[ ELLAINE’s POV ]
“Matulog ka na.” utos ni Jaylord sakin. Katatapos lang
naming kumain ng dinner. Halos katatayo nga lang namin sa mga upuan namin.
“Hah?” Tiningnan ko ang relo ko. “Pero past
seven pa lang. Ang aga ko namang matutulog.” reklamo ko.
“Maglaro muna tayo
ng baraha.” Chad
suggested.
“Oo nga.” segunda ni Khalil. “Ang tagal na din nating hindi nagagawa
‘yon.”
“Matutulog na siya.”
madiing
utos ni Jaylord.
“Kung ako sa inyo,” singit ni Clay na may hawak na hotdog. “,sundin ninyo
na lang si Lordy—” Tiningnan siya ng masama ni Jaylord. “—este ni
Jaylord.” Nag-inat siya. “Matutulog na
ko. Napagod ako kanina. Una na ko sa inyo.”
Nilunok niya ng buo ang hotdog bago umalis.
“Tayo na lang ang
maglaro, tol.” aya
ni Khalil kay Chad.
“Ba’t hindi mo
naisip ‘yan? Clay, sali ka!”
Nagpaalam
na ang dalawa at hinabol si Clay.
“Ikaw?”
Nilingon
ko si Jaylord. “Anong
ako?”
“Hindi ka pa ba
susunod sa kanila?”
“Talaga? Pwede akong
sumali?”
Kumunot
ang noo niya. “Ano
bang sinasabi mo?”
“Pwede akong sumali
sa kanila.”
Nagsalubong
ang kilay niya. “Wala
kong sinabing maglalaro ka din kasama nila. Ang sinasabi ko, matulog ka na.”
Napakamot
ako ng kilay. Bakit niya ba ko pinapatulog? “Hindi pa ko inaantok.” Hindi
sinasadyang napahikab naman ako. Syete naman! Hindi pa nakisama!
Humalukipkip
siya. “Hindi
ka pa nga inaantok nang lagay na ‘yan.”
Hindi
pa ko pwedeng matulog. Kapag nakatulog ako, paano ako makakapunta sa kwarto
niya? Gusto kong katabi ko siya kapag natulog ko. Hindi man literal na katabi,
gusto kong hawak ko ang kamay niya. Kaya dapat lang na mauna siyang makatulog
sakin.
Tamang-tama,
natanaw ko si Lola Corazon. “Okay. Inaantok na nga ko. Pero hindi pa ko pwedeng
matulog. May pag-uusapan pa kami ng lola mo. Matutulog na ko after this. Mauna
ka nang matulog, okay?” Hindi ko na siya hinintay na sumagot.
Patakbo na akong lumapit kay lola. “Lola!”
“O, Ellaine. Bakit?”
“Matutulog na po ba
kayo?” tanong ko sa mahinang
boses. Sana hindi.
“Hindi pa ko
inaantok. Pupunta lang ako ng library room.”
Yes!
“Samahan ko
na po kayo.”
Saglit
kong nilingon si Jaylord na nakahalukipkip lang na nakatingin samin ni lola.
Nginitian ko siya. ‘Goodnight’ I mouthed.
Kumunot
lang ang noo niya bago tumalikod.
“Ellaine.”
Nilingon
ko si lola na nakatingin din pala sa gawi ni Jaylord. “Yes, lola?”
Tiningnan
niya ko. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. “Thank you.”
“Para sa’n po?”
“For taking care of
my grandson.”
=
= = = = = = =
Kakahatid ko lang kay
lola sa kwarto niya at ngayon ay papunta na ko sa kwarto ko. O mas tamang
sabihing, sa kwarto ni Jaylord.
“Tulog na kaya ‘yon?” Tiningnan
ko ang relo ko. Magna-nine na. Ang tagal naming nagkwentuhan ni Lola Corazon.
Nawala nga ang antok ko, eh.
“Tulog na siguro ‘yon.”
Pumanhik na ko ng
hagdan. Nasa first floor ang kwarto ng grandparents ni Jaylord para hindi na
sila mahirapang mag-akyat-baba ng hagdan. Paliko na ko sa kanang pasilyo ng may
humarang sa daraanan ko.
Si Megan.
At
gaya ng nakagawian tuwing kausap niya ko—o mas tamang sabihing kapag may kausap
siyang tao—humalukipkip siya with matching taas noo. Sabagay, lagi namang
nakataas ang noo niya kahit naglalakad siya na parang may tungkod sa ilalim ng
baba niya.
Ano
na naman kayang problema niya? Saka, nakapagtataka. Simula nang magising ako
kanina, hindi ko siya nakitang umaaligid-aligid sa paligid namin ni Jaylord. Ni
hindi siya sumabay sa dinner. Masama daw ang pakiramdam niya.
Ito
ba ang masama ang pakiramdam? Na parang gusto akong tusukin ng mga titig niya.
At hanggang kailan kami magtitinginan?
I
cleared my throat. “Problem, Megan?”
“Wala naman.”
Wala
daw. Pero kung tingnan niya ko parang may gusto siyang sabihin. Bahala nga siya
sa buhay niya. “Okay.
Una na ko, ah.” Nilagpasan ko na siya nang pigilan niya ko sa braso
ko. I sighed. “Ano
ba talaga, Megan? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na.”
“Leave him,
Ellaine.”
Kahit
hindi niya sabihin kung sino ang ‘him’ na ‘yon, alam kong si Jaylord ang
tinutukoy niya. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at hinarap
siya.
“For once and for
all, tapusin na natin ‘to, Megan. Sa totoo lang, dapat noon ko pa ginawa ‘to. I
know you liked Jaylord. And I’m so very thankful na nahanap mo siya. Pero
kaming dalawa, kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo, kami pa rin sa
huli. Hindi ka pa dumadating sa buhay naming dalawa, kami na talaga. You have
no right para utusan akong iwan siya. Labas ka sa relasyon naming dalawa.”
“Iba ang sitwasyon
ninyo ngayon. He doesn’t even remember you.”
“You’re not him para
sabihin ang bagay na ‘yan.” Nararamdaman
ko. Sa sulok ng isip ni Jaylord, naaalala niya ko.
“Paano kung hindi na
bumalik ang alaala niya at hindi ka na niya maalala? What will you do,
Ellaine?”
“You’re not a doctor
para sabihing hindi na babalik ang alaala niya.” Humalukipkip ako. “Yan ang mahirap sa katulad mong mayaman.
Akala mo bawat sasabihin mo, mangyayari na. Akala mo bawat gugustuhin mo,
makukuha mo na. Akala mo bawat utos mo, masusunod na.”
“Simula nang bumalik
si Jaylord, lagi mo na lang akong inuutusang iwan siya. Hindi ka ba nagsasawa
sa ginagawa mo? Bakit hindi mo subukang utusan ang sarili mong mahalin ang
taong nagmamahal sa’yo at hindi ipagpilitan ang sarili mo sa taong alam mo
namang pagmamay-ari ko na?”
“You’re right,
Ellaine. Mayaman ako at lahat ng gustuhin ko, makukuha ko. At lahat ng
pinagdadaanan ng mayamang katulad ko, hindi maiintindihan ng mababang taong
katulad mo.”
Sipain
ko kaya siya? Sinong mas mababa saming dalawa na sunod ng sunod sa lalaking
taken na? Kung hindi ko lang iniisip na siya ang dahilan kung bakit nandito si
Jaylord, nasampal ko na siya.
Pero
teka... Pinagdadaanan daw? Kumunot ang noo ko. May pinagdadaanan pa siya ng
lagay na ‘yan maliban sa misyon niya sa buhay na paghiwalayin kami ni Jaylord?
Huminga
ako ng malalim. Hindi ko siya papatulan. Sa ngayon.
“Right. Hindi nga
kita maintindihan aside sa pagiging spoiled brat mo. At mukhang wala ring
kwenta ang pag-uusap natin na ‘to. Gawin mo ang gusto mong gawin. Dahit kahit
anong mangyari, hindi ko siya iiwan, bumalik man ang alaala niya o hindi.” Just what like Jaylord told me. “You know why?
Because even if he couldn’t remember me, naaalala naman ako ng puso niya.”
“Pagsisisihan mo
‘to, Ellaine.” madiing
sabi niya, bago niya ako iwan.
Napasunod
na lang ako ng tingin sa kaniya. Ang hirap niyang paliwanagan. Ano pa bang
aasahan ko sa spoiled brat na katulad niya?
Ewan.
Nakakasira siya ng gabi.
= = = = = = = =
Dahan-dahan
kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Jaylord gamit ang susi na binigay ni
Clay sakin dati. Tuloy pa rin ang misyon ko kahit nagkasagutan kami ni Megan
kanina.
Nakita
kong natutulog na si Jaylord sa kama nang lumapit ako sa kaniya. Walang-ingay
na hinila ko ang upuan ko palapit sa kama. Nag-inat ako at yumukyok sa gilid ng
kama. Hahawakan ko na sana ang kamay niya ng bigla siyang bumangon. Sa sobrang
gulat ko, napatayo ako. Natumba pa ang upuan ko.
“J-jaylord.”
“Ba’t parang nagulat
ka?”
“Hah? Ah, eh...
A-akala ko kasi tulog ka na. Mag-gu-good night lang sana ko.” Ano ba ‘yan? Kanina pa ba siya gising?
“Sa pagkaka-alam ko,
ni-lock ko ang pintuan. Paano kang nakapasok?”
Syete!
Anong idadahilan ko? Teka, ba’t ko kailangang magsinungaling kung pwede ko
namang sabihin ang totoo? Kinuha ko ang susi sa bulsa ko. “I used this.”
Kinuha
niya ang susing hawak ko. “Sa’n mo nakuha ‘to?”
“Kay Clay.”
“May kasabwat ka
pala.”
“Gusto ko lang naman
na...”
“Anong gusto mo?”
Sasabihin
ko ba? Naalala ko ang sinabi niya kanina.
“You’re my girlfriend
and my fiancé. Sabihin mo ang gusto mong sabihin. Sabihin mo kung anong
nararamdaman mo.”
“Gusto ko lang naman
na maramdaman kong nasa tabi kita bago ako matulog. Gusto ko kapag nagising
ako, ikaw agad ang makikita ko. Just to make sure na totoong bumalik ka.
Natatakot kasi ako na malamang baka panaginip lang ‘to. Simula kasi nang mawala
ka sakin, hindi ko na alam kung anong totoo sa hindi.”
Matagal
na katahimikan ang dumaan bago siya umimik.
“Then sleep here.”
Napangiti
ako. “Talaga?
Sabi mo ‘yan, ah.” Itinayo ko ang
upuan at umupo uli.
“Not there. But
here.” Tinapik niya ang space
sa tabi niya. “Hindi
ka ba nangangawit sa pwesto mo? Simula nang dumating ako dito, gabi-gabi ka na
lang na natutulog dyan.”
“Alam mong natutulog
ako dito?” gulat kong tanong.
“Oo.” balewalang sagot niya, bago humiga.
Inilagay niya sa ilalim ng ulo niya ang mga kamay niya. He closed his eyes. “Everytime I
wake up in the middle of the night, nakikita kita. Akala ko nga nananaginip
lang ako. But when I wake up in the morning and saw you, hindi pala panaginip
‘yon. Hanggang sa nakasanayan ko na ‘yon.”
“Does it mean na una
kang nagigising sakin?”
“Oo.”
“So, alam mong dito
din ako matutulog ngayon?”
“Oo. Halata namang
nagdahilan ka lang kanina na may pag-uusapan pa kayo ni lola. Kung gusto mong
matulog dito, pwede mo namang sabihin sakin. Hindi yung para kang magnanakaw na
papasok dito.”
I
pouted. Pinahirapan niya pa ko.
He
opened his one eye. “Ano pang hinihintay mo? Matulog ka na. In the count of
ten at hindi ka pa—”
“Oo na.” Mabilis pa sa alas-kwatrong humiga ako
sa tabi niya. Nakaderetso lang ako ng higa habang nakatitig sa kisame. Ni wala
akong kumot. Para kong sira. Nilingon ko siya. Para lang malaman na nakatingin
pala siya sakin. “Pwedeng maki-share sa kumot?”
Hindi
siya sumagot. Bumangon siya at kinumutan ako.
I
smiled at him. “Thank
you.”
Tumagilid
siya ng higa paharap sakin habang nakatukod ang isang braso niya sa unan at ulo
niya. At base sa itsura niya, parang may gusto siyang itanong. “Ang sabi mo,
five years na ang relasyon nating dalawa. May nangyari na ba satin?” At hindi ko ini-expect na ‘yan ang itatanong
niya.
“Wala.”
Parang
hindi siya makapaniwala sa sagot ko. “Nakaya ko ‘yon?”
I
pouted. “Anong
klaseng tanong ‘yan?”
“Ang sabi mo, never
akong nagka-girlfriend maliban sa’yo. So wala pa kong experience? Wala ba kong
na-kwento sa’yo? Wala—aray!”
Pinitik
ko kasi ang noo niya. “Hoy, Jaylord Nevarez! Tumigil ka nga dyan!” Pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit kailangan
niyang problemahin kong may experience siya o wala? Hintayin na lang niyang
bumalik ang alaala niya para malaman niya, hindi yung ako ang tinatanong niya.
Nagsalubong
ang kilay niya. “Ano
bang masama sa tanong ko? Wala akong maalala kaya nagtatanong ako.”
I
sighed. Okay. Fine. Pagbibigyan ko na. Tumagilid ako ng higa paharap sa kaniya.
“Mero’n.”
“Kailan?”
“First year college
ka no’n. Hindi pa tayo no’n. Magkakasama kayo nila Chad no’n at may kasama din
kayong girls no’n. Nag-inuman kayo at boom! It happened.”
“Kinuwento ko
sa’yo?”
“Oo. Nagtanong kasi
ako.”
“Kailan ko kinuwento
sa’yo?”
“Nung tayo na.”
“Kailan ‘yon?”
“Hindi ko na
matandaan. Hmm... Kailan nga ba?” Kailan ba ‘yon? Ang
alam ko nanonood kami ng sine nun, eh. Tapos may bed scene. Kailan nga ba ‘yon?
Ang tagal na kasi...
Natigil
ako sa pag-iisip nang tapikin niya nang marahan ang pisngi ko. “Wag mo nang
isipin. Gusto ko lang namang malaman para alam ko kung anong gagawin ko at kung
hanggang sa’n ang limitasyon ko. Wala nga akong maalala, pero the sight of you
lying next to me...” Binitin niya ang sasabihin niya.
Napalunok
ako. I know what he was trying to say. Just by the way he looked at me now.
Tapos... tapos... he was caressing may cheek pa. Tumatayo na lahat ng balahibo
ko sa ginagawa niya. Ni hindi ako makagalaw. Ni hindi ko maialis ang tingin ko
sa kaniya.
Hanggang
sa dahan-dahang lumapit ang mukha niya sakin. I just closed my eyes and waited
for what will happen. Until I felt that familiar and warmth feeling of his lips
against mine. He was kissing me. And I couldn’t help but to respond na parang
may sariling isip ang mga labi ko.
How
I miss this...
He
was kissing me like there is no tomorrow. He was kissing me like he was
searching for my soul inside me. He was kissing me like...
Hindi
ko maipaliwanag. Basta nasa heaven ako ngayon.
I
felt his hand one hand holding my cheek started roaming at my neck, down to my
arm hanggang sa maramdaman ko ‘yon sa likuran ko. And it stayed there. Naramdaman
kong dahan-dahan siyang humiwalay sakin.
“Jaylord...” Bakit siya huminto? Syete! Ano ba yung
iniisip ko?
He
gave me deep quick kiss. Tinitigan niya ko sa mga mata ko. “Wala nga akong maalala, pero hindi
dahilan ‘yon para hindi ko malaman ang dahilan kung bakit naghintay ako noon
hanggang sa araw ng kasal natin.”
“Jaylord...” He’s still that Jaylord. That Jaylord
who knows when to stop. Pero...
He
kissed my forehead. “Matulog na tayo.”
“Pero...” Okay lang naman sakin na may mangyari
samin. Okay lang talaga. Hindi ko alam pero, naiiyak na naman ako. Hindi ko
alam kung bakit. Dahil siguro ginagawa niya pa rin ang mga bagay na ginagawa
niya dati para sakin kahit wala siyang maalala.
“Ellaine, please.” madiing bulong niya. “Kung may
mangyayari satin, gusto kong bumalik na ang mga alaala ko.”
“Naiintindihan ko.”
He
caressed my cheek. “At isa pa, kailangan mo ng pahinga. Wala ka pang
matinong tulog maliban kanina. Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Kung gagawin
natin ‘yon baka—” Tinakpan ko ang bibig niya.
“Gets ko na.”
“Ba’t parang namumula
ka?”
“Namumula? Ako?
Hindi noh!” Aaaahhhh! Namumula talaga ko?”
“You’re blushing.
Cute.” He pinched my cheek.
I
pouted. “Hindi
naman, eh.”
“You are.” Binitiwan
na niya ko. Lumayo siya nang bahagya sakin
at umayos ng higa. Tumingin siya sa kisame. “Kahit pala matagal na tayong dalawa, may
dahilan pa rin pala para mag-blush ka.”
Hindi
na ko sumagot. Pasimple kong tinapik ang pisngi ko. Naalala ko ang sinabi niya.
“Kung gagawin natin
‘yon baka—”
May
mangyayari samin? Napalunok ako. Ellaine Manansala! Wag ka nga! Pervert ka!
Oo
na. Hindi na. Pero kasi...
Nilingon
ko si Jaylord na nakatingin sa kisame. Napatingin ako sa braso, balikat at
dibdib niya. I sighed. Gusto ko ulit maranasang matulog na ang balikat at
dibdib niya ang unan ko. At ang mga braso niya ang kumot ko.
“Jaylord.”
Dahan-dahan
siyang lumingon sakin. “Bakit?”
“Pwede ba kong
umunan sa balikat mo?”
Hindi
siya sumagot. Lumapit siya sakin at inalalayan ang ulo ko para umunan sa
balikat niya. Yumakap naman ako sa kaniya. Hind ko na kailangang maghintay
dahil niyakap niya rin ako. Sumiksik ako sa kaniya. Humigpit naman ang
pagkakayakap niya sakin. I closed my eyes habang ninanamnam ang init ng yakap
niya.
Okay
na ang ganito. Okay na okay.
Hindi
yung katulad ng nakaraang mga araw na wala na nga siyang maalala, hindi pa ko
makalapit sa kaniya ng ganito.
“Goodnight,
Jaylord.”
“Goodnight, Elle.”
I
smiled as I heard that last word. Maganda ang tulog ko nito. For sure.
=
= =
>>> CHAPTER 34 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^