Saturday, August 24, 2013

Love at Second Sight : Epilogue Part 2



EPILOGUE Part 2
( Princess’ POV )



“Gusto ko na siyang makita.” bulong niya sa hangin.


It’s been two months. Ang dami niyang na-realize. At dami niyang natutunan. It was like a soul searching. At ang lugar na kinaroroonan niya ang saksi sa lahat.


At tama nga ang sinabi ng Kuya Hunter niya. Okay na siya. Okay na okay na siya. Inside and out.


Pero paano niya pupuntahan si Aeroll? Wala siyang balita dito sa nakalipas na dalawang buwan. She totally blocked all the things around her simula ng pumunta siya dito sa resthhouse ng kuya niya, hanggang sa paunti-unti niyang hinaharap ang mga taong may kinalaman at naging parte ng buhay niya.


Except kay Aeroll.


“I’ll wait for you.”


Naalala niya ang sinabi nito. Napangiti siya. Miss na miss na niya ito. At handa na siyang harapin ito.


*Riii—nng*


Napatingin siya sa phone niya. No. Sa phone ng kuya niya na naiwan sa kaniya. Napangiti siya ng makita niya ang name ng bestfriend niyang si Cath sa screen ng phone. Sinagot niya agad ‘yon.


“Hi, bhest!” bungad agad niya.


“Bhest, I have a favor to ask.”


“Before that favor, do you know where Aeroll is?” tanong niya.


Natigilan muna ito sa kabilang linya bago sumagot. “You’re ready to face him?” masayang tanong nito.


“Yeah. So, alam mo ba kung nasa’n siya ngayon?”


She heard her sigh over the phone. “I’m sorry, bhest, but he’s out of the country. Last week pa.”


“What?” She sighed.


“You want me to give his number to you?”


“W-wag na.” mahinang sagot niya. “Mas gusto ko siyang makita.”


“Miss na miss mo na siya noh?” tanong nito.


Tumingala siya sa langit. “Oo.” Sobra. Tumayo siya at naglakad-lakad sa tabi ng dagat. “Hindi ba siya nagsawa o nainip sa paghihintay sakin?”


“Why don’t you ask him when you saw him?”


She sighed. “Baka ayaw na niya kong makita.”


Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya.


“Wag ka ngang tumawa.” naiinis na saway niya.


“Sorry.” natatawa pa ring sabi nito bago tumikhim ng ilang beses. “Pero, bhest, paano kung...”


Napahinto siya sa paglalakad. Sumeryoso kasi ang boses nito. “Paano kung?”


“Bihira ko lang din kasi siyang makita. At kung magkita man kami, wala naman siyang binabanggit tungkol sa... tungkol sa’yo.”


Kinagat niya ang labi niya. Hindi siya nagsalita.


“Princess?”


“I’m still here. Ano nga palang favor ang hihingin mo?” pag-iiba niya ng topic.


“May pinagkakaabalahan lang siya, bhest.” sa halip ay sagot nito. “At siguro kaya hindi siya nagtatanong ng tungkol sa’yo dahil baka puntahan ka niya bigla. Baka—”


“You don’t need to reason out for him, Cath. It’s been two months. Wala kaming communication. Dahil ‘yon ang gusto ko. Marami akong issues sa buhay na gusto kong ma-resolve. He wanted to help me but I chose not to. Kahit sinabi niyang maghihintay siya...” Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya. Napabuntong-hininga na lang siya. “Anong favor ang hihingin mo?”


“Princess.”


 “Anong favor ang hihingin mo? Sabihin muna bago pa magbago ang isip ko.”


Tumikhim ito. “Pwede ka ng lumabas ng lungga mo diba? Two months na rin na hindi kita nakikita.”


“Yeah.” Tumingin siya sa dagat. Nagsawa ka na ba talaga, Aeroll? Hindi naman diba?


“Nagkaro’n kasi ng problema sa model na kinuha namin. Diba kinukuha naman kitang model ko nung college tayo?”


Parang alam na niya ang gusto nito. “You want me to be your model for your photoshoot.”


“Pwede ba? Please... We need you badly. Gahol na din kami sa oras kung hahanap pa kami. And besides, nandito na kami sa venue namin sa Batangas.”


“Nandito rin kayo?”


“Yes. Can you be our model, Princess? Please.”


* * * * * * * *


Nakaupo siya sa loob ng kotse. Nasa loob ng simbahan si Cath dahil do’n gagawin ang photoshoot. Yes. It was a wedding photoshoot. Huli na nang malaman niya kung kailan niya nakita ang isusuot niya. Hindi na siya maka-hindi dahil nakakahiya sa mga kasamahan ni Cath kanina na nando’n.


Napatingin siya sa suot niyang wedding gown. Pinadaanan niya ng kamay ‘yon. Isang dahilan kung bakit nagdalawang isip siya kanina, ikakasal na rin dapat sila ni Aeroll.


Sana.


Matutuloy pa kaya ‘yon kung mismong narinig niya kay Cath kanina na walang tinatanong si Aeroll tungkol sa kaniya? Pero ‘yon naman talaga ang gusto niya diba? Ang mapag-isa? Bakit ba ang dami niyang tanong? Diba dapat pagtiwalaan niya ang sinabi ni Aeroll na maghihintay ito sa kaniya?


Pilit siyang ngumiti at tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Tamang-tama at palapit na ang kasamahan ni Cath. Binuksan niya ang bintana ng kotse.


“Ready ka na ba?” nakangiting tanong ng babae.


Tumango siya. “Nasa’n na nga pala yung ibang model?”


“Nasa loob na. Kanina pa.” Binuksan nito ang pintuan ng kotse. “Alam mo na ang gagawin mo diba? Ngingiti ka lang pagbukas ng pintuan ng simbahan. Dahan-dahang kang maglalakad ng aisle hanggang sa makarating ka sa unahan kung sa’n naghihintay ang male model na partner mo.”


Huminga siya ng malalim. “Kinakabahan ako.” Kung hindi lang siya napasubo kay Cath, hindi niya gagawin ‘yon. Hindi lang siya simpleng photoshoot. May kasamang videoshoot. Walang cut. Walang time-out. Dere-deretso dapat ang pag-arte niya. Promotional video daw ang gagawin.


Tinapik ng babae ang kamay niya. “Alam mo bang bagay na bagay sa’yo ang suot mo. Isipin mo na lang na araw ng kasal mo ‘to. Just be yourself.”


Isang beses pa siyang huminga ng malalim. “Okay. Kaya ko ‘to.”


Inalalayan siyang bumaba ng kotse ng babae. “Iiwan na kita dito. Sa likod na ko dadaan. From here hanggang sa pag-akyat mo ng hagdan magsisimula ang video shoot. Sila ang kukuha sa’yo.” May dalawang lalaki siyang nakita. Ibinaba nito ang belo niya sa harap ng mukha niya. “Hintayin mo lang ang senyas nila na pwede ka nang maglakad, okay?”


Tango na lang ang naisagot niya. Huminga siya ng malalim. Malaki dapat ang talent fee ko dito, Cath!


Be natural, Princess. Isipin mo na lang ng kasal mo ‘to sa lalaking mahal mo. Isipin mong nasa harap mo ang parents mo at nakangiti sila sa’yo.


Hindi niya mapigilang mapangiti. Hindi rin niya mapigilang mag-init ang sulok ng mga mata niya. Ang parents niya. Siguradong natutuwa ang mga ito na makita siyang masaya. Kung sana totoong kasal ang magaganap ngayon. Kung sana...


Nakita niyang sumenyas ang lalaki. Nagsimula na siyang maglakad paakyat ng hagdan. Sa bawat paghakbang niya, isa-isang bumabalik ang mga alaala nila ni Aeroll. From that moment na una silang nagkita hanggang sa magkita uli sila. Ang mga bangayan nilang dalawa. Ang mga nangyaring pagsubok sa pagitan nila. Lahat na ‘yon, parang replay na dumaan sa isip niya.


Tama. Hindi niya dapat isiping nagsawa si Aeroll sa paghihintay sa kaniya. Hindi gano’n si Aeroll. Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Nasa tapat na siya ng pintuan ng simbahan nang saglit niyang ipinikit ang mga mata niya.


Kung nasa’n ka man ngayon, Aeroll. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.

Kasabay ng pagdilat ng mga mata niya ay ang pagbukas ng pintuan ng simbahan. Umabot din sa pandinig niya ang isang kanta.


Napangiti siya. Beautiful days by Kyla. Iyon ang background music na naririnig niya. Ang ganda...


Ewan ba niya pero parang slow-mo ang nangyari. Dala na siguro ng kantang naririnig niya. Mula sa manipis na  belong nakatabing sa mukha niya, nakita niya ang dahan-dahang paglingon ng mga tao sa magkabilang panig ng aisle.


Teka lang. Naka-dalawang hakbang pa lang siya papasok nang huminto siya.


Bakit may tao? Wala sa usapan ‘to! Ang hirap na nga para sa kaniya ang umarte ng ganito tapos may taong manonood sa gagawin niya? Hindi siya artista. Pero anong magagawa niya? The show must go on.


Huminga siya ng malalim at nagsimula nang maglakad. Humanda ka sakin Cathrine! Lalakihan ko ang talent fee kong bruha ka!


Nakatuon lang ang mga mata niya sa harap ng altar. Nasa’n na yung model na partner ko daw?


Ay ewan. Mag-focus ka na lang, Princess.


Inisip na lang niyang wala siyang nakikitang mga tao sa gilid niya. Wala pa siya sa kalagitnaan ng aisle nang mapahinto na naman siya. Ano ‘tong pakiramdam na ‘to? Napahawak siya sa dibdib niya. Bakit parang may pakiramdam siyang may mga taong nakatingin sa kaniya na pamilyar—


“Ate Princess!”


Napalingon siya sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Nagulat siya. “Shanea?” Mas lalo pa siyang nagulat sa iba pang mga pamilyar na mukha na nakita niya sa magkabilang gilid ng aisle. Ang pamilya ni Aeroll. Pati ang... “Ate?” Kasama ang pamilya nito. Pati si... “Kuya Hunter? Ash? Anong...” Hinanap ng mga mata niya si Cath. Nasa tabi ito ni Shanea. “Cath? Ano bang nangyayari?” Bakit lahat ng mga ito nandito?


Nakangiting itinuro ni Cath ang daliri nito sa unahan. Lumingon siya do’n. Isang lalaki ang nakita niyang nakangiti sa kaniya. Si Harold. Gumilid ito. And there she saw that familiar back. Dahan-dahang humarap sa kaniya ang taong ‘yon. He smiled at her.


“Aeroll...”


Natutop niya ang bibig niya. Unti-unting nag-sink in sa kaniya ang nangyayari. Tinawagan siya ni Cath para kumbinsihin nitong maging model siya sa photoshoot nito. Alam nitong hindi niya ito matatanggihan. Ginawa nito ‘yon para dalhin siya dito ng hindi na siya nagtatanong pa ng kung ano. At yung mga sinabi nito kanina tungkol kay Aeroll, hindi totoo.


Pati ang Kuya Hunter niya. Dito ang punta sa kasal niya.


All along alam ng lahat ang kasal na ‘to.


Totoong kasal ‘to. Hindi ‘to promotional video lang. Totoong kasal ‘to. Because this is her wedding day.


Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon. Mixed emotions.


“Princess.”


Napalingon siya sa gilid niya. Nakita niya ang Kuya Hunter niya. “Kuya...”


“Wala si papa para ihatid ka sa harap ng altar.” Iniumang nito ang braso nito para kapitan niya. “Do you want me to do the honor na ihatid ka sa lalaking pakakasalan mo?”


“Kuya...” Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Ito na ang naglagay ng kamay niya sa braso nito. “Thank you...”


Ngumiti ito. “Let’s go. Baka mainip na ang groom mo.”


Hindi mawala-wala ang eye contact nila ni Aeroll hanggang sa makalapit sila dito. Ayaw ring huminto nang pagpatak ng mga luha niya.


“Alam mo na ang gagawin mo, Aeroll.” sabi ng kuya niya.


“I’ll take care of her, kuya.” sagot ni Aeroll ng hindi inaalis ang tingin sa kaniya hanggang sa kunin nito ang kamay niya mula sa kuya niya.


Niyakap niya ng mahigpit ang Kuya Hunter niya. “Thanks, kuya...”


He hugged her back. “Stop crying.” bulong nito sa kaniya. Tinapik pa nito sa balikat si Aeroll bago ito bumalik sa kinauupuan nito.


Hinawakan ng mahigpit ni Aeroll ang kamay niya. “Sa pagkakatanda ko, wala kong sinabi dati na gusto kitang makitang umiiyak sa susunod na magkita tayo.”


“Tears of joy lang ‘yan... Hindi ko naman alam na... na kasal ko ‘tong pupuntahan ko...”


Hinawi nito ang belong nakatakip sa mukha niya. Kinuha nito ang panyo nito sa bulsa at idinampi sa pisngi niya. “Stop crying, okay? Baka isipin nilang tinutukan kita ng baril para pakasalan mo ko.”


Narinig niyang nagtawanan ang mga tao sa paligid niya. Napangiti na rin siya.


Hinaplos nito ang mukha niya. “Alam mo bang miss na miss na kita? Sobra. Gustong-gusto na nga kitang lapitan kapag pinupuntahan kita sa resthouse ng kuya mo.”


Nagulat siya. “P-pumupunta ka...?”


Lumapad ang ngiti nito. “Yes. Hindi lang ako nagpapakita sa’yo. Ang sabi mo lang, hindi mo pa ko kayang makita. Pero wala kang sinabing hindi kita pwedeng makita.”


“Aeroll...”


“Insan, naghihintay na si father. Mamaya na ‘yan.” singit sa kanila ni Harold.


“Wag kang magulo dyan.” sagot ni Aeroll dito. Nilingon nito ang paring naghihintay sa kanila. Na hindi niya alam kung kailan pumwesto do’n. “Wait lang po, father. Kinakabahan ako. Shock pa kasi siya sa surprise wedding na ‘to. Baka hindi makasagot ng I do.”


Nagtawanan naman ang mga tao. Napangiti siya. Sumeryoso naman ang mukha ni Aeroll ng ikulong nito ang mukha niya sa kamay nito.


“The moment I proposed to you and asked you to marry me, I promised myself to give you a happily ever after like what every princess should have. From this day alam kong madami pa tayong pagdadaanan, but we will face them together. Hindi ikaw lang. Hindi ako lang. Pero tayong dalawa. There’s no perfect relationship, but we will make ours stronger.”


Parang sasabog na ang puso niya sa sobrang saya at tila wala na siyang marinig sa paligid niya kundi ang malakas na pagtibok ng puso niya. Kahit para siyang ewan na nakangiti habang umiiyak, wala na siyang pakialam.


“I will make sure na nakangiti at the end of each day na darating sa buhay natin nang magkasama, Princess. I will make sure—”


“I do.” singit niya sa iba pang sasabihin nito. Sapat na ang mga narinig niya mula dito. Siya na ang kusang humalik dito. Na tinugon naman nito. Narinig pa niya ang palakpakan ng mga tao.


“How romantic! Right, Jed?”


“Wag kang maingay. Nandito tayo sa simbahan.”


“Patay tayo niyan! Hindi pa nagsisimula, may vow na agad. Hanep ka talaga, insan!”


“Nauna na ang I do. Iba talaga ‘tong bestfriend ko.”


“Inuna kamo ang kiss the bride, honey.”


“Anong kiss the bride? Baka kiss the groom. Reception na ba agad tayo nito?”


“Wag ka nang makisama sa ingay, Ash.”


“Hunter naman.”


Tama ang sinabi ni Aeroll, walang perpektong relasyon. Iiyak siya. Malulungkot siya. Maiinis siya. Magtatampo siya. Magagalit siya. Nang dahil dito. Pero alam niyang sa huli, ito rin ang magiging dahilan sa bawat pag-ngiti niya.


Gano’n naman talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng oras laging happy. Pero alam niyang pag kasama niya si Aeroll, everything will be fine. Madami na silang napagdaanang dalawa. At kakayanin nila ang mga darating pa nang magkasama.


“You’ll be my princess forever, Prinsesa.” He whispered as he let go her lips while looking deeply at her eyes.


‘Ang gusto ko sa lahat ng sana ko, ituring kang prinsesa ng lalaking magmamahal sa’yo at mamahalin mo. Like what you are to me.’


Napangiti siya nang maalala niya ang sinabi ng papa niya sa diary nitong nakita niya.


Nasa harap ko na siya, papa...


She matched Aeroll’s smile. “And so do I, Prince Aeroll.”
 
- T H E  E N D -

4 comments:

  1. gosh, tapos na.. naiiyak ako ang ganda ng story mo ate. >_________<

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sa walang sawang pag-hihintay ng updates ko at sa pagsama sa journey (journey talaga? Haha) from the beggining up to this very end. KAM SA HAM NIDA! MEHEL KE KEYE! MUAAAHHHH!

      Delete
  2. suRpriSe weddiNg,,, gAnyAn n diN guSto q,,, hwaHehE,,, ntAwa p aq s coNvo niNa Jed at shaNea eHh,,, miSs q n diN cLa,,, peO bLik tAU s kweNto,,, kyAaah pRinceSs and aerOLL, u deServe eaCh othEr,,, s tGaL at dMi b nMn ng pinAgsMHan niO,,, syAng wLa uNg honEymoOn,,, speciAL chApter atEy,,, hoNeymooN nLa hwAhehE,,,

    ReplyDelete
  3. at BoOk 2!!! bOoK 2!!! BoOk 2!!! bOoK 2!!! BoOk 2!!! bOoK 2!!! BoOk 2!!! bOoK 2!!! hwAheHe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^