Sunday, September 8, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 36



CHAPTER 36

[ JAYLORD’s POV ]


“Where’s Ellaine?”


“She’s sleeping.” hindi lumilingong sagot ko kay Megan habang nakatutok ang atensyon ko sa photo album na hawak ko. Isang oras na kong nakatingin sa photo album. At isang oras na din akong parang nanonood sa pamamagitan ng isip ko ng mga eksenang sumasagi sa isip ko. Masakit na nga ang ulo ko.


Umupo siya sa tabi ko. “Tanghali na but she’s still sleeping pa rin?”


“Napuyat siya kagabi.” Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko at hinilot ang ulo ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko.


“You, too?”


Hindi ako sumagot dahil mas iniintindi ko ang pagsakit ng ulo ko.


“Sir Jaylord.”


Nilingon ko ang kasambahay na nasa likuran ko. “Bakit?”


“Pinapatawag po kayo ng lolo ninyo. Nasa library room po siya.”


“Susunod na ko.” Tumayo na ko. Bwisit na ulo na ‘to! Pwede ba, kung babalik lang rin ang alaala ko, bumalik na lang bigla? Hindi yung ganito! Ang gulo-gulo!


“Jaylord, are you okay?” tanong ni Megan.


“I’m fine.” Iyon lang at iniwan ko na siya.


Kumatok muna ko sa library room bago pumasok. Nakita ko si Lolo Ferdinand na nasa ibabaw hagdan at may kinukuhang libro sa bookshelf.


“Lo, ako na po dyan.”


“Kaya ko na ‘to, apo.”


“Baka mahulog pa po kayo. Ako na po.”


Nagtitigan pa kaming dalawa. Siya ang unang sumuko. Bumaba siya ng hagdan at ako ang umakyat.


“That color blue one.” sabi ni lolo.


“Madaming blue dito, lolo.” Teka. Blue? Umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa hagdan.


“The one besides the black one. Okay ka lang, Jaylord?”


“Opo.” Pinikit ko muna ng mariin ang mga mata ko bago inabot ang librong sinasabi niya nang iba ang maabot ko.


“Hindi ‘yan, apo.”


“I know, Lo.” Photo album kasi ang nakuha ko na kasing kapal ng libro. Kinuha ko ang librong pinapakuha niya at inabot sa kaniya.


Binuklat ko ang photo album na nakuha ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang litrato. Dalawa ang taong nasa picture. Isang teenager at isang lalaki. Magkamukha silang dalawa. Pamilyar ang mukha ng lalaki sakin. Sobrang pamilyar.


“Okay lang ba si Ellaine, Jaylord? Hindi kasi siya sumabay ng agahan kanina.”


“Okay lang po. Puyat lang po siya kagabi.”


Ang lalaking ‘to! Kilala ko ang lalaking ‘tong nasa picture! Mukha lang siyang bata dito. Siya si Tito Ted! Siya ang taong kumupkop sakin!


Bumaba ako ng hagdan. “Lolo, sino ang taong ‘to?”


“Bunsong kapatid siya ng daddy mo. Pero ten years ago na siyang namayapa.”


Sa sinabi niya ay lalong sumakit ang ulo ko. Hindi siya namatay! Buhay siya! Pero bakit hindi siya pinahanap nila lolo? Ginawa din nila ang ginawa nila kay Tito Ted sakin! Hindi din nila ko pinahanap para siguraduhing buhay pa ko! Kailangan ko bang sabihin sa kanila na buhay si Tito Ted?


“Carol. Ano man ang mero’n sa nakaraan ko, kinalimutan ko na. Kung mero’n man akong pamilya bago kita nakilala, sana pinahanap na nila ko ten years ago. Pero hindi. Simula nang magbuntis ka kay Jaja, sa inyo na umikot ang buhay ko. Dito sa bahay na ‘to. Kayo ang pumuno sa mga alaalang nawala sakin. Ikaw. Si Cassy. Si Jaja. Kayo ang pamilya ko.”


“Isinama ako ni Carol dito sa bahay niya. Dito sa liblib na lugar na ‘to. Hindi na bumalik ang alaala ko. Hinintay kong may maghanap sakin pero wala. Hanggang sa magkahulugan kami ng loob ni Carol at ipinanganak si Jaja.”


“Dito sa lugar na ‘to nagsimula ang panibagong buhay ko. Ang panibagong buhay ko sa pangalang Ted na binigay ni Carol sakin. Siya ang dahilan noon kung bakit sa kabila ng kawalang pag-asa ko dahil sa mga nawala kong alaala, nagkaro’n ako ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay ko.”


Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?


“Jaylord, okay ka lang?”


“Okay lang ako.” Iyon lang at lumabas na ko ng library room at deretsong pumunta sa kwarto ko. Umupo ako sa gilid ng kama ko. Inihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko.


“Bakit hindi nila pinahanap si Tito Ted? Bakit hindi nila ako pinahanap? Bakit gano’n ang ginawa nila samin?! Bakit?! Hindi nila alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko!” madiing sabi ko. “May nagtatangka sa buhay ko na hindi ko kilala kung sino! Paano kung...”


Napatayo ako. “Paano kung isa sa mga tao dito ang nagtatangka sa buhay ko? Sino sa kanila? Si Clay? Si Khalil? Si Chad? O paano kung si Megan na siyang nakakita sakin? Paano kung isa sa kanila? Paano kung niloloko lang nila ko dahil wala akong maalala? Paano kung kasabwat nang gustong pumatay sakin ang isa sa kanila?”


“Ang sabi ni Tito Ted, wag daw akong magtiwala sa kahit kanino. Isang linggo na ko dito sa bahay na ‘to pero walang nangyayari sakin. Paano kung walang nangyayari sakin dahil naghahanap lang ng tiyempo ang taong ‘yon na nandito mismo sa mansion na ‘to? Sino sa kanila?”


Sa mga isiping ‘yon ay tumindi ang sakit ng ulo ko. Patindi ng patindi. Nanlaki ang mga mata ko. “Shit! Si Ellaine! Magkasama sila ni Clay ngayon!”


Biglang bumukas ang pintuan. Si Megan ang pumasok. “Are you okay?” tanong niya. “Nakita kitang nagmamadaling pumunta dito sa kwarto mo.”


“Get out, Megan.” Tumalikod ako habang sapo ang ulo ko. Si Ellaine! Kailangan ko siyang makita!


“Jaylord—”


“I said get out!” sigaw ko.


Si Ellaine! Kailangan ko siyang makita! Baka kung ano nang nangyari sa kaniya! Kailangan ko siyang makita! Napaluhod ako sa sahig. Sobrang sakit ng ulo ko! Hindi ko na kaya!


“Jaylord! Anong nangyayari sa’yo?”


“Si Ellaine...” Natumba na ko sa sahig. “Aaaahhhh!” Napasigaw ako sa sobrang sakit.


“Help! Khalil! Chad!”


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko.


“Simula ngayon, walang pwedeng umaway sa’yo. Ako ang bantay mo. Pangako ‘yan.”
“Talaga?”
“Oo. Ang umaway sa’yo, lagot sakin! Bugbog sila sakin!”
“Hindi mo naman kailangang manuntok, eh.”
“Ah, basta! Wag ka ng kumontra!”


“Jaylord. Hinahanap ka ng papa mo.”
“Wala akong ama!”
“Jaylord...”
“Iwan mo muna ko, Elle.”
“Ayoko. Ano ka ba! Nagpapakamatay ka ba?”
“Mabuti pa ngang mamatay na ko.”
“Jaylord naman!”
“Totoo naman diba? Wala namang kwenta ang buhay ko! Wala na si mama! Iniwan na niya ko!”
“Nandyan pa ang papa mo.”
“I don’t have a father eversince I was born!”
“Jaylord.”
“Iwan mo na ko, Elle.”
“Dito lang ako.”
“Iwan mo na ko!”
“Bakit mo ba ko pinagtatabuyan?”
“Ayaw mo no’n? Wala ng sangganong aaligid-aligid sa’yo? Yun naman ang gusto mo diba?”
“Wala kong sinabi—”
“Pero yun ang nararamdaman mo! Siguro naiinis ka na sa pagsunod-sunod ko sa’yo?”
“Hindi—”
“Iwan mo na sabi ako! Ba’t ba ang kulit mo?”
“Bakit ka ba ganyan? Bakit pati ako pinagtatabuyan mo? Akala mo ba matutuwa si Tita sa ginagawa mo ngayon? You still have a father. You still have me, Jaylord.”
“I don’t have anyone.”
“Jaylord.”
“Leave or I’m the one who will leave.”
“Siguro ikaw ang nagsasawang maging bantay ko? Kaya ‘yan ang way mo para palayuin ako sa’yo!”
“Tama ka. Kaya umalis ka na.”
“Fine! And I’m glad na wala nang aaligid-aligid sakin! Magagawa ko na ang mga gusto kong gawin! Magkakaro’n na ko ng iba pang kaibigan! Wala ng bubuntot sakin! Wala nang mangti-trip sakin! I hate you!”


“Pare, ba’t kasi hindi mo pa siya lapitan? Puro tanaw ka na lang.”
“Tara na.”
“Bakit nga pare?”
“Oo nga. Bakit nga?”
“Dahil ayokong mangyari sa kaniya ang nangyari sa girlfriend ni Paul. Kaya ngayong alam ninyo na, wag ninyo na kong kukulitin ng tungkol sa kaniya.”


“Promise, Ma. I will take care of Elle. I will not leave her. Kahit malayo ako sa kaniya, kahit hindi ko magawang lumapit sa kaniya. I will make sure na lagi akong nandyan para sa kaniya.”


“Okay ka lang ba?”
“Are you out of your mind?! Bakit mo ginawa ‘yon?! Takot ka sa multo at ahas, pero sa kutsilyo, hindi ka takot! Hindi ka ba nag-iisip?! Bwisit! Bwisit! Bwisit!”
“Jaylord... I’m sorry... binubugbog ka na kasi nila, eh...”
“Bwisit talaga! Hindi mo dapat ginawa ‘yon. Paano kung may masamang nangyari sa’yo? Anong gagawin ko? Mag-isip ka nga muna, Elle.”
“I’m sorry... wag ka ng magalit...”
 “Ayoko ng maulit to, Ellaine.”
“Anong...”
“I need to stay away from you. Again. I’m sorry.”


“I promise that I will protect you pero na-realize ko ding hindi naman sa lahat ng oras mapo-protektahan kita. You have your own life. I have my own. Hindi sa lahat ng oras lagi kitang kasama. But I will assure you na darating ako kapag kailangan mo ko.”
“Promise?”
“You know I always keep my promise. Just like what I told you, I was programmed to protect you.”


“Thank you for making my birthday so very special ‘till the last minute.”
“And I promise to make every minute of your life more special.”


“She is Ellaine, my girlfriend. She’s the first and will be the last. Because someday, she will be my wife. Mataas ang antas ninyo sa lipunan. Simple lang ang buhay nila. Kung magiging katulad ng nangyari kina daddy at mama ang mangyayari samin. Hinding-hindi ko kaya tatanggapin.”
“Marami kaming natutunan ng lola mo sa pagkawala samin ng ama mo. Alam kong matanda na kami. At hindi na rin kami magtatagal sa mundong ito. Siguro naman, hindi pa huli para samin ang magbago. Nang araw na lumapit kami sa inyo ng ama mo. Nang araw na ‘yon, tanggap ka na namin ng buong-buo. When I saw how you held this girl’s hand tightly when you saw us, naalala ko ang mama at papa mo. Hawak din niya ng gano’n kahigpit ang kamay ng mama mo ng araw na iwan niya kami. And we don’t want that to happen again.”


“I know what I just saw. I told you before and I will tell you again. Don’t ever mess with her. Nor lay your hands on her.”
“Nauna ako dito. Siya ang lumapit sakin. Kaya wag ako ang pagsabihan mo. At yung nakita mong hawak ko ang braso niya. Ang talim naman kasi ng dila ng girlfriend mo.”


“Remember this, Elle. Kahit ilang Megan pa ang magkagusto sakin, hinding-hindi kita ipagpapalit. Mamamatay ako na ikaw lang ang una’t huling babae sa puso ko. Tandaan mo ‘yan.”
“Me, too, Jaylord.”


“Ang daming stars.”
“Oo nga. Ang dami nila. Natatandaan mo ba nung sinagot kita?”
“Of course. Nasa campus tayo no’n at katatapos lang ng graduation ko.”
“Ganito rin kadami ang stars no’n. Natatandaan mo ba yung sinabi ko sa’yo?”
“Na kasing dami ng stars ang sagot mo.”
“Tapos sinabi mo kung sure na ko sa sagot kong No.”
“Hindi ko naman alam na sasagutin mo ko ng gabing ‘yon. At sa pagkakatanda ko, tinanong kita no’n kung gusto mong pumunta ng Avilon Zoo. Ipapahawak ko sa’yo yung ahas nila.”
“Hindi ko narinig ‘yon kasi may iba akong iniisip. I was thinking kung paano ko sasabihin sa’yo na sinasagot na kita.”
“Kaya ng ituro mo yung mga stars na gano’n karami ang sagot mo sakin. All I thought na No ang sagot mo sa tanong ko dahil ayaw mo ng ahas. At nag-walk out ka pagkatapos.”
“Pero hinabol mo naman ako.”
“Kasi hawak mo yung toga ko.”
“Nakakainis ‘to!”
“Inis na hinagis mo yung toga ko sa mukha ko. When I asked you kung galit ka.”
“Ang sabi ko, oo. At dahil galit ako sa’yo, break na agad tayo.”
“At do’n ko lang na-realize na kasing dami ng stars ang sagot mo sakin. Na sinasagot mo na ko.”
“Ang tagal na pala natin.”
“Bakit? Gusto mo na ba kong pakasalan?”
“Hindi pa tayo pwedeng magpakasal.”
“Bakit? Ayaw mo ba?”
“Marami ka pang obligasyon sa kumpanya ninyo. Ayokong dumagdag pa sa mga ‘yon.”
“You’re never an obligation for me. Because above all of this, you are my top priority.”


“I love you, Elle. Kahit may ginawa ka na namang nakakainis kanina.”
“I love you, too, Jaylord. Alam ko namang hindi mo ko matitiis, eh.”


“Basta kasama kita, hinding-hindi ako mabo-bored. Kaya wag ka ng tatakas sa tabi ko. Baka kung sa’n-sa’n ka na naman magsusu-suot.”
“Sabi mo, eh.”


“I’m not that sweet type of guy na gugustuhin ng mga babae. Masungit ako. Suplado. Lagi ka pang nakakatikim ng sermon sakin. Buong buhay mo, halos ako na ang nakasama mo. Buong buhay mo, lagi akong nakabantay sa’yo. Kaya ang tanong ko, hindi ka ba nagsasawa sakin? Kasi ako... Hinding-hindi ako magsasawa sa kakulitan mo, sa pakikialam mo sakin at sa katigasan ng ulo mong nadadagdagan araw-araw. Pinapainit mo man ang ulo ko, pero ‘yon din ang dahilan kung bakit napapangiti mo ako.”
“Jaylord...”
“I really want to spend my whole life with you, Elle. Twenty three years of my lfe has been spent almost with you. At kahit ilang years pa ang dumating sa buhay ko, I’m more than willing to spend those years with you and protecting you. So, will you marry me, Ellaine Manansala, and spend your lifetime with me?”
“You have your own ways para ipakita ang sweetness mo, kaya para sakin ikaw ang pinaka-sweet sa lahat... At wala kong paki kung ikaw ang pinaka-masungit at suplado, basta ba sa ibang babae ka lang gano’n, okay sakin... Hindi naman ako nasasakal sa pagbabantay mo, eh... Kasi pinaparamdam mo pa rin na malaya kong gawin ang gusto ko... Pati ang makipag-kaibigan sa mga taong hindi mo naman gusto...”
“Nasabi ko na sa’yo ‘to while you’re sleeping two weeks ago. Uulitin ko lang. Hindi ako magsasawang makasama ka. I just finished spending my twenty three years of life with you... And I still want to spend my next twenty three years, and the next coming years with you... And yes, I will marry you!”


“Excited ka na ba bukas kaya sinuot mo na ‘yang gown mo?”
“Nakakainis ka.”
“At bakit?”
“Wala na. Nakita mo nang suot ko ‘to. Hindi ka na excited na makita akong suot ko ‘to bukas.”
“Bakit ba kasi sinuot mo ‘yan? Hindi mo natatandaan ang bilin sa’yo ng mama mo, nila lola at lalong-lalo na ang bestfriend mo na wag mong suutin at sukatin ‘yan bago ang araw ng kasal natin?”
“Dahil baka hindi matuloy ang kasal natin? Eh, ikaw bakit ka pumunta dito? Hindi tayo pwedeng magkita diba?”
“Para namang papayagan kong hindi matuloy ang kasal natin bukas.”


“We will see each other tomorrow, okay. That’s a promise.  Kung hindi man tayo magkita bukas, may susunod pa namang bukas.”
“Jaylord...”
“Tomorrow ko pa dapat ibibigay ‘to sa’yo, sa honeymoon natin. Pinasadya ko pa talaga ‘to. It’s a necklace with a pendant ring on it. And... Two in one. There’s a magnet between them so you can easily put them back together. Kaya wag mong isipin na hindi tayo magkikita bukas. Just like this necklace, there’s a magnet between us na siyang maglalapit sating dalawa kahit sa’ng lupalop pa tayo ng mundo. Kaya kung nag-wo-worry kang hindi mo ko makikita bukas, wag mong tatanggalin ‘to, okay.”
“Never.”
“Magpahinga ka na. Don’t think too much, okay. Baka atakihin ka na naman ng insomnia mo. Goodnight. ‘I love you.’
‘I love you, too.’


“Elle...”

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^