EPILOGUE
Part 1
( Princess’ POV )
Two
months later...
Nasa tabi siya ng dagat habang nakaupo sa lounge
chair sa ilalim ng malaking umbrella at hawak ang laptop niya. May video siyang
pinapanood na pinadala sa kaniya sa e-mail niya.
“Hi, miss ganda! Long
time no see, huh!”
Tama
ito. Ngayon lang ito nagparamdam sa kaniya na ikinagulat niya.
“Nagtataka ka siguro kung
paano ko nalaman ang e-mail mo. Magaling ako, eh. At nagtataka ka siguro kung
bakit ako nagpadala ng video sa’yo. Wala lang. Naisipan ko lang. Gusto lang
kitang inggitin.”
Ano
daw?
“Nandito ako sa Paris.”
Oo
nga, nakita nga niya sa background.
“Kararating ko lang
kanina dito. Nga pala. Hindi na ko pumapatay ng tao.”
Napangiwi
siya sa sinabi nito. Nothing change, huh?
“Pagkatapos ng patayan
sa warehouse, umalis agad ako ng bansa. Nagpalipat-lipat sa iba’t ibang bansa.
In short, NPA ako. No permanent address. Hindi na rin ako nakipag-cummunicate
kina daddy. Mas maganda na ang gano’n. Wala silang alam.”
Napilitan
siyang sabihin sa Kuya Hunter niya ang tungkol kay Justine. Ang pagtulong nito
no’n. Pinakiusapan niya ito na wag ng ipaalam sa iba, lalo na sa pamilya ni
Justine ang lihim nito.
“Tama ka. Pwede pa kong
magbago. Mahirap sa umpisa pero masasanay rin ako. Hindi na ko si Justine. I
changed my identity. Gusto mo bang malaman kung sino na ako ngayon?”
Hinintay
niya ang sasabihin nito. Pero tumawa lang ito sa video. “Secret.” sa halip ay sabi nito.
“Sira ulo talaga.”
Pero napangiti na rin siya. Kung anuman ang desisyon nito, so be it.
Napakamot
ito ng ulo. “Hindi
ko alam kung bakit sinasabi ko sa’yo ‘to. Pero siguro dahil may tiwala ako
sa’yo. Sa lahat ng tao sa mundo, sa’yo lang ako may tiwala na wala kang
pagsasabihan ng tungkol sa mga sinasabi ko sa’yo ngayon.”
Napangiti
siya sa sinabi nito.
“When the right time
comes, haharapin ko sina daddy. Pero hindi pa ngayon. Alam mo ba ang bagong
misyon ko sa buhay? Ang magsaya at hindi mahuli ng kahit na sino. Para kong si Lupin
nito.”
“Goodluck.”
sabi niya na parang maririnig naman siya nito.
“May tiwala ko sa’yo,
pero hindi sa ibang tao. Kaya pagkatapos mong mapanood ang video na ‘to,
masisira na ‘to. Hindi ko alam kung magpapadala uli ako sa ‘yo ng video. Siguro
kapag gusto uli kitang inggitin.” natatawang sabi nito.
“Feeling mo naman, maiinggit
ako.”
Sumeryeso
ang mukha nito. “Masaya
ka sana ngayon.” Umiwas ito ng tingin. At ilang beses na tumikhim bago
humarap sa camera. “Thanks to you for the new me. Bye, Princess.”
At
ang ngiti nito ang huling niyang nakita bago matapos ang video. At gaya ng
sinabi nito, nasira na rin ang video.
Sinara
niya ang laptop niya. At tumingin sa dagat. “Goodluck, Justine. Goodluck to the new
you.” bulong niya sa hangin.
“Princess!”
Nalingon
siya sa likuran niya. Nakita niya ang Kuya Hunter niya. Nasa veranda ito ng
resthouse. Private resthouse nito dito sa Batangas. Mayaman pala ang mama nito
na nasa States ngayon. Na nakilala na niya over the phone.
“Princess!”
“Bakit, Kuya Hunter?”
Nasanay na din siyang tawagin itong Kuya. Hindi naman mahirap. At sa loob ng
dalawang buwan ay naging mabuti itong kuya sa kaniya. Dito nga siya nag-stay sa
resthouse nito. Simpleng sweet na masungit ito.
Itinaas
nito ang phone na hawak nito. Na phone nito. “James’ calling.” Wala nang Sir
dahil nag-resign na ito bilang bodyguard con assistant ni James bago pa man ang
car accident na nangyari sa kaniya. Bumalik na ito sa trabaho nito bilang NBI
agent.
Pero
bakit kaya tumatawag si James? May nangyari kaya Paige?
“Akin na!”
“Nagluluto ako!”
Inilapit nito ang phone sa tenga nito at may kung anong sinabi sa kausap nito. “Kunin mo
dito!” baling nito sa kaniya. Ibinaba nito ang phone sa sahig at
pumasok na ng resthouse.
Napailing
na lang siya at tumayo. Humakbang siya palapit ng resthouse. James already knew
na half brother niya si Hunter. Pero wala itong alam sa nangyari sa warehouse.
Dahil nasa States ito at ang parents nito ng mga panahong mangyari ‘yon.
“Hello, James.”
“I’m sorry, Princess,
for disturbing you. Si Paige kasi—“
“Bakit? May nangyari ba
sa kaniya? Ano?”
Hindi
kaya bumalik ang sakit nito? Ang sakit nito na naging dahilan kung bakit iniwan
ni Paige si James noon bago pa siya makilala ni James.
And
yes, okay na ang mga ito. Sa katunayan nga, nasa Rome ang mga ito for a
vacation. Pero hindi niya sigurado kung tuluyan nang nagkabalikan ang mga
dalawa.
She
heard him chuckled over the phone. “Nothing serious happened.” Nakahinga naman
siya ng maluwag sa sagot nito. “Gusto lang niyang itanong kung anong gusto mong
pasalubong? Kanina pa niya ko kinukulit na tawagan ka. Kaya lang wala ka namang
phone diba? And she told me na tawagan ko si Hunter.”
Napangiti
siya.
“Nadala na ba siya ng huli niyang tawagan si kuya?”
Nasungitan
kasi ng kuya niya si Paige ng minsang tumawag ito. Number ng kuya niya ang
binigay niya dito para ma-contact siya. Wala kasing telephone sa resthouse ng
kuya niya. Hindi niya nasabi sa kuya niya na may pinagbigyan siya ng number
nito.
“Medyo.”
natatawang sagot ni James.
“Nagme-meno pause na
kasi si kuya. And tell Paige na kahit ano, okay lang sakin. Kailan ba kayo
uuwi?”
“Four days na lang kami
dito.” May narinig siyang ingay. “Gotta go, Princess. Mukhang nira-ransak na
naman ni Paige ang kusina.” Napapalatak ito. “Did I say that ransack word? Nahawa na ata
ako kay Justine. Nanghawa pa bago umalis nang walang paalam. Nothing’s new.
Aabutin na naman ng taon ‘yon bago bumalik.” Kung alam lang nito ang
mga nangyari. Pero mas maganda ng wala. Mukha naman itong masaya ngayon. And
she’s happy with that.
“At mukhang nahawaan ka
na niya ng kadaldalan niya bago siya umalis.”
“Paano, wala na siyang
ginawa nung bago siya umalis kundi ang makikipagdaldalan samin nila daddy at
mommy.” Nakarinig na naman siya ng ingay. “Gotta go, Princess. Bye.”
Nakangiting
binaba niya ang phone. Bumalik uli siya sa pwesto niya kanina. Tuluyan na
siyang humiga sa lounge chair habang nakatanaw sa dagat.
Masaya
siya para sa mga taong nasa paligid niya. Because they found their real
happiness. Eh, siya?
She
closed her eyes.
“Balak mo bang matulog
dito?”
Napadilat
siya. Nakita niya ang kuya niya sa gilid niya. Nakabihis ito. “Nakapagluto na
ko. Kumain ka na.”
“Sa’n ang lakad? May
date kayo ni Ash?” Laging kasing magkasama ang mga ito. NBI
agent na rin pala si Ash. At mag-partner sila ni Kuya Hunter. Natuwa daw kasi
ito sa mission nito no’n. Yung sa warehouse. Grabe noh? Natuwa pa talaga.
Kakaiba talaga.
“Princess.”
Seryoso ang mukha nito. As asual.
“Joke lang.”
“Magkikita kami ni Ash.
Tungkol sa kasong hinahawakan namin. Kumain ka na. Wag kang magpalipas ng
gutom.”
“Opo, kuya.”
She closed her eyes again. Pero ramdam pa rin niyang nasa gilid niya ito. “Kuya.”
“Hanggang kailan ka
dito?”
Napadilat
na naman siya. “Tinataboy
mo na ba ko?”
He
sighed. “That’s
not what I mean. Mukha namang okay ka na. No. Okay na okay ka na. Wala ka bang
balak na puntahan siya?”
Hindi
siya sumagot. Itinutok na lang niya ang mga mata niya sa dagat. Tinapik nito ng
marahan ang ulo niya. “Aalis na ko.”
“Ingat.”
mahinang sabi niya.
She
closed her eyes again. Sa sobrang tahimik ng paligid niya, na ang tanging
naririnig niya ay ang ihip ng hangin at ang paghampas ng alon sa dagat, hindi
niya mapigilang balikan ang nangyari two months ago.
-
F L A S H B A C K -
“Nurse, ilayo ninyo na siya.”
“Yes, doc.”
Sunod-sunod
siyang umiling ng maramdaman niyang may humawak pa sa braso niya.
She
closed her eyes dahil umiikot na ang paningin niya. “Naririnig mo ba ko...” She said
crying against his lips. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga nito. “Don’t leave
me, please... Bumalik ka, Aeroll...”
Hanggang
sa tuluyan na siyang ilayo kay Aeroll. Wala na rin siyang lakas na magpumiglas
pa. Unti-unti na ring nagdidilim ang paningin niya.
Ito
na ba ang ending ng kwento nila?
She
live.
He
died.
Hanggang
dito na lang ba?
Buti
pa ang mga sinusulat niyang kwento.
Laging
happy ending.
Totoo
nga.
Sa
totoong buhay.
Laging
happy ending.
Pero...
Pero
gusto niyang maniwala.
Gusto
niyang maniwalang may happy ending ang kwento nila.
Aeroll
believed in miracle nang magising siya sa pagkaka-coma. And she wanted to
believe that miracles do happen, too.
Sana.
Sana.
Sana.
Ipinikit
niya ang mga mata niya. “A-aeroll, mabuhay ka...” bulong niya.
Naramdaman niyang babagsak na ang katawan niya.
“Shit! Bumuka ang sugat
ni bhest!”
“Bring her to the OR now!”
“Yes, doc!”
Marami
siyang ingay na naririnig. Pero ang nangingibabaw ay ang tunog na ‘yon. Ang
walang katapusang tunog na ‘yon na nagsasabing wala na si Aeroll. Hanggang sa
unti-unting magbago ‘yon. Sinubukan niyang idilat ang mga mata niya pero hindi
na talaga niya kaya.
“Doc! Nagka-heart beat ang pasyente!”
Tama
ba ang narinig niya?
Tuluyan
ng nagdilim ang paligid niya.
“Princess!”
*
* * * * * *
Iminulat
niya mata niya. Bintana agad ng kwarto niya ang tumambad sa kaniya. And yes,
nandito pa rin siya sa hospital. Sa halip na mapaaga ang discharge niya,
na-extend pa dahil sa nangyari sa ICU ilang araw na ang nakakaraan.
Pero
ngayon na ang uwi niya. Iniintay lang niya si Hunter. Umidlip lang siya kanina
para iwasan ang mga tao sa paligid niya. Sina Cath at Harold. Ang magulang ni
Aeroll. Lahat sila.
Gano’n
lagi ang ginagawa niya. Tuwing mararamdaman niyang may papasok sa kwarto,
nagkukunwaring siyang natutulog.
Ipinikit
uli niya ang mga mata niya ng...
“Tutulugan mo na naman
ba ko?”
Napadilat
siya. Hindi pa siya nakakalingon sa kaliwa niya ng magsalita uli ang taong
‘yon.
“Nagkamalay na ko’t
lahat-lahat, ni hindi ka man lang sumaglit sa kwarto ko. Tapos aalis ka na lang
nang walang paalam. Kung hindi pa ko pumunta dito, hindi pa kita makikita.”
Dahan-dahan
siyang lumingon sa kaliwa niya. “Aeroll...” Hindi niya mapigilang pagmasdan
ito. Nakaupo ito sa wheelchair nito sa tabi ng kama niya. May arm sling ang
kaliwang braso nito. At hawak nito ang... Napatingin siya sa kamay niya. He was
holding her hand. Napatingin uli siya dito.
He
smiled. “Long
time no see, Prinsesa. Sobrang namiss kita.”
Nangilid
ang luha niya ng pumasok sa isip niya ang mukha nito sa ICU ilang araw na ang
nakakaraan. When she was trying to revive him. Pinikit niya agad ang mga mata
niya. Pero tuluyan nang pumatak ang luha niya.
“Prinsesa?”
Naramdaman niya ito sa tabi niya. ”Masakit ba ang sugat mo?”
Sunod-sunod
lang siyang umiling.
“Eh, ano?”
“I’m sorry...”
Nakapikit pa rin siya.
She
heard him sighed. “Tama nga ang sabi nila. You’re blaming yourself.”
“I’m sorry, Aeroll...”
“Alam mo bang nang magkamalay
ako, ikaw agad ang hinanap ko? Pero lumipas ang araw na wala ka pa rin. They
told me na hindi ka pa daw pwedeng lumabas ng kwarto mo. When I asked my doctor
kung pwede kitang puntahan dito and he said yes, sinabi sakin nila mama ang
nangyari. Na namatay ako for how many minutes.”
Tinakpan
niya ang mga mata niya ng braso niya ng sunod-sunod na pumatak ang mga luha
niya. “But
still, you even tried to revive me hanggang sa pati ikaw mapahamak.”
Umiling
lang siya. Pero hindi siya nagsalita.
“They told me na hayaan
muna daw kita dahil ‘yon ang gusto mo. Pero hindi naman ako papayag ng gano’n.”
Naramdaman niya ang kamay nito sa ulo niya. “I owe you my life, Princess.”
“Don’t say that,
please.” Naramdaman niyang tinanggal nito ang braso niya sa mga
mata niya. But still, her eyes was still closed.
“Look at me.”
Umiling
siya. “I
can’t, Aeroll. Hindi ko kayang tingnan ka dahil pumapasok sa isip ko na namatay
ka ng dahil sakin.” Tinakpan niya ang mga mata niya.
“I’m not dead yet.”
“Yeah. But still, the
realization that you were dead for how many minutes, it really makes me crazy.
It really makes me want to punch myself. Hindi matanggap ng utak ko ‘yon. Nang
magkamalay ako pagkatapos nang nangyari sa ICU at malaman kong nabuhay ka. I really
wanted to see you so badly. I really wanted to hold you so badly. So badly,
Aeroll. But everytime I tried to, I always ended up blaming myself for all of
these. For what happened to you. Ni hindi ko na maharap sina Cath at ang pinsan
mo. Ni hindi ko maharap ang pamilya mo...” Napahagulgol na siya.
“Dahil sa loob ng mga
minutong ‘yon na wala ka ng buhay, they were crying, Aeroll. I saw how badly
they were hurt. At sobrang sakit sakin no’n. Na muntik ka nang mawala sa kanila
ng dahil sakin. Paano kung hindi ka—”
“Bakit ba lagi mong
sinisisi ang sarili mo sa mga nangyayari? Hindi—”
“Dahil totoo!”
Napalakas ang boses niya. Napahawak siya sa tagiliran niya. Dahan-dahan siyang
umupo sa kama habang iwas ang tingin kay Aeroll. Tumingin siya sa bintana. “Paano akong
haharap sa inyo kung lagi kong sisisihin ang sarili ko sa tuwing masasaktan
kayo ng dahil sakin? Lalo ka na, halos mawala ka na samin. Sakin. Alam mo bang
tuwing gigising ako sa ospital na ‘to, laging pumapasok sa isip ko ang nangyari
sa’yo sa ICU.”
Tinakpan
niya ang mga mukha niya. “Gustong-gusto kitang makita pero hindi ko magawa...” umiiyak
niyang sabi. “Hindi
ko magawa dahil naduduwag akong harapin ang pamilya mo. Lahat sila. Lalo ka na.
Naduduwag akong harapin ka at tingnan ka sa mga mata mo na parang walang
nangyari.”
Naramdaman
niya ang pag-upo nito sa tabi niya. Pero hindi ito nagsalita.
Huminga
siya ng malalim. “Buong buhay ko, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ng magulang
ko. And then you came, you helped me getting out of my shell at tanggaping
hindi ko kasalanan ang nangyari sa kanila. But this time, it’s different. It’s
you, Aeroll. I don’t want to happen that everytime I would look at you, maiisip
kong kinuha ka na samin at binalik uli and then blaming myself again. Ayokong
laging gano’n. At ako lang ang makakatulong sa sarili ko. I need to unwind,
Aeroll.” Sa sobrang dami nang nangyari, parang sasabog na anytime
ang utak niya sa pag-iisip niya.
Matagal
na katahimikan ang namagitan sa kanila bago ito ang nagsalita. “I understand.”
Kinagat
niya ang labi niya. Yumuko siya at inabot ang kamay nito. “I really wanted to hold you like this.
Just to feel that you’re here. That you’re really alive.” Pumatak
ang luha niya. “Na
hindi mo ko iniwan. Pero...” Binitiwan niya agad ang kamay nito.
Walang
salitang kinabig nito ang ulo niya sa pasandal sa balikat nito. “I really
wanted to look at you now. But I can’t.”
“Then don’t. Just let me
do it.”
Nakapikit
pa rin siya ng hawakan nito ang baba niya. Basta ang alam niya, nakaharap na
siya dito.
“The next time that you
will look at me, I just want to see your smiling eyes, your smiling face. The
happy you.” mahinang sabi nito. Naramdaman niya ang
pagpunas nito sa pisngi niya. Pati ang paghaplos nito sa mukha niya. Pati ang
pag-hinga nitong tumatama sa mukha niya. Hanggang sa maramdaman niya ang magaang
paglapat ng labi nito sa labi niya. It was a long slow kiss.
“I love you.“ He
said as his lips let go of her. “And I’ll wait for you.” As he planted a kiss
on her forehead.
-
E N D O F F L A S H
B A C K -
She
opened her eyes nang maramdaman niya ang malakas na pagdampi ng hangin sa mukha
niya. “Gusto
ko na siyang makita.” bulong niya.
ANg bALiw Lng no jUstine dUn s vidEo,,, hwAhehE,,,
ReplyDeletepEio grAbe atEy,,, aKaLa q n tLgA chUgi n c aeRoLL kSi nMn nuNg LaSt chPter, pinAiyAk mu n tLga aq eHh,,, tApos uNg cMuLa p nitOng epiLoGue, twO monThs n ang LuMipas,,, uNg feeLing q nuNg nbSa q uNg MNiL ni aTey aeGyo at ptAy c eLi,,, nrAmdaMan q diN dto,,, bkiT kAu gaNyan, gaLiNg niO magPaiyAk,,,
ReplyDeletePeiO buti n LNg tLga buhAy c aerOLL,,, kyAaaahhh,,, mEi paG-aSa p,,,