ATTENTION!!!
READ
CHAPTER 1-13 FIRST!
INEDIT
ko po ang PREVIOUS CHAPTERS.
NEW SCENES ADDED. NEW ADDITIONAL INFO ADDED. NEW CHARACTER ADDED.
SAME
PLOT pa rin. SAME CHARACTERS pa rin.
CHAPTER 14
( Marky Corpuz’s POV )
Nasa
library ako at nagbabasa nang may bumulabog na naman sa nanahimik kong mundo.
Oo. Na naman. Dahil five minutes ago simula nang pumasok ako dito, ang ingay na
niya.
“Hey,
girls!”
Nilingon
ko ang pinagmulan ng boses na ‘yon. Si Janiyah na nakapameywang sa harap ng
apat na estudyanteng babae.
“How
many times do I have to tell you to bring back those books in the book shelves
after you used it?” nakataas ang kilay
na tanong ni Janiyah sa kanila.
“Male-late na kasi
kami.” dahilan ng isa.
“I
don’t care kung ma-late kayo. Hello! Ang bibigat ng libro ninyong mga nursing
‘no! Tapos ako ang pagbubuhatin ninyo no’n para ibalik sa mga pinanggalingan
nila? Ang sakit na nga braso ko. Kaya kilos na. Balik do’n. Ibalik ninyo sa
pinanggalingan ang mga libro ninyong sandamukal sa laki. Bilis.”
Hindi
na nakapag-protesta ang apat na estudyante at binalikan na lang ang mga librong
iniwan nila sa mesa.
“At
kayong lahat.” baling ni Janiyah
sa ibang estudyanteng nasa library na nakatingin sa kaniya. “Yang mga libro
ninyong kinuha niyo sa bookshelves, ibalik niyo ‘yan after you used it. Huwag
ninyong iasa sa librarian ang pagbabalik ng mga ‘yan. Is that clear?”
Napapailing
na pumunta ako ng counter. Hihiramin ko na lang ang librong binabasa ko. Hindi ako
makapagbasa ng maayos dito. Library ngang matatawag, ang ingay naman.
“Ma’am,
hindi niyo ba sasawayin si Janiyah?”
tanong ko sa librarian. “Library ‘to tapos ang ingay niya.”
“Kanina ko pa
sinasaway ‘yan. Matigas lang ang ulo. Pero alam mo, kahit may pagkamaldita
‘yan, natutuwa ako sa kaniya ngayon.”
Tiningnan
ko si Janiyah na abala pa rin sa panenermon niya. “Ano naman pong nakakatuwa sa ginagawa niya
ngayon?”
Yung
mga nananahimik na estudyanteng nag-aaral, nagugulo niya. May mga tumayo na nga
at umalis na lang ng library kesa pakinggan ang sermon niya. Daig pa niya ang
pari kung manermon. Hindi ba niya naisip na mas malala pa siya sa mga
estudyanteng pasaway na nandito sa library?
“Dati kasi isa din
siya sa mga estudyanteng mahilig magkuku-kuha ng libro sa bookshelves. Hindi ko
nga alam kung nananadya ba talaga dahil puro yung malalaking libro pa ang kinukuha
niya tapos nakikita ko namang hindi niya binabasa. Mga libro pa ng nursing, eh
hindi naman nursing ang course niya. Pero ngayon, tingnan mo. Siya pa mismo ang
nagsasabi sa mga estudyanteng sila na lang ang magsauli sa mga librong kinukuha
nila.”
“Ngayon
lang po ‘yan dahil siya ang nahihirapan. Pero bukas, babalik na naman ‘yan sa
dati.” Kinuha ko na ang
librong hiniram ko. Lumapit ako kay Janiyah at kinalabit siya sa balikat niya.
Napalingon siya sakin.
“What?!”
inis na tanong niya.
“Wala
lang.”
Nagsalubong
ang mga kilay niya. “Kakalabitin mo ‘ko, tapos wala lang? Are you insane?
Nakita mong ngarag na ako dito sa mga bwisit na mga estudyante na ‘to! Dadagdag
ka pa!”
Parang
gusto kong matawa sa sinabi niya. Pinigilan ko lang. “Ngarag? Ikaw? Baka ‘yang mga schoolmates
natin ang ngarag na sa kakasermon mo dito. Janiyah, library ‘to, okay? Tapos
kung makasigaw ka parang pinagsamang perya at palengke ang boses mo.”
“I
don’t care!“
Inirapan niya ko.
Binalingan niya ang mga estudyanteng nakatingin na samin. “What are you staring at? Walang show dito
kaya atupagin niyo ‘yang pag-aaral ninyo!”
Napapailing
na hinila ko siya palayo.
“Ano
ba?! Let go off me!”
“Shhh…
Ang ingay mo.” Sarap pasakan ng
kutsara sa bibig.
“Sa’n
mo ba ko dadalhin? Bitawan mo nga ako!”
Pero
hindi ko pinakawalan ang kamay niya. Hinigpitan ko lang lalo ‘yon. “Ma’am, hihiramin
ko lang po si Janiyah. Papakainin ko lang po at mukhang gutom na. Baka yung mga
estudyante na ang kainin nito mamaya.” paalam ko sa librarian.
“Sige. Bumalik ka
na lang, Janiyah.”
“Pero
ma’am…”
“Let’s
go, Janiyah.” Hinila ko na siya palabas
ng library.
=
= =
( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
“Bitiwan
mo nga ako!”
Paano ba naman
nakatingin na saming dalawa ni Marky ang mga estudyanteng nasasalubong namin
paglabas namin ng library. Mapagkamalan pa nilang boyfriend ko siya. Duh!
“Edi
bitiwan.” Binitawan na nga
niya ako.
Napahawak
ako sa kamay kong nanakit na dahil sa pagkakahawak niya. “Ang sakit, ah. Makahila ka diyan, para
kang humihila ng hayop.” naiinis na reklamo ko.
“Kung makasigaw ka naman, para kang kinakatay.”
Humalukipkip
ako. “Epal
ka kasi.”
“Sinong
mas epal sating dalawa? The who saved those students from your raging claws or
yung taong nanggugulo ng love story ng iba?”
Tumaas
ang kilay ko sa huling sinabi niya. Ako? Nanggugulo ng love story ng iba?
Matalino ako kaya hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy niya.
Alam ba niya ang sinasabi niya?
“What
are you talking about? Walang love story na namumuo between Warren at that
Janine girl. They are just friends.”
Kahit pa alam kong may gusto si Warren kay Janine. Ilang buwan na simula ng
sabihin niya sakin ‘yon at tanda ko pa ang sinabi niya sakin.
“Gusto
ko siya, pero hindi pwede.”
Kaya
alam kong hindi magiging sila. Never.
“Friends?”
Napatingin
ako kay Marky. Nakangiti pa siya na parang matatawa.
“Friends?”
ulit na naman niya. “Bakit lagi silang magkasama? Alam mo bang nakita ko
silang sabay na umuwi? Sumakay si Janine sa kotse ni Warren.”
“So?”
Nakita ko na din ‘yon. Ilang beses na. Nang tanungin ko si Warren kung bakit
sabay silang dalawa, sinabay lang daw niya si Janine dahil parehas sila ng way
pauwi. Kaya nga naiinis ako kay Janine dahil sinabihan ko na siyang tumanggi
kapag isasabay siya ni Warren. Pero nakikita ko pa rin silang magkasabay!
“Matalino
ka diba? Dapat alam mong mero’ng kakaiba sa pagitan nila. They are not just
friends. There’s more than that.”
“There’s
nothing more than that friendship.”
Yun lang at tinalikuran ko na siya. Ayokong sumang-ayon, pero tama si Marky.
Noon pa lang, napapansin ko nang mero’ng something sa pagitan ni Warren at
Janine.
May
gusto si Warren kay Janine pero hindi pwede. Pinapalayo ko si Janine kay Warren
pero hindi rin pwede. Bakit hindi pwede? Yun ang aalamin ko. At kapag nalaman
ko ang bagay na ‘yon, I will make sure na mananatiling hindi pwede ang bagay na
‘yon dahil tanging kami lang ni Warren ang pwede.
“Janiyah!”
I
rolled my eyes when Marky followed me. “Why are you still following me?” hindi
lumilingong tanong ko.
“Sabay
tayong kakain.”
“Says
who?”
“Says
me.”
“Hindi
ako kumakain sa mga fastfood chain.”
Napahinto
ako nang makita ko si Warren na kalalabas lang sa isang kwarto. Nakita niya rin
ako dahil napalingon din siya sa gawi ko. Kumaway siya sakin. Lalapitan ko na
sana siya nang may lumapit naman sa kaniyang professor. Sinenyasan niya kong
may pag-uusapan sila ng professor. Tumango ako. Umalis na sila.
Tiningnan
ko ang kwartong nilabasan ni Warren kanina. “Anong ginawa niya do’n?” tanong
ko sa sarili ko.
“Malay
ko.”
Nilingon
ko si Marky. “I’m
not asking you, okay.” Epal talaga! “Ayokong sumabay sa’yo ng lunch. Hihintayin
ko na lang si Warren.”
Iniwan
ko na siya at nilapitan ang isang estudyanteng kalalabas lang ng kwartong
nilabasan ni Warren kanina.
“Hey!”
“J-janiyah!
B-bakit?” gulat niyang tanong na
nauutal pa. Normal reaction ng mga normal na estudyanteng nilalapitan ko. Dahil
lahat ng mga kumakalaban sakin, abnormal ang tingin ko.
“Anong
ginawa ni Warren dito kanina?”
nakataas ang kilay na tanong ko.
“H-hah?”
Pinanlakihan
ko siya nga mga mata. “Bingi ka ba? What did Warren do in your office?” madiing
tanong ko.
=
= = = = = = =
( Marky Corpuz’ POV )
Hindi
ko na sinundan si Janiyah. Mahirap na. Ayokong makahalata siya. Napailing na
lang ako habang nakatanaw sa ginagawa niya. May binu-bully na naman siyang estudyante.
“Ang
laki na ng pinagbago ni Janiyah.”
Napalingon
ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses na ‘yon. Isang lalaking mataba—hindi
naman talaga sobrang taba— ang nakita ko. May suot siyang eyeglasses at may
hawak na burger at fries. May kipkip din siyang libro na nakaipit sa kilikili
niya. Mukha siyang friendly.
Naalala
ko ang sinabi niya kanina.
“Pinagbago?
Paano mo nasabi ‘yon? Sino ka ba?”
“I’m
Bruce. At paano ko nasabing ang laki na ng pinagbago niya? I’m her highschool
schoolmate.” sabi niya sabay kagat
sa burger niyang hawak.
Highschool?
Sa pagkaka-alam ko, sa probinsya nag-aral si Janiyah nung highschool siya.
Mukhang madami akong malalaman sa lalaking ito. Napangiti ako.
=
= =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^