Saturday, August 24, 2013

Love at Second Sight : Aiesha Lee's Note (Last Hurrah)



Aiesha Lee’s NOTE!

Waaaah! Hindi nga? Tapos na talaga? Oo, Aiesha. Tapos na.


Grabe! It’s been what? ONE YEAR na siguro simula nang simulan ko ang kwentong ‘to. Tanda ko pa ang araw na ‘yon, naka-mark ‘yon sa calendar ko, iih. AUGUST 24, 2012. Muntagal na noh? XDDD


At mag-wa-one year na din ako dito sa BLOG ni among tunay. YEY! Magpapa-litson ako samin! Padalhan ko na lang kayo, ha? Nyahaha!


So, by the way litson. Mag-is-speech lang ako. Maigsi lang ‘to. *grins*


Ito ang FIRST ever story kong shinare sa cyber world. Paano ba ko napadpad dito sa blog? Si Queen Richelle ang may sala, haha! Ininvite niya kong maging writer dito, ako naman ‘tong excited, haha! Kaya ‘yon, pagala-gala ang kaluluwa ko dito sa blog at naghahasik ng love virus, HAHAHA! XDDD


Supposedly, hanggang 50 chapters lang dapat ang LASS. Pero siguro kapag napamahal ka na sa story at sa mga characters, parang gusto mong habaan. Parang ayaw mo silang mawala, hahaha! Ang weird lang noh?


Chiklet lang natin ‘to, aahh... *whispering* Inabot ng mahigit isang buwan bago ko gawin ung epilogue. Not because tinatamad akong mag-UD, pero dahil ayoko pa talagang tapusin yung story. HAHAHA! Bad, eh. Hihihi!


Nakakalungkot naman kasi. T_________T


Mami-miss ko si Aeroll KO. Este si Aeroll pala. Kay Princess na pala siya. Kay Lee Min Ho na pala ako, haha! 


Mami-miss ko silang lahat. SUUUPEEERRR!!! Everytime kasi na nag-susulat ako ng bawat chappy, feel ko eh part na ko ng kwento nila. HIHIHI!


Ahhh… basta… ang weird lang. HAHAHA!


Pero syempre, every story should ends. But it doesn’t mean na tapos na ang LASS, tapos na rin ang story ng mga characters. They’re just pagala-gala you know, hahaha! Pagala-gala sa mga singit-singit ng utak ko. At bumubulong ng “Book two! Book two!”  At dahil mabait ako... walang book 2! WAHAHA!


Teka lang... parang may sinabihan akong reader ng LASS na may book 2. Kung sino ka man ineng, hindi ako nagsabi no’n, ah. Yung isang katauhan ko ‘yon, wala akong alam do’n. HAHAHA!


May book 2 man o wala, tagilid ang sagot ko. HIHIHI! Tagilid kasi may plot nang lumulutang sa utak ko, pero hindi ko alam kung kailan ko magagawa dahil may mga ongoing story pa ako. Kaya si book 2, sa isip ko muna siya tumambay-tambay. Wag ninyo po akong i-pressure, ah? Magbibigti ako sa Mars, sige kayo. HAHAHA!


Masyado nang mahaba.


For the closing remarks (closing remarks talaga? F na F ang speech, Aiesha? haha!)


I wanted to give thanks to my sponsors. Sponsors? HAHAHA! Este, MY BELOVED READERS pala. XDD


Kay DEMI DOLL, the first one na nag-comment at nag-read sa LASS. Thank you, dems! XD Labyu! Alam mo ‘yan! XD


Kay ANGEL is LUV na kasabay ni demi sa kilig, thank you girl! Nawala siya bigla, pero thank you pa rin! XD


Kay I_HEART_KPOP, PIGGYLOVESPINK & ANEW_BEH! I dunno kung binabasa pa nila ‘to pero kung thank you pa rin! Hehe!


Kay NICOLE at sa tropapips niya. Thank you students! Aral mabuti, okay? Muah!


Sa mga ANONYMOUS, thank you po sa inyo!


Kay JIMIA, LEI SHIMI, KAREN CAMILLE, NORLIZA. (na mga nameet ko sa fb) Silent readers man kayo, girls, walang kaso sakin ‘yon. Umabot din naman sakin ang mga kinikimkim ng puso ninyo. Ano daw? HIHIHI! Basta! Thank you girls for supporting my stories! Ilabyugurls!


At sa iba pang silent readers (kung mero’n pa), isang malaking thank you! Sana napangiti ko kayo sa LASS. XD


Saka sponsor ko rin naman kayo. Sponsor ng inspiration, kiligness, tawaness at ngitiness. Nakakatanggal ng pagod kapag nababasa ko yung mga comments ninyo. Kapag nalalaman kong may inspire ako. Kapag nalaman kong napapangiti ko kayo. 


Thank you dahil na-feel kong tumaba dahil sainyo. TUMATABA ang puso ko knowing na naa-apreciate ninyo yung LASS. HEHEHE!


At sa mga future magbabasa ng LASS (kung mero’n man). Advance thank you so much po!


At sa mga co-writers ko dito sa blog at kay among tunay, BE HAPPY! Tumatag pa sana ang samahan nating nabuo dito sa cyber world!


Naiiyak na ko. Ang drama ko na. Nobela na ‘to. HAHAHA!


Isa lang naman ang gusto kong paulit-ulit na sabihin sa inyo,


KAM SA HAM NIDA! THANK YOU SO MUCH!

 - Aiesha Lee, wife of Lee Min Ho (pero secret ko lang natin  ‘yon XD)


PS. Kung may mga tanong po kayo o kung guto ninyo lang akong maka-chikahan tungkol sa anek-anek. Wag lang po personal life ko. Hihihi! Mahilig po akong makinig ng love story ng iba. Wala po kasi ako niyan, eh. Hahaha!





2 comments:

  1. congratulations aiesha. grabe, one year ka na talaga dito. hihihi, ang bilis ng panahon. at dahil natapos mo na ito, sa wakas naman maitutuloy ko na ang pagbabasa. kasi naman natigil yata ako ng mga nasa ch.15 or 20 something na ako. tapos ngayon umabot na siya ng hanggang 85. konti na lang 100 na oh.

    at hanga talaga ako sayo dahil ang bilis mo tumapos ng kwento. kung saakin, kulang pa ang isang taon bago makatapos ng kwento. tapos ikaw partida, ang dami mo nang natapos na ongoing. >___<

    sana palagi kang maging inspired para patuloy ka pang makapag-share ng stories mo dito. more power and God Bless You.

    ps. dahil alam ko na ang ending dahil maduga ako, yun talaga inuna ko, mas maeenjoy ko na ang kwento. takot lang magbasa ng tragic eh, masakit sa puso. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sis! ^________^
      Oo nga eh .. anniversary namin ni DDH yesterday, haha! Sakto lang sa pagtatapos ng LASS. :)))) Ang tagal ko na pala dito. At sana tumagal pa ko. :))))

      Sana forever inspired pa rin ako para makapag-share pa ko ng stories dito. Sana tanggapin na Lee Min Ho ang proposal ko, hahahaha! *crossedfinger*

      Ndi ako mahilig sa tragic ending sis. :3 Masakit nga sa puso. Pansin mo naman puro happy ending ang ginagawa ko. Pero gusto ding itry ang tragic/sad ending, Mag-iipon muna ko ng lakas ng loob. Hahaha!

      Thank you too sis for letting me share my stories and ka-ek-ekan here, hahaha!

      More power din sa blog natin! Labyu sis Ruijin! Muaaahh!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^