Saturday, September 21, 2013

KontraBIDA : Chapter 15



CHAPTER 15

( Janine de Vera’s POV )


“Janine.”


Naramdaman kong may tumapik nang marahan sa braso ko. Napakurap ako at napalingon sa gilid ko. Si Landis. Classmate ko siya at co-member ko sa BartendAlonz, ang pangalan ng bartender’s club ng university namin.


“Bakit?” tanong ko sa kaniya.


“Yung mini-mix mo. Natapon na.”


“Hah?” Napatingin ako sa ginagawa ko. “Naku!” Nagmamadaling kumuha ako ng basahan at ipinangpunas sa table.


“Mukhang ang lalim ng iniisip mo kanina pa. May problema ba?”


Nginitian ko siya. “Wala.” Niligpit ko na ang mga ginamit for mixing. May tina-try kasing akong bagong cocktail.


Nandito ako ngayon sa headquarters ng BartendAlonz. Hindi pa ko nag-aaral dito sa AU, headquarters na ang tawag sa bawat office ng mga club dito sa university. Nasa first floor ng HRM building ang HQ ng BartendAlonz. It was not a classroom. Para siyang mini bar na may mga couch sa gilid at ilang tables and chairs. May sliding door sa south side na magdadala sa maluwag na garden kung sa’n kami nagpa-practice ng flaring.


Umupo si Landis sa gilid ng table. “Nag-away ba kayo ni Warren? Nalaman na ba niyang member ka ng BartendAlonz?”


Umiling ako. “Hindi.”


“I saw the two of you the other day.”


Mukhang hindi na ako makakapag-tago sa kaniya. Lagi siyang ganyan. Parang lagi niyang alam ang lahat. Yun daw ang talent niya. Mahilig kasi siyang mag-observe ng mga nangyayari sa paligid niya.


He’s been my friend since first year college. Classmate ko siya pero hindi kami gano’n ka-close dati. Naka-focus ang buong atensyon ko sa pag-aaral ko. Hindi naman ako anti-social at loner na tao. Sadyang wala lang akong matatawag na circle of friends na laging kasama sa loob at labas ng school.


Nagbago lang ang lahat isang taon na ang nakakaraan. Naging kaibigan ko si Landis ng mga panahong kailangan ko ng isang tao sa tabi ko. Nang mga panahong kailangan ko si Warren pero ibang tao ang nasa tabi ko.


“Janine. Yuhoo!”


Napakurap ako at napatingin kay Landis. Nakangiti siya. Lagi siyang ganyan. Lagi siyang may nakahandang ngiti sa lahat. Masaya siyang kausap. Mabait. Palabiro. Palangiti. Mabuti siyang kaibigan.


“Kilala kita, Janine. Nawawala ka sa sarili mo kapag nagkaka-problema kayo ni Warren.”


Umupo ako sa upuan sa harap ng table. “Kailan ba nawala ang problema sa pagitan namin?” balik-tanong ko sa kaniya. Pinaglaruan ko ang kuko ko. Mannerism ko na ‘yon kapag malalim ang iniisip ko. “Nalaman niya nung isang araw na member ako ng BartendAlonz.”


“Tapos?”


“Nagalit siya dahil hindi ko sinabi sa kaniya.” Kinagat ko ang gilid ng labi ko. “Tapos...”


“Tapos ano?”


“Sinumbatan ko siya na hindi ko kailangang sabihin sa kaniya ang mga desisyon ko. After that, iniwan ko na siya.”


Hindi kami masyadong nagkikibuan ni Warren. Nang mag-walk-out ako, alam kong susundan niya ko kaya nagtago ako. Lagi naman siyang gano’n kapag may pinag-tatalunan kaming dalawa. Hindi niya ko titigilan hanggang maging okay na kami. Pero hindi gano’n ka-simple ang pinagtalunan namin nung isang araw. Kaya nga hanggang ngayon, tango, ‘oo’ at ‘hindi’ lang kaming dalawa.


“Kontratang nabuo nang wala ako, Janine.”


“Kontratang nabuo dahil wala ka kung kailan kailangan kita.”


Hindi ko na binanggit kay Landis ang huling mga salitang ‘yon na binitiwan namin ni Warren. Although alam niya ang set-up namin ni Warren. At alam rin niya ang nararamdaman ko.


Ang totoong nararamdaman ko.


“Hindi mo man lang tinanong kung bakit siya nagalit?”


“Dahil mababawasan ang oras ng pagsisilbi ko sa kaniya.”


“Janine. Janine.”


Nang tingnan ko siya, napapailing siya.


“You’ve known each other for so long pero parang hindi ninyo pa kilala ang isa’t isa.”


Umiwas ako ng tingin. “Yun naman talaga ang totoo.”


“Bakit kasi hindi ninyo pa sirain ang kontratang ‘yon ng hindi na kayo mahirapan?”


“It’s not that easy, Landis.”


“Madali lang ‘yon, Janine, kung gugustuhin ninyong dalawa. Bakit kasi may mga taong ginagawang kumplikado ang mga bagay-bagay?”


“That’s life, Landis. You can never have two things at once.”


“Life is really unfair, huh.”


“Yes. Life is so unfair.” bulong ko.


“Life is unfair but it is an exciting one to watch for, too.”


“Hah?” Napalingon tuloy ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Sa iba nakatutok ang atensyon niya. Nakatingin siya sa likuran niya. Sinilip ko ang tinitingnan niya. Para lang magulat sa taong nakita kong kapapasok lang ng pintuan.


Anong ginagawa niya dito?


= = =


( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


Nakaharap ako ngayon sa pintuang magdadala sakin kay Warren. Dahil hindi na pumayag si Trixie na tulungan ako para sa ‘OMW’, natatandaan ninyo pa ba ‘yon? Ang Operation Masolo si Warren. Mabuti na rin ‘yung hindi na ako tutulungan ni Trixie at wala nang kasunod na Plan D. Minamalas ako sa dalawang ‘yon, napapahamak pa ko.


Hindi muna ko pumasok. Kinuha ko ang compact ko sa bag ko at tiningnan ang mukha ko. “Perfect.”


Nakangiting ibinalik ko ang compact sa bag ko at hinawakan ang pintuan para buksan ng may makasabay akong humawak do’n. Napalingon ako sa likuran ko. Kumunot ang noo ko. “You.”


“Hi, Janiyah.” ngiting-ngiting bati ni Marky sakin.


Hinarap ko siya. “Don’t Hi me.” Humalukipkip ako. “What are you doing here?” Bakit ba kung nasa’n ako nando’n siya?


“I didn’t follow you, okay. Nandito ako dahil nandito ang bagong kaibigan ko. Friendly kasi akong tao hindi katulad ng iba dyan. Kaya wag kang feeling na sinusundan kita.”


Tinaasan ko siya ng kilay. “Ang haba ng sinabi mo. As if I care kung kaibiganin mo pa ang lahat ng estudyante dito sa university.” Bubuksan ko na sana ang pintuan ng pigilan niya ko.


“Wait.”


“What?” impatient na tanong ko.


“What are you doing here, Janiyah? Coincidence lang ba na nandito ka sa pupuntahan ko o baka...”


“I’m not following you, okay.” madiing sabi ko. Kapal ng mukha ng unggoy na ‘to!


“Wala naman akong sinabing sinusundan mo ko, ah. Why are you so defensive, Janiyah?” Nakangiti pa ng nakakaloko ang unggoy!


“I’m not defensive. Dyan ka na nga!”


“You’re here because of Warren, right?”


“Alam mo naman pala, ba’t nagtatanong ka pa? And how did you know?”


“Because I’m smart. Ano nga bang gagawin ng isang business ad student sa headquarters ng BartendAlonz? Maliban sa gusto mo lang manggulo sa mga taong nasa loob, si Warren ang isa pang dahilan kung bakit ka pumunta dito. Member ba siya dito, Janiyah?”


“Ang dami mong tanong. Bakit hindi ikaw ang umalam ng sagot sa tanong mo.”


Binuksan ko na ang pintuan at pinagsarhan siya. May mga ilang estudyante sa loob. Hinanap ng mga mata ko ang pakay ko pero hindi ko siya makita. “Where’s Warren?” tanong ko.


Walang naglakas-loob na sumagot.


“Did you hear me?” mataray na tanong ko.


“He’s not here.” sagot ng isang lalaking nakaupo sa gilid ng table.


Naramdaman kong nagbukas uli ang pintuan sa likuran ko.


“Marky!” sabi ng lalaking sumagot sakin kanina.


“Pare!” Nilagpasan ako ni Marky.


“Buti naman, nakarating ka.”


So, siya pala ang tinutukoy ni Marky na bagong kaibigan niya. Kilala ko ang mukha ng lalaki. Pero hindi ko alam ang pangalan niya. Siya ang minsang nakikita kong kasa-kasama ni Janine.


And speaking of Janine. Nakita ko siyang nakaupo sa upuang nasa likod ng table. Humakbang ako palapit sa kaniya. “Member ka pala dito.”


Tumayo siya. “Oo.”


At ang akala ko na masosolo ko si Warren dito sa club na ‘to, hindi pala mangyayari dahil nandito ang epal na ‘to.


“Where’s Warren?” tanong ko.


“Wala siya dito, Janiyah.”


“Anong wala?” Kasasabi lang ng lalaking kinausap ko kahapon na tinanong ni Warren kung kailan ang meeting ng BartendAlonz. Hindi member ng BartendAlonz si Warren. So it means, may balak siyang umantend sa meeting at may balak siyang sumali sa club. At ngayon ‘yon.


“Hindi member ng BartendAlonz si Warren, Janiyah.”


“I know.” I said as I rolled my eyes. “Nasa’n ang payatot na ‘yon?” Hinanap ko ang lalaking kinausap ko kahapon pero hindi ko siya makita. “Looks like I’m just wasting my time here.” Wala naman pala dito si Warren. At kapag nakita ko ang payatot na lalaking nakausap ko kahapon, humanda siya sakin.


“Goodmorning!”


Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nakausap ko kahapon.


“Hey, you skinny!”


Napatingin siya sa gawi ko. Nagulat siya nang makita ako. “J-ja..janiyah...” nauutal niyang sabi.


Humakbang ako palapit sa kaniya. “You lied to me, you little skinny—” Napatigil ako sa litanya ko. Napalitan ng ngiti ang magkasalubong kong kilay nang makita ko ang lalaking kasunod ni payatot. “Warren.”


= = =


( Warren Fernandez’s POV )


“Warren!”


Napalingon ako sa likuran ko. I saw Than. Co-member ni Janine sa BartendAlonz.


“Magpapa-member ka na sa BartendAlonz?” tanong niya nang makalapit siya sakin. Kahapon kasi ng pumunta ako ng headquarters nila, tinanong ko lang kung kailan ang meeting ng BartendAlonz pero hindi ko kinonfirm na magpapa-member ako.


“Yes.” sagot ko.


Pinag-isipan ko ‘yon kagabi. Pagkatapos nang nangyari sa pagitan namin ni Janine nung nakaraang araw, para kaming stranger sa isa’t isa. At dahil magaling siyang magtago, hindi ko siya nahabol. Hindi ko na rin inungkat ang pagtatalo namin. Hinayaan ko muna siya.


Alam kong may kasalanan ako dahil nataasan ko siya ng boses. Oo. Hindi ko hawak ang buhay niya. At hindi dahil sa kontratang nakapagitan saming dalawa kaya ako nainis. Naiinis ako dahil hindi niya sinabi sakin na member siya ng BartendAlonz. Sinabihan ko na siya na sasabihin niya sakin ang mga ginagawa niya. Isang beses ko lang sinabi ‘yon noon at hindi ko na inulit pa.


Pagkatapos nang nangyari one year ago, gusto kong alam ko ang mga ginagawa niya. Gusto kong alam ko kung nasa’n siya. Gusto kong alam ko kung ano bang iniisip niya. Gusto nando’n ako sa oras na kailangan niya ko. Ayoko nang maulit ang nangyari no’n.


Dahil hanggang ngayon, umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang huling sinabi niya sakin nung nakaraang araw.


“Kontratang nabuo dahil wala ka kung kailan kailangan kita.”


Kaya naiinis ako. Mas lalo kong kinaiinisan ang sarili ko.


“Warren.”


Napakurap ako at napatingin kay Than.


“Okay ka lang?” tanong niya.


“Oo naman.”


Nandito na pala kami sa headquarters ng BartendAlonz. Binuksan niya ang pintuan. Nauna siyang pumasok.


“Goodmorning!”


Narinig kong malakas na pagbati ni Than sa loob. Napangiti na lang ako. Hyper siya. Hindi halata sa katawan niya. Payat kasi si Than.


“Hey, you skinny!”


Kumunot ang noo ko. Kilala ko ang boses na ‘yon, ah. Pumasok na rin ako sa loob. Tama nga ako. Boses nga ni Janiyah ang narinig ko. Pahakbang siya palapit kay Than na magkasalubong ang kilay.


“You lied to me, you little skinny—” Napatingin siya sakin. Bigla siyang napangiti. “Warren.”


“Janiyah.” Anong ginagawa niya dito?


Lumapit siya sakin. “Hi, Warren.”


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.


Hindi ko pa siya nasasabihan ng tungkol sa nangyaring away sa pagitan niya at ng tatlong estudyanteng babae nung Lunes. Gusto ko siyang kausapin kahapon nang makita ko siya paglabas ko ng HQ ng BartendAlonz. Kaya lang may pinag-usapan naman kami ng isa kong professor.


“Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” ganting-tanong ni Janiyah.


“Magpapa-member.” Tiningnan ko si Janine. Expected ko nang makikita ko siya dito. Pero hindi ko inexpect na nandito si Janiyah. At halatang nagulat si Janine sa sinabi ko dahil tumalikod agad siya at lumabas sa sliding door papunta sa garden. Tiningnan ko si Janiyah. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”


“Magpapa-member din.” nakangiting sagot niya.


“Pero Janiyah...”


“Bakit? Bawal ba?”


“Hindi naman sa gano’n. Kaya lang...”


“Kaya lang ano?” Nawala ang ngiti niya. “Ayaw mo ba kong nandito?”


Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil may pumasok na naman sa HQ.


“Goodmorning, Sir Julius!”


“Goodmorning!” nakangiting bati ni Sir Julius. Siya ang moderator ng BartendAlonz. “Warren, I’m glad you’re here.” nakangiting sabi niya nang makita ako. Pero nawala rin ang ngiti niya nang mapatingin siya sa katabi ko. Sumeryoso ang mukha niya. “Miss Alonzo.”


“Hi, Sir.” bati ni Janiyah kay Sir Julius.


“You’re here because?”


“I want to join the BartendAlonz, sir.” malakas niyang sabi na narinig ng mga estudyanteng nasa loob ng HQ. Kaniya-kaniyang react tuloy ang mga ito.


“What?”


“Magpapa-member siya?”


“Pero bakit?”


“Wag naman dito.”


“Saka anong alam niya sa bartending?”


“Kung may reklamo kayo, magreklamo kayo sa presidente!” bulyaw ni Janiyah sa kanila.


Napailing ako. “Janiyah.” saway ko sa kaniya.


“Sila naman kasi, eh. Bawal na bang magpa-member ang magandang katulad ko dito? Palibhasa kasi, ang pangit nila.”


“Janiyah.”


She pouted. “Fine.” Humalukipkip siya.


“Newbies, please follow me at the office.” seryosong sabi ni Sir Julius bago humakbang sa office na nasa loob ng HQ.


“Let’s go, Warren.” Hinila na ako ni Janiyah.


“Sumunod ka na, Marky. Mukhang nawala ang mood ni Sir. Puntahan ko lang si Janine.”


Napalingon ako sa taong ‘yon. Si Landis. Ang classmate ni Janine. Nakatalikod na siya at papunta ng garden kung nasa’n si Janine. Kinuyom ko ang kamao ko.


Ang lalaking ‘yon. Ang lalaking nasa tabi ni Janine ng mga panahong wala ako.


= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^