Saturday, August 24, 2013

KontraBIDa : Chapter 13




CHAPTER 13

( Warren Fernandez’ POV )


“Kahit kailan talaga ‘yang babaeng ‘yan. Puro reklamo. Ayaw pang sagutin yung tawag ko. Nakakainis.”


Napangiti na lang ako habang nakikinig kay Steven. Ang kaibigan ko. Nandito kami sa lobby ng HRM building.


“May gana pang mag-walk-out kaninang umaga. Hindi niya ba alam na dumadagdag lang siya sa hectic schedule ko?”


Nilingon ko siya. Nakatutok ang atensyon niya sa laptop niya na nakapatong sa coffee table. Tama ang sinabi niya. Masyado siyang busy para isingit sa sked niya si Trixie at maging ‘mentor’ nito. He’s a dean’s lister. Member ng student council. Assistant editor ng campus journal ng school. A part-time photographer. A blog writer.


Mas matanda ako ng isang taon sa kaniya. Third year ako. Second year siya. Pero daig pa niya ako sa dami ng ginagawa niya. Bata pa lang kami, ganyan na siya. Hindi daw siya sanay na walang ginagawa. At mas lalong hindi daw siya sanay na isa lang ang ginagawa niya.


“Yun pala, kasama lang niya si Janiyah sa canteen. Ano bang napapala niya sa pagsama kay Janiyah? Nahahawa lang siya sa babaeng ‘yon.” Bigla siyang napalingon sakin. Na-realize siguro niya kung anong lumabas sa bibig niya. “Sorry.”


Nakakaintinding tumango ako. Bago ko pa maging kaibigan si Janiyah, aware na kong hindi gusto ni Steven ang ugali niya. Halos naman ata lahat ng estudyante dito sa school, may masamang sasabihin kapag binanggit ang pangalan ni Janiyah. Nainis lang lalo si Steven sa kaniya nang tawagin niya sa ibang pangalan ang kaibigan ko kahit pa ipinakilala ko si Steven sa kaniya.


At kung nakipag-kaibigan man ako kay Janiyah, Steven respected it. Gano’n naman talaga kami dati pa. We both respect each other’s decisions.


Ibinalik ko ang tingin ko sa binabasa kong article. Yung interview ko na ginawa ni Trixie para sa campus journal ng school namin. “Maganda ang pagkakagawa ni Trixie sa article na ‘to.” I commented.


Hindi ko narinig na nag-komento si Steven. No side comments means he agreed with me. Hindi ko na rin siya narinig na nagsalita pa. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko nang lumipad ang tingin ko sa entrance ng building namin. Napangiti ako.


“Steven. Look who’s coming.” Si Trixie ang nakita kong pumasok at palapit sa gawi namin.


“Hi, Warren! Hi, Steven!” nakangiting bati ni Trixie kahit halatang hingal siya.


“Hi, Trixie.” ganting-bati ko. Tiningnan ko si Steven na seryosong nakatingin kay Trixie.


“Steven. I’m looking for you kanina pa.”


“What are you doing here?” tanong ni Steven dito.


Itinutok ko na lang ang atensyon ko sa binabasa ko at hinayaan silang mag-usap.


“I just wanna say sorry to you about what happened kaninang umaga. When I walked out from you.”


“Why are you not answering my calls?”


“I’m just ano... you know. Nagtampo lang ako when you shouted at me so loud, kasi I’m so tagal lumapit when you called me while I’m talking to Janiyah and that guy.”


“Ikaw pa ang may ganang magtampo?”


“I’m not sanay lang kasi. Because my mom never shouted at me like what you did na parang may ginawa akong masama.”


“Hindi ka sanay, huh? Hindi ba ginagawa yun sa’yo ni Janiyah?”


“She’s mataray and masungit like you, but you and her are different.”


“What makes us different, Trixie? She’s worse and—”


“Steven.” singit ko sa nananaway kong boses. Alam kong wala siya sa mood, pero hindi na dapat niya idamay si Janiyah dito.


Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong isinara ni Steven ang laptop niya. “What brings you here, Trixie?” tanong niya.


“I just realized while I’m in the restroom—”


“Restroom?”


“Never mind that one! I mean... ahm. Basta na-realize kong I’m the one whose asking for your help kaya dapat na habaan ko ang patience ko.”


Tumayo na si Steven. “Tol, mauuna na ko.” paalam niya sakin.


“Okay.” sabi ko nang lingunin ko siya.


“Trixie, follow me. May meeting tayo sa org.”


“Can we take a break, first? I’m so very tired na kasi.”


“I said follow me.” Umalis na si Steven.


“Yes, partner!” Nilingon ako ni Trixie. “Bye, Warren!” Nakangiting kumaway pa siya nang sumunod siya kay Steven.


Napangiti ako. Ewan ko ba kay Steven, ang ikli ng patience niya pagdating kay Trixie. At ewan ko din kay Trixie, ang haba ng patience niya pagdating kay Steven kapag nasa ‘masungit mode’ ang kaibigan ko.


“Narinig mo ba yung balita? May nangyari daw gulo sa cafeteria kanina? Muntik nang magkasabunutan.”


“Yeah. I heard it. Si Janiyah and that powerpuff girls.”


“Powerpuff girls?”


“Yun daw ang bagong bansag ni Janiyah sa Charlie’s devils.”


“Sayang, wala tayo. The last time they had a fight was November last year, right?”


Napalingon ako sa pinagmulan ng mga boses na ‘yon. Paakyat na sila ng hagdan. Umayos ako nang pagkaka-upo.


Ano kayang nangyari? Sa pagkakakilala ko kay Janiyah simula nang pumasok siya dito sa AU, mayabang na agad ang tingin sa kaniya ng mga estudyante dito dahil sa matapang niyang aura at dahil anak siya ng may-ari ng school na ‘to. Mahilig siyang mam-bully pero sinabihan ko na siyang iwasan niya ‘yon simula nang maging kaibigan ko siya.


Ano kayang nangyari?


“Warren.”


Napalingon ako sa likuran ko. I saw Janine. Tumayo ako mula sa pagkakaupo.


“Ba’t hindi ka pa umuuwi?” tanong niya.


“Nag-usap pa kami ni Steven.” Pero ang totoo, hinintay ko talaga siya. Pwede naman siyang sumabay sakin pauwi kapag parehas kami ng oras ng uwian, pero mas gusto pa niyang mag-commute mag-isa. “Tutal naman, patapos na rin ang klase mo kaya hinintay na rin kita.”


“Pero may dadaanan pa ko, eh.”


“Edi dumaan tayo sa dadaanan mo.” Hindi na siya nakapag-protesta nang kunin ko ang gamit niyang dala-dala niya. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang laman no’n. Mga flaring bottles at may logong nakalagay. Nilingon ko siya. “Since when did you join the bartender’s club?” tanong ko.


“Since October.”


“At hindi mo man lang sinabi sakin?” At hindi ko man lang napansin. Shit, Warren! Napakatanga mo talaga! Yung mga band-aid pala sa kamay niya, hind yun dahil nahiwa siya ng kutsilyo!


“Kailangan ko pa bang sabihin sa’yo ang lahat nang ginagawa kong desisyon sa buhay ko, Warren? Alam kong hawak mo ko dahil sa kontrata. But it doesn’t mean na hawak mo na rin ang buhay ko.”


I gritted my teeth when I heard that word contract. “Kontratang nabuo nang wala ako, Janine.” madiing sabi ko habang pigil ang inis na nararamdaman ko.


“Kontratang nabuo dahil wala ka kung kailan kailangan kita.” may hinanakit na sabi niya.


At dahil sa sinabi niya, para akong tuod sa kinatatayuan ko hanggang sa kunin niya ang gamit niya mula sakin at iwan ako.


“Kontratang nabuo dahil wala ka kung kailan kailangan kita.”


Paulit-ulit yung nag-re-replay sa isip ko. Isang taon na din simula nang mabuo ang kontrata na ‘yon. Isang taon na din simula nang mapag-usapan namin ang tungkol sa bagay na ‘yon. Ang una’t huling pag-uusap namin tungkol sa bagay na ‘yon. Tapos ngayon…


Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko at marahas na napabuntong-hininga bago lumabas ng building. Hinanap ng mga mata ko si Janine habang naglalakad. Magaling siyang magtago kapag masama ang loob niya at ayaw niyang magpakita sakin.


Hanggang sa matuon ang mga mata ko sa office ng guidance councelor dahil nakita kong lumabas do’n si Janiyah. At may kasama siya. Namumukhaan ko ang lalaking ‘yon. Ang lalaking tumulong kay Janiyah nang mapilayan siya at nagligtas sa kaniya nang malunod siya sa pool.


Mukhang hindi ako napansin ni Janiyah kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko. Saka ko na siya kakausapin tungkol sa nangyaring gulo. Kailangan ko munang makausap si Janine.


= = = = = = = =


( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


“Uy! Galaw-galaw naman diyan!” untag sakin ni Marky. Nandito kami ngayon sa canteen.


Napakurap ako. “Hah?”


“Hah ka diyan. Hindi ka ba magte-thank you?”


Kumunot ang noo ko. “Thank you? For what?”


“Because I helped you. Bumaba na yung sistensiya mo.”


“Ano ako nakakulong sa bilibid?!”


“I mean bumaba na yung parusa mo. Hindi muna tutulungan si manong janitor. Yun nga lang sa library ka magbababad.”


Tama siya. Nagkapalit kami ng parusa ng Charlie’s devils. Buong araw akong magbababad tomorrow sa library to help our librarian. At ang Charlie’s devils na ‘yon. They’re suspended. For one week. Dapat nga ie-expelled na sila, todo paki-usap lang sila sakin kanina. Pumayag akong i-suspend lang sila. In one conditon na hindi na nila ako guguluhin, kundi makakarating kay daddy ang video.


At kulang ang patalsikin. Paano ako makakaganti sa kanila kung wala na sila sa school? Oo. Gaganti ako. In the mean time, hahayaan ko muna sila. Pero gaganti ako!


Mga demonyitang ‘yon! Gusto ko sanang bigyan sila ng tig-tatlong sipa kanina nang mapanood ko ang video. Nanggagalaiti ako. Alam ko namang masama ang ugali nila. Parang ako minsan. Oh! Huwag na kayong kumontra. Minsan lang naman talaga.


Pero hindi ko akalaing aabot sa gano’n. To the extent na ipapa—mga bwisit sila!


“Dapat do’n sa tatlong ‘yon, i-expelled, eh. Kung ako sa’yo—”


“Marky, pwede ba? Tumahimik ka muna. Nag-iisip ako dito, ang ingay mo diyan.”


“Edi mag-isip ka. Paki ko.” Sumubo siya sa banana cueng binili niya.


So mabalik tayo sa sinasabi ko.


Alam ko namang pinagtutulungan ako ni Miss Tapia at ng Charlie’s devils na yun. Ayokong magpa-apekto sa kanila dahil nasakin pa rin ang huling halakhak. Pero ang ginawa ng Charlie’s devils na yun, hindi ko mapapalampas. May araw din sila sakin. And I will make sure na pagsisisihan ng tatlong bruhildang yun na kinalaban nila ang isang Janiyah Merzer Alonzo.


Hindi ako sanay magpasalamat pero thanks to this monkey na kumakain ng saging. Oops! Marky pala. Thanks to him dahil dumating siya ng araw na ‘yon. May utak din pala ang unggoy na ‘to para i-video ang eksenang nakita niya.


Napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang mukha niya. May itsura pala siya. Let me rephrase that. Gwapo siya.


Teka! Ano ba ‘tong iniisip ko? I cleared my head. Si Warren ang gusto mo, Janiyah. Kaya dapat, siya lang ang gwapo sa paningin mo. Remember that!


“Tama!”


“Anong tama, Janiyah?”


“Hah?” Napalakas pala ang boses ko.


Kumunot ang noo niya. “You’re acting really weird simula nang lumabas tayo ng guidance office. Naninibago tuloy ako.”


“Naninibago?”


“I’m not used with this. Mas gusto ko pang nagtataray ka, nagsusungit, nagagalit, nagmamaldita kesa yung ganyan ka. Parang wala ka sa sarili mo. Hindi bagay sa’yo.”


“Mas weird ka. Mas gusto mo pang makita ‘yung masasamang ugali ko.”


Nagkibit-balikat siya. “Nasanay na siguro ako, lalo kapag nagbabangayan tayo.”


“Gano’n ba ko kasama?”


Napatigil siya sa kinakain niya. “Oo.”


Nagsalubong ang kilay ko. “Ewan ko sa’yo!”


“Tinatanong mo ako tapos maiinis ka.”


“Whatever.” Sumubo ako ng ice cream. Kailangan ko bang magpasalamat sa kaniya? Kailangan siguro. “Ahm, Marky.”


“Hmm?”


“Thanks.” At ito na ang huli.


“Wow! Naniniwala na talaga ako sa himala. Teka, may nakain ka ba kaya parang ang bait mo ngayon? Share naman diyan para ‘yun na ang lagi kong ipakain sayo.”


Naningkit ang mga mata ko. “Shut up!” Nakakainis talaga ‘tong unggoy na ‘to! Binuhos ko na lang ang atensyon ko sa pag-ubos ng ice cream ko kesa ang kausapin ang unggoy na ‘to.


“Uy!” untag niya sakin.


“Ano na naman!?”


“Yung jacket ko kako nasa’n na?”


Kumunot ang noo ko. “Anong jacket ka diyan?”


“Yung jacket na pinahiram ko nung araw na—” Napatigil siya. Sumeryoso ang mukha niya. “Nevermind.”


Anong jacket? Wala naman akong matandaang may pinahiram—Ah! Natatandaan ko na! Sa kaniya yung jacket na ‘yon? Kaya pala nang binalik niya ang jacket kasama ng dress ko, parang nag-iba. Sa kaniya pala ‘yon. Teka, bakit yung jacket pa niya ang pinahiram niya, eh, may nagbigay naman ng jacket sakin?


Napatingin ako sa kaniya. “Why do you always helping me? Sino ka ba talaga, Marky?”


He smiled. “I’m your friendly, gorgeus, loveable schoolmate.”


Sumimangot ako. May kayabangan din siya, eh. “Nevermind. I don’t need your answer.” Tumayo ako at iniwan siya.
 
= = =



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^