Sunday, September 8, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 37

CHAPTER 37
[ JAYLORD’s POV ]


“Ellaine!”


Napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang pag-hinga ko. Nag-aalalang mga mukha ang sumalubong sakin.


“Apo, anong nararamdaman mo?” tanong ni lola.


“Kamusta na ang pakiramdam mo, Jaylord? Parating na si Dr. Alejandro dito.” sabi ni daddy.


“Okay lang po ako. Hindi na kailangan ng doctor.” Lahat ng katanungan ko kanina bago ako mawalan ng malay, naiintindihan ko na ngayon. Lahat-lahat. Kinuyom ko ang kamao ko. Tiningnan ko si Chad at Khalil. “Sumunod kayo sakin sa sparring room.” Umalis ako sa kama nang pigilan ako ni lolo.


“Apo, hintayin muna natin si Dr. Alejandro para ma-check ka.”


“No need, grandpa. Bumalik na ang alaala ko. Kaya hayaan ninyo muna kong makausap sina Chad.” Hindi ko na sila hinintay na sumagot pero halatang nagulat at natuwa sila sa narinig nila. Lumabas na ko ng kwarto at dumeretso ng sparring room.


“Lock the door.” utos ko sa dalawa pagkapasok na pagkapasok ko ng sparring room. Hinarap ko sila. Halata sa mukha nila na natutuwa sila.


“We’re glad na bumalik na ang alaala mo.” Khalil said.


“Welcome back, Jaylord.”


“Alam kong kaya dito mo kami kinausap dahil ayaw mong marinig ng kahit na sino ang sasabihin mo. Anong nangyari sa’yo ng araw ng kasal mo?” tanong ni Khalil.


“Maliban kay Drenz, sino ang isa pang taong kasama mo sa warehouse?”


Hindi na ko nagulat kung bakit nila nalaman na si Drenz ang isa kong kasama.


- F L A S H  B A C K -

Tumingala ako sa langit. At napangiti. “Aalis na ko, ‘Ma.”


Tumalikod na ko at humakbang palapit ng kotse ko. Nang matigilan ako at makita ko ang isang kotseng itim na nakaparada di-kalayuan sakin. Kumunot ang noo ko. Ang kotseng ‘yon ang nakita kong sumusunod sakin kanina. Lumapit ako sa kotse ko kasabay ng paglapit ng taong lumabas sa kotseng itim na nakita ko.


Si Drenz.


“You.” Humalukipkip ako at sumandal sa kotse ko. “Anong ginagawa mo dito?”


“Mag-usap tayo.”


“Then talk.”


“Wag dito. Sumunod ka sakin.”


Napailing ako. “Sinasabi ko na nga ba.” Una ko pa lang siyang nakita sa NPC, hindi ko na siya gusto. Alam nila Khalil ang bagay na ‘yon.


At dahil ayokong maging paranoid, pina-background check ko siya na hindi alam nila Khalil. Wala siyang anumang criminal record. Maliban sa nalaman kong pineke niya ang mga credentials niya at may backer siya para makapasok sa NPC na walang iba kundi si Ms. Nelasco na nang-bu-bully no’n kay Elle na nag-resign na. Si Ms. Maricar Nelasco na kasintahan ng kuya ni Drenz na namatay five years ago.


Ano ang tunay na dahilan niya sa pagpasok sa NPC? Three years ang lumipas pero hindi ko nalaman ‘yon. Hindi ko lang alam kung anong balak niya ngayon. At kung bakit ngayon niya pa ko gustong kausapin sa araw mismo ng kasal ko.


“Don’t worry. Malapit lang dito ang pupuntahan natin. Hindi ka male-late sa kasal mo.” may diing sabi niya bago tumalikod.


“How are you sure na susunod ako sa’yo?” Hindi niya ba alam na ayoko ng inuutusan ako ng mga taong hindi ko naman gusto?


Nilingon niya ko. “Si Ellaine.”


Dumeretso ako ng tayo. “Wag mo siyang isali dito.” Alam kong panakot lang niya si Elle. Hahayaan ko bang makipag-kaibigan sa kaniya si Elle kung alam kong mapapahamak lang si Elle?


“Talagang gagawin mo ang lahat para sa kaniya.” Ngumisi siya bago humakbang palapit ng kotse niya.


Tiningnan ko ang relo ko. Maaga pa naman. Sumakay na ko ng kotse ko. At sinundan siya. Nakarating kami sa isang lumang warehouse na nasa gitna ng bukid. Bumaba siya. Bumaba din ako. I scanned the place.


“Walang ibang tao dito. Wag kang mag-alala.” sabi niya bago pumasok ng warehouse. Sumunod ako sa kaniya. Mga luma at sirang kahoy lang ang nando’n. Huminto siya sa gitna.


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang tinitingnan ang paligid. Tiningnan ko ang relo ko. “You have five minutes to talk.” Hinarap ko siya. “Anong kailangan mo?” Tiningnan lang niya ko. “Okay. Three minutes.” May kung anong hinagis siya sa paanan ko. Nakarolyong papel ‘yon. Yumuko ako at kinuha ‘yon. Isang larawan ng lalaki ang nakita ko.


“Sino ‘to?” Pero ang totoo, kilala ko ang lalaki. Ang lalaking nasa picture ang kuya ni Drenz. Kung sasabihin ko sa kaniyang kilala ko ang lalaki, hahaba ang usapan nito. Male-late pa ko sa kasal ko pag nagkataon. At ‘yon ang hindi ko papayagang mangyari.


“Sino ‘yan? Pinatay mo siya pero hindi mo siya kilala! Hayop ka!”


Napalingon ako sa kaniya. May hawak na siyang baril na nakatutok sakin. Kumunot ang noo ko ng may mapansin ako sa kamay niya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala pa kong napapatay na tao. Napadala sa ospital, marami na. Gusto mo bang sumunod?” Isusunod ko na talaga siya kapag hindi ako umabot sa kasal ko nito.


“Hayop ka!” sigaw niya. “Kung alam kaya ni Ellaine ang baho mo, sa tingin mo tatanggapin ka pa rin niya?!”


“Oo. Dahil wala kong alam sa baho na sinasabi mo.”


Pinatay ko ang kuya niya? Baliw ba siya? Hindi ako pumapatay ng tao. Nanlulumpo at nambubugbog, oo. At matagal na simula nang mambugbog ako. Five years ago na ang nakakalipas no’n. Hanggang sparring sessions na lang kasama nila Chad.


Teka lang! Five years ago? Napailing ako. Alam ko na ang dahilan nang pagpasok niya sa NPC. Pero bakit niya naisip na ako ang pumatay sa kuya niya? At bakit ngayon lang siya kumilos?


“She doesn’t deserve you! Idiot!”


“Wala ka ng paki do’n.” Tiningnan ko ang relo ko. “Time’s up. Male-late na ko sa kasal ko. Wag kang mag-alala, magtutuos pa tayo pagkatapos ng kasal ko.” May dapat pa kaming tapusing dalawa. Pero hindi ngayon ang oras para do’n. Humakbang na ako paalis nang makarinig ako ng putok. Napalingon ako sa kaniya. Nakatutok ang baril niya sa kisame ng warehouse.


“Isang hakbang mo pa, sa ulo mo na ‘to tatama!”


“Kung may balak ka talagang patayin ako, sa ulo mo na pinatama ang unang balang pinaputok mo.” Hindi siya sanay humawak ng baril. Napansin ko na ‘yon kanina. Hindi ko alam kung bakit niya pa ko dinala dito kung wala naman pala siyang balak na patayin ako. Pero isa lang ang nasa isip ko, gusto niyang pigilan ang kasal ko.


“Tama siya! Kung ako sa’yo sa ulo ko na pinatama ang balang ‘yon. Sinayang mo lang ang bala.”


Sabay kaming napalingon sa boses na ‘yon, sa likuran namin. May isa pang palapit na lalaki samin. At kilalang-kilala ko ang hilatsa ng mukha ng lalaking kararating lang.


Siya si Kairo. Ang lider ng kalaban naming gang noon. Ang lider ng ACG o Abrafo Crevan Gang.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Drenz kay Kairo.


Magkakilala silang dalawa? Napailing ako. Ngayon, napagtagni-tagni ko na ang dahilan kung bakit naisip ni Drenz na ako ang pumatay sa kuya niya five years ago.


“Ito.” May itinaas na granada si Kairo. “Alam ninyo ba ang kayang pasabugin nitong hawak ko? Itong buong warehouse lang naman.” Napailing ako. Tiningnan niya ko. “Sino kaya ang mapupunta satin sa langit at impyerno, Jaylord? Teka lang. Bakit ko pa kailangang magtanong kung pwede ko namang alamin?” Binitiwan niya ang granadang hawak niya.


“No!” sigaw ni Drenz.


Napahawak ako sa necklace ko. 


I’m sorry, Elle... Mukhang male-late ako sa kasal natin.


Walang sumabog. Walang nadurog.


Walang napunta sa langit. Walang napunta sa impyerno.


Dahil peke ang granadang binitiwan ni Kairo. Humalakhak siya na parang baliw. “Kamusta ka na, Jaylord? Hindi ka man lang ba nagulat sa ginawa ko?”


Ngumisi ako. “Hindi. Ang tagal nating hindi nagkita pero hindi pa rin nagbabago ang style mo. Ang style mong bulok.”
 

Ngumiti siya. Yung ngiti niyang nakakaasar. “Hindi mo ba ko kakamustahin man lang? Limang taon na rin, Jaylord. Kamusta na ang DSG? Naging katulad mo rin bang duwag?”


“Kamusta ang ACG, Kairo? Katulad mo rin bang bagsak pa rin?” Simula nang mabuwag ang ACG, labas masok na siya sa kulungan hanggang sa mawalan na ko ng balita sa kaniya. Oo. Undersurveillance ko ang taong ‘to pati ang buong ACG.


Kaya nga hatid-sundo namin no’n si Elle nung nag-aaral pa siya. Pero nang maka-graduate siya, nawalan na ko ng balita sa mga kampon ni Kairo at sa kaniya. Ngayon lang uli siya sumulpot. At sa mismong araw pa talaga ng kasal ko!


“Ang yabang mo pa rin hanggang ngayon, Jaylord.” nakangising sabi niya. Nilingon niya si Drenz. “Bakit hindi mo pa siya tinapos kanina, Drenz?”


“Hayop ka! Paano kung totoong granada ‘yon?!”


“Mag-ingat ka sa pananalita mo kung ayaw mong ihagis ko sa’yo ang totoong granadang nasa’kin.” madiing sabi ni Kairo.


Natahimik si Drenz. Yumuko si Kairo at kinuha ang nakarolyong papel kung nasa’n ang litrato ng kuya ni Drenz na hinagis ko.


“Sayang ang kuya mong si Jhonny, Drenz. Kung hindi lang sana siya pinatay ni Jaylord, magkasama pa sana kayo ngayon ng mahal mong kuya. Bakit ba kasi tumagal pa ng ganito bago ka kumilos, hah? Naduduwag ka ba?”


Tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Drenz. “Hindi!”


“Hindi pala, eh. Hawak mo na ngayon ang buhay niya. Ano pang hinihintay mo? Isang bala lang sa utak niya, mapapadala mo na siya sa impyerno. Matatahimik na din ang kaluluwan ng kuya mong walang awa niyang pinatay.”


Nilingon ako ni Drenz. Dahan-dahan niyang itinaas ang baril niya at itinutok sakin. “Pinatay mo ang kuya ko.” madiin niyang sabi.


“Iputok mo. Siguraduhin mo lang na tatama sakin ‘yan.” Humakbang ako palapit sa kaniya.


“Dyan ka lang, Jaylord! Ipuputok ko talaga ‘to!”


“I’m waiting.” Humakbang uli ako palapit sa kaniya. “Ano kayang mararamdaman ni Ellaine kapag nalaman niyang napatay mo ko?”


Nakita kong saglit siyang natigilan pero bumalik din agad ang ekspresyon niyang matigas. “Wala akong pakialam!”


“Sinungaling. Pinoprotektahan mo din ang nararamdaman niya diba? Kaya nga tumagal ng ganito bago ka kumilos? Do you like my Elle, Drenz?”


“No!” sigaw niya. “Nagkakamali ka dyan! Gusto ko lang makuha ang loob niya para saktan ka! Wala akong pakialam sa kaniya! Ang gusto ko lang, maipaghiganiti ang kamatayan ng kuya ko! Buhay ang kinuha mo, Jaylord! Kaya buhay mo din ang kukunin ko!”


“Hindi ka lang duwag, Drenz. Bulag ka pa para maniwala agad sa sinabi ng lalaking ‘yan. Anong patunay niya na ako nga ang pumatay sa kuya mo?”


Umilap ang mga mata niya.


“Wala kang maisagot ‘no? Nag-aksaya ka lang ng tatlong taong pagta-trabaho sa NPC sa maling impormasyong nakuha mo.”


“Hindi totoo ‘yan!”


“Ang dami ninyong satsat na dalawa! Para kayong babae! Tapusin mo na ‘yan, Drenz!” singit ni Kairo.


“Alam mo ba kung sino ang taong walang awang pumatay sa kuya mo?” tanong ko. Tatlong hakbang na lang ng pagitan ko sa kaniya. Kailangan ko siyang libangin para makuha ko ang baril na hawak niya. “Si Kairo. Siya ang pumatay sa kuya mo.”


“No...”


“Ang taong pinaniwalaan mo ang taong pumatay sa kuya mo.”


“Kung ayaw mong gawin, Drenz, ako na lang ang tatapos sa kaniya!”


“Dyan ka lang!” Itinutok naman ni Drenz ang baril niya kay Kairo.


“Put—na! Hindi ako ang kalaban mo dito! Si Jaylord ang pumatay! Kaibigan ko ang kuya mo! Hindi ko kayang—”


“Tama na!” sigaw ni Drenz. “Parehas lang kayong dalawa!” Palipat-lipat ang pagtutok niya ng baril samin ni Kairo. “Mga gangster na walang magawa sa buhay kundi ang mangbugbog at makipag-away! Parehas lang kayong naninira ng buhay! Sinira ninyo ang buhay ng kuya ko! Sinira ninyo!”


Sinamantala ko ang pagkakataon na tinutok niya ang baril kay Kairo. Kasabay nang pagbunot ni Kairo ng kung ano sa likuran ng pantalon niya, walang hirap kong naagaw ang baril kay Drenz at pinaputukan ang kamay ni Kairo na may hawak ng baril na siyang kinuha niya sa pantalon niya kanina. Tumilapon ang baril niya.


“Pasalamat ka at sa daliri lang kita pinatamaan.”


Ngumisi lang si Kairo na parang demonyo. “Mabilis ka pa rin, Jaylord.”


Nagkibit-balikat lang ako. “At ikaw, Drenz.” hindi tumitinging sabi ko habang nakatutok ang baril na hawak ko kay Kairo.


“Bakit? Papatayin mo rin ba ko?”


“Umalis ka na sa warehouse na ‘to.” utos ko.


“Ano?”


“You heard me. Bago pa magbago ang isip ko, umalis ka na dito.”


“Pero bakit?” nagtatakang tanong niya.


“Isa pang tanong, ikaw na ang sunod kong patatamaan nitong baril na hawak ko.”


Hindi pa rin siya kumikilos.


“Umalis ka na sabi!” sigaw ko. Mabagal siyang humakbang paatras na parang hindi alam ang gagawin niya. Napapalatak ako. “Sabihin mo kay Ellaine na darating ako sa kasal namin. Hintayin niya lang ako. Sabihin mo ‘yan, Drenz.” madiing utos ko.


Hindi siya sumagot. Hindi rin siya umalis. Tinutok ko ang baril sa kaniya at pinaputok ‘yon. Hindi sa kaniya pero sa mga kahoy na nasa likuran niya.


“Ano, hindi ka pa ba aalis?”


Matalim ang tinging humakbang siya paatras bago nagmamadaling tumakbo palabas ng warehouse.


“Sige, takbo lang! Katulad ka lang kuya mo! Duwag! Gago!” sigaw ni Kairo kasabay ng malademonyo niyang halakhak. Tiningnan niya ko. “Kailan pa lumambot ang puso mo sa iba, Jaylord? Nakakasukang isipin na ang dating lider ng DSG, pusong mamon na ngayon.”


“Mas nakakasuka ang itsura mo.”


Tumayo siya. Pumunit siya sa damit niya at itinali sa kamay niyang dumudugo. “Hah! Ba’t hindi mo pa iputok ‘yan para matapos na ‘to? Para mapatunayan kong mamamatay tao ka nga.”


“Patas akong lumaban.” Tinanggal ko ang mga bala ng baril na hawak ko at hinagis ‘yon. “Ba’t bibigyan kita ng patunay? Ano ako? Hilo? Hindi ‘to matatapos sa pagkamatay mo. Mas gusto kong mabulok ka sa kulungan para maramdaman mo ang hirap para sa mga kasalanang ginawa mo.”


“Mano-mano?” Humalakhak lang siya. “Edi simulan na natin!” nakakalokong sabi niya.


Sumugod na siya. Binigyan niya ko ng suntok sa mukha pero inilagan ko lang ‘yon. Sunod na sunod na sipa at suntok ang ginawa niya pero sinasalag ko lang ‘yon.


“Ano ba naman ‘yan? Mahina ka na ba ngayon at puri iwas at salag ka na lang?”


“Ayoko ko kasing mapingasan at madungisan ang mukha ko ngayon.”


Patuloy siya sa pagsuntok. “Oo nga pala! Kasal mo nga pala ngayon! Sa babaeng ‘yon!” nakangisi niyang sabi. “Siya ang isusunod ko—” Napasadsad siya sa sahig nang bigyan ko siya ng roundhouse kick.


“Oras na hawakan mo ang dulo ng daliri niya, sisiguraduhin kong hindi na sa kulungan ang bagsak mo.”


Ngumisi siya. “Yan ang gusto ko sa’yo, Jaylord! Ganyan na ganyan! Palaban!” Tumayo siya at pumorma. Pumorma na rin ako. Kailangan ko nang tapusin nang mabilis ‘to.


Hindi pa rin nagbabago si Kairo. Magaling pa rin siyang lumaban. Dahil siya ang lider ang ACG, siya ang pinakamagaling. Pero syempre, mas magaling pa rin ako sa kaniya. May mga tumamang suntok sakin pero mas marami siyang tama sakin. Hindi lang tama. Sinigurado kong hindi na siya makakatayo sa bawat suntok at sipang binibigay ko sa kaniya.


Lalo pa kong nainis nang may malasahan akong dugo sa gilid ng labi ko. Napailing pa lalo ako nang pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, nakatayo pa rin siya.


“Hindi mo ko mapapatumba ng gano’n lang, Jaylord...” hingal na sabi niya na natatawa pa.


Habol ko din ang paghinga ko. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko. “Alam ko.”


Sumugod siya. Hinawakan ko lang ang braso niyang ginamit niya para suntukin ako. Gamit ang isang kamay ko, sinuntok ko ang mukha niya. Gumanti lang din siya. Natamaan ako. Umatras ako at binigyan siya ng reverse high roundhouse kick. Sumadsad siya sa mga kahoy na nasa likuran niya.


“Kaya mo pa ba, Kairo?”


Ngumisi siya. May kung anong inangat siya na hawak ng kamay niya. Kumunot ang noo ko at napahawak sa leeg ko. “Shit!” Yung kwintas ko! Hindi pa rin nawawala ang bilis ng kamay niya.


“Ba’t ganyan ang mukha ko? Aha! Mukhang mahalaga sa’yo ‘to, Jaylord... Akin na lang ‘to, ah...” nakakalokong sabi niya.


“Akin na ‘yan.” madiing sabi ko.


“Ayoko...” Pasuray-suray siyang tumayo at lumapit sakin. Sinuntok niya ko na hindi naman tumama. Sinuntok ko siya sa sikmura niya. Pasuray-suray siyang humabang paatras hanggang sa mapaupo siya.


“Hindi ka ba naaawa sa mukha mo? Talo ka na, Kairo. Just like before, ako pa rin ang panalo.”


Humakbang ako palapit sa kaniya para kunin ang kwintas kong nasa gilid niya.


“Dyan ka nagkakamali, Jaylord...” May itinaas siyang baril at agad na pinaputok.


Mabilis akong yumuko at nagtago sa likod ng mga kahoy habang patuloy lang siya sa pagpapaputok. Napahawak ako sa balikat ko. “Shit!” Natamaan pa rin niya ko. “Hindi ka talaga patas lumaban, Kairo!”


Halakhak lang ang narinig kong sagot niya. Hanggang sa wala na kong narinig na putok ng baril. Sumilip ako sa pinagtataguan ko. Nakita kong may inilabas siya.


Shit! Alam kong totoo na ang hawak niya. Tiningnan ko ang gilid ko. Nasa itaas ang bintana. Malaki ‘yon at salamin lang ang naharang do’n. At hindi ko ‘yon maabot kung... Napatingin ako sa mga kumpol ng kahoy sa harapan ko.


“Sa impyerno na natin ituloy ang labanang ‘to, Jaylord! Handa na kong mamatay! At sisiguraduhin kong isasama kita sa impyerno! At alam mo ba ang maganda do’n? Habang nasa impyerno ka, pahihirapan ng mga kampon kong pagala-gala lang ang buhay ng mga taong mahalaga sa’yo! Lalo na ang babaeng ‘yon!”


“Hindi ko papayagang mangyari ‘yon! Mauna ka sa imperyno!”


Mabilis akong sumampa sa mga kahoy na nasa harapan ko at tumalon sa bintanang may salamin na nabasag sa pagbunggo ko do’n. Hindi ko alam kung anong mero’n sa likod ng warehouse at kung anong sasalo sakin. Sa paglabas ko sa bintana, nakita kong lupa ang kababagsakan ko at ibaba no’n ay malakas na pag-agos ng tubig.


Mataas ang kababagsakan ko. Gahibla na lang bago ako bumagsak sa lupa nang may malakas na pagsabog akong narinig mula sa likuran ko. Mabilis akong bumulusok at nagpagulong-gulong hanggang sa maramdaman kong malakas na tumama ang ulo sa matigas na bagay. Nakaramdam ako ng hilo, sobrang pagka-hilo bago ko naramdamang tangayin ako nang malakas na pag-agos ng tubig. May nahawakan pa kong bagay na kinapitan ko.


Nagdidilim na ang paningin ko.


Hindi ako pwedeng mamatay. Hindi sa ganitong paraan mamamatay ang isang Jaylord Nevarez. Kailangan ko pang tuparin ang pangako kay Elle na magkikita kami ngayon. Hindi ko siya bibiguin. Hinding-hindi.


Darating ako, Elle. Darating ako... Hintayin mo lang ako...


Mukha niya ang huling nakita ko sa isip ko bago mawalan ng malay.

-  E N D  O F  F L A S H  B A C K -


“Hayop na Kairo na ‘yon!”


“Bangkay pala niya ang iniyakan namin!”


“Ang hinayupak na lalaking ‘yon!”


“Pati ang Drenz na ‘yon!”


Kung anu-anong masasamang salita ang lumabas sa bibig nila Chad at Khalil matapos kong sabihin ang nangyari sakin sa warehouse.


Naputol lang ‘yon nang may nag-ring na phone. Phone ni Chad. Sinagot niya ang tawag. “Hello! Bakit—” Napahinto siya. Rumehistro ang pagkabigla sa mukha niya. Tiningnan niya ko. “Jaylord. Si Ellaine.”


Napaderetso ako ng tayo. Tumigas ang likod ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko. “Anong nangyari kay Ellaine?”


“She’s been...”


“Anong nangyari kay Ellaine?! Nasa’n si Clay?!” sigaw ko.





P—ta—na!



= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^