CHAPTER
38
[ ELLAINE’s POV ]
“Hmm...”
Iminulat
ko ang mga mata ko. Wala akong makita dahil kadiliman ang bumungad sakin. Yun
ay dahil nakapiring ang mga mata ko. Nakasandal ako sa pader habang nakaupo sa
sahig. Nakatali din ang mga kamay kong nasa likuran ko. May nakapasak ding tela
sa bibig ko na nakapaikot sa batok ko.
Ilang
segundo ang lumipas nang rumehistro sa isip ko kung bakit ganito ang ayos ko.
At kung bakit ako nandito.
- F L A S
H B A C K -
Hours
later...
“Ellaine.”
“Hmm...”
“Wake up.”
“Hmm...”
Sumiksik ako sa mainit na bagay na nasa tabi ko.
“Ellaine.”
Naramdaman
ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. “Jaylord naman, eh… Inaantok pa ko...” Mas
lalo akong sumiksik sa kaniya.
“May pupuntahan ka
pa kaya gumising ka na.”
Inaantok
na idinilat ko ang isang mata ko at tiningala siya. “Saan?” inaantok na tanong ko.
“May date kayo ng
mama mo.”
Tuluyan
na kong nagising dahil sa sinabi niya. Bumangon ako at umupo. “May date kami
ni mama?”
Bumangon
na din siya. “Oo.
Pupunta ka sa bahay ninyo ngayon.”
“Pero...”
“Alam ko namang
gusto mong makasama ang mama mo ngayong pasko. Ako ng bahala kina lolo. Maligo
ka na.”
“Jaylord...”
Niyakap siya. “Thank
you!” Kumalas ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi niya. “Thank you
talaga!”
Tinakpan
niya ang bibig niya. “Ellaine naman. Hindi pa ko nagtu-toothbrush.”
Natawa
ako sa busangot niyang mukha. “Okay lang ‘yan. Mabango ka pa rin.” Isang
beses ko pa siyang hinalikan sa labi niya.
“Ellaine!”
“Oo na. Maliligo
na.”
natatawang sabi ko bago umalis ng kama. “Wari ka pa. Gusto mo naman.”
Nagbabantang
tingin ang ibinigay niya. “Don’t try me. Baka hindi ka makarating sa pupuntahan mo
kapag hindi mo ko tinigilan.” Habang nakapaskil ang pilyong ngiti
niya.
Hindi
ako nakapagsalita.
“You’re blusing
again.”
“I’m not!”
“You are.”
Prente pa siyang humiga sa kama habang nakatingin sakin.
“Wag mo nga kong
akitin!” Bakit ba kasi ang yummy niya kapag bagong gising
siya?
“Naaakit ka naman?”
“Hindi.” Yun
lang at nagmamadali na kong lumabas ng kwarto niya at lumipat ng kwarto ko.
Baka tuluyan na kong maakit kapag nag-stay pa ko sa loob ng kwarto niya.
Wahehe!
=
= =
“Anong sasabihin mo
kapag hinanap ako nila lolo mamaya? Magtataka sila kapag hindi ako sumabay ng
breakfast.” tanong ko kay Jaylord habang para
kaming magnanakaw na tumatakas palabas ng mansyon.
Sa
back door na deretso sa malaki nilang garahe kami dadaan. Naghihintay na daw si
Clay sa loob ng kotse. Si Clay ang makakasama ko papunta kay mama. Labas-masok
naman siya sa mansyon kaya hindi sila magdududa kung sa’n siya pupunta.
“Hindi sila
magtataka dahil iisipin nilang puyat ka. Alas-tres na tayo natulog. And I’m
sure, mga puyat din ang iba.”
“Paano kung
magtanong sila?”
“That you’re
sleeping and they shouldn’t disturb you or else.”
“Or else what?”
“Shhh...” Hinila
niya ko patago sa gilid ng isang malaking cabinet.
“Bakit—”
Tinakpan niya ang bibig ko.
“Si manang.”
bulong niya.
Nakakaintinding
tumango ako. Sumilip si Jaylord. Maya-maya lang ay inakay na niya ko paalis sa
pinagtataguan namin. “Walang pwedeng makaalam na umalis ka.”
mahinang sabi niya. “Kung ako lang ang masusunod, pwede mo nang sabihin sa
mama mo na buhay ako. Pero ayaw mo naman dahil sa bilin ni lolo. Ayoko namang
pagalitan ka ni lolo ng dahil sakin. But above all that, ayoko ng pakiramdam na
nakikitang malungkot ka ng dahil sakin at wala man lang akong ginagawa.”
“Jaylord...”
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Nilingon niya ko. “Thank you.”
nakangiting sabi ko. Hinaplos niya lang ang pisngi ko.
Nakarating
na kami sa garahe at lumapit sa isang kotse. Bumaba ang bintana ng kotse sa
driver seat.
“Goodmorning,
Ellaine.” nakangiting bati ni Clay.
“Goodmorning, Clay.”
Binuksan
agad ni Jaylord ang pintuan sa back seat at pinapasok ako. “Wag kang magpapakita sa guard, okay?”
“Oo.”
“Clay, mag-ingat ka
sa pagda-drive.” bilin niya dito.
“Roger that, Lordy.”
Isasarado
na sana ni Jaylord ang pintuan ng kotse nang pigilan ko siya. I hugged him. “Thank you.”
I whispered. Humiwalay ako sa kaniya.
He
kissed my forehead. “Enjoy.”
Nakangiting
mukha niya ang huli kong nakita bago siya nawala sa paningin ko.
=
= =
“Dito lang ako sa
kotse, Ellaine. Pumasok ka na sa loob. Bilin sakin ni Jaylord na magsolo kayo
ng mama mo.”
“Hindi ka ba maiinip
dito?”
Tinapik
niya ang laptop niyang nasa passenger seat. “Basta kasama ko si Mia, hindi ako maiinip.”
Mia
ang pangalan ng laptop niya. At tanging ako lang ang nakakaalam no’n. Dahil
kapag nalaman ‘yon nila Khalil, uulanin lang daw siya ng mga ito ng pang-aasar.
“Thank you, Clay,
ah.”
“Wala ‘yon.”
nakangiting sabi niya.
Lumabas
na ko ng kotse at lumapit sa gate ng bahay namin. Parang kailan lang nung huli
kong nakita ang bahay namin pero yung pakiramdam kong matagal na ng huli akong
nakatuntong dito. Dahil siguro isang linggo din akong nakakulong sa loob ng
mansyon at sa dami ng nangyari kaya gano’n ang pakiramdam ko.
Pinindot
ko ang doorbell. Ilang minuto pa ang lumipas ng magbukas ‘yon. At nakita ko ang
taong napakahalaga sa buhay ko. My bestfriend. My sister. My mom. Package as
one.
“Mama.”
Ilang
segundong nakatingin lang si mama sakin bago siya mahimasmasan. “Ellaine!”
Niyakap
ko nang mahigpit si mama. “Namiss kita, mama...”
“Anong ginagawa mo dito?” gulat na
tanong niya.
“Mama naman. Hindi
pwedeng hindi tayo magkasama ngayong pasko.” Hinigpitan ko
pang lalo ang yakap sa kaniya.
“Ellaine...” She hugged me back. “I’m glad you’re here.”
=
= =
“Kumakain ba si Ellaine, Clay? Hindi ba siya nagmumukmok
do’n? Inaalagaan ba niya ang sarili niya?” narinig kong
sunod-sunod na tanong ni mama kay Clay. Mahina lang ang pagkakasabi no’n ni
mama na parang ayaw iparinig sakin pero umabot pa rin naman sa pandinig ko.
Nasa
kusina silang dalawa ni mama. Nang malaman ni mama na kasama ko si Clay, hindi
siya pumayag na mag-stay lang si Clay sa kotse. Nag-usap na lang kami ni Clay
na hindi namin babanggitin kay Jaylord na hindi natupad ang bilin niya na
mapagsolo kami ni mama.
Umalis
pa kaming tatlo kanina para bumili ng lulutuin namin. Sobrang namiss ako ni
mama kaya napatagal kami sa pamimili namin sa palengkeng malapit sa village
namin. Madami daw siyang ihahanda.
At
ngayon lang sila nagpagsolo ni Clay kaya sinamantala niya ang pagkakataon.
“Okay na okay po siya, Tita, sa resthouse. Ang gana niyang
kumain. Lagi pa siyang nakangiti.”
Tama
ang sinabi ni Clay. At dahil yun lahat kay Jaylord. Kung pwede ko lang sanang
sabihin kay mama na buhay si Jaylord ng hindi na kami nagpapanggap ni Clay.
Kung
pwede lang...
=
= =
Tanghali
na. Ang sabi ni Jaylord, buong araw daw kami dito. Sinabi ko din kay mama na babalik
kami ni Clay sa resthouse mamayang gabi. Sinabi ko ding malapit na kong bumalik
sa bahay.
Hindi
ko alam kung kailan ‘yon dahil nakadepende ‘yon kay Jaylord.
“Sabi na sa’yo, Tita
Julia, siya ang pumatay, eh.”
“Hindi pa tapos ang kwento, Clay. May twist pa ‘yan.”
Napangiti
ako sa usapan nina mama at Clay. DVD marathon at foodtrip ang peg namin ngayon.
Araw ng pasko pero kakaiba ang tema ng palabas na pinapanood nila.
Sa
tatlong masqueteers, si Clay ang pinaka-close kay mama. Para na ngang ampon ni
mama si Clay. Bata pa lang kasi si Clay nang mamatay ang mommy niya. Solong
anak lang siya at hindi pa sila in good terms ng daddy niya hanggang ngayon.
Hindi katulad nila Khalil at Chad na maayos na ang pakikitungo sa kaniya-kaniya
nilang mga pamilya.
For
Clay, his family only consist of four. The two masqueteers with Lordy as one,
me and my mother as two, the Donaghy Shere Gang, and his laptop and computer.
Hindi
ko naman kinukwestyon kung bakit hindi pa rin sila ayos ng daddy niya. Hindi
naman kasi pala-kwento si Clay when it comes to his personal life. Ang tanging
nakakaalam lang no’n ay sina Jaylord.
Nag-focus
na ko sa pinapanood namin nang marinig ko ang tunog ng doorbell.
“Yan na ata yung
inorder kong pizza.” sabi ni Clay.
“Ako na lang.”
Tumayo
ako mula sa pagkakaupo sa sofa at lumabas ng bahay. Binuksan ko ang gate. Wala
akong nakitang tao pero may nakita akong isang malaking basket ng prutas at
kahong nakabalot. Yumuko ako at kinuha ang card na nakaipit sa basket.
Letter
D lang ang nakalagay.
Kumunot
ang noo ko. “D?
Sinong D?” Yumuko at dinampot ang basket.
“Ellaine.”
Tumingala
ako sa taong ‘yon. “Drenz?!” Binitiwan ko ang basket at dumeretso
ng tayo. “Anong
ginagawa mo dito? Nasa Europe ka diba? Kailan ka nakabalik? Nagkita ba kayo ni
Charie? Kamusta na siya?”
Hindi
naka-attend si Charie sa supposedly wedding namin ni Jaylord dahil nakaplano na
ang pagpunta niya ng Europe para mag-trabaho one month pagkatapos magpropose ni
Jaylord sakin.
“Hindi kami nagkita,
Ellaine.”
“Talaga? Sayang
naman. Nakakamiss na ang bruhang ‘yon. Ikaw? Kamusta ka na? Nasa’n ang
pasalubong sakin?” Natigilan ako. “Teka lang. Bakit parang pumayat ka ata? At
ang seryoso mo ngayon, ah.”
“Pwede ba tayong
mag-usap?”
“Hah? O sige.
Magpapaalam muna ko kay mama.”
“It’s urgent,
Ellaine. Saglit lang ‘to. Kailangan ko na din kasing umalis, eh.”
“O-okay.”
Humakbang
na siya palapit ng kotse niya. Sumunod naman ako sa kaniya.
“Sa’n ba tayo
mag-uusap?” tanong ko habang nasa kotse kami.
Kalalabas lang namin ng village namin. “Ba’t dito tayo dumaan?” Dumaan kami sa
kalsadang dinadaanan namin ni Jaylord ng mga panahong nag-aaral pa kami. Ang
kalsadang tirahan ng ahas dahil tuwing dadaan ako do’n, hindi pwedeng walang
lilitaw na ahas. Wala nang dumadaan do’n dahil nang maka-graduate ako ng
college, may bagong ginawang kalsada na shortcut papunta ng village namin. Do’n
na dumadaan ang mga tao simula no’n. Iwas na rin siguro sa mga ahas na—
“Ay!”
Impit akong napatili ng may kotseng nag-overtake na lang bigla sa kotse namin
at humarang sa daraanan namin. Buti na lang at walang ibang sasakyan o tao man
lang. At buti na lang kamo, naka-preno agad si Drenz bago pa kami sumalpok sa
bwisit na kotseng ‘yon.
Teka
lang. Ang kotseng ‘yon! Kotse ‘yon ni—
Bumaba
sa kotseng humarang samin si Clay. Napababa din tuloy ako.
“Clay, ano ba?
Papatayin mo ba kami?”
Seryoso
ang mukha niya na ipinagtaka ko. “Pumasok ka ng kotse ko, Ellaine.” utos niya.
“Pero...”
“Anong ginagawa mo
dito, Drenz?” baling ni Clay kay Drenz na paglingon
ko ay nakababa na ng kotse niya.
“Dinadalaw ko lang
si Ellaine. Masama ba ‘yon, Clay?”
“Bakit tinangay mo
na lang siya?”
“Hindi ko siya
tinangay. Kusa siyang sumama.”
Nagpalipat-lipat
ang tingin ko sa sagutan nilang dalawa. “Ano bang nangyayari dito? May alam ba kayo na hindi ko
alam?”
“Oo.” sagot
ni Drenz. “About
Jaylord.”
“Pumasok ka na ng
kotse, Ellaine.” sa halip ay utos uli ni Clay sakin.
“Bakit mo siya
pinapasok, Clay? Ayaw mo bang marinig niya ang mga sasabihin ko?”
Nagtatakang
napatingin kay Drenz. “Drenz. Ano bang sinasabi mo?”
Tiningnan
niya ko. Parang hirap siyang sabihin pero sinabi niya pa rin. “Na ang taong
buhay mong minahal ay mamamatay tao pala.”
“What?!”
“Don’t listen to
him, Ellaine! Hindi totoo ang sinasabi niya!”
“Ano nga bang
sinasabi niya, Clay? Si Jaylord ang tinutukoy niya diba? Wala kong
maintindihan. May alam ka ba dito?”
“Ellaine, hindi—”
Naputol ang sinasabi niya dahil sa narinig naming sagitsit ng gulong.
Sabay-sabay
kaming napalingon sa van na biglang huminto sa gilid ng kotse ni Drenz. Kasabay
no’n ay ang paglabas ng limang lalaki.
“Kayo.”
narinig kong sabi ni Clay. Mabilis na hinawakan ni Clay ang kamay ko at
pinapwesto ako sa likuran niya.
“Clay, sila diba
ang...”
“Dyan ka lang,
Ellaine. Once na sumugod sila, alam mo na ang gagawin mo.”
mahinang sabi niya.
Alam
ko ang tinutukoy niya. Humanap ako ng tyempo at pumasok agad ako sa kotse niya
at paandarin ‘yon para humingi ng tulong. “Pero, Clay...”
“You know the rules,
Ellaine. Have you forgotten what did Jaylord taught you?”
“O-okay.”
napipilitang sagot ko habang kuyom ko ang mga kamao ko.
“Long time no see, Clay.”
nakangising sabi ng isang lalaki. “Namiss
mo ba kami?”
“Nakakamiss ba ang
mga mukhang ‘yan?”
“Kayo talagang mga DSG, ang
tatalas pa rin ng dila ninyo.”
“Eh, kayong mga ACG?
Kay papangit ninyo pa rin.”
“Aba! Hayop ‘to, ah!”
“Kasabwat ka ba
nila, Drenz?” narinig kong tanong ni Clay.
Hindi
ko na narinig ang sagot ni Drenz dahil sumugod na ang limang lalaki kay Clay.
Pati si Drenz ay sinugod na din nila. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila
habang nagpapalitan sila ng mga suntok at sipa. Lima laban sa dalawa. Alam kong
sanay si Clay sa rambulan. Pero si Drenz...
Pilit
kong inihakbang ang mga paa ko paatras kahit parang ayaw sumunod no’n. Ayokong
umalis at iwan sila. Pero...
Inihakbang
ko na ang mga paa ko palapit sa kotse ni Clay habang hindi inaalis ang tingin
sa kanila.
“Yung babae, tumatakas!”
“Ellaine, go!”
sigaw ni Clay. Saglit niya pa kong nilingon. “Go!” Natamaan siya ng sipa ng
isa kaya napasadsad siya sa kalsada.
“Clay!”
“I said go!”
Mabilis siyang tumayo.
Mabilis
ko ring binuksan ang pintuan ng kotse at pumasok do’n nang makarinig ako ng
putok. Nanlaki ang mga mata ko nang tingnan ko kung sino ang tinamaan no’n.
Nakita ko si Clay sa unahan ng kotse habang hawak ang balikat niya. Hanggang sa
dahan-dahan siyang napaluhod. Nakita ko ang isang lalaking nakatutok ang baril
sa gawi ko. Sa mismong gawi ko. Hinarang ni Clay ang balang para sakin!
“Oh my God! Clay!”
sigaw ko.
“Wag kang bababa!
Umalis ka na!”
“Sige, miss! Umalis ka kung gusto mong
sundan ko pa ang balang nakabaon sa katawan niya!”
“Gago! Balak mo bang patayin yung
babae? Kailangan natin siya ng buhay!”
“Gago ka rin! Tanga ka ba?
Tatakutin ko lang siya kanina! Ito namang si Clay, tatanga-tanga, humarang pa.
Yan tuloy ang napala niya.” Binalingan ako ng lalaking may
hawak ng baril. “Ano, miss? Hindi ka pa
ba bababa?”
Napapikit
ako ng makarinig na naman ako ng isang putok. “Tama na!” Mabilis akong bumaba
ng kotse at nilapitan si Clay na may dalawang tama ng baril sa balikat at gilid
niya.
“Clay...”
Nag-init ang sulok ng mga mata ko.
“Ang tigas talaga ng
ulo mo, Ellaine...”
nakangiwing
sabi niya. “Kaya
naiinis sa’yo si Lordy, eh...”
“I’m sorry. Hindi ko
kayang—“ Hinila ako patayo ng isang lalaki palayo kay Clay.
“Let go off her.”
Tumayo pa si Clay at dahan-dahang lumapit samin habang hawak ng isang kamay
niya ang gilid niyang may tama.
Walang
awang pinagtulungan siya ng mga lalaki. Pati si Drenz na ngayon ay nakaluhod
na. Tuluyan na kong napaiyak. “Tama na! Itigil ninyo na ‘yan!” Nagpumiglas
ako mula sa pagkakahawak ng lalaki sakin. Hindi ko na alam ang ikikilos ko sa
nakikita ko.
“Tama na ‘yan mga ‘tol! Baka
mapatay ninyo pa ‘yang Clay na ‘yan!”
“Pa’no ‘tong isang lalaki?”
“Tumawag si boss, isama ninyo
‘yan!”
“Bitiwan ninyo ko!
Clay!” Pilit akong nagpumiglas. May itinakip sila sa
ilong ko. Nakita ko pang binuhat ng isang lalaki si Drenz. Nakaramdam ako ng
pagkahilo. Ang nakalugmok na si Clay na duguan ang huli kong nakita bago ako
tuluyang mawalan ng malay.
- E N
D O F
F L A S H B A C K -
Oh
My God! Si Clay!
Nangilid
ang gilid ng mga mata ko hanggang sa tuluyan akong mapaiyak.
Anong
ginawa nila kay Clay? Anong nang nangyari sa kaniya?
Naalala
ko ang mukha niya bago ako mawalan ng malay. Sunod-sunod kong iniling ang ulo
ko.
Hindi
pwede... Buhay pa siya... Hindi siya pwedeng mamatay…
Clay...
=
= =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^