutulungang bumalik agad ang alaala ko para malaman ko na kung sino ang
nagtatangka sa buhay ko.
Dumagdag
pa ang pagsusungit ko sa kaniya at ang pakikitungo ko sa kaniya simula nang
bumalik ako sa buhay nila. Sa buhay niya.
I
sighed.
Bakit
ko ba nakalimutang siya ang dahilan kung bakit nakaya ko ang mga nangyari sakin
sa nakalipas na dalawang buwan? Dahil sa panaginip na ‘yon, nagkaro’n ako ng
lakas ng loob na mabuhay dahil alam kong may naghihintay sakin. Wala na nga
kong maalala, kinalimutan ko pa ang bagay na ‘yon.
Nakakainis!
“Jaylord, okay ka
lang?”
Napakurap
ako nang may tumapik sa balikat ko. Napalingon ako kay Chad. “Ano ‘yon?”
“Tinatanong ka kasi
ni Khalil. Kaya lang parang naglalakbay ang utak mo.”
Nilingon
ko si Khalil. “Ano
‘yon?”
“Mahaba na ang buhok
mo. Gusto mong gupitan ko mamaya?”
Napahawak
ako sa buhok kong sumasayad na sa balikat ko. “Just make sure you know how to.”
“He knows, Jaylord.
Uubusin lang naman niya ang buhok mo sa ulo. In short, kakalbuhin ka niya.” Sinasabi ni Chad ‘yon habang nauunang
naglalakad samin ng mabilis habang nakaharap samin.
“What?!”
“He’s just kidding,
Jaylord.”
“Totoo ‘yon,
Jaylord!”
“Sira ulo ka talaga,
Chad!”
Parang
batang naghabulan ang dalawa. Napailing na lang ako at tumaas ang sulok ng labi
ko. “Mga
baliw.”
=
= =
=
= =
for I don't know How many times ko ng binasa tong chapter na to.. Gosh!
ReplyDelete"except kay Ellaine." Waaaaaaaaaaaa! The best tlga.. haha! kilig