Sunday, September 8, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 35



CHAPTER 35

[ JAYLORD’s POV ]


Nasa gitna kami ng kwarto ni Clay at magkaharap. Nasa gilid naman at prenteng nakaupo sa sahig sina Chad at Khalil.


“Itumba mo na ‘yan, Jaylord!”


“Wag mo nang paabutin ‘yan bukas!”


Sigaw ng dalawa.


Nginisihan lang sila ni Clay. “Inggit lang kayo dahil ako ang gusto niyang kalaban.” Nilingon niya ko. “Bakit nga ba?”


“Simulan na natin.” sa halip ay sagot ko.


“Okay.” Ikiniling niya ang ulo niya bago pumorma.


Prente lang akong nakatayo at hinintay ang gagawin niya hanggang sa sumuntok siya. Umilag lang ako. Ngumisi siya.


“Bakit nga ba ako ang gusto mong makalaban, Lordy?” tanong ulit niya kasabay nang sunod-sunod na suntok.


Hindi ko na inilagan ang mga ‘yon. Gamit ang palad ng dalawang kamay ko at ang braso ko, ‘yon ang ipinangsasangga ko sa bawat suntok na binibigay niya. “Don’t call me, Lordy.”


“Hi, Ellaine!” bigla niyang sabi habang nakatingin sa likuran ko at patuloy ang pagsuntok sakin.


Saglit akong napalingon sa likuran ko. Pero wala.


“Don’t let your guard down, Lordy.”


Nakailag ako sa uppercut na binigay niya. Pero naramdaman kong parang hangin na dumaplis yun sa baba ko.


“Whoah! Muntikan ka na, Jaylord!”


“Ang daya mo, Clay!”


“Sinusubukan ko lang kung malakas pa rin ang pakiramdam niya! Chillax lang kayo mga ‘tol!”


“Puro suntok lang ba ang alam mo?” tanong ko.


“Warm-up ko lang ‘yon, Lordy.” Pumorma na uli siya.


Ikiniling ko ang ulo ko. Sinenyasan ko siyang lumapit. Lumapit nga siya pero suntok na naman ang ibinigay niya na sinasangga ko naman.


“Answer me, Lordy. Bakit ako ang gusto mong kalaban?” Patuloy siya sa pagsuntok at naaasar na ko. Mabilis siyang umatras.


“Dahil may kasalanan ka pa sakin.” Kasabay nang pagsangga ko sa sipang binigay niya. “Buti naman at sumipa ka na.”

( A/N : This is what a roundhouse kick looks like (the blue player) )


“Ano namang kasalanan ko?” Tumalikod siya at binigyan na naman ako ng sipa na mabilis na nasangga ng braso ko.


( A/N : This is what a back kick looks like (the red player) )


“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong ko. Ang tinutukoy ko ay yung ginawa niyang pagselosin ako.


Walang katapusan na kumbinasyon ng sipa at suntok na ang ginawa niya. Puro sangga lang ako.


“Puro ka na lang ba sangga?”


“Oo. Hangga’t hindi mo sinasagot ang tanong ko.”


“Patumbahin mo muna ko.” nakangising sagot niya.


Sumipa siya.

( A/N : This is what a side kick looks like)


Hinawakan ko ang paang ginamit niya. The next thing I knew, naitumba ko na siya sa sahig. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ‘yon, basta nagawa ko na lang. Narinig kong nagpalakpakan sina Khalil.


“Dahil ayokong mangyari sa inyo ang nangyari samin ni Jimia.” mahinang sagot niya na parang ayaw niyang iparinig kina Khalil. At seryoso ang mukha niya.


Kumunot ang noo ko. “Sinong—?”


“Next question.” singit niya na parang ayaw nang ipabanggit sakin ang pangalang Jimia. Mabilis siyang nakatayo at pumorma uli.


“Sino ang babaeng ‘yon, Clay?”


“Makikilala mo din siya kapag bumalik na ang alaala mo.” Sumipa siya. Hindi lang isa. Dalawang magkaiba pero magkasunod na sipa.

( A/N : Roundhorse kick + Axe kick )


Napangisi ako nang masangga ko na naman ‘yon.


“Puro sangga—Whoah!” Muntik na siyang matumba sa pag-ilag sa ginawa ko pero ramdam kong natamaan ko siya. Ni hindi ko alam kung anong tawag sa ginawa ko. Napahawak siya sa noo at bumbumnan niya. “Lordy naman.” reklamo niya. “Ba’t yon ang ginamit mo?” Nilingon niya sina Chad na tawa ng tawa.


“Don’t let your guard down, Clay.” pang-aasar ni Khalil.


“Ano bang ginawa ko?” tanong ko.


“That’s a butterfly kick, Jaylord.” sagot ni Chad na natatawa.



“Lordy.”


Nilingon ko si Clay.


“Alam mo ba kung bakit sinanay mo si Ellaine na matuto sa ganito?” Sumugod siya. Pero bago pa siya makasipa o suntok, nakakilos na ko.


Ang lakas na naman ang tawa nila Chad nang sumadsad sa sahig si Clay.


“Front kick lang ‘yon, Clay! Natumba ka na?” natatawang tanong ni Chad.


“Paanong hindi matutumba? Nabanggit niya kasi ang pangalan ni Jimia for the first time!” natatawang sabi naman ni Khalil.


Ang sama ng tingin ni Clay sa dalawa nang bumangon siya. Mukha na ring seryoso ang mukha niya hindi katulad kanina na nakangisi pa siya habang naglalaban kami. Sumugod na siya. Sunod na sunod na suntok at sipa na sinasangga ko. Pero hindi lang sangga ang ginagawa ko. Nagkaka-counter attack na din ako sa bawat suntok at sipa niya.


“Lagot ka kay Ellaine, Clay!”


“Napingasan mo ang mukha ni Jaylord!”


Napahawak ako sa gilid ng labi ko nang may malasahan akong dugo. Natamaan niya ko. Masyado siyang agresibo ngayon hindi katulad kanina. May kinalaman ba ang Jimia na ‘yon?


Sa sunod niyang ginawang magkasunod na sipa, sinangga ko lang ‘yon.


“Whoah!”


“Nine block!”


Narinig kong sigaw ng dalawa. At hindi ko alam ang tinutukoy nila.

( AN : Nine block - This is a black belt leveled block and the first time it is usually used is around the black belt form. The person blocks their chest with one hand and stomach region with the other. The shape of the block forms a number nine when executed correctly. )


Wala pa ring imik si Clay nang sumugod siya. And this time, napatumba ko na naman siya.


“What da—Low and middle reverse roundhorse!”


“And high pa kamo!”


Napailing ako nang marinig ko na naman ang komento nina Chad. Mas lalo akong napailing habang nakatingin kay Clay. “Mukha wala ka na sa mood. Itigil na ‘to.” sabi ko.


“Tinuruan mo si Ellaine para maipagtanggol niya ang sarili niya kahit wala ka sa tabi niya.” sa halip ay sabi niya bago bumangon. Pumorma uli siya.


“Clay, I said—” Sumugod na siya. Sinangga ko na lang ‘yon.


“Natuto siya hindi lang para sa sarili niya kundi para sa’yo, Lordy.” Sumipa siya na sinangga ko lang.


“Tama na, Clay.”


“Gusto ka rin niyang protektahan, Lordy.” Nagpakawala siya ng suntok. Pinigilan ko ang braso niya. Tumalikod ako na nakadikit ang likuran ko sa kaniya habang hawak ang braso niya. I flipped him over my shoulder straight to the floor.

( A/N : Ippon Seoi Nage )

Hindi na siya bumangon pa. Inilagay lang niya ang braso niya sa nakapikit niyang mga mata. Habol niya ang pag-hinga niya. Maya-maya ay nagsalita na siya.


“Kaya ko ngang ipagtanggol ang sarili ko, pero hindi ko naman na-protektahan ang taong ‘yon.”


“Clay.” Ano bang sinasabi niya?


Dahan-dahan siyang bumangon at deretsong lumabas ng kwarto. Nilingon ko sina Chad at Khalil na tahimik na ngayon. At seryoso na rin ang mga mukha.


“Anong problema no’n?” tanong ko sa kanila.


“Katulad nang sinabi ko kanina, mahirap ipaliwanag pero maiintindihan mo rin ang lahat kapag bumalik na ang alaala mo.” sagot ni Khalil. “Magsha-shower lang ako.” Lumabas na siya.


“Alam kong naguguluhan ka kay Clay.” sabi ni Chad. “Isipin mo na lang ang mararamdaman mo kung kaya mo ngang ipagtanggol ang sarili mo pero hindi mo naman ma-protektahan si Ellaine.” Tinapik niya ang balikat ko. “Dadalhin ko lang ‘to kay Clay.” sabi ni Chad na bitbit ang laptop ni Clay na ayon kay Ellaine ay hindi maiiwan ni Clay kapag dala niya.


“Siya nga pala. Mukhang hindi nawala sa’yo ang galing mo sa pakikipaglaban. Pero hindi ibig sabihin no’n, hindi ka na namin po-protektahan. Minsan na naming hindi nagawa ‘yon, ayaw na naming maulit ang pakiramdam na ‘yon.”


“Bakit ninyo pa ko gustong protektahan ngayong nalaman ninyo nang kaya ko pa ring ipagtanggol ang sarili ko?”


“Because we’re like brothers. Mahalaga ka samin.”


Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya hanggang sa makalabas siya. Umupo ako sa sahig at humiga.


“Kaya ko ngang ipagtanggol ang sarili ko, pero hindi ko naman naprotektahan ang taong ‘yon.”


“Isipin mo na lang ang mararamdaman mo kung kaya mo ngang ipagtanggol ang sarili mo pero hindi mo naman ma-protektahan si Ellaine.”


“Siya nga pala. Mukhang hindi nawala sa’yo ang galing mo sa pakikipaglaban. Pero hindi ibig sabihin no’n, hindi ka na namin po-protektahan. Minsan na naming hindi nagawa ‘yon, ayaw na naming maulit ang pakiramdam na ‘yon.”


I sighed.


Ano nga bang pakiramdam no’n? Na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko naman maprotektahan ang mga taong mahahalaga sakin?


Bakit kailangan ko pang alamin ang pakiramdam na ‘yon kung pwede namang hindi ko hayaang mangyari ‘yon?


Tiningnan ko ang dalawang kamao ko. Ngayong nalaman ko nang hindi pa rin nawawala ang mga nalalaman ko pagdating sa pakikipaglaban, hindi ko hahayaang sila lang ang mag-protekta sakin.


I’ll protect them with my own hands.


= = =


[ ELLAINE’s POV ]


Naabutan ko sa malaking sala si Lola Corazon kasama ang tatlong kasambahay na babae at isang lalaki. For Jaylord’s protection, pinagbakasyon muna nina lolo ang ibang kasambahay na nasa mansion. Tanging ang mayordoma, ang dalawang kasambahay na babae at isang boy ang naiwan.


Mula sa mga malalaking kahon, inilabas ng mga kasambahay ang iba’t ibang klase ng pang-dekorasyon para sa...


“Pasko...” I murmured. Tiningnan ko ang relo kong may date. December 23 na pala ngayon. Hindi ko man lang namalayang magpa-pasko na pala.


“Hija, nandyan ka pala.” nakangiting sabi ni lola.


Lumapit ako sa kanila.


“Maraming nangyari nitong nakaraang dalawang buwan. At tuwing darating ang pasko, tulong-tulong tayo sa pagdedekorasyon, hindi ba? Alam kong huli na pero pwede pa naman tayong humabol para sa pasko. Ngayong kasama na uli natin ang apo kong is Jaylord, mas masayang salubungin ang pasko na kumpleto tayo.”


“Sige po, lola. Tutulong po ko.”


Inilabas na namin ang bubuuin naming malaking Christmas tree nang dumating si Tito William pati si Lolo Ferdinand na nakutulong din.


“Sali kami dyan!”


Boses ‘yon ni Chad. Napalingon ako sa likuran ko. Ang tatlong masqueteers. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mukha nilang may band-aid. “Anong nangyari sa inyo? Nakipag-away ba kayo sa may kanto? Ah! Nag-sparring na naman kayo noh?”


“Oo. At syempre ako ang nanalo!” pagmamayabang ni Chad na lumapit kina Tito William na binubuo ang Christmas tree.


“Anong ikaw? Ako ‘yon!” kontra ni Khalil na lumapit din kina Tito.


“Quits lang kayo. Wag kayong feeling dyan.” Kontra ni Clay na tumabi naman sa pagkakaluhod ko sa carpeted floor ng sala habang nilalabas ang iba pang pang-decorate. Nakihalungkat din siya sa mga kahon.


“Bitter ka kasi, Clay.”


“Natalo ka kasi ni Jaylord.”


“I heard my name.”


Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Si Jaylord. Magkasabay sila ni Megan. Pasimple niya akong tinaasan ng kilay bago umupo at dumekwatro sa sofa. So, ganyan lang siya? Hindi man lang siya tutulong?


Umupo sa tabi ko si Jaylord. Kumunot ang noo ko. Hinawakan ko ang gilid ng labi niya. “Anong nangyari dito? Ba’t may sugat ka?”


“Nag-sparring kami ni Lordy kanina.”


Napalingon ako kay Clay na siyang sumagot sa tanong ko.


Nilingon niya ko mula sa pahahalungkat niya sa mga kahon. “Magaling pa rin si Lordy. Kayang-kaya ka pa rin niyang protektahan, Ellaine.” nakangiti niyang sabi bago tumayo at lumapit kina Khalil.


Nilingon ko si Jaylord. “You still know how to fight?” Akala ko pati ‘yon, nakalimutan niya na din.


“Yes.” Kinuha niya ang christmas ball na hawak ko.


“Christmas na pala sa isang araw.” Ni hindi ko man lang makakasama si mama. “Gusto mong tumulong sa pagbuo no’n?” tanong ko at itinuro ang Christmas tree.


Lumapit siya sakin at bumulong. “Sinabi mo sa mama mo na buhay pa ko?”


“Hindi. Alam mong hindi—“


“Jaylord! Help me with this!”


Napalingon ako kay Megan dahil sa boses niya. May sumabit sa buhok niya na kung anong decoration na sinasasabit sa Christmas tree. Paanong napunta ‘yon sa buhok niya?


“Jaylord!” tawag niya pero si Khalil ang lumapit sa kaniya at tinanggal ang sumabit sa buhok niya. Sumimangot lang si Megan dahil sa ginawa ni Khalil. Anong gusto niya? Si Jaylord pa ang magtanggal no’n? Asa siya.


“You're welcome, Megan.” nakangiting sabi ni Khalil bago bumalik sa ginagawa niya.


“Ellaine.”


Tiningnan ko si Jaylord. “Bakit?” tanong ko.


Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “Nagkasabay lang kami ni Megan kanina.” bulong niya bago tumayo at lumapit kina Chad.


Hindi ko naman tinatanong, eh. At hindi naman ako nagseselos. May tiwala naman kasi ako sa kaniya kahit ngayong may amnesia siya. Pero...


Napangiti pa rin ako dahil sa sinabi niya.


= = = = = = = =


“Five! Four! Three! Two! One! Merry Christmas!”


Sabay-sabay naming pinagpingki ang mga wine glass namin matapos ang countdown namin.


It’s 25th of December. Christmas na pero merry nga ba? Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama ko sa malaking sala. Nakangiti silang lahat. Napangiti na din ako. Merry naman talaga dahil kasama namin si Jaylord ngayon.


Pero may kulang sakin. Wala ang mama ko.


“Ellaine.”


Napalingon ako kay Jaylord. Hindi ko alam na malapit lang pala ang mukha niya sakin. Halos magdikit na ang mga labi namin. Inatras ko ang mukha ko pero hinabol lang niya ang labi ko at hinalikan ng mabilis. “Merry Christmas.” nakangiting sabi niya.


I smiled. “Merry Christmas din. Sorry kung wala kong gift sa’yo.”


“Okay na sa’kin ‘to.” Mabilis niyang hinalikan ang labi ko.


Napangiti ako. Napahawak ako sa suot kong necklace. Ang necklace na binigay sakin ni Jaylord bago ang kasal namin. Hinubad ko ‘yon. Pinaghiwalay ko sila. May initials ng mga pangalan namin ni Jaylord na naka-imprint sa loob ng dalawang pendant na singsing.


“Bigay mo sakin ‘to bago ka mawala. Ang sabi mo no’n kung nag-aalala akong hindi tayo magkikita sa araw ng kasal natin, isuot ko lang yung akin. Hindi nga tayo nagkita ng araw ng kasal natin pero lagi ko pa ring suot yung akin. Baka kasi maghimala na bumalik ka. Pero naisip ko, paano mangyayari ‘yon kung hinubad mo yung sa’yo?”


“Ellaine.”


Nginitian ko siya. “Pero bumalik ka.” Isinuot ko sa kaniya ang necklace niya. “Kaya binabalik ko na rin sa’yo ‘to. Wag mo ulit huhubadin ‘yan, okay?”


Kinuha niya ang necklace ko at isinuot sakin. “Mawala man ang mga necklace na ‘to satin, hindi ako mawawala sa‘yo.” He whispered as he kissed my forehead.

= = =

Disclaimer: I do not own the photos. 
Credits:
http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Taekwondo_techniques
gradera.nu
blackpoolkarate.com 

 Aiesha Lee's Note: Waah! Sensya na po sa mga pic! Mas madaling ipakita ung itsura ng move kesa i-explain. Mas madaling intindihin! Iwas dugo-ilong. Hihihi! ^___^


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^