CHAPTER
32
[ ELLAINE’s POV ]
“H-hindi na babalik
ang alaala mo?” gulat
kong tanong nang sabihin ni Jaylord na hindi na daw babalik ang alaala niya.
“Oo.”
“Pero bakit?”
“Yun ang sabi ng doctor.”
“Pero hindi, eh... hindi pwede ‘yon... Paano na yung nagtatangka
sa buhay mo? Hindi pwede...” Napayuko
ako. Ano nang gagawin namin?
“I’m sorry, Ellaine.”
“No. You don’t need
to say sorry. Gagawa kami ng paraan. Babalik pa ang alaala mo.”
“I’m sorry.”
Napaangat
ang tingin ko sa kaniya. “Bakit ka ba nag-so-sorry?”
Umiwas
siya ng tingin. “Dahil
wala akong magawa.”
Humakbang
ako palapit sa kaniya pero umatras lang siya. “Jaylord...”
“Isa lang ang
magagawa ko.” Tiningnan
niya ko sa mga mata ko. “Kailangan kong umalis. Malayo sa inyo. Ayokong mapahamak
kayo ng dahil sakin.”
“No!” Todo ang pag-iling ko.
“I’m sorry, Ellaine.
Kalimutan mo na ko.”
“Hindi pwede!
Ayoko!” Ano bang pinagsasabi
niya? Humakbang ako palapit sa kaniya pero parang lumalayo lang siya sakin. “Jaylord! Ano
ba?” Tinakbo ko na ang pagitan
namin.
“Just forget
everything about me. Alisin mo na ko sa buhay mo. Alisin mo na ko sa puso mo. I’m
sorry.”
“No!” Takbo ako ng takbo pero parang walang
nangyayari dahil palayo siya ng palayo sakin. Hanggang sa hindi ko na siya
makita.
“Jaylord!”
Napabalikwas
ako ng bangon. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Panaginip lang pala pero
parang totoo dahil ramdam ko ang pagka-hingal ko. Pinagpapawisan din ako. At
nag-uunahan din sa pagpatak ang mga luha ko.
“Jaylord...” Alam kong panaginip lang ‘yon, pero parang
totoo. Saka... Napalingon ako sa bawat
sulok ng kwarto ko.
Anong
ginagawa ko dito? Sa pagkakatanda ko, kasama ko si Jaylord kanina. Parte lang
ba ng panaginip ko ‘yon?
“She’s my Elle.”
Panaginip
ko lang din ba ‘yon? Hindi pwede.
Umalis
ako sa kama at patakbong lumabas ng kwarto ko. Binuksan ko ang kwarto ni
Jaylord pero walang tao. “Jaylord!” Kinatok
ko ang kwarto nila Clay pero walang sumasagot.
Tumakbo
ako para hanapin siya. “Jaylord!” Nasa’n
ba siya? Hingal na hingal na ko ng mula sa kung saan ay sumulpot siya sa harap
ko. Napahinto ako.
“Ellaine.” Nakakunot ang noo niya.
“Jaylord...”
Humakbang
siya palapit sakin. “Anong nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak?”
Hinawakan
ko ang mga braso niya. “P-panaginip ko lang ba yung tinawag mo kong Elle? P-panaginip
ko lang ba yung niyakap mo ko? P-panaginip ko lang ba—” Naputol ang sasabihin ko nang yakapin niya ko.
“Hindi panaginip
‘yon.” bulong niya sakin.
Napapikit
ako dahil sa sinabi niya. Hindi panaginip ‘yon. Hindi.
Gumanti
ako ng yakap sa kaniya.
“Ano bang nangyari?” tanong niya.
“Nanaginip ako...
Hindi na daw bumalik ang alaala mo... Iniwan mo daw ako...”
Humigpit
ang pagkakayakap niya sakin. Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya. “Hindi man
bumalik ang alaala ko, hindi kita iiwan.”
Those
words coming from him, ang saya sa pakiramdam. Pero... Hindi pwedeng hindi
bumalik ang alaala niya. Kailangan naming malaman kung sino ang gustong pumatay
sa kaniya.
“E-ellaine.”
Tiningala
ko siya. Nakahawak ang isang kamay niya sa ulo niya habang nakapikit siya. “Jaylord? Okay
ka lang?”
He
opened his eyes. “J-just stop crying. Please? Ayokong makitang umiiyak ka.”
Sunod-sunod
akong tumango. Pinunasan ko ang pisngi ko. “Hindi na.”
He
half smiled as he patted my cheek.
“Jaylord, mamaya ko
na ba itutuloy ang pag-gupit sa buhok mo?”
Napatingin
ako sa likuran ni Jaylord. “Khalil.” May
hawak siyang gunting. Saka ko lang napansin ang buhok ni Jaylord na hindi pa
tapos gupitan.
“Mamaya na.” sagot ni Jaylord nang lingunin niya si
Khalil. “Kausap
ko pa si Elllaine.”
“Ngayon na.” I said. “Okay na ko dito.” Okay na ang pakiramdam ko ngayon dahil okay na
kaming dalawa sa kabila nang hindi pa bumabalik ang alaala niya.
Napalingon
siya sakin. “You’re
not okay.”
“Okay na talaga ko.” Nginitian ko siya. “Saka kailangang na talaga ng make-over ng
buhok mo.” Hinawakan ko ang buhok
niya. “Magpakalbo
ka kaya?” Sinilip ko si Khalil. “Sa tingin mo,
Khalil, bagay sa kaniya ‘yon?”
“Bagay na bagay.”
“No way!”
Napangiti
kami ni Khalil sa reaction ni Jaylord. Na parang gusto niya kaming tirisin.
“Hindi ako
magpapakalbo.”
“Oo nga.” I said. Kasabay no’n ay may tunog akong
narinig na nagmula sa... Napahawak ako sa tiyan ko. “Anong oras na ba at gutom na gutom na ko?”
“Hapon na. Three
maybe.”
“What? Ang haba pala
ng tulog ko. Ba’t hindi mo ko ginising?”
“Kailangan mo ng
tulog. Gigisingin naman talaga kita pagkatapos kong magpagupit.” Hinaplos niya ang pisngi ko na
ikinangiti ko. “Kumain
ka na. Susunod ako sa’yo.”
=
= =
[ JAYLORD’s POV ]
Natanaw
ko agad si Ellaine na kumakain. Nandito siya sa garden. Dito ako itinuro ng
katulong nang hindi ko siya naabutan sa dining room matapos akong gupitan ni
Khalil.
Napangiti
ako habang pinagmamasdan siya. Parang wala siyang pakialam sa paligid niya at
ang tanging nakikita lang niya ay ang pagkain sa table niya. Ni hindi nga niya
napansin na palapit ako sa kaniya kahit bahagya siyang nakaharap sa gawi ko.
Hindi
muna ko lumapit sa kaniya. Sumandal muna ako sa pader at humalukipkip habang
nakatingin sa kaniya.
“Ellaine...” bulong ko sa hangin na parang nadinig
niya dahil dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko. Sumilay ang ngiti niya. Saka
lang ako lumapit sa kaniya. Umupo ako sa katapat na upuan niya.
“Kanina ka pa?” tanong niya.
“Hindi naman.”
Inabot
niya ang buhok ko. “Bagay sa’yo. Mas lalo kang gumwapo.”
Tumaas
ang sulok ng labi ko. “Talaga?” Nagpangulambaba
ako sa mesa. “Ga’no
ka-gwapo?”
“Hmm...” Hinimas niya ang baba niya. “Mas gwapo pa
kay Luhan.”
Kumunot
ang noo ko. “Sinong
Luhan?” Hindi ko kilala ang taong
‘yon. Ni hindi niya na-kwento kung sino ‘yon. “Who is he, Ellaine?”
“Member siya ng isang
korean group. Super fan niya lang ako.” mabilis
na sagot niya. “Sorry.
Hindi dapat ako nagbabanggit ng mga pangalan na hindi mo maalala. Lalo na pag
lalaki. Sorry. Ayoko lang uli na mangyari yung kay Clay. Sorry.”
“You don’t need to.” Pero natutuwa akong malaman na ayaw
niyang gumawa ng bagay na ikakaselos ko. Selos? Kahit pala wala akong maalala
sa mga bagay-bagay, kusa kong mararamdaman ang dapat kong maramdaman sa isang
sitwasyon. “Kumain
ka na.”
“Ikaw?”
“Busog pa ko.”
Nagsimula
na siyang kumain.
Luhan.
Bakit parang pakiramdam ko, lagi kong naririnig ang pangalan na ‘yon?
“Jaylord.” Tiningnan ko si Ellaine. May hawak
siyang kutsarang may laman na nakaumang sakin. “Gusto mo?” alok niya.
“Busog pa ko.”
Nawala
ang ngiti niya. “Dati
kapag inaalok kita...” Her voice
trailed off. “Never
mind.” bulong niya.
Dati.
I sighed. Ibinuka ko ang bibig ko. “Ah.”
Napangiti
siya at isinubo sakin ang laman ng kutsara. “Ako din.” Binigay niya sakin ang kutsara.
“Sinusubuan din ba
kita dati?”
Tumango
siya. “Yep.” Ginagawa ko talaga ‘yon? “Ayaw mong maniwala?”
May
biglang sumingit sa isip ko na isang eksena. Kaming dalawa na magkasama.
Kumakain. Nagsusubuan. Malabo ang mukha ng babae sa alaalang sumagi sa isip ko.
Pero alam kong si Ellaine ‘yon.
“Naniniwala.” Kaya sinubuan ko na din siya.
Ang
lapad ng ngiti niya. “Namiss ko ‘to.” sabi
niya. Nang matigilan siya. “Okay lang bang sabihin ko sa’yo kung anong nararamdaman
ko? Hindi ka ba maiilang o magtataka o ano? Baka kasi sumakit ang ulo mo o
ano?”
I
chuckled. “Ano
bang sinasabi mo? You’re my girlfriend and my fiancĂ©e. Sabihin mo ang gusto mong
sabihin. Sabihin mo kung anong nararamdaman mo.”
“Talaga?”
“Yes. At kumain ka
na. Kailangan mong magpahinga.” Nagsimula na uli
siyang kumain nang mapailing ako. “Ang kalat mong kumain.”
“Hah?”
Hindi
ako sumagot. Inangat ko ang kamay ko papunta sa gilid ng labi niya at tinanggal
ang kanin na naiwan do’n. Kasabay nang paglapat ng daliri ko sa labi niya ay
may sumaging alaala sa isip ko.
“Elle.”
“What?”
“Ang kalat mong
kumain.”
“Ikaw din naman, ah.”
“Saan?”
“Sa kaliwa.”
“Wala naman, ah.”
“Wala na. Lumipad
na, eh.”
“Ang kulit.”
Napapikit
ako.
“Jaylord, okay ka
lang?”
Ilang
beses kong kinurap ang mga mata ko. Pagtingin ko kay Ellaine, hawak na niya ang
kamay ko.
“Masakit ba ang ulo
mo?” nag-aalalang tanong niya.
Hinaplos
ko ang pisngi niya. “I’m okay.” May
naalala lang uli ako. At nararamdaman kong malapit nang bumalik ang mga
alaalang nawala sakin.
Yung " Hindi man bumalik ang alaala ko, hind kita iiwan!" kiligmats! waaaaaaaaa
ReplyDelete