Sunday, September 8, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 34



CHAPTER 34

[ ELLAINE’s POV ]


“Ito yung kinukwento ko sa’yong puno.” sabi ko kay Jaylord na nasa kanan ko, sabay turo sa picture sa photo album.


Nandito kami sa garden. Ngayon ko lang naipakita yung photo album na pinakuha ko kay Clay kahapon.


“Alam mo bang sinabi sakin ni Clay na binili mo daw ang lot na ‘to para—” Napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman kong hinawakan ni Jaylord ang buhok kong tumatabing sa mukha ko. Napalingon ako sa kaniya nang walang salitang ipunin niya ang buhok ko paitaas.


“Talikod.” utos niya.


“Bakit?”


“Talikod.”


Sumunod na lang ako sa kaniya. Naramdaman kong itinali niya ang buhok ko. Hindi ko alam kung sa’n siya kumuha ng panali. Yung goma ata na nasa kamay niya na pinantatali niya nung mahaba pa ang buhok niya.


“Done.” He said. Tinapik pa niya nang marahan ang ulo ko. “Ano nga uli yung sinasabi mo kanina?” tanong niya.


Humarap ako sa kaniya. Nakatutok ang mga mata niya sa photo album. Napahawak naman ako sa buhok kong nakatali na ngayon.


“Ellaine,” Nilingon niya ko. “Ano na kako—” Kumunot ang noo niya. “Ba’t ganyan ka makatingin?”


“Ba’t mo itinali yung buhok ko?”                                           


“Hindi ko makita ang mukha mo. Nakaharang, eh. Bawal ba?”


“Hindi naman.”


“Hindi?” Umangat ang kamay niya papunta sa mukha ko. Sa gilid ng mata ko. “Ba’t parang iiyak ka?”


Saka ko lang na-realize na nagtutubig na ang mga mata ko. Ni hindi ko napansin. Kinusot ko ang mga mata ko.


“Ellaine.” Seryoso na ang mukha niya at naghihintay ng sagot ko.


I cleared my throat. “Dati kasi, lagi mong tinatali ang buhok ko.” Hinawakan ko ang pagkakatali ng buhok ko. “Like this. Magulo na parang hindi uso ang suklay. Magulo pa sa gulo look. And you know why you always do that?”


“Because...” Kumunot ang noo niya ng ilang saglit. Biglang siyang napapikit.


“Jaylord, okay ka lang?” Hinawakan ko ang ulo niya. May naaalala na naman ba siya? Kahit wala siyang sabihin sakin, ramdam kong may naaalala siya tuwing ganyan siya.


“Because...” Nakapikit pa rin siya. “Because I wanted to see your face clearly ng walang nakaharang.” He opened his eyes.


“Right.” Naaalala niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. “Thank you.” Hindi ko napigilang sabihin. “Thank you kasi hindi mo nakalimutan ‘yon.”


He smiled. Tinutok niya ang mga mata niya sa photo album. “May mga alaalang nalilimutan. Pero may mga bagay na kahit hindi mo napapansin, kusa mong nagagawa. Dahil buong buhay mo, nasanay ka nang gawin ang bagay na ‘yon. Nasanay kang gawin ‘yon para sa taong mahalaga sa’yo.”


At hindi naman ako assuming nito kung isipin kong ako ang mahalagang tinutukoy niya. Ako naman talaga diba? Gusto kong mag-drama, pero...


Kinikilig ako, eh.


Nilingon niya ko. “Mukhang malapit nang bumalik ng mga alaala ko.”


Sana nga bukas, bumalik na.


O kung pwede, mamaya na.


O kung pwede sana, ngayon na mismo.


“Ellaine.”


Napakurap ako. “Bakit?” tanong ko.


“You’re phone is ringing.”


Napatingin ako sa phone kong nasa mesa. Kinuha ko ‘yon at nakita kong si mama ang tumatawag. Isang beses ko lang siyang natawagan simula nang manatili ako dito sa mansion. At sobrang saglit lang no’n. Wala pa ring alam si mama. Ang alam niya, nasa resthouse ako na pagmamay-ari ni Jaylord.


Tiningnan ko si Jaylord. “Si mama.” sabi ko. Alam niyang hindi alam ni mama na buhay siya at nandito ako kasama niya.


“Ba’t hindi mo sagutin?”


Napatingin ako sa phone kong patuloy sa pagri-ring. Gustong-gusto kong sagutin. Kaya lang, hindi ko na kayang magsinungaling kay mama. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kaniya na buhay si Jaylord. Alam kong nag-aalala siya sa kalagayan ko. Pero anong gagawin ko? Walang pwedeng makaalam na buhay si Jaylord maliban sa mga taong nasa library ng gabing ‘yon.


“Tell your mother that I’m alive.”


Napalingon ako kay Jaylord. “Pero hindi pwede. May usapan na kaming lahat dito.”


“Wala kong paki sa usapan ninyo.”


“Jaylord!” Ano bang pinagsasabi niyang walang pakialam?


Itinuon niya ang mga mata niya sa photo album. “Alam kong kapakanan ko lang ang iniisip ninyo. Pero kung makikita lang kitang ganyan na hindi mapakali, mas mabuti pang sabihin mo na lang sa mama mo na buhay ako.”


“Okay lang naman sakin na hindi sabihin kay mama.”


“Don’t lie to me, Ellaine. Nagka-amnesia lang ako pero hindi ako bulag.” Kinuha niya ang phone sakin. Nagulat ako nang sagutin niya ang tawag at ilapit ‘yon sa tenga ko.


“Ellaine?” Boses ‘yon ng mama ko.


Hinawakan ko ang phone. At dahil hawak ‘yon ni Jaylord, kamay niya ang nahawakan ko na hindi naman niya inalis.


“Ellaine? Nandyan ka ba?”


Parang may bara sa lalamunan ko kaya hindi ako makasagot. I cleared my throat. “M-ama.”


“Kamusta ka na? Okay ka lang ba dyan? Kumakain ka ba ng mabuti?” sunod-sunod na tanong niya.


“I’m okay, ma! Katatapos ko lang pong kumain.” masiglang sagot ko. Buhay po si Jaylord. Hindi niya ko iniwan, ma. Gustong-gusto ko nang idugtong ‘yon pero mas pinili kong wag nang sabihin. “Kayo po?”


“Basta alam kong okay ka, okay na rin ako.”


Kinagat ko ang labi ko. “I miss you, ma.”


“Miss na rin kita, anak.”


Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Gusto kong sabihin kay mama na buhay si Jaylord para hindi na siya mag-alala sakin. Pero pag sinabi ko sa kaniya, alam kong mag-alala din siya dahil sa kalagayan ni Jaylord. At sakin. Ayoko na ding madamay ang mama ko dito.


Naramdaman kong inalis ni Jaylord ang kamay niyang nasa phone ko. Ako na ang humawak no’n. Napalingon ako sa kaniya nang haplusin niya ang gilid ng mata ko.


“Tell her.” bulong niya.


Umiling lang ako.


Napabuntong-hininga siya. At tumayo. “Hahanapin ko lang yung tatlo.”


Tumango ako. Umalis na siya.


“Ellaine, sino yung narinig kong nagsalita?” narinig kong tanong ni mama sa kabilang linya.


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. “Si Clay, ma.”


“Wala ka bang ginagawa?”


Tiningnan ko ang photo album. “Tinitingnan ko lang po yung mga pictures namin ni Jaylord.” nakangiting sabi ko sa masiglang boses. Hindi ko na kailangang i-fake ang nararamdaman ko dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko ngayon.


“Kung nasa’n man si Jaylord ngayon, I know he’s happy na makitang kinakaya mo na.”


“I know, ma.” I’m sorry, ma, for lying. Hindi ko ‘to gusto. Pero mas mabuti nang wala muna kayong malaman.


= = =


[ JAYLORD’s POV ]


Papunta na ko sa kwartong itinuro ng kasambahay kanina na pinagtanungan ko kung nasa’n sina Chad nang masalubong ko ang daddy ko.


Bahagya siyang ngumiti nang makita ako. “Jaylord.”


“Dad.” Simula nang dumating ako dito sa mansion, bihira ko lang siyang makausap dahil bihira lang din siyang nandito. Ang sabi ni Ellaine, busy siya sa trabaho niya. Mag-ama nga talaga sila ni lolo. Puro sila trabaho.


“Pasensya ka nang kung hindi ako laging naglalagi dito sa mansyon.”


“It’s okay. Busy kayo ni lolo sa sari-sarili ninyong kumpanya.” Nalaman ko kay Ellaine na hindi nagta-trabaho si dad sa kumpanya. Sinabi niya sakin ang kwento kung bakit. Na itinakwil si dad at si mama nila lolo dahil ayaw nila kay mama no’n. Na naghiwalay silang dalawa. Na kung kailan nawala si mama saka sumulpot si dad. Alam ko na kwentong ‘yon.


“Hindi sa gano’n.”


“Anong hindi sa gano’n?”


“Hindi ko alam kung paanong haharap sa’yo nang hindi sinisisi ang sarili ko.”


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Sinisisi ninyo ang sarili ninyo? Bakit? May ginawa ba kayo na naging dahilan para mapahamak ako?”


“Wala. Pero...”


Ipinamulsa ko ang mga kamay ko sa pantalon ko. “Pero ano?”


“Ipinangako ko sa puntod ng mama mo noon na gagawin ko ang lahat para maprotektahan kita bilang anak ko.” He sighed. “Pero hindi ko nagawa. Nawala ka samin. Napahamak ka. At wala akong nagawa. Hanggang ngayon, wala akong magawa kundi ang magtago mula sa’yo dahil sinusundot ako ng konsensya ko.”


Wala akong masabi dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko.


“Pero napag-isip-isip ko, bakit ba kailangan kong umiwas sa’yo dahil sinusundot ako ng konsensya ko? Paano pa kita mapo-protektahan kung umiiwas ako sa’yo?”


Hanggang sa umalis siya, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.


Protektahan.


Si Ellaine. Hindi niya sinabi sa mama niya na buhay pa ko because she wanted to protect me. As well as she wanted to protect her mother na hindi na madamay pa sa nagbabanta sa buhay ko.


Si daddy. Gusto niya akong protektahan na hindi niya nagawa noon. Pero susubukan niya uli ngayon.


Bakit ba gustong-gusto nila akong protektahan? Dahil ba wala akong maalala at hindi ko alam kung paano ipagtatangggol ang sarili ko?


Si Ellaine. Tuwing nakikita ko siya, nararamdaman kong gusto ko siyang protektahan. Pero bakit? Dahil ba hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya?


No. Alam kong hindi ‘yon ang sagot. Hind ‘yon.


Mahalaga siya sakin kaya gusto ko siyang protektahan.


Si Ellaine. Si daddy. Gano’n din sila sakin.


Pero paano ko sila mapo-protektahan kung hindi ko alam kung paano dahil wala akong maalala?


= = = = = = = =


Binuksan ko ang kwarto kung nasa’n sina Chad. Walang gamit sa loob nang maluwag na kwarto. At ang sumalubong sakin?


“Puro ka na lang iwas, ‘tol! Puro ka na lang block! Dodge! Block! Dodge! Block! Pagod ka na ba?” tanong ni Chad habang pinauulunan ng sipa at suntok si Khalil.


“Anong pagod? Baka ikaw! Humahanap lang ako ng tiyempo!” sagot ni Khalil habang umiiwas sa suntok at sipa ni Chad.


Hindi lang basta suntok at sipa ang ginagawa ni Chad. Wala man akong maalala, I know it’s a form of martial art. Hindi ko lang alam kung ano.


“Ang sabihin mo, humina ka na kamo! 2-1 na tayo! Kapag natalo ka dito, ako na ang panalo!”


“Humina pala, hah! Baka ikaw ang matalo!”


Pumorma si Khalil at sa isang kilos lang napatumba na niya si Chad. Naharang naman ni Chad ang ginawa niyang sipa pero huli na. Para pa nga siyang nagulat sa ginawa ni Khalil.


“What tha—” Napamura si Chad na nakahiga na. “Axe Kick?!”


“Ba’t parang nagulat ka? It’s my favorite move, right?”


“Oo nga. But you never used it twice sa mga sparring sessions natin. Nagamit mo na ‘yon sa round two kanina.”


“People change, tol.” Hinubad ni Khalil ang tshirt niya at inihagis sa nakahigang si Chad. “Round five? O suko ka na?”


Inihagis lang ni Chad ang tshirt. “Sinong may sabing suko na ko?”


“Kanino bang t-shirt ‘to? Ang baho!”


Napalingon ako sa kaliwa. Sa may sulok. Nakaupo sa sahig si Clay habang nasa hita niya ang laptop niya at hawak ang t-shirt na inihagis ni Chad. Napalingon siya sakin. “Jaylord, nandyan ka pala.”


Napalingon din ang dalawa sakin. Umupo si Chad sa sahig. “Kanina ka pa?” tanong niya.


“Medyo. Mukhang seryoso kayo sa ginagawa ninyo kaya hindi ninyo ko napansin.” Lumapit ako sa kanila.


“Nagpa-practice lang kami.” sagot ni Khalil.


Inilibot ko ang tingin sa kwarto. Wala kong narinig kanina na ingay mula sa labas ng kwarto.


“Pinagawa ‘to ng lola mo para sa sparring sessions natin. Para daw wala tayong masirang gamit dahil kung sa’n-sa’n lang daw tayo nag-is-sparring. Soundproof ang kwartong ‘to para hindi marinig ang ingay natin sa labas.” paliwanag ni Clay.


“Sparring sessions? Para sa’n?” tanong ko. Wala namang na-kwento sakin si Ellaine na lumalaban kami sa competitions.


“Para hindi tayo kalawangin.” sagot ni Chad.


“At para lagi tayong handa kung kinakailangan.” dagdag ni Khalil.


Kumunot ang noo ko. “Handa para sa’n?”


Nagkatinginan ang tatlo. Si Clay ang sumagot. “Handa sa mga taong magtatangka sa buhay natin.”


Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano bang klaseng buhay ako mero’n no’n? Bakit walang sinabi si Ellaine maliban sa naging lider lang ako ng frat no’n at nawala rin sa grupo?


“I need to teach you some self defense. I promise that I will protect you pero na-realize ko ding hindi naman sa lahat ng oras mapo-protektahan kita. You have your own life. I have my own. Hindi sa lahat ng oras lagi kitang kasama. But I will assure you na darating ako kapag kailangan mo ko.”


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko ng may alaalang sumagi sa isip ko.


“Does Ellaine knows how to do that, too?” tanong ko.


“Yes. You taught her.” Clay answered.


Tinuruan ko siya kung paano makipaglaban? Anong klaseng buhay ba ko mero’n no’n para turuan ko siya? May kinalaman ba ‘yon sa nagtatangka sa buhay ko?


“Mahirap ipaliwanag pero maiintindihan mo rin ang lahat kapag bumalik na ang alaala mo.” Khalil said. “Wag kang mag-alala. Ngayong wala kang maalala, we’re here to protect you no matter what.”


“No.” madiing sagot ko. Pati ba naman sila? Hindi naman ako lumpo para protektahan nila! May amnesia lang ako! “Kung ako ang nagturo kay Ellaine on how to defend herself, may alam din ako sa martial arts.”


Nagkatinginan ang tatlo. At napakamot ng ulo. “Hindi lang may alam.” Khalil said.


“Madami kang alam na martial arts.” dugtong ni Chad. “Name it. And you can do it.”


Tumaas ang sulok ng labi ko. Ngayon, alam ko na. Nang gabing may nagtangkang kumuha sakin, kusang kumilos ang katawan ko no’n para kalabanin sila.


“I want to try it.” I said. “Gusto kong malaman kung kaya ko pa ring lumaban kahit wala akong maalala.”


Nagulat ako nang nag-uunahang mag-presinta sina Khalil at Chad na parang hindi napagod sa ginawa nilang sparring kanina.


“Ano ba?” Inis na inilayo ko ang mga kamay nilang nasa harap na ng mukha ko.


“Ako na lang, Jaylord!”


“Ako na lang!”


Napailing ako. “Ano bang problema ninyong dalawa?”


“Namiss lang naming ka-sparring ka.” sabay nilang sagot.


“Hindi kayo ang gusto kong kalaban.”


“Eh, sino?” sabay nilang tanong.


Tiningnan ko ang taong nasa likuran nila. Napatingin din sila sa kaniya. Ngumisi ang taong ‘yon.


“Ako ang gusto mong makalaban?” tanong niya.


“Oo.”

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^